Chapter 103 Josephine’s Pov HINDI ko na iniinom ang gatas na tinitimpla ni Veronica sa ‘kin. Hindi niya alam na tinatapon ko sa banyo. Palagi siyang wala dito sa bahay ni Esmael kaya minsan ang nag aasikaso sa ‘kin at yung katulong at ang dalawang lalaki na nakabantay kahit sa terrace lang naman ako pupunta. Nandito siya ngayon at para bang mainit ang ulo niya. Para bang wala siya sa mood dahil kanina pa siya walang imik. Ni hindi siya nagsasalita kaya hindi na din ako nagsalita pa dahil baka madamay ako sa galit niya. Wala naman akong balak mangialam kung anong problema niya sa buhay. Kailangan kong mag ingat sa kanya kaya dapat lang ay hindi kami mag usap. “Did you drink your milk, ma’am Atasha?” Biglang tanong ni Veronica sa ‘kin kaya tumango kaagad ako. “Yes. Naubos ko nga agad

