Chapter 23 Josephine’s Pov NANDITO LANG ako sa bahay ni Esmael at walang ginawa kundi ang pagsilbihan siya. Kapag hindi ko ginawa ang mga utos niya at nagkamali ako ay sinasaktan niya ako. Minsan ay naiisip ko na baka bakla ang lalaking ‘to dahil mahilig manakit ng babae. Nasa kusina ako at naglilinis ng mesa. Tapos na siyang kumain kaya kailangan kong linisan ang pinagkainan niya. Hindi asawa ang papel ko dito sa bahay niya kundi kasambahay. Dapat ay hindi na siya nag asawa pa at naghanap na lang siya ng katulong. Napaka walang kwenta talaga niyang lalaki. Minsan ay gabing-gabi na ako natutulog. Palaging kasi nagdadala ng kaibigan si Esmael dito sa bahay niya at nag iinuman. Minsan ay natatapos ang inuman nila ay 3AM na. Kaya minsan ay lutang ako at hindi ko magawa ang mga dapat ko

