Title:☯?????????????#3☯
? AMBER ALEJANDRA?
Chapter 19
HINILA ako pabalik ni Tj pa upo.
“ Ano ba Tj?” naiinis kung baling sa kanya.
“ Ano ang gagawin mo ikaw ang sasalo sa galit ng asawa ni Betchay?”
“ Ano naman gagawin natin? Panourin si Betchay sinasaktan ng asawa niya?” balik kung tanong kay Tj
“ Hindi kasi tayo pwedi makialam sa away nilang mag asawa” sabad sa amin ng asawa ni Hope.
Napailing ako sa narinig” That’s not right!” kuntra ko
“ Hindi tayo pwedi makialam sa away ng mag asawa, pero ano ang gagawin mo kapag sinasaktan ang babae sa harapan mo mismo? Manuod kana lang ba? Pag pinatay niya ang asawa sa harapan mo iyan ba ang sasabihin mo?” Naiinis kung tanong sa kanya.
“ We can call the tanod” suhestion ni Tj.
“ Pero hindi naman sinasaktan si Betchay, tila nag uusap lang sila ng asawa niya” ani Hope
“ MALANDI kang babae ka!” narinig namin sigaw mula sa asawa ni Betchay sa labas ng bahay. Kasunod niyon ang iyak na ni Betchay ang narinig namin.
“ Wag! Nasasaktan ako, parang awa muna wag mo naman akong saktan”
Napatakbo na ako sa labas ng bahay ng marinig ko ang iyak ni Betchay.
Nakita ko hilahila siya ng asawa sa buhok niya. Papunta sila sa nakaparada motorcycle.
Mataas at payat ang lalaki humila kay Betchay.
Nagdilim ang aking paningin sa nakita ko. Buntis si Betchay at pakaladkad niya itong hinila hawak sa buhok.
“ Amber!” sigaw ni Tj sa akin ng magtatakbo ako palapit kina Betchay.
Sa subrang galit ko hindi kuna nilingon si Tj, at nagtuloy ako sa pagtatakbo palapit sa kanila.
Sa subrang galit ko sinapak ko ang lalaki sa tagiliran ng walang pa sabi sabi.
“ P*** n” bulalas ng lalaki binitawan si Betchay at galit siyang hinarap ako.
“ Sino kang T*** nakikialam sa amin?” galit niyang tanong nakakuyom ang kanyang kamay at akma sapakin ako.
Napakuyom narin ako ng kamay para handa siyang labanan.
Malakas ang loob kung makikioag laban dahil malaki ang chansa ko sa kanya siya pasuray suray dahil lasing habang ako hindi pa ako lasing.
Nakatingin ako sa kanyang kamay kung saan ang isusuntok niya sa akin.
“ Ano ba Amber” ani Tj
“ Bayaan mo ako Tj, kaya ko ito, hihingi ako ng tulong sayo kapag hindi ko kaya”
Inambaan ako ng suntok ng lalaki sinubukan kung umilag hindi ko namalayan may puno pala sa likuran ko na untog ako ng sinubukan kung umatras para makailag na dali niya ako sa ulo. Buti nalang hindi iyon masyado malakas.
“ Tj, natamaan ako” naiinis kung sumbong kay Tj. Mabilis na salo ni Tj ang sumunod na suntok na pinakawalan ng lalaki. Nanggigil akong nilapitan siya pinag hahampas sa ulo.
“ Gago, wala kang bayag pinapatulan mo ang babae” galit kung sabi na pinag hahampas siya sa ulo.
“ Amber tama na iyan” awat ni Tj, pilit inilayo sa akin ang lalaki.
“ Pag ako magalit, bugbug sarado ito” ani Tj na niyakap ang lalak mula sa likuran at pinag cross ang kamay nito. Agad naman siyang tinulungan ng asawa ni Hope.
“ Hindi ko nalang papatulan wala naman itong laban lasing naman ito” dagdag ni Tj.
“ Maganda ang laban kapag hindi ito lasing” anang asawa ni Hope.
“Tumawag ka ng pulis Hope. Ipasok mo din sila” anang asawa ni Hope sa amin.
“ Betchay, ayos ka lang ba?” baling ko sa kanya nag iiyak sa isang tabi. Hinila ko siya papasok sa loob ng bahay.
“ Hanggang kailan ka mag titiis?” tanong ko sa kanya.
“ Siguro, hanggang sa paglaki ng mga anak namin”
“ Ano?! nahihibang kana ba?” napataas ang boses ko sa sinabi niya.
Inabot ko ang bote nasa harapan namin. “ My God Betchay, hindi na uso ang marter ngayon” tinungga ko ang bote.
“ Ano ang gagawin ko Amber?” humihikbi nitong tanong sa akin.
