Chapter 100 Kamden’s Pov MALAKAS kong hinampas ang mesa dahil sa inis na nararamdaman ko. Josephine has been missing for almost two weeks now, but her location still can't be traced. Naiinis na ako at gusto ko ng sakalin ang mga taong ipinadala ng asawa ni Ruby na si Atreus. Wala ang mag asawa dahil nasa Italy at nagbabakasyon kasama ang anak nila. Tumawag ako upang humingi ng tulong kay Atreus at baka sakaling mahanap ang lokasyon ng mommy Jo ko. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin mahanap hanap ang lokasyon niya. Ordinaryong cctv lang ang gamit nila dahil nga sa wala si Atreus kung saan may access para sa malaking satellite na hawak niya. Nakiusap ako kay Ruby na kung maaari ay bumalik na sila sa bansang Pilipinas upang matulungan ako ng asawa niya. Alam ko naman kung sino ang

