Chapter 10

2575 Words
Dinala siya ni Johnny sa isang high class na restaurant, VIP pa. Nakahain na ang mga pagkain pero hindi pa nila ginagalaw hinihintay niya itong sabihin ang problema, ngunit naghintay lang siya sa wala dahil kahit ang lalaki ay parang hinihintay rin na magsalita siya. Tumikhim muna siya bago binasag katahimikan. “Ano ba iyong pinoproblema mo?” Hindi ito sumagot sa halip ay nagtanong. “Ilang taon mo na ba akong sinusuyo Anabel?” “Sobra ng isang dekada. Bakit?” Balik tanong niya, nagtataka siya. “Ano bang nais mong kahihinatnan ng pansusuyo mo sa akin?” Hindi na naman nito sinagot ang tanong niya at nagtanong pa ng panibago. Nagtataka na siya at kinakabahan sa takbo ng usapan nila lalo na at napakaseryoso ni Johnny. “Siyempre ang makuha ang matamis mong oo..” “Bakit hindi mo ngayon itanong para malaman mo ang sagot ko?” Napakaseryoso talaga nito at kinakabahan siya idagdag pang titig na titig ito sa kanya. Tensiyonadong tensiyonado na talaga siya. Hindi agad siya nakasagot kung paano na nga iyong tamang itatanong. “ pwede ba kitang maging nobyo Johnny Agbayani?” “Ano ba kasing totoong nararamdaman mo sa akin Anabel?” Tanong na naman nito. “Teka ginugoodtime mo ba ako Johnny? Kanina kung magtanong ka sinasagot ko, kapag ako naman itong nagtatanong hindi mo sinasagot at magtatanong ka na naman ng panibago tapos ngayon sinabi mong itanong ko kung gusto mong maging nobyo ko pero hindi mo naman sinagot sa halip ay nagtanong ka na naman ng ibang tanong.. Ano ba talaga ha Johnny?” Naiinis na tanong niya. Nabawasan ang tensiyon niya at nabahiran ng inis. Sa pagkakataong iyon naiinis rin ang nakalahad sa mukha nito. “Sagutin mo na lang kasi ang mga tanong ko muna.” “OK fine.. Nais Kong maging nobyo ka dahil gustong-gusto talaga kita. Napatunayan ko na sa iyo iyan, wala akong ibang taong pinaglaan ng ganitong pagtingin kundi ikaw lamang. Wala akong ibang taong binigyan ng bulaklak kundi ikaw lamang.” Puno ng emosyon na pahayag niya. “Ngayon sagutin mo ako may nararamdaman ka rin ba sa akin Johnny?” Nakatingin rin ito sa kanya ng may sari-saring emosiyon sa mukha. “Oo may nararamdaman ako sayo pero hindi kagaya ng nararamdaman mo sa akin.. Hindi kita gusto… Mahal kita, mahal na mahal kita Anabel.. Ito ang mga salitang gustong-gusto kong marinig mula sayo bago ko sabihin rin ang feeling ko sayo pero nagdaan na ang napakaraming taon pero wala ka pa rin sinasambit, tapos kahapon lang kinwento sa akin ng kuya mong marami kang manliligaw. Tapos ang malala ay mga kapitbahay niyo lang ang tatlong masugid mong manliligaw. Sina Budad, Jake, at Jeremy. Alam mo bang doon ko lang narealize na napakagago ko at duwag dahil ako na nga ang lalaki pero ikaw pa ang hinihintay kong umamin samantalang ikaw na itong sumusuyo. Napagtanto kong sa kahihintay ay baka matangay ka na ng iba at walang sisihin kundi ako..” Tumigil muna ito at Uminom ng tubig dahil nababasag na ang boses dahil sa emosyon. Siya naman ay pilit na pinipigil ang luhang kanina pa gustong umalpas, nakangiti siya dahil sa saya pero ang mata niya ay gustong umiyak, ganito siguro ang sinasabi nilang tears of joy. “Mahal na kita matagal na matagal na alam mo ba iyon? Noong highschool pa. Oo galit na galit ako sayo ng unang araw mo akong bigyan ng bulaklak pero kinagabihan ay di ka na mawala sa isipan ko. Kaya kinabukasan hinintay kita at ng bigyan mo akong muli ay nagkunwari akong galit alam mo yun yung nagkukunwari kang ayaw mo pero sa loob mo ay gustong-gusto mo pala? Yun ang nangyari sa akin hindi ko maintindihan ang sarili ko noon, akala