Amber Alejandra episode 17

1044 Words
Title:☯?????????????#3☯ ? AMBER ALEJANDRA? Chapter 17 “ MAMA na dalaw ka sa opisina?” bungad ko sa aking ina ng makita ko siya nakatayo sa may pintuan Naglakad siya papunta sa mesa ko” tinignan lang kita kung ano na ang ginagawa mo” aniya “ Ayos naman ako dito, kaya lang na bored ako dito. Wala naman akong ginagawa dito kundi umupo makipag titigan sa computer buong maghapon” reklamo ko sa kanya “ Paano ikaw lang ang isa namin anak, at itong company natin pinag hirapan ito ng ama mo. Kaya sana ayusin mo rito ang trabaho mo Amber, alam mo dugo at pawis ang pinuhunan ng ama mo dito sa Alejandra company” paalala sa akin ni mama. Sadyang pingalan talaga nila sa akin ang company ito. Hindi ko alam kung kaya ko ang trabaho na ito, hindi ko alam paano ang maging isang developer Dios ko” bulalas ko sa aking sarili. Hindi ko alam paano makipag deal ng mga lupain at edevelop iyon. Feelings lang ang alam kung e develop, don lang ako magaling. “ Kailangan gampanan mo ng maigi ito, at yang pakikipag punta mo sa mga club, tigilan muna dahil baka mapilitan akong ipasok ka sa pag mamadre” seryuso sabi ni mama sa akin. “ Mama naman, isang linggo na ako dito sa opisina magagawa ko din ang trabaho ko ng maayos” sabi ko na lamang sa kanya para matigil na siya. “ Bueno, aalis na ako” pagpaalam niya. “ Sige mama, salamat sa pag dalaw.” Napa buntong hininga ako ng makaalis si mama. Nakipagtitigan ako sa bubung inisip ko kung hanggang saan ang kaya ko. “ Ayaw na ayaw ko pa naman ang natatali ako” “ Kring! kring” tunog ng telepono ang pumukaw sa aking attention Inabot ko iyon para sagutin” Hello” bungad ko ng matapat sa aking bibig. “Amber” “ Napatawag ka kumusta kana?”nakaramdam ako ng tuwa ng marinig ang boses ni Louella sa kabilang linya “ Okay na ako, ikaw kumusta kana?” “ Heto, nababagot na ako dito sa office eh, parang lalagnatin ako sa kakatitiig ng computer buong mag hapon” sumbong ko sa kanya “ Saktong sakto, nasa baba na ako ng opisina mo” napatawa ako sa kanyang sinasabi“ Ano ang ginagawa mo rito?” “ Ano pa, alangan naman babantayan kita, syempre gagala tayo” “ Itong babaeng ito mainit ang dugo” natatawa kung biro. Kagagaling lang nito ng hospital, pero heto na, nag aya agad gumala. Pero masaya ako sa pagtawag niya bigla nabuhay ang mga kaugatan ko. “ sige, na bababa na ako” nilapag ko ang telepono sa lagayan nito. “ Miss Amber, paki pirmahan po ito please” anang secretary sa akin pagkababa ko ng telepono at nilapag niya ang papeles sa ibabaw ng mesa ko. Agad ko naman pinirmahan iyon at tumayo na ako, para umalis “ Miss Amber, ito pa po isa” inabot niya ang isang papeles “ Carmila, diba sabi ko sayo, isang pirma lang sa isang araw” nakangiti kung sabi sa kanya at kinuha ko ang aking coat at naglakad palabas ng office. Naka sout ako ng close heigh heels na itim at short na fitting pinarisan ko iyon ng sleeveless na mabulaklakin at pinatungan ko ng coat na pula naka lugay ang aking buhok lagpas balikat ang haba at naglagay ako ng bangs. Hindi pa ako tuluyan nakalabas sa company nakita kuna si Louella sa harap naka sandal sa kanyang kotse. “Whoah!” sigaw ko sa tuwa ng tuluyan ako makalabas ? I feel good! so good, I got you!” ani kung tinuro si Louella naiiling nakatingin sa akin ? Tararrarat? hinawakan ko ang magkabilaang dulo ng aking coat at nagpaikot-ikot ako sa ere. Natatawang nakatingin sa akin ang mga nagsidaanan, “ The hell I care!” pinaikot ko ang aking eyeballs habang nagtuloy sa paglakad. “ Amber, ano ang ginagawa mo?” naka kunot noo tanong ni Tj kababa lang ng kanyang kotse. Mabilis naman sumakay si Louella sa kotse niya bago pa siya makita ni Tj at pinaharorot niya iyon palayo. “ Hays! matutuluyan na akong lalagnatin nito” bulalas ko sa sarili. “ Hey, babe!” bulalas ko at mabilis naglakad palapit sa kanya. “ Saan ka pupunta?” kunot noo niyang tanong “Kakain lang ako” palusot ko sa kanya. “ Bakit hindi mo ako hinintay?” “ Nagugutom na kasi ako” sabi ko hinawak ang aking kamay sa baywang niya. Inakbayan niya ako para magpunta sa kalapit na kainan “ Amber, wag muna ulitin yong ginagawa mo kanina” saway sa akin ni Tj “ Oh, come on, I just feel free ng makalabas ako ng office and now here I am” bulalas ko sa aking sarili. Pumasok kami ni Tj sa isang kilalang kainan. Habang hinantay ang aming order nakatanggap ako ng text mula sa kilala ko galing England Opening sa kanyang negosyong sasakyan. Sabi niya big opening daw and of course may party magaganap. “ Mag sout ka ng sexy skirt at ang pangtaas puting longsleeve na itali hanggang sa tiyan. Mag ka carwash tayo para sexy” anito sa text Napahalakhak ako ng mabasa ko iyon” what? a sexy outfit tas mag ka-car wash ako”bulalas ko Napakunot-noo si Tj ng makita niya akong natawa. “ Ano iyan?” “ Ininbitahan ako ng dati kung kilala sa opening ng kanyang negosyo” ani ko sa kanya inabot ko sa kanya ang celphone ko para mabasa niya. Inabot niya iyon at kumunot ang kanyang noo. “ Wag kana lang pupunta roon Amber, parang hindi ko nagustuhan ang party na iyan” nakasimangot niyang sabi. “ Pwedi ka naman sumama sa akin” aya ko sa kanya “ It is best if hindi kana lang pupunta” ani Tj Pakiramdam ko nasasakal na ako. “ Okay” tanging tugon ko pero naglalaro sa isipan ko si Louella. Ayain ko iyon mag carwash magaling pa naman iyon. Magaling din iyon mag drive, pero si Zeke lang ata pinagtrayban non. “ Saan na pala kaya iyon nagpunta?” gusto ko sana e text para tanungin pero dumating na ang aming order ni Tj.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD