Chapter 84 Josephine’s Pov TAPOS NA kumain si Dan kaya naisipan na naming pumunta sa mini hospital dito sa Isla para bisitahin si Vin. Sana nga ay gising na ang binatang yun para naman balik na kami sa dati. Hinintay ko lang si Dan na nagbibihis. Nakahiga lang ako sa kama niya dahil pagod na pagod talaga ako. Gusto ko na ngang sumuko sa pag tra-trabaho pero hindi pwede dahil may anak akong kailangan padalhan. “Ate Jo.. tapos na ako.” Biglang sabi ni Dan kaya napalikwas ako ng bangon at tinignan siya. “Tara na?” tanong ko sa kanya. Tumango naman siya kaya umupo na agad ako at inayos ang buhok kong nagulo dahil sa pagkakahiga ko sa kama. “Sana gising na si Vin. Gusto ko na siyang pasalamatan dahil sa pagligtas niya sa ‘kin.” Dinig kong sabi ni Dan habang naglalakad kami patungo sa

