Chapter 22 Josephine’s Pov APAT NA araw na akong nakakulong sa bodega. Nakakadena pa rin ang paa ko kaya hindi ako makatakas. Wala akong magawa para matulungan ang sarili ko sa kamay ni Esmael. Nagdadala ng pagkain si Esmael sa ‘kin pero hindi lang doon umaabot ang kasamaan niya dahil tinatapon niya sa harapan ko ang pagkain niyang dala. Gusto niyang kumain ako ng maruming pagkain. Ang lalagyan din ng iniinom kong tubig ay plastic na baso na alam kong galing sa bodega. Luma na ito at puro itim na ang kulay.. Wala akong magawa dahil nagugutom na ako. Mas pipiliin ko pang kainin ang bigay niya kaysa sa tiisin ko ang gutom ko. Hindi ko alam kung kailan niya ako pakakawalan. Kung hindi pa huhupa ang galit niya ay baka matagalan ako dito sa bodega. Wala din ang phone ko. Mabuti na lang

