Chapter 112 Josephine’s Pov LUMIPAS ang mga araw at bumubuti na ang kalagayan ko. Maayos na ang kalagayan ko kaya ngayon ay pwede na kaming lumabas ng hospital. Bago kami pinauwi ay sinigurado ng ob gyne ko na okay si baby. Nalaman ko mula kay Kamden na wala na pala talagang mama at papa si Dan. Walang kumuha sa bangkay niya kaya inutusan ko si Kamden na kunin niya at bigyan ng maayos na libing ang kaibigan ko. Binisita din ako ni Vin sa hospital kaya naibigay ko sa kanya ang iniwang sulat ni Dan sa ‘kin. Binasan ko din ang para sa ‘kin. Itinago ko ang papel na iniwan ni Dan dahil yun ang huling alaala niya sa ‘kin. Humingi siya ng tawad sa mga nagawa niya at sinabi niya sa sulat na muntik na niyang makalimutan ang mission na binigay ni Esmael sa kanya dahil natutuwa siya kapag kasam

