Chapter 82 Josephine’s Pov NAGPAPAGALING si Vin at Dan sa hospital dito sa Isla. Pinaghahanap ang lalaking nakatakas na tauhan ni Esmael. Sumama na si Kamden sa paghahanap upang mas mapabilis. Pinayagan ako ni madam K na bantayan ang dalawang kaibigan ko. Hindi na muna ako pumasok sa trabaho para naman makabawi ako sa mga kaibigan kong napahamak dahil sa kagagawan ni Esmael. Dapat talaga hindi kami naging kampante ni Kamden. Dapat ay inuna na muna namin ang tauhan ni Esmael. Mas mabuti pala kung inilabas sa isla at pinakulong nalang agad. Ang dapat sa kanya ay hindi kaawaan. Nakakainis lang dahil nadala niya kami sa pagmamakaawa niya kaya kinulong lang dito sa Isla at nag offer pa si Kamden na tutulungan siya upang maging ligtas ang mag ina. Pero yun pala ay may balak pala siya. Tam

