Title:☯?????????????#3☯
? AMBER ALEJANDRA?
Chapter 18
HINATID ako ni Tj sa bahay namin pagkatapos ng aking opisina. Mula kanina hindi na siya umalis sa tabi ko inantay na niya ako hanggang sa uwian.
“ Amber, ano itong nabalitaan ko isang pirma lang ginagawa mo sa isang araw?”agad na tanong sa akin ng ama ng makaupo ako sa sala.
“ Papa, eh tinatamad ako magbasa ng mga pipermahan”
“ Naku, Amber, iyang katamaran mo, baguhin muna iyan.” sabad ni mama.
“ Dapat Amber, magtino kana nasa 22 taong gulang kana” paalala sa akin ni papa sa edad ko.
“ Kaya nga papa eh, dapat mag enjoy muna ako kasi minsan lang ako dumaan sa ganito. Kailan ako mag enjoy kapag may asawa na ako?”
“ Naku Amber, isipin mo ha? Pinag usapan namin ng lola mo kapag ikaw hindi kapa nagtino ipapasok talaga kita sa pagiging madre. Doon sa kakilala ng lola mo erecommend talaga kita” seryuso saad ni mama sa akin
“ Kapag ipagpilitan niyo iyan, mag aasawa ako ng maaga” sa kaloob looban ko.
“ Ano ang sabi mo?”nang galaiti tanong sa akin ni mama.
“ Wala naman mama” sabi ko at tumayo na para umakyat na sa aking kuwarto.
Pabagsak akong humiga sa kama at nahilot ko ang aking sentido sa mga nangyayari sa akin.
Napukaw ang aking attention sa tunog ng celphone. Kinuha ko iyon mula sa bag at tinignan kung sino ang nag message sa akin.
“ Amber, mag over night kanaman dito sa amin” anang text mula sa dati kung kaibigan.
“ Hmmm siguro after sa binyag mag oover night ako don sa bahay nila para naman maiba ang sorrounding ko” nakangiti kung sabi sa aking sarili.
NAGPAALAM ako kay papa na mag halfday ako dahil aattend ako sa binyag.
“Tj, pwedi mo naman akong hindi na ihatid baka may trabaho kapa sa gasolinahan niyo” malambing kung sabi sa kanya ng nasa loob na kami ng sasakyan.
“ Okay lang naman iyon, andoon naman ang mga tauhan ko at si papa. Saka ayaw kitang hiyaan mag punta don mag isa alam muna madaming inumin doon” seryuso sabi sa akin ni Tj.
“ Hindi naman ako iinom eh”
“ Ngayon hindi pa kasi, nasasakyan pa tayo pero mamaya, tignan ko lang kung hinid ka hahawak ng bote” nakangiit nitong sabi sa akin, na tinawanan kuna lamang.
“ Depindi naman iyon sa sittuation” sa kaloob looban ko.
Ilang saglit pa ang lumipas ay nararing namin ang bahay ni Hope ang ina ng batang bininyagan.
“ Tj, mabuti naman at nakasama ka kay Amber” bungad nito kay Tj ng makita kami sa maypintuan.
“ Takot kasi siya maagaw ako ng iba” natatawa kung sabad sa usapan.
“ Hmmm” ani Hope at bahagya pa niya akong siniko.
“ Siyanga pala darating si Betchay” pag bigay alam nito sa akin.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na makitang muli si Betchay ito ang dahilan noon kung bakit ako na punta ng England dahil na dawit ako sa scandal nito.
Ikinasama ng aking loob hindi nito nilinis ang pangalan ko.
Inakabyan ako ni Tj” okay ka lang ba?” pukaw nito sa aking pananahimik.
“ Oo, hindi ko lang alam ano ang magiging reaction ko kapag nagkita na kami ni Betchay.”
Simula ng makauwi ako dito sa Pinas, hindi pa kami nagkita ni Betchay, dahil nasa bukid na ito nakatira kasama ang asawa nito.
“ Betchay!!” Narinig kung bulalas ni Hope ng makita ang babae na isipan ko pa lamang.
Napalingon ito sa gawi ko at mabilis itong naglakad palapit sa akin.
“ Amber, kumusta?” nakangiti nitong tanong.
Naiilang ako sa ayos niya. Naka duster ito at malaki ang tiyan, kitang kita ang collar bone at nangangayat ito.
“ E-ilan na ang anak mo?” curious kung tanong dahil siguro sa ayos nito hindi ko alam kung bakit basta naging lusyang ito.
“ Magtatatlo na” tugon nito alanganin ngumiti.
“ Laki ng ikinabagsak ng katawan ko no?” tila na basa nito ang nilalaman ng isipan ko.
“ Ako kaya, kapag magka anak ako? gaganya din ba ikabagsak ng katawan ko?” hindi ko mapigil maitanong sa akin sarili.
“ Bigla ako nakaramdam ng awa kay Betchay.
“ Kayo naba?” nakangiti nitong tanong sa amin dalawa ni Tj.
Tumango tango sa kanya, at naupo ako sa upuan na yari sa kawayan.
“ Masaya ako para sayo, sana Tj, hindi mo siya sasaktan ha?”
Malambing akong inakbayan ni Tj. “ Syempre hindi, mahal ko kaya ito” hinalikan ako ni Tj sa pisngi
“ Ang sweet naman” kinikilig na sabi ni Betchay.
“ Guys, heto may pulutan oh” ani Hope ng malapitan kami, bitbit niya ang platong may laman kinilaw na isda.
Nilapag naman ng kanyang asawa ang bote ng pulang kabayo.
“ Hindi ka iinom” bulong sa akin ni Tj saka tumayo ito at kumuha ng plato nilagyan niya ng kanin.
“ Ganito naba talaga kapag may boyfriend ka? Madami ng bawal? Amber wag mong soutin iyan, ang
ikli Amber, saan ka pupunta? Amber hindi ka pwedi pumunta doon, hindi ka pwedi magpunta ba hindi ako kasama” hiyaw ng isipan ko.
Napatingin ako kay Betchay nakatingin din sa akin” Ano pala ang trabaho ng asawa mo?”
tanong ko sa kanya para mabaling ang aking atensyon at nang mawala ang naramdaman kung pagkailang sa aming relation ni Tj na madaming bawal.
“ Magsasaka ang aking asawa” nahihiya nitong tugon sa akin
“ Mabuti naman iyan, at least may trabaho ha, iba nga riyan batugan na tamad pa at nanakit pa ng asawa” sabi ko ng mapansin ko na tila nahihiya pa siya
Bigla silang nagkatitigan ni Hope sa sinabi ko at lumongkot ang kanyang mga mata.
“ M-may nasabi ba akong hindi maganda?” agad kung tanong
“ Kasi nabugbug na kasi iyan ng asawa niya” sabad ni Hope
“ Dios! ko Betchay bakit hindi mo hiniwalayan?” bulalas ko sa pagka bigla.
Mataman siyang nakatingin sa akin nakipag titigan ako sa kanya” bakit Betchay hindi mo mahiwalayan?” curiuos kung tanong.
Para kasi sa akin, pag once nasaktan mo ako, ayaw kuna, malaki na tayo nagkita tapos bubugbugin mo lang ako?” bulong ko sa aking sarili.
“ K-kasi mahal ko eh” tugon nito
“ Hindi iyan pagmamahal Betchay, katangahan iyan” bulalas ko sa galit hindi ko alam, bigla akong nakaramdam nang galit
“ Oo nga, kasi hindi lang siya tatlong beses sinaktan” sumbong ni Hope
“ Paano mo na tiis Betchay?”
“ Kapag makapag asawa kana at mag anak kayo, maiintindihan mo kung bakit hindi mo maiwan-iwan” malungkot nitong tugon.
“ Sabi mo mahal mo, tapos ngayon ang anak mo naguguluhan ako Betchay”
“ Andon nadin naman iyon, kahit na siguro sabihin natin hindi ko mahal pero may anak kami”
Nalilito ako sa kanya sinasabi” Sige, given na may anak kayo, pero kailangan ba talaga mag stay ka kahit nasasaktan kana? Para sa mga anak mo? And look buntis kapa naman, so another reason why yous stay with him? Thats stupid!” bulalas ko sa inis
“Hey!” saway ni Tj na inakbayan ako at hinila palapit sa kanya katawan.
“ I’m sorry, ayaw ko lang kasi ng ganyan. Hindi uso sa akin ang marter” dagdag ko
“ Kasi Amber, pag aalis ako iiwan ko ang asawa ko, paano ko bubuhayin ang mga anak ko” maluha luha nitong sabi.
“ Tapos nag——“
“ Betchay!!” Malakas na boses ang pumukaw sa amin pag-uusap
Natataranta tumayo si Betchay, halatang takot na takot.
Palagay ko asawa niya iyon. Mabilis akong sumunod kay Betchay at harpin ang asawa niya.
“ Saan ka pupunta?” tanong sa akin ni Tj hinila niya ako pabalik.
nagpumiglas ako. Hindi pwedi hindi ko makikita ang pagmumukha ng lalaking iyon.
Noe: Bawi lang ako bukas guys..❤️❤️