Chapter 58 Josephine’s Pov NAKAUWI ako sa room ko at agad akong humiga sa kama. Hinatid ako ni Kamden at gusto sana niyang pumasok sa room ngunit hindi ako pumayag at tinulak ko siya dahil gusto kong makapagpahinga kahit papano. Nastress talaga ako sa kaibigan ni Ms. Veronica na ako ang inaaway dahil lang sa pag atras ni Kamden sa kasal nila. Hindi ko naman kagustuhan na umatras si Kamden, hindi ko din naman alam na gagawin niya yun. Pinagdarasal ko nalang na sana ay wag ko silang makita ulit upang hindi na maulit pa ang nangyari kanina. Ayaw kong magalit si Madam K dahil sa nag away lang kami. Ayaw ko naman makipag away eh, kaya sana ay hindi na kami magkita pa ng dalawa. Nakaupo lang ako sa kama at nakatitig sa pader. Iniisip ko si Ms. Veronica, parang ayaw maniwala ni Madam K na

