~Cyrus De Silva~ “Ah alam ko na Gar! Tama. Baka uubra ‘to.” Masayang sabi ni Josh. Ano kayang naisip niya? Sana naman ay hindi kalokohan yan kasi sasapakin ko na mukha ng katabi niya. “Bakit hindi ka na lang mag call center agent? Tutal kahit wala kang tulugan kaya mo yan. part time lang naman. May four-hour shift para talaga sa mga working student. Ano G?” Napa-iisip ako. Pwede naman siguro, magaling naman ako mag-English. Fil-Am ako eh. Saka kung puyatan lang naman ay kayang-kaya. Saka ang laki ng sahod. Iyon nga lang, wala pa kong working experience, mahiyain ako. Wala akong alam sa customer service o sa sales. Hindi ko naman pinagbuti ang pag-aaral ko. Pinasang awang-awa lang ako ng mga teachers ko. Awa na lang talaga ang bumubuhay sa akin. “Sige subukan ko. May alam ka ba kung

