Chapter 102 Kamden’s Pov SINUSUNDAN na ni Hunter si Veronica para makompirma namin kung tama ba ang hinala namin sa babaeng yun. Nakakaduda naman talaga ang bigla niyang pagpapakita sa ‘kin at sumakto pa na nawawala si Josephine. Isa na siya sa suspect ko kaya dapat lang na pasundan ang babaeng yun. Alam ko namang maingat si Hunter. Mana yun kay uncle Honey na magaling din pagdating sa labanan. Kaya alam kong tama ang inutusan ko kahit minsan wala siyang kwenta kausap. Nandito lang ako sa sala at naghihintay ng text ni Hunter. Yung dalawang lalaki na nasa loob ng room ay pinalabas ko na muna at sinabi kong mag breaktime na muna sila dahil wala naman silang nagagawang tama. Ako lang mag isa sa bahay dahil parin nakakabalik ang kapatid ko. Si Honeylee naman ay kakaalis lang din dahi

