Chapter 111 Josephine’s Pov NAGISING ako dahil sa naririnig kong boses. Mahina lang ang pag uusap nila kaya hindi ko masyadong naririnig ‘yon. Agad kong idinilat ang mata ko at nakita ang isang lalaki na nakatalikod sa gawi ko. May kausap siyang babae na naka suot ng puting lab gown. Napansin kong nagpaalam ang babaeng kausap ng lalaki at kaagad na lumabas ng room. Mabilis na humarap sa ‘kin ang lalaki kaya nagtagpo ang tingin namin dalawa. Bumilis ang t***k ng puso ko ng magkasalubong ang titig namin dalawa. Mabilis siyang naglakad papunta sa ‘kin at agad na umupo sa upuan na nasa tabi ng kama. Hinawakan niya ang isa kong kamay at panay ang halik niya sa likod ng palad ko. “Thank God you're safe, mommy Jo.” Sabi niya at mahinang pinipisil ang likod ng palad ko. Napangiti ako at hi

