Chapter 101 Kamden’s Pov PANAY ang pag iikot ko sa ibang lugar at baka sakaling makita ko si Josephine. Hindi ako pwedeng maghintay lamang sa gilid ng bahay habang hinihintay ang sasabihin ng dalawang lalaki kung nasa’n ang kinaroroonan ng mahal ko. Para kasing wala silang nagagawang tama at pinapaasa lang nila ako na mahahanap agad si Josephine. Hindi ko kayang maghintay ng matagal at baka kung ano na ang nangyari sa mahal ko. Kasama ko si Hunter na siyang nakasakay sa passenger seat. Si Mage at Honeylee naman ay ibang way lugar ang pinuntahan nila. Ang kapatid ko naman ay pinabalik ko na muna sa Isla na pagmamay ari ko dahil may kaguluhan doon. Wala akong oras para harapin ang problema ng Isla dahil mas uunahin kong hanapin si Josephine. “Nakakapagtaka naman ang dalawang pinadala n

