Chapter 96 Josephine’s Pov ILANG araw na akong naguguluhan sa nangyayari sa buhay ko at hindi ko alam kung maniniwala pa ba ako sa mga taong nakapaligid sa ‘kin. Iba ang sinasabi nila at hindi sila makatingin sa mata. Tanging si Veronica lang ang nakakatitig sa ‘kin. Nakalabas na din ako ng kwarto dahil pinayagan ako ng lalaking nagsasabi ng asawa ko daw siya at mahal na mahal daw niya ako. Pinayagan niya akong lumabas ngunit hanggang dito lang ako sa bahay na ‘to. Bawal daw akong lumabas ng gate dahil baka mapahamak ako. Napansin ko din na maraming nagkalat na mga lalaking naka uniporme na itim. Nakasuot ng itim na sunglass at may hawak na malalaking baril. Dito lang umiikot ang mundo ko simula ng magising ako. Wala parin akong nakukuhang matinong sagot mula sa kanila. Pakiramdam

