Chapter 105 Josephine’s Pov GABI NA KAYA kabado na ako at baka ngayon nila gawin ang pinaplano nila. Nasa gilid lang ako nakaupo at hindi ko alam kung anong gagawin ko upang makatakas. Nagulat pa ako ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at pumasok sa loob ang babaeng may dalang tray na may lamang pagkain at isang basong gatas. Palagi nalang gatas ang binibigay nila sa ‘kin. Para bang gusto na nila ay mawala ako. “Pwede bang hindi na muna ako kumain.” Sabi ko sa babae kaya natigil siya sa paglapag ng tray sa kama at lumingon sa ‘kin. “Kapag hindi ka kumain ay ako po ang mananagot, ma’am. Kung kaya ng konsensya mo na may napapahamak dahil sa katigasan ng ulo mo ay wag kang kumain.” Sabi ng babaeng katulong. Para bang pinapakonsensya niya ako. “Sige, kakain na ako.” Saad ko sa

