Chapter 12

1027 Words
~Cyrus De Silva~ Nang pinatawag ako ni Ms. Rama sa faculty room, hindi naman ako kinabahan. Sadyang pagod, puyat, at gutom lang ako. Mabait naman si Ms. Rama, in fact, apat na taon lang ang tanda niya sa akin pero mas mukha pa siyang mas bata. Para nga siyang baby doll sa sobrang cute niya. Kaya paano naman ako matatakot at kakabahan sa kanya? Siya ang pinaka maganda sa lahat ng teachers sa school, sabi nila. Sadyang hindi lang siya biniyayaan ng height, five-two lang siya kaya ang suot niya laging sapatos ay pinakamababa na ang 3-inches. I stand 5’9 kaya nakatingala siya sa akin. Pero kahit maliit lang si Ms. Rama, siya ay small but terrible. Sa edad na twenty ay nakapagtapos na siya ng Magna c*m Laude, at naging teacher agad pagkatapos grumaduate. Tapos kumuha ng Masteral. Bukod pa don ay anak siya ni congressman. Hindi siya nepo baby. Sobrang low-key niya lang pero big time pala. Kaya ganun na lang siya ginagalang sa school kahit na siya ay punggok. Ako nga lang yata ang umubos ng pasensya niya. Gusto niya lahat ng estudyante niya ay makapasa dahil naniniwala siyang repleksyon niya ang kanyang advisory class. Kaya kung may isa mang bumagsak, ito ay kasalanan niya. “Ms. Rama. You're such a wonderful teacher so as a lovely human being, don't be too hard on yourself dahil lang sa isang patapong estudyanteng gaya ko. I'm not worthy of your wrinkles, really,” ito ang sabi ko sa kanya noong ikalawang cutting class ko sa klase niya. Pero lalo ko siyang nirespeto nang hindi niya ako sinukuan. Hanggang ngayon na second chance ko na sa kanya eh pinagtyatyagaan pa rin niya ako. Pero parang iba na ang trip ni Ms. Rama. Bakit kaya sa bahay niya ako pinapapunta. Kinakabahan tuloy ako. Kaya habang nagla-lunch kami ni Josh, napansin niya na tahimik at balisa ako. Hindi ko malunok ng husto ang kinakain ko. “Ok ka lang Gar?” tanong niya na may halong pag aalala. Ang sweet naman ni Josh. “Gar, secret lang natin to ha,” mahinang sabi ko halos pabulong at nilapit niya ang tenga niya para marinig niya. “Diba bahay to ni Ms. Rama? Di ba siya lang nakatira mag-isa sa bahay niya?” Pinakita ko ang papel na inabot ni Mam sakin. At kinumpirma ni Josh na bahay nga yun ni Ms. Rama. “Pinapapunta niya ako dun sa Sabado bago magtanghali.” Nanlaki ang mga mata ni Josh, “truthfully ba?” tanong niya. Bakla ampota, truthfully pang nalalaman. Kung wala lang siyang ex na babae, pagkakamalan kong bading din tong best friend ko. Pero mas babaero pa kaysa sa'kin tong ungas na to. papalit palit ng girlfriend at marami ng karanasan sa s*x. Siya ang definition ng womanizer. Hindi naman siya sobrang gwapo, hindi rin naman pangit. malakas lang ang appeal at ang apog. mataas ang kumpyansa sa sarili kaya maraming nalolokong chicka. Bad influence siya talaga sa buhay ko pero siya rin naman ang kadalasang sumasaway sa akin na parang mabuti kong konsensya. Kaya ang mga bagay na ganito ay sa kanya ko tinatanong. Ang hindi ko lang kayang sabihin sa kanya ay ang tungkol sa amin ni Via. Masyadong complicated. “Magseryoso ka nga, Josh. Oo nga, sabi niya kailangan na namin mag heart to heart talk kasi nga di ba nahuli niya kong natutulog ng malala.” “Oo nga Gar. Ang lala ng ginawa mo. Kung ako tinulugan mo sa klase, muntik ka pa ngang maging viral kung may nag video lang sana sa'yo. Kasi halos mahulog ka na sa upuan, sapak ka talaga sa'kin kung ako teacher mo.” “Hindi naman kasi yung pagalit ang inaalala ko eh…” “Ah oo. Gets gets gets ko na gar. Kung tatanungin mo ko kung tutuloy ka ba?” Tumango ako, galing talaga ni Josh. “Naku, gar. Alam mo matagal ko na napapansin to ha. Hindi lang ako malisyoso at alam mo na, mataas respect ko kay Mam Rama pero matagal ko ng napapansin na may gusto yata yan sayo. Lalo na ngayon at sinabi mo yan.” “So, atras ba?” seryosong tanong ko. “Gagi! Pagkakataon mo na yan! Pare si Ms. Rama na yan, ang pinaka chika babes na teacher dito. Tapos na ang problema mo.” Napahingang malalim na lang ako. Mukhang wala kong mapapala ngayon kay Josh. Dumating ang Sabado, kahit na antok na antok pa ako ay bumangon na ako ng alas nuwebe. Sabado kaya nasa bahay lang si Via. Himala yata at malambing siya sa akin ngayon. Naka hain na ang almusal namin. “Ten o’clock na, ninang, bakit hindi ka pa nag be-breakfast?” “Hinihintay kita.” Nagulat naman ako. Pero nagtatampo pa ako kaya dapat suyuin niya ako kaya hindi ko siya pinansin. Kumain lang ako ng tahimik at umalis na. Hindi ako nagpa alam sa kanya. Wala na rin naman siyang pakialam kung saan ako nagpupunta. O sadyang pagod at sawa na siya sa kakasermon sa'kin. Yeah, I’ll give her a break. Paglabas ko ng bakuran, tumingin ako sa wristwatch ko at nakitang mag eleven na. Binuksan ko na ang cellphone ko at waze app dahil hindi ko kabisado ang lugar ni Ms. Rama. Gusto ko sanang mag book na lang ng grab pero may motor naman ako na gift ni ninang. Pag dating ko sa pinned location ay pinapasok agad ako ng guard. Pinakita ko lang yung card na binigay ni Ms, Rama. Madali lang naman mahanap ang numero ng bahay niya dahil organized ang address ng mga bahay doon. Nasa dulo ang bahay niya. Hininto ko na ang motor sa bahay na puti. Simple lang, up and down, isang slot ng kotse sa garahe at isang balcony pero malawak na garden. Malaki para sa isang single na titira. Eksakto ako sa oras. So, baka naman hindi na mainit ang ulo ni mam sakin dahil hindi ko siya pinaghintay. Nag doorbell na ako at nagulat ako sa aking nakita nang bumukas ang pinto. Tumagaktak ang pawis ko at parang tumalon ang puso ko sa kaba. ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD