Chapter 72 Josephine’s Pov BALAK kong pumasok ngayong araw sa duty kahit pa nga pinagod ako ni Kamden kagabi. Nawala ang pagod ko dahil unti-unti ko ng nakikita na magkakaroon na kami ng relasyon dalawa. Ang saya ko lalo na’t gusto ni Kamden na mabuo ang pamilya namin. Kahit ako man ay gustong gusto ko din dahil yun din ang pangarap ko para sa anak ko. Kanina lang ay nakausap ko si Keegan sa phone. Maaga kasi kami nagising ni Kamden kaya nagkaroon kami ng chance ng anak ko na magkausap sa phone. Si Kamden naman ay nakikinig sa sinasabi ng anak namin habang nakangiti. Panay kasi ang kwento ni Keegan tungkol do’n sa classmate niyang nangbully sa kanya. Kakabahan na sana ako dahil binubully ang anak ko pero nong sabihin ng anak ko na ginantihan niya ang classmate niya at tinusok niya an