Saglit akong natigilan, “ ano nga ba ang gagawin niya? lalo na may anak sila? Pero kailan ba siya mag titiis, sa pananakit ng asawa niya?”bulong ko sa sarili at napalagok ako ng alak.
“Kaya, mo naman siguro buhayin ang anak mo kahit wala ang ama niila, siguro may pamilya ka naman handa tumulong sayo. At kahit din naman siguro maghihiwalay kayo, may karapatan ka parin manghingi sa kanya ng sustento para sa mga anak niyo” seryuso kung sabi sa kanya.
Umiiling iling siya sa sinabi ko” Hindi mo kasi naintindihan Amber, dahil wala ka sa kalagayan ko” naiiyak niyang sabi
“ Sige paunawa mo ng maintindihan ko?” seryuso kung sabi sa kanya.
“Manhid kaba? Hinila ka niya sa buhok, hindi niya inisip na buntis ka”
“ Lasing lang siya Amber”
Naiiling ako sa sinabi niya, parang pinagtanggol pa niya ito” paano kung palagi siyang lasing? Palagi kang mabubugbug?”
“ Subra kasi seloso ang asawa mo, tapos wala sa lugar. Biruin mo iyon, kapag pumunta ka ng palengke, sasabihin ng asawa bi Betchay, kapag iyan laway ko matuyo at wala kapa, malalagot ka sa akin” sabad ni Hope sa amin.
“ My God! Hindi ko kaya iyan, kahit gaano pa kita kamahal kung ganyan mo nalang ako tratuhin mabuti pang wala akong asawa” naiiling kung sabi na lalo akong nakaramdam ng galit sa asawa ni Betchay.
Sa haba ng aming napag usapan napadami na ang inom ko. Hindi kuna alam kung anong oras kami nakauwi ni Tj.
“ AMBER” pukaw sa akin ng ina kinabukasan.
“ Ma, bakit?” tanong ko inunat ang aking mga kamay.
“ Napakain kuna sina Betchay ng agahan”
Napakunot noo ako” andito sina Becthay?”
“ Iyan kasi iinom inom ka tapos hindi muna maalala ginawa mo. Dinala mo dito sina Betchay sabi mo aampunin mo silang a****l ka sarili mo nga hindi mo maayos ayos, buhay pa kaya ng ibang tao” galit na sabi ni moma sa akin.
Alam kung naiinis si moma kay Betchay gawa ng nangyari noon dahil si Betchay iyong dahilan bakit na kaladkad ako sa scandal.
“ Mama naman. Aga aga nagagalit kana” maktol ko sa kanya.
“Ngayon sabado, pupunta dito ang Lola mo, sumama ka sa kanya sa samahan nila sa simbahan”
Napabalikwas ako ng bangon” mama naman” sabi kung napakamot sa ulo.
“ Hindi ako nagbibiro Amber, sumama ka sa lola mo, ng magtino ka” galit niyang sabi saka iniwan niya ako.
“ Dios ko, umpisahan kuna mag memorya ng Ave Maria, kung hindi ko iyan ma memorise, magpuputak na naman ang bibig ng lola ko”
Tumayo ako at pumasok ng banyo para babain sina Betchay. “ Ano ba ang napangako ko dito. Amber, mag madre kanalang para wala kanang iisipin.” bulalas ko sa sarili.
“ Morning Amber” bungad sa akin ni Betchay ng makababa ako.
“ Betchay, mabuti sumama ka sa akin ka gabi” sabi ko nalamang gusto ko sana magtanong paano siya na punta sa bahay, pero baka ma offend pa siya sa akin.
“ Kumain na kayo?” tanong kung naglakad papunta sa mesa kung saan naka handa na ang agahan ko.
Umupo ako at inabot ang kape kakatempla lang ng mama ko.
Umupo si Betchay sa harapan ko
“ Salamat Amber ha?” ani Betchay sa mahinang boses.
“ Para saan?” nilagok ko ang kape
“ Para sa tulong mo, sabi mo ibibigay mo sa akin ang unang sahod mo sa opisina”
Napaubo ako sa kanyang sinasabi, biglang sumayad ang mainit na kape sa lalamunan ko. “ Pinangako ko iyon?” gusto kung maiyak
Napatingin ako kay mama nasa likuran ni Betchay nakatayo. Pinandilatan ako ng mata ni mama.
Kailangan ko ngayon magsikap may pinangako na pala ako” Amber ano ba itong pinagagawa mo sa buhay mo” anas ko sa sarili.
Ngayon narinig ni mama at sa hitsura niya malamang mag iisip na iyon ng paraan hindi ako sasahuran non.
“ Saan ako maghahanap ng pera?”
Bigla sumagi ang pagkaka carwash kailangan magkapera ako don at iyon ibibigay ko kay Betchay.