Chapter 11- end

2880 Words
Nagulat na lang siya ng maramdamang hila-hila siya ni Johnny. NASA second floor na sila. “Saan mo ako dadalhin?” Natatarantang tanong niya. Tumigil na ito ng makapasok sila sa isang kwarto bago sumagot. “Ito ang kwarto natin magmula ngayon.. Mauna na akong maligo” pumasok na ito sa isang pintuan , siya naman at dahan-dahang umupo sa kama bago pinalibot ang tingin sa silid. Napaka-aliwalas nito at mabango , ang lambot rin ng kama pero Hindi niyon nababawasan ang nararamdamang kaba at excitement. Lumabas na si Johnny sa banyo kaya naman pumasok na rin siya pero agad rin lumabas ng maalalang wala siyang masusuot, binigyan naman siya nito ng T-shirt at boxer. Pinadaan muna niya ang kamay sa lahat ng pampaligo ni Johnny bago naligo, paglabas niya ng banyo agad niyang nakitang nakahiga na ito sa kama at unan ang dalawang braso,bumaling ito sa kanya. “Hey wife.” Bumaba na ito saka siya sinalubong. Napansin niyang napakasexy at kisig nito sa suot na sando at boxer na may tatak na ‘Anabel’s property’. Nanlaki ang mata niya ng maalalang ito ang regalo niya dito noong graduation nito sa highschool. “Nasayo pa iyan tapos kasya mo pa?” Gulat na turan niya. “Malaki talaga ito. Nagkasya lang sa akin ng tumuntong akong twenty. Minsan ko lang gamitin ito dahil baka masira at ngayon isinuot ko dahil honeymoon natin.” Ang huling sinabi ay naging bulong na lamang dahil yakap-yakap na siya nito. At sa isang Segundo pa ay sakop na nito ang labi niya. Kinabukasan nagising siya sa malakas na ringtone ng cellphone niyang naroroon sa bag niya sa katabing mesa ng kama. Kinuha iyon at sinagot. “Hello ‘nay “ “Nasaan ka? Ngayon ka lang di umuwi pero di ka nagpaalam. Anong nangyari sayo? “ nag-aalalang tanong nito , Hindi man lang naghello muna. “Relax ka lang nanay.” Tumingin siya sa katabi ngunit wala na roon ang asawa niya. Humagikgik siya ng maisip na asawa na niyo si Johnny. “Anong tinatawa-tawa mo Jan.” Naiinis na sabi nito sa kabilang Linya. “Nanay ang saya-saya ko ngayon. Alam niyo bang ikinasal kami in Johnny kagabi at narito ako ngayon sa bahay niya na bahay na naming ngayon dahil asawa na niya ako.” Masayang balita niya sa INA. Mahabang sandali ang lumipas bago niya narinig ang malakas njyong tawa.”anak nasaan ka nga wag kang magbiro wag mong sabihin sa akin and pangarap mo lang. OK?” Siya naman ay nalukot ang mukha sa narinig. “Punta na lang kayo dito sa Ulima village na pagmamay-ari ni Mario Sinum at itanong niyo sa guard kung nasaan ang bahay ni Johnny para maniwala kayo. Bye.” Pinatay na niya any tawag at bumaba sa kama. Bumaba sa unang palapag ng bahay at naabutan niyang nagluluto ng agahan si Johnny. Pinanood niya itong magluto hanggang napansin nito ang presensiya niya. Iniwan ang niluluto at lumakad palapit sa kanya. “Good morning mahal” sabi nito sabay halik sa pisngi niya. Kinilig naman siya sa inakto nito. Binati rin niya ito pabalik. Hiling niyang sana forever na itong ganoon sa kanya . Katatapos lang nilang nag-agahan ng may sunod-sunod na katok sa may pintuan. Magka-akbay nilang tinungo ang pintuan at pinagbuksan kung sino ang kumakatok. Tumambad sa kanila ang buong pamilya ni Anabel. Pareho silang nagulat. “ ‘Nay, ‘tay, kuya, ate anong ginagawa niyo rito!?” Gulat na sabi niya. Mapanuri ang tinging ipinupukol ng pamilya niya sa kanila. Tumaas ang kilay ng kanyang INA. “Nakalimutan mo yatang tumawag ako kanina.” Si Johnny na di alam ang gawin ay pinapasok ang mga ito. “Pumasok ho Muna kayo” paanyaya nito. Pumasok nga ang mga ito, nakaupo na silang lahat sa sala. “Ipaliwanag mo nga ito Anabel” istriktong sabi ni Vincent, ang ama ni Anabel. Tumikhim muna siya. “ Masyadong mabilis ang pangyayari at kagabi nga ay ikinasal kami.” Paliwanag niya. “May pamilya ka Anabel at hindi mo man lang pinaalam na magpapakasal na pala kayo kagabi” may hinanakit na sabi ng kanyang ina. “Kagabi lang naming naisipan magpakasal kaya Kami lang at ang ninongs namin at ninang ang nakakaalam. Ang mag-asawang mayor jan sa kapitbahay at ang may-ari ng village na ito at wala ng iba. Kahit ang pamilya ni Johnny at kayo. Kumbaga Rush secret marriage ang nangyari sa amin” mahabang sabi niya. Magsasalita sana ang ina niya pero nauna ang kanyang asawa. “Hwag po kayong mag-alala Pagbalik po ng magulang ko galing America ay magpapakasal kaming muli ni Anabel sa simbahan at sisiguruhin Kong kumpleto ang pamilya pati na rin ang mga kaibigan at kakilala.” Sabi ni Johnny at sa isang iglap lang at nakangiti na ang pamilaya niya. “Sisiguruhin mo lang Johnny .” nangingiting sabi ng kanyang ama. Napailing na lang siya sa kanyang pamilya. Nakaalis na ang pamilya niya at nag-overseas naman si Johnny sa magulang nito sa America. Dahil chismosa siya ay inilapit niya ang tainga sa tainga ni Johnny kung saan ang cellphone nito. Ilang ring pa lang ay sinagot na sa kabilang Linya. “Hello anak, good afternoon, kumusta ka na?” Agad na sabi ng ginang na si Maya. “Ayos na ayos po. Kayo po ni papa, kumusta? At good morning pa po dito” “Okay lang din kami dito. Matagal pa kaming babalik jan, hwag masyadong ibabad ang katawan sa trabaho OK?” Malumanay na sabi ng ginang. “Alam ko po iyon, napatawag ako dahil nais kong iparating sa inyo na ikinasal na ako kagabi at ikakasal kaming muli pagbalik ninyo.” Masayang balita nito sa ina. “A-nong sinabi mo anak?” Medyo utal na sabi nito. Natawa ng mahina ang asawa niya. “Opo mama , ikinasal na ako at ikakasal pa akong muli kay Anabel, narito siya oh” sabay akbay sa kanya. “Maghello ka kay mama mahal” malambing na utos nito sa kanya. “He-llo ma’am..”nahihiyang sabi niya. Biglang tumili ang ginang sa kabilang linya. “Sasabihin ko agad kay Mauro pagdating niya! This week kami uuwi jan.!” Yun lang at namatay ang linya. Nagkatinginan sila bago nagngitian “hindi yata nila inaasahan ang biglaan mong pagpapakasal lalo na at ang alam nila ay bakla ka.” Nakangiting turan niya. Biglang sumeryoso ito pero agad rin itong masuyong ngumiti. Hinawakan ang pisngi niya. “Matagal ng napatunayan ng mga magulang kong hindi talaga ako bakla pati ang mga kaibigan ko at Alam rin nilang may nagugustuhan akong babae at ikaw iyon. Hindi lang kita gusto mahal kita, mahal na mahal.” Sandali silang nagkatitigan bago nagtagpo ang kanilang mga labi. Ang pagpapakasal nilang muli at nangyari makalipas lang ng isang buwan. Dumating kasi ang mga magulang ni Johnny makaraan lang ng dalawang araw mula ng tumawag sila. Inasikaso agad ng parents ni Johnny ang kanilang kasal, tumulong rin ang kanyang ama dahil sa flower farm nito galing ang mga bulaklak na kakailanganin sa kasal. Ito lang kasi ang hinayaan ng mama Maya at papa Mauro niya na itulong ng pamilya niya. Sapat na raw na pinakasalan niya ang anak ng mga ito at ang pagiging masugid na manliligaw ni Johnny. Engrande ang kanilang kasal sa kagustuhan rin ng mga pamilya nila lalo na ang mama Maya. Marami ang dumalo ang mga pitong anak ng may-ari ng village na si Mario Sinum ay dumalo rin pati rin ito. Ang mag-asawang mayor na sina kosep at auring. Ang pinsang Si Marisa at asawa’t anak nito ay dumalo rin. Sina security Rod, security Inggo, kuya Jake, kuya budad, kuya Jeremy, secretary jimboy at marami pang iba. “Bakit narito ang babaeng iyon?” Naiinis na tanong niya Kay Johnny ng matanawan ang babaeng kausap nito sa parlor isang buwan na ang nakakaraan. Kumunot ang noo ni Johnny “Hindi mo siya natatandaan siya si Abigail, tingnan mo yung mga kakwentuhan niya? Sina divina at Analyn iyan. Hindi mo sila nakilala sa tagal ng panahon na di mo sila nakita at medyo tumaba rin sila dahil siguro nanganak na sila.” Mahabang sabi nito. “Ganun ba? Akala ko kung sino siya.” Tumatangong sabi niya. “Susss.. Selos ka lang sa kanya eh..” Nangingiting wika nito. “Hindi ah. Bakit naman?” Tanggi niya. “Aminin mo na kasi pinagseselosan mo siya.” Patuloy nito sa pang-iinis sa kanya. “Ano naman ngayon. Hindi naman masama ah.” Pag-amin na lang niya dahil ayaw niyang pinag-uusapan nila ng mahaba ang tungkol sa selos niya. Ngumiti naman ng matagumpay si Johnny. “Pero alam mo kahit hindi ka nila nakita ng mahabang panahon, hindi ka nila nalilimutan dahil ikaw lang ang nanligaw sa akin, nagkagusto sa akin, ikaw lang rin ang sinabi ko sa kanilang gusto ko at wala ng iba. At higit sa lahat ikaw ay ‘Cute, dark,and sexy’ sabi mo nga pero pinipintasan ko ang definition mo dahil may kulang ,..” Tumigil ito ng matagal kaya tinanong niya. “Ano naman.!.” Kunwaring naiinis siya pero ang totoo ay tumatalbog na ang puso niya sa kilig. Ngumiti si Johnny bago nagpatuloy. “Kulang ng maganda. Dapat ‘Cute, dark, sexy, and beautiful’ “ Hahalikan na sana niya ang asawa dahil sa kilig ng.. “Sa honeymoon na lang pwede? Reception na ito maya-maya lang ay honeymoon kaya stop muna, pwede?” Sabad ng ate niyang dumaan kung saan sila nakapwesto. Nagtatampo, Naiinis at nagagalit si Johnny sa asawa pero di niya kayang ipakita dito ang galit niya lalo na’t naging iyakin si Anabel sa nagdaang mga lingo kaya ang ginawa niya ay hindi siya umuuwi sa kanilang bahay kundi sa bahay ng magulang niya minsan din sa bahay ng magulang ng asawa , maglilimang araw na. Hindi kasi niya maintindihan ang ugali nito, matampuhin na ito, mabilis na rin magalit sinisigawan na siya lagi, napakasensitibo rin nito , minsan rin ay napakalambing, at napakaiyakin rin nito. Namimiss na niya ang asawa pero gusto niyang panindigan ang ginagawa. Gusto niyang sunduin siya ng asawa pero mag-iisang linggo na pero hindi siya sinundo ng asawa, ni text at tawag ay wala siyang natangap. Naiiyak na siya dahil parang di na siya mahalaga rito. Parang gusto na rin niyang itigil ang ginagawang hindi pag-uwi sa bahay. Hindi na siya makaconcentrate sa trabaho, lagi na lang siyang balisa. Isang oras pa ang lumipas bago siya wala sa sariling tumayo at nilisan ang building ilang-sandali pa ay tinutunton na niya ang daan patungong ulima village. Iginarahe muna niya ang kotse bago dali-daling pumasok sa bahay. Nadatnan niyang malinis ang salas, tumakbo na siya sa kwarto nila. Napagdesisyon na niyang itigil na ang kalokohan niya dahil hindi siya susunduin ng asawa. Naisip niyang gumagawa lang siya ng problema. Lulunukin na niya ang pride dahil wala naman patutunguhan yun. Titiisin niya ang asawa gaya ng ginawa nitong pagtitiis sa kanya noong sinusuyo pa siya. Pagbukas niya ng pinto ng kwarto ay naabutan niyang tahimik na umiiyak ang asawa habang nakahiga at balot ng comforter. Nakaramdam siya ng pagsisisi . Pagsisi dahil sa ginawang hindi pag-uwi kaya ngayon ay umiiyak ito at parang ayaw ng lumabas. Lumapit siya dito, hindi pa rin siya nito napapansin. Umupo siya sa kama saka pa lang siya nito nakita. Hinawakan niya ang kamay nito. “Patawad sa ginawa ko..” Puno ng pagsisising wika niya. “ patawad sa ginawa kong hindi pag-uwi, nagtatampo ako sayo dahil madalas mo na akong sungitan kaysa lambingin. Naiinis ako at nagagalit sayo dahil kinaiinisan mo ako minsan tapos pinagtitripan mo pa ako, sabi mo ang baho ng kili-kili ko pag umaga kaya nagsisisi kang pinakasalan mo ako, tinitiis mo lang papa ako samantalang ikaw naman itong mabaho ang kili-kili dahil minsan ka na lang maligo.” Huminto muna siya sandali dahil tutulo na ang luha niya at nababasag na rin ang boses niya. Pumalahaw na rin ng iyak ang asawa niya. “Tapos sinisigaw-sigawan mo pa ako madalas, kapag may mali ka tapos tinatama ko ay nagagalit ka at bigla mo na lang akong bubulyawan, gusto mong ikaw ang laging tama kahit hindi naman kaya napuno na ako at hindi na umuwi para mapagtanto mong nagtatampo rin ako at nagagalit pero wala pang dalawang araw hinihintay na kitang sunduin mo ako. O di kaya ay itext mo ako o tawagan man lang para pauwiin ako dahil namimiss mo na ako..” Mapait siyang ngumiti may tumulo na ring isang butil ng luha mula sa mata niya. Mas lalong umiyak ang asawa niya. “Ngunit ako lang gumagawa ng problema ko kasi kahit isa man sa mga iyon ay hindi mo ginawa. Dahil sa pride pinagpatuloy kong di umuwi kahit lagi na lang akong balisa sa trabaho at ngayon mga ay nandito ako dahil hindi kita matiis, mahal kasi kita eh.” Ngumiti siya dito. “Fir-st A-ani-vers-ary na-tin noong nag-da-ang a-raw. Hi-nin-tay k-kita , nag-luto a-ko ng se-leb-rasyon na-tin.” Sa paputol putol salita dahil sa patuloy na pag-iyak ay sinabi ni Anabel iyon. Nanlaki naman ang mata ni Johnny, ngayon niya lang naalala na first anniversary nila noong isang araw. Nakaramdam siya ng guilt dahil doon. Niyakap niya ang asawa. “Sorry nakalimutan ko..” Puno pagsisising sabi niya. “Hwag kang hingi ng hingi ng tawad dahil nagkamali rin ako at yun ang dahilan kaya nakalimutan mo ang anniversary natin.” Bumaba na ito sabay pahid ng luha. Bago siya hinila papuntang kusina, pagdating sa kusina naabutan nila ang kusinang nangangamoy na dahil sa mga pagkaing nakahain sa mesa. Nalukot and mukha niya. “Bakit di mo niligpit? Nangangamoy na oh.” Turo niya sa mga pagkain. Parang hindi siya narinig, diritso lang ito sa pwesto nito sa