Chapter 40 Josephine’s Pov PINILIT kong makaalis sa dinner namin ni Kamden. Nagkunwari ako na may gagawin ako kaya nakalusot ako. Hindi naman niya ako pinigilan kaya nakahinga ako ng maluwag. Nagmamadali akong umalis sa mamahaling restaurant at hindi ko siya nilingon pa kahit isang beses. Ayaw kong makita ang malungkot niyang mga mata. Nalulungkot man ako sa sitwasyon namin pero wala na akong magagawa. Ito ang dapat mangyari ang iwasan ko siya at makasal siya sa isang babae na karapat dapat sa kanya. Ayaw ko siyang mapahamak. Naisip ko na kapag nalaman ni Esmael na may asawa na si Kamden ay hindi na niya ito pakikialaman pa. Kaya mas makakabuti kong gawin ko ito. Matagal ko ng tanggap na hindi kami ni Kamden ang para sa isa’t isa. Sa edad pa lang namin ay masyado ng tagilid. Narara