ko lalaki ang gusto ko pero dumating ka at binago iyon,nagustuhan kita at ng lumaon ay hindi ko namamalayan na mahal na kita.. Ngayon Anabel tapatin mo nga ako.. Mahal mo rin ba ako? “ madamdamin na tanong nito. “Oh Johnny.. Hindi mo alam kung gaano kita kamahal. Gusto ang ginagamit kong salita dahil baka matakot ka sa akin kung sinabi kong mahal kita, hindi ko alam kung nag-aalala akong baka iwasan mo ako o dahil naduduwag ako.. Parehas pala tayong duwag..” Natawa siya sa huling sinabi. “At hindi ko alam kung magpapasalamat ako kay kuya sa kasinungalingan niya o maiinis.” “Anong ibig mong sabihin?” Tanong nito. “Hindi totoong marami akong manliligaw. Sina kuya Budad, kuya Jake,at kuya Jeremy ay matagal ng panahon nang sinubukan ng mga itong manligaw pero binasted ko rin agad-agad wala akong maramdaman sa kanila eh.” Natatawa pa rin sabi niya. “s**t. Napaniwala ako ng kuya mo anabel. Natakot pa ako..” Nangingiting sabi nito. “Ayos lang iyon dahil nabigyan ako ng lakas na magtapat sayo.” “Kaya ka ba bigla na lang naging tahimik nun?” Tanong niya. Sasagot na sana ito pero dinagdagan niya ang tanong. “Bakit sa maraming pagkakataon ay parang bigla-bigla ka na lang nagtatampo sa di ko alam na dahilan tapos nagbabati tayong hindi mo sinasabi sa akin iyon?” “Manhid ka ba Anabel o sadyang hindi mo maintindihan?” Umiwas ito ng tingin. “Nagseselos ako sa maraming pagkakataong iyon tapos hindi rin kita matitiis kaya nag-uusap tayo na para bang di kita iniwasan. Akala ko ba kilala mo na ako?” Sabi nito na para bang nahihiya. Tumawa siya ng malakas dahil sa sayang naramdaman. “Seloso ka pala Johnny pati ba iyong secretary mo pinagseselosan mo?” Nakangiting tanong niya. Tumango ito. Kumain na tayo Anabel. Dahil magkaharap sila sa mesa ay lumipat siya sa tabi ni Johnny , hinaplos muna niya ang dibdib nitong natatakpan ng kasuotan bago tuluyang umupo. Nangingiti lang ito sa inakto niya. “So tayo na?” Malapad ang ngiting tanong niya. Tiningnan siya nito ng matabang . “Anabel sampung minuto na ang lumipas mula ng maging tayo” “Ganun.. Dalhin mo ako sa bahay mo mamaya, gusto kong makita ang loob” “Gladly..” Sagot nito.. Palabas na sila kaya kumapit siya sa braso nito. Hinayaan naman siya nito . “Alam mo bang matagal ko ng gustong gawin ito” Kwento niya dito. Inihilig pa niya ang ulo sa braso nito. Malapit na sila sa kotse ng lalaki. Sumulyap muna sa kanya bago sumagot” Malaya kang gawin iyan ngayon.” Binuksan nito ang pintuan ng passenger seat. “Get in my lady.” Parang Butler na sabi nito. “Hmmn .. Acting gentleman?” Natatawang sabi niya. Ngisi lang ang naging tugon nito. Tahimik ang biyahe nila. Makalipas lang ang labinlimang minuto ay Pumasok sila sa isang napakalaking tarangkahan kahit madilim na ay nabasa niya ang nakasulat sa tuktok ng gate. “Welcome to Ulima village?” Malakas na basa niya. “Si Mr. Mario Sinum ang may-ari ng village na ito. Pinatayo lang ito five years ago.” Kwento nito. “Wow , ngayon ko lang narinig ang pangalan na iyan, Hindi siya famous noh?” Turan niya. Natawa ito sa sinabi niya. “Sa business world famous siya pero sa mga katulad mong walang pakialam sa negosyo ay hindi.” “Ang sakit mo namang magsalita siyempre wala akong alam Jan dahil wala naman akong sariling negosyo. Siguro kilala siya ni tatay business man rin iyon eh.” “Talagang kilala ng tatay mo si Mr. Mario Sinum at ganun rin ito sa tatay mo.” “Sabi na nga ba eh. Paano niya naman nakilala ang ama ko?” Nagtatakang tanong niya. “Hindi mo ba alam na sa bawat selebrasyong kailangan ng mga bulaklak at karamihan sa tatay mo sila kumokontak ? Isa na doon si Mr. Mario Sinum. Baka naman di mo pa alam na ginagawa ring pabango ang mga bulaklak?” Napatango-tango na lang siya. “Anong gagawin natin dito?” Maya-maya at tanong niya. “Narito ang bahay ko.” Simpleng sagot nito. “Bumukod ka na ? Kahit wala ka pang asawa?” Manghang tanong niya. Hindi ko na pala magagamit ang ipon kong ipapatayo sana ng bahay namin…. Nakabili na pala ito.. Sabi niya sa loob niya. “Nandito na tayo” pumasok sila sa isang maliit na gate na nakabukas, kumunot ang noo niya. “Bakit nakabukas ang gate?” “Tiwala kaming lahat na nakatira dito na walang mananakawan sa aming lahat. Mahigpit ang security dito atsaka hindi yun nakabukas talagang open iyon.” Pinalibot agad niya ang tingin sa loob ng bahay nito ng mabuksan na ang ilaw. Napaka-aliwalas nito. Dumiritso siya sa pang isahang sofang nakita, “ang lambot anong brand ito?yung amin kasi hindi ganito kalambot. Pwede akong matulog dito.” Nag-angat siya ng tingin kasi nasa mismong harap niya ito. Halos magkadikit ang tuhod nilang dalawa. Dahan-dahan nitong iniluhod ang isang tuhod pagkatapos ay may kinuha sa bulsa isa itong kahita. Siya naman ay hindi alam ang magiging kilos, halos alam na niya ang susunod na mangyari , napapanood kasi niya ito sa teleserye. Binuksan nito kahita at tumambad sa kanya ang napakagandang kumikinang na singsing, “Nais kitang kitang pakasalan Anabel, pumapayag ka ba?” Tanong nito. Nakatingin lang siya dito maya-maya ay sumagot. “NO.” Nanlaki naman ang mata ni Johnny sa sagot niya. “A-no? Ba-ki-t?” Nauutal na sabi , gumuhit rin ang sakit sa mukha nito. Sa halip na sumagot ay inagaw niya mula sa kamay nitong nanginginig ang kahita. Ipinasok niya sa bag na nasa kandungan niya ang kahita at kinuha rin mula sa loob ng bag ang isa pang kahita na lagi niyang dala. Binili niya ito tatlong taon na ang nakalilipas. Hindi pa rin gumagalaw sa pwesto niya si Johnny. Mabilis niyang binuksan ang kahita at pinakita dito ang laman. “Will you marry me Johnny Agbayani?” Nangingiting tanong niya. “Ha?” Yun lang ang naisagot ni johnny sa pagkabigla. “Huling tanong na ito Johnny. Will you marry me honey..?” “Bakit? I mean YES pakakasalan kita pero bakit No ang sagot mo kanina?” Nagtatakang tanong nito sa pamamagitan ng sayang nadarama na pumalit sa sakit na naramdaman nito ilang sandali lang and nakalipas. Isinuot na niya ang singsing sa daliri ni Johnny bago ang sa kanya. “Kasi wala kang karapatang magpropose , ako ang nanligaw remember? “ nangingiting paliwanag niya. “Ganun.. Eh bakit ganito and pwesto natin, ako ang nakaluhod at ikaw nakaupo?” Malapad ang ngiting question nito. “Syempre lalaki ka.. Wedding ring natin yung singsing mo , engagement ring naman natin itong akin.” “Okay walang problema.. “ tumayo na ito at sumiksik sa sofang inuupuan niya nang hindi talaga kasya ay basta na lang siyang binuhat patungo sa kandungan nito. Wala namang kaso sa kanya yun, sumiksik pa siya lalo. “Teka bakit ka nga pala nagpropose agad e two hours ago pa lang naging tayo..” “Wala lang.. Gusto mo pakasal na tayo ngayon din , sibil nga lang.. Ninong ko ang kapitbahay natin ditong mayor sa atin eh.” Johnny Sandali siyang nag-isip. “Oo nga . bakit hindi. Si mayor Joseph ‘kosep’ Monot?” “Oo.” “Bakit sa bahay ba nila may mga marriage contract? Mga ganun?” Curious na tanong niya. “Oo, may mga bigla-bigla kasing sumusulpot sa bahay nilang nais maikasal at minsan nga mga disoras pa ng gabi. “ paliwanag nito. Umalis siya sa kandungan nito saka hinila ito sa kamay patayo. “Halika na , pakasal na tayo.” Naglakad