mesa at binuksan and drawer na pinasadyang ilagay doon , may kinuhang isang envelope na kulay pula, nakangiti nitong ibinigay sa kanya. Binuksan niya ito , isang kapirasong papel ang laman may sulat doon. ‘Happy anniversary john-john mahal, ilang buwan na lang may junior ka na’ iyon ang nakasulat. Nagtatanong ang matang tumingin sa asawa. “Ano masasabi mo?” Nakangiting tanong nito. Napakamot siya sa kanyang ulo . “ano ba kasi ang ibig mong sabihin dito” Nawala ang ngiti ni Anabel “bahala ka jan, ang hina mo! Di mo man lang nakuha ang ibig Kong ipahiwatig! Junior! Junior mo! Nag-effort pa ako !” Galit itong umalis ng kusina. Siya naman ay nakatingin lang sa pintuang nilabasan nito, naisip niyang bakit Hindi na lang siya nito diniretso at dinaan pa sa sulat na di naman niya maintindihan. Sinundan niya ito, susuyuin. Kahit siya na ang umintindi bagaman Hindi siya ang mali. Nakasimangot ang asawa niyang nanonood sa TV. Niyakap niya ito mula sa likuran. “Ano ba ang nais mong ipaalam sa akin sa pamamagitan ng sulat na iyon?” Malambing na tanong niya. “Wala!” Galit na sagot ng misis niya. “Hindi lang wala iyon mahal , Alam Kong mahalaga yun..” Pagpipilit niya. “Parang Hindi naman mahalaga sayo eh! Naghirap pa akong nagluto! Hindi ka naman dumating para tikman man lang tapos yung regalo ko sana sayo hindi mo naman naunawaan! Tangina mo! Juice mother ka!” Galit at naiiyak na bulyaw nito. “Sorry na.. Tawagin mo akong bobo, tanga o kahit ano kung iyon ang nakakapagbawas sa galit mo… Basta sabihin mo sa akin kung ano iyon..” Pagmamakaawa niya. Sandali itong hindi umimik. Mayamaya tumingin into sa kanya at tinititigan siya na tila tinatantiya kung sasabihin o wag na lang. “Buntis ako Johnny, yun ang nilalaman ng sulat na ..” Mahinang sabi nito. “Buntis ka lang pala eh, ano namang…-“ “What?” Yun lang ang lumabas sa bibig niya ng marealize ang sinabi nito. “Ulitin mo nga iyon?” Maya-maya ay tanong niya. “Buntis ako “ nakangiting ulit nito. Sumilay ang malapad na ngiti sa labi niya at tumitig sa asawang bakas ang saya sa mukha. Umalis siya sa likod nito at lumipat sa harapan. “Halika ka nga.” Hinila niya patayo at Niyakap. “Kaya ba ganun ka nitong mga nakaraan? Naglilihi ka na pala ba’t di mo sinabi sa akin para sana naging MA’s maunawain ako at Alam ko ang mga ginagawa ko?” “Gusto ko kasing I-surprise ka sa anniversary natin kaso iba ang nangyari.. “ kumalas ito sa yakap . “ kailangan Kong maligo dalawang araw na akong di naliligo at kasalanan mo iyon kaya linisin mo ang kusina..” “Yes ma’am” natatawang sagot niya, pumunta na siya sa kusina at masayang naglinis sa mga pagkaing panis. Ngayon kahit ano siguro ang ipagawa at gawin ng asawa niya sa kanya ay OK lang sa kanya at do magrereklamo kasi Alam naman niyang naglilihi ito.. Ang kanyang asawa ang mas maunawain sa kanila natutunan niya iyon sa isang taon na nilang pagsasama pero dapat alam niyang may mga pagkakataong ganito na Kailangan niyang mas palawakin ang kanyang pang-unawa dahil para rin iyon sa kanila lalo na sa kanya dahil Hindi niya kayang mawalay rito lalo na’t naranasan niyang mawalay rito at pakiramdam niya ay Parang NASA impyerno siya. . Wakas.. #sanallanabel hahaha
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD