Chapter 73 Josephine’s Pov NAGPAPAGALING parin si Dan kaya ilang araw na siyang absent sa trabaho. Kami nalang ni Vin ang magkasama kaya todo matyag kami sa paligid. Kapag may nakita kami ni Vin na kahinahinalang tao na kasamahan namin ay pinagsususpityahan agad namin na siya ang masamang tao na alagad ni Esmael. Todo bantay din si Kamden sa ‘kin kaya nilagyan niya na ng security ang mga hotel na naka abang sa ‘kin. Kapag lalabas ako ng hotel at uuwi sa penthouse ay may nakabantay na sa ‘kin hanggang sa makarating ako sa penthouse ni Kamden. Pinag iingat ko din si Vin lalo na’t palagi ko siyang kasama. Ayaw kong mangyari sa kanya ang sinapit ni Dan na halos hindi ko na makausap minsan dahil panay lang ang iyak. Natrauma siya sa nangyari kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko na sisih

