~Cyrus De Silva~ “Cy, may nanliligaw na sa'kin at sasagutin ko na siya. Sooner or later, dito ko na siya ititira. Hindi ko alam kung ano ang irereact ko sa sinabi ni ninang. Napakasakit naman malaman na may nanliligaw na sa kanya. “Ilang araw pa lang nang may nangyari sa’tin… then all of a sudden, may nanliligaw na agad sa’yo… after five years?” sarkastikong sabi ko. Gets naman niya kung anong ibig kong sabihin. Hindi ba masyadong coincidence. “So, what are you trying to say? Nagsisinungaling lang ako? Gawa-gawa lang ang sinabi ko? Imaginary manliligaw?” “May sinabi ba ‘kong ganyan?” seryoso kong tanong. Halata naman kasi na tensyonado siya. Hindi siya confident sa sinabi niya parang … gawa gawa nga lang. Napa-irap siya. kahit na pagod at gusto na lang niyang matulog sa sofa ay pi

