Chapter 2

2250 Words
Kat point of View Nagising ako sa tilaok ng manok iminulat ko ang mata ko madilim ang paligid dahil nakapatay ang ilaw. Naupo ako sa matigas na higaan. Kinapa ko pa ito ng maigi, tumayo ako at isinuot ang tsinelas ko at saka binuksan ang bintana. Sumalubong sa akin ang malamig na hangin.   “Bakit ang dilim pa?” Sabi ko sa sarili ko at hinawakan ang sintido ko. Biinuksan ko ang ilaw imbes na batong dingding ang nakikita ko ngayon ay gawa sa kawayan. Napabuga ako sa hangin ng maalala kong wala nga pala ako sa bahay o sa condo ko.   Kinuha ko ang cellphone ko na malapit ng malowbat, madaming miss calls at text ang natanggap ko na hindi ko na lang pinansin. Alas singko pa lang ng umaga tiningnan ko ang higaan ko na yari din sa kawayan hindi ako gaano nakatulog kagabi at ngayon ay nagising naman ako dahil sa huni ng mga manok.   Kinuha ko ang upuan at saka ako inilagay ang dalawang braso ko sa bintana at saka ko inilapat ang mukha ko doon habang pinagmamasdan ang mangilan-ngilan na bituin sa langit.   Wisik ng tubig ang dumadampi sa aking mukha dahilan ng pagmulat ko.   “What the hell!” Napangat ako ng ulo ng masilayan ko ang isang kalabaw sa may harapan ko.   “Hoy! Bakit diyan ka nagpapaligo niyan!” Sigaw ko sa lalaking nagpapaligo ng kalabaw niya tulad kahapon ay hindi pa din niya ako pinansin.   “Sino ba kasing may sabi na diyan ka sa bintana matulog.” Masungit na sabi ng lalaki.   “Aba at talaga naman. Hoy, lalaki! Nakikita mo na palang may natutulog bakit mo diyan pinapaliguan ang kalabaw mo.” Sigaw ko sa kanya an gaga-aga binubuwiset ako.   Tumayo na lamang ako at lumabas ng kwarto.   “Magandang umaga.” bati sa akin ng matandang babae. Siya ang nakausap ko kahapon kung saan pwedeng umupa ng bahay.   “Good morning po.” sabi ko sa kanya habang papunta sa sala ako ng bahay.   “Magkano po ang ibabayad ko sa upa ng bahay?” sabi ko sa kanya.   “Para sa ganitong klaseng bahay ay sobra na iyon. Kita mo nga at sira sira pa ang ilan sa mga bubong” tinanong niya ako kagabi kung hanggang kailan ako titira at ang sabi ko ay hangga’t gusto kailan ko gusto. “Heto ang sobra sa pera mo.”  Sabay abot niya sa akin ng pera.   “Hindi na ho, sa inyo na ho iyan ipang dagdag nyo sa mga gastusin nyo.” Sabi ko sa kanya at saka ko pinagmasdan ang buong bahay gawa talaga ito sa kawayan. May dalawang palapag at ang kwarto ay nasa taas meron din naman na baba kung saan ako nakatulog kagabi sa sobrang pagod ko.   “Maraming salamat iha, hayaan mo at ipapaayos ko kay Delfin ang mga sira dito.” Ngumiti ako sa kanya.   “Wala po bang ref dito?” Tanong ko sa kanya.   “Wala iha, generator lamang ang gumagana para magka- ilaw dito ang ibang bahay naman ay gumagamit ng mga gasera. At kung gusto mo ng malamig na tubig ay mayroon tapayan diyan.” tumango-tango namana ko sa kanya.   “Generator? Ibig sabihin gumagastos pa kayo para sa kurudo?” Tanong ko sa kanya.   “Oo, ginagamit naming iyon tuwing may okasyon.” ano nga ba magagawa ko  ganoon talaga dito at wala ako sa syudad.   “Sige po ako na ang bahala sa pang gastos para doon.” Sabi ko sa kanya.   “Hindi na, sobra ang perang ibinigay mo. Saka nga pala ang sasakyan mo ay pinahatak ko na sa malapit.” Sabin niya sa akin.   “Talaga po Aling Delia? Maraming salamat po.” At saka ako tumakbo palabas nangangati na ako sa suot kong damit at amoy kalabaw pa ako dahil sa pagsakay ko kahapon.   “Te---“ Hindi ko na hinintay si Aling Delia sa sasabihin niya.   Tumakbo ako palabas para puntahan ang sasakyan ko pero nakakalayo na yata ako ay hindi ko pa nakikita kung saan koi to makikita. Tumigil ako sa isang puno at nagpahinga kanina pa ako lumalakad at napapagod na ako.   “Naliligaw na yata ako.” sabi ko sa sarili ko. Umupo ako sa may trunk ng puno ng may madinig akong kaluskos napatayo ako at biglang lumabas sa may lumabas na dalawang maliit nab aka. Napakapit ako sa puno bigla naman tumingin ang dalawang baka sa akin.   Unti-unti akong humakbang patalikod at ang dalawang baka naman ay palapit din sa akin. Ang hakbang ko ay naging lakad hanggang maging takbo.   “AAAHH!! Hinahabol ako ng baka! Tulong!” Tumakbo lamang ako sa kung saang direksyon at ang dalawang baka ay patuloy pa din akong hinahabaol.   Nakita kong wala ng mga puno ang tatahakin ko. Umikot ako sa puno at talagang ayaw akong tantantanan ng dalawang baka.   “Alis, get away from me!” sigaw ko habang tumatakbo.   Hanggang sa makarating ako sa may mga pilapil at hindi ko alam na putik na pala ang inapakan ko hangang sa hindi na ako makatakbo at madapa na lang sa putik.   Ipinikit ko ang mata ko at hinihintay ang paglapit sa akin ng dalawang baka. Ilang minuto akong nakapikit pero hindi ko naramdaman ang baka na lumapit sa akin. Unti-unti kong binuksan ang mata ko at nakita ko ang dalawang baka na papalayo na.   “Oh my god! Akala ko ay mamamatay na ako” bulong ko sa sarili ko.   Tumatayo ako sa putik but I can’t. I’m stock with this mud. Lumingon ako sa paligid at nakita ko ang lalaking nakasakay sa kalabaw at ang naglilinis ng kalabaw kanina.   “Hey!” sigaw ko sa kanya. Tumingin naman ito sa akin pero parang wala lang ako at saka tumalikod palayo.   “Hey, help me!” Sigaw ko ulit. At ayaw niya talaga ako pansinin kaya ginawa ko kumuha ako ng putik at buong lakas kong ibinato iyon sa kanya. I smile when he stop.   “Lilingon ka din pala bakit kailagan pa kitang batuhin” Sabi ko. I smile when he started walking toward me. He offered his hand and I grab it.   “Tutulungan mo naman pala ako e, dami pang arte.” reklamo ko sa kanya. At dahil doon ay binitawan niya ako ulit dahilan ng pag bagsak ko sa putik at saka naglakad papalayo.   “Tumayo ka mag-isa mo!” sabi niya.   “YAHH!! Lagot ka sakin kapag nakatayo ako dito!” sigaw ko sa kanya na hindi man lang yata nadinig.   “Aissh!! Kainis ang lalaking iyon. Buwiset!!” Pinipilit kong umalis sa putik na ito.   Naglakad ako pabalik sana lang ay hindi ko na maabutan ang   “Eewww ang dumi-dumi ko na ang baho ko pa!” reklamo ko.   Huminga ako ng malalim ng matanaw ko ang bahay na inuupahan ko. Bigla naman lumabas sa kabilang bahay si Aling Delia at naka kunot na tumingin sa akin.   “Hala anong nangyari sa iyo?” sabi niya habang lakad-takbong sinalubong ako.   “Hinabol ako ng maliit na baka.” Nakasimangot kong sabi.   “Sige, maligo ka muna, dadalhan kita ng damit mo para may pang palit ka.” Sabi ni Aling Delia at saka lumakad ulit palayo.   Pumasok ako sa banyo at walang shower tanging drum na malaki at tabo lamang ang nandito. Kahit na ganuon ay nag tiyaga akong maligo sa malamig na tubig. Mabuti na lamang din at kompleto dito may sabon at shampoo kahit na hindi iyon ang gamit ko sa bahay.   