Chapter 83 Josephine’s Pov KAUSAP ko si Kamden sa kabilang linya. Tumawag siya ngayong araw para sabihin na sa susunod na araw pa siya makakabalik sa Isla na pagmamay ari ng kapatid niyang si madam K. Pumayag naman ako dahil ang sabi niya ay binabantayan daw niya ang galaw ni Esmael. Talagang buhay pa talaga ang animal na yun. Masamang damo kasi kaya talagang buhay na buhay pa. Naunawaan ko naman ang sinabi ni Kamden at pinag iingat ko siya at baka may binabalak si Esmael. Miss ko na si Kamden pero alam kong ginagawa niya ito para maging maayos na ang lahat. Patuloy parin kasi ang paghahanap sa lalaking nakapasok dito sa Isla. Maging ang bahay nito sa probinsya ay binabantayan na din ng tauhan ni madam K para mahuli ang lalaking yun at mapagbayaran niya ang ginawa niya kay Dan at Vin.

