Chapter 41 Josephine’s Pov HINDI AKO makatulog sa mga nanagyayari sa ‘kin. Pakiramdam ko ay nahihirapan akong huminga sa Isla na ito kahit pa nga presko ang hangin dito. Pero dahil kay Kamden at Ms. Veronica ay hindi ako makahinga ng maayos. Nakatext ko kay bakla at sinabi ko na gusto ko ng umuwi. Pinagalitan niya ako dahil hindi pa nga daw ako nakakaisang buwan ay gusto ko na daw umuwi. Isipin ko daw si Keegan upang makapag ipon ako ng pera. May point naman si bakla kaya hindi ko maisipan na hindi malungkot ang mahirapan sa sitwasyon ko. Naiiyak na lang ako kapag naiisip ko ang sitwasyon ko. Pero sa t’wing naririnig ko ang boses ng anak ko at naaaliw ako sa mga kwento niya sa kalaro niya ay natutuwa na lang ako at nakakalimutan ko ang problema na nasa paligid ko. Sabi ko sa sarili k