Tiningnan ko ang suot kong duster hindi ako komportable pero, okay naman. Iyon lamang daw kasi ang maipapahiram niya na damit ng pamangkin niya. Magpapalit na lamang ako pag nakuha ko ang damit sa sasakyan ko.   Umupo ako sa upuan dito sa sala at sumandal. Wala na ako sa syudad at kailangan kong matutunan ang mga bagay dito sa Baryo kahit mahirap but I will try my best to fit in here.   Nakarinig ako ng katok kaya tumayo ako at saka binuksan iyon.   “Mabuti at nagkasiya sa iyo ang damit ng pamangkin ko” sabi ni Aling Delia.   “Opo, ibabalik ko poi to once na makuha ko ang mga damit ko sa sasakyan” sabi ko sa kanya.   “Alam kong gutom ka na, halika sa bahay nagluto ako.” Ngumiti ako ng malaman tamang-tama dahil gutom na talaga ako.   Hindi na ako nagpa tumpik-tumpik pa dahil gutom na gutom na talaga ako kaya sumama na ako kay Aling Delia na nasa kabilang bahay lamang.   Ang kasama ni Aling Delia ay ang kanyang mga apo na maliliit pa ang at pamangkin niyang dalaga pa. Napangiwi ako sa nadatnan ko naka salampak sila sa sahig na parang nag pipiknik lang.   “Halika maupo ka, sira pa ang lamesa bumagsak dahil sa anay hindi pa naayos ng pamangkin kong lalaki.Pagpasensyahan mo na.” “Iyong lamesa naming nandun sa bahay mo ngayon ate, dinala ni Nana”   “Huwag mong pansinin iyan bata nay an. Ito ang plato kumuha ka na ng kanin” Iniabot sa akin ni Aling Delia ang plato na babasahin tiningnan ko naman ang gamit nila puro stainless na plato at baso.   “Ano pang ginagawa mo ito ang kainin at ulam. Alam kong hindi ka kumakain ng tuyo kaya ipinag prito kita ng itlog. Mamaya pupunta ako diyan sa talipapa o kapag dumating pamangkin ko sa bayan ako magpapahatid ”   Nakiupo ako at kumuha ng kanin at saka pritong itlong. Tiningnan ko naman sila na parang sarap na sarap sa pagkain ng nakakamay. Tumingin sa akin si Aling Delia   “Pasensya ka na, nakalimutan ko ang kutsara at tinidor.” sabi niya at saka tumayo at pagbalik niya ay dala niya ang kutsara at tinidor.   “Maraming salamat po.”Sabi ko at saka kumain na. Kahit medyo nakakailang ang pagkain nila using their hands pero sarap na sarap sila sa pagkain.   Napansin kong patingin-tingin ang isang batang lalaki sa ulam ko.   “Ito oh sa iyo na.” tumingin ang bata sa akin na parang nag aalangan kaya ngumitia ako sa kanya.   “Ang bait pala ni ate  ganda.”  Ngumiti naman ako sa kanila dahil ang isang itlog na natira ko ay pinaghatian pa nilang tatlong magkakapatid.   Nang matapos kaming kumain ay kanya-kanya ng ligpit ang mga bata. Nakaktuwa na sa edad nila ay may alam na sila kung ano ang mga dapat gawin para makapag contribute ng gawain sa bahay nila.   “Maraming salamat po Aling Delia.” sabi ko kay Aling Delia.   “Ate ganda, ate ganda ano daw po ba ang pangalan nyo sabi ni Bochog.” Sabin g isang batang babae sa akin.   “Ka- - - ahm Rina, Rina ang pangalan ko.” nakangiti kong sabi sa bata na kung hindi ako nagkakamali ay Nena ang pangalan niya.   “Salamat, ate ganda.” sabi ni at saka nagtatakbo papunta sa kanyang kapatid na nagtatago sa may likod ng pintuan.   “Pagpasensyahan mo na ang mga kakulitan ng mga batang iyan.” Ngumiti ako kay Aling Delia.   “Ayos lang po iyon sa akin saka po pala saan po ba nakaparada ang sasakyan ko?”  tanong ko sa kanya.   “Ah teka papasamahan kita kay Gabby.” sabi niya sa akin “Gabby, samahan mo si ate Rina mo sa may manggahan nandoon ang sasakyan niya.” Sabi nito sa dalagang nakaupo sa sala.   “Sige po tiyang” sagot ni Gabby habang naglakad kami ni Gabby papunta sa sasakyan ko ay tahimik lamang ang dalaga.   “Ilang taon ka na Gabby” tanong ko sa kanya.   “Katorse po” sagot niya.   “Katorse?” Nakakunot kong sabi at tumingin naman siya sa akin.   “Fourteen po” Nakangiting sabi niya.   “Ahh, sorry” hinging  paumanhin ko dahil hindi ko minsan naiintindihan ang kanilang mga salita.   “Okay, lang ate. Siguro sobrang yaman mo bakit ka napunta dito?” Sa totoo lang matapos kong malaman na ampon ako ay hindi ko na alam kung nasaan ba ako ngayon.   “Mayaman? Hindi ko alam kung totoong mayaman nga ako.” Sagot ko. Hindi ko masasabing mayaman nga ako dahil hindi naman ako tunay na anak kahit pa sabihin na legal ang pag ampon nila sa akin.   “Ang ganda ng sasakyan mo ate”  sabi niya ng matanawan ko ang akin airbox squeezes 232bh model.   “Luma na iyan” sabi ko sa kanya tumakbo naman itong papunta doon sa sasakyan ko at hinawakan.   Binuksan ko ang kotse ko at tuwang tuwa siyang nakatingin.   “Pwede kang pumasok kung gusto mo” sagot ko habang inaayos ko ang mga gamit ko lalo na ang   “Talaga po ate” tanong niya sa akin.   “Oo nga.” Sabi ko.   “Salamat ate, wow ngayon lamang ako nakasakay sa kotse!” Masayang sabi niya sa akin.   Nag stay lang kami ng ilang minuto doon sa sasakyan ko bago naming napag pasyahan na bumalik. Dala ang isang bag ko na may lamang damit ko.   Pagpasok ko sa loob at dahil tamad pa akong umakyat ay itong kwarto na lang na ginamit ko kagabi ang gagamitin ko.   “AHHHH!!!!!!!!. Anong ginagawa mo dito! Manyak!!!” sigaw ko. Ang lalaki na nagpasakay sa akin sa kalabaw at ang lalaking nagpaligo ng kalabaw kanina ay nandito at nakahubad ang kanyang pang itaas.   “Tulong!!!” sigaw ko.   “Hoy anong sinasabi mong manyak!” sabi niya.   “Ikaw manyak ka bakit ka nandito? May balak ka sa akin noh?” Sabi ko sa kanya.   “Ano bang nangyayari Rina.” Tiningnan ko si Aling Delia na humahangos na pumapasok sa loob ng bahay.   “Itong lalaki na ito pumasok dito sa loob ng bahay.” sabi k okay Aling Delia. At saka ngumiwi.     “Akala ko naman kung ano, pasensya ka na hindi ko kasi nasabi sa iyo kagabi na dito din siya nakatira.” Napanganga ako sa sinabi ni Aling Delia.   “Ibig sabihin makakasama ko siya dito sa bahay?” tanong ko kay Aling Delia.   “Wala kasing ibang titirhan si Delfin siya ang tumutuloy dito bago ka pa dumating Rina” tiningnan ko naman ang lalaking parang balewala lang.   “Ganun po ba” nanlulumong sabi ko.   Umalis na si Aling Delia at naiwan kaming dalawa dito.   “Kung wala kang ibang sasabihin ay matutulog na ako.”sabi niya sa akin.   “Iyon ang kwarto mo?” tanong ko sa kanya.   “Oo at doon ka natulog kagabi kaya dito ako sa sala natulog” Napanganga ako sa sinabi niya sa pagod ko ba ay hindi ko man lang naramdaman iyon?   “Sige diyan ka at ako sa taas. Bawal umakyat doon tandaan mo iyan.” Sabi ko sa kanya at nakita ko naman na tumayo siya.   “At aalisan mo ako ng hindi man lang sumasagot?” tanong ko sa kanya.   “Wala akong pakielaman.” Sagot niya at saka siya pumasok sa loob ng kwarto niya at sinarado.     “Aish, ang lalaking iyon, hindi ba tinuruan na sumagot ng tama.” Pinaikot ko ang mata ko at saka ko kinuha ang mga gamit ko at iniakyat sa kwarto ko.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD