Chapter 107 Josephine’s Pov TUMATAKBO kami ni Dan sa gubat at minsan ay napapahinto kami sa dahil sa mga sanga na nakaharang. Gustong gusto kong makatakas kaya kahit sumasakit ang tagiliran ko ay binilisan ko parin ang pagtakbo. Nakawak ako sa ibabang tiyan ko upang supportahan at hindi mapano ang baby ko. Dahil ssa pinapainom na gatas ni Veronica sa ‘kin ay hindi ko man lang alam na may baby pala sa loob ng tiyan ko. Kung hindi pa sinabi ni Dan ay hindi ko pa malalaman. Wala kasi akong maramdaman. Nag aalala tuloy ako at baka mapano ang baby na nasa tiyan ko. May pinainom kasing gamot si Veronica sa ‘kin na ayon sa kanya ay makakabuti daw sa paggaling ko. Nakakainis dahil naniwala pa ako sa kanya. Hindi ko naman alam na may masama siyang balak sa ‘kin dahil palagi lang siyang