sila papunta sa bahay ng mayor , dalawang bahay lang pala ang pagitan ng Kay Johnny at Kay mayor kosep. Walang aso ang mga ito kaya sa mismong pintuan ng bahay o MA’s magandang sabihing mansyon sila dumiritso at kumatok. Maya-maya lang ay pinagbuksan sila ng asawa ng Mayor, si Mrs Auring Monot. Bumati sila dito. “Ikaw pala Johnny sino itong kasama mong magandang dalaga? Halikayo, pumasok kayo” magiliw na paanyaya nito “Si Anabel po ninang.. Si ninong po?” “Nasa balkon sila ng kaibigan nitong si Mario Sinum.” Sagot ng ginang. “Maupo muna kayo sa salas. Tatawagin ko lang sila. Ano nga pala ang gusto niyong maiinum? Dederetso ako sa kusina kasi pag natawag ko na sila.” “Kahit ano po” sagot ni Anabel. Umalis na ang ginang. “Madalas ka ba dito?” Ani Anabel. “Occasionally.” Sagot ni Johnny. Kumandong siya Kay Johnny. “Pwede bang halikan kita?” Tanong niya at ipinalibot ang kamay sa batok nito. Hindi na niya hinintay na sumagot ang lalaki. Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha sa mukha nito pero bago pa maglapat ang mga labi nila ay may sunod-sunod na tumikhim. Paglingon nila ay sina Mayor kosep at Mario Sinum ang nakita nila. Dali-daling umalis sa hita niJohnny si Anabel. Tumayo silang dalawa. “Magandang gabi po sa inyo” bati ni Anabel sa dalawang matanda. “Magandang gabi po sa inyo ninong at sa iyo rin po Tito Mario Sinum.” Si Johnny. “Magandang gabi rin” sabay na sabi ng dalawang matanda. Nakaupo na ang dalawang matanda bago sila nagtanong sa kanila. “Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?” Deretsong sabi nito. Nagkatinginan muna sila bago sumagot pero nagsalita si Mr Mario. “Baka Hindi pwedeng marinig ng ibang tao ang sasabihin niyo hijo ,aalis na ako” akmang tatayo ito ng pigilan ni Johnny. “Nais po naming magpakasal ngayon at kukunin sana namin kayong ninong sa kasal pwede po ba?” Nanlaki ang mata ng dalawang matanda. “Seryoso na ba iyan Johnny? “ Alan ng mga itong matagal na panahon ng nagbago ang lalaki , na Hindi talaga ito bakla pero wala pa itong niligawan ni isang babae kaya nakakagulat talaga . “Opo, ito po si Anabel ang nobya ko at hangad naming makasal ngayon.” Nakangiting turan ni Johnny. Tumungo na sila sa library room ng naubos na nila ang kapeng dinala ni Mrs Monot mula kusina. Madali lang ang naging seremonya ng kasal dahil pumirma lang sila Hindi na sila bumitaw ng kanilang vow dahil ikakasal naman muli sila. Kay lapad-lapad ng ngiti nila pagkatapos ng pirmahan at isinilid na ang marriage contract sa suit case nito. “Aasikasuhin ko agad to bukas..” Turan nito. “Maraming Salamat po sa ikalawang kasal namin kayo parin ang isa tatayong ninong at ninang” Magkahawak kamay silang umuwi sa malaking bahay ni Johnny. “Hindi ako makapaniwala na asawa na kita ngayon. Kaninang alas syete jowa lang tayo tapos kanina namang alas nwebe engaged na tayo tapos ngayon asawa na kita.. Diyos ko sana Hindi panaginip ito..” Pinisil ni Johnny ang palad niyang kahawak kamay nitto . “Hindi ito panaginip mahal..” Nangingiting sabi nito. “Mahal” ulit niya sa ginamit ng asawang endearment. Napakasarap sa pandinig niya. “Ang laki pala ng bahay mo may second floor pa” sabi niya ng nakapasok na sila. “Hindi ko na lang bahay ito ngayon , bahay natin mag-asawa NA tayo ngayon.” Sagot nito na MA’s lalong nagpalapad sa ngiti niya. “Dito ako matutulog ngayon ah?” Tanong niya. “Kahit wag ka ng umuwi honeymoon natin ngayon” nanlaki naman ang mata niya.. Oo nga noh? Hindi ko naisip yun ah.. Ehh! Excited na ako.. Kinilig siya sa naisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD