Title:☯?????????????#3☯
? AMBER ALEJANDRA?
Chapter 14
" HOY! Bitawan mo" saway ni Tj ng hawakan ang buhok ko ng isang babae. sakto pagka hawak niya sa akin nakaramdam ako ng pagka hilo dulot ng nainom namin ni Louella na paiba iba.
" Tigas ng ulo ng babaeng ito.I-inom inom hindi naman kaya" maktol niya ang huli kung narinig bago ako nawalan ng ulirat.
" MABUTI gising kana Amber" bungad sa akin ni moma ng mag mulat ako ng mata kinabukasan.
" Anong oras na ma?" tanong ko
" Mag alas 10 na" naiiling niyang tugon.
Napa balikwas ako ng bangon. " A-ttend pala ako ng kasal ma, kasal ni Avvy" sabi ko sa kanya. nilabas ko ang sosoutin ko para sa kasal.
" Kung pupunta ka sa kasal kailnga kasama mo si Tj" ani mama
" Ma, may sariling buhay din ang taong iyon" maktol ko ayaw ko siyang kasama.
" Mas mapapanatag ang loob ko pagka sama mo siya" giit ni mama
Napa buntong hininga ako" sige na nga lang"
" Amber kailan mo ba hahawaka ang negosyo natin?" seryuso tanong sa akin ni mama
Saglit akong tumigil at tumingin sa kanya" Mama next week atupagin kuna iyan. Sa ngayon ma enjoy ko muna ang sarili ko. babawi muna ako sa pangulila ko nong nasa England pa ako" saad ko sa kanya.
Mabilis akong pumasok sa banyo baka mahuli pa ako sa sermonyas ng kasal ng mahalaga kung kaibigan.
" Amber, kailan mo ba aayusin ang buhay mo?" bungad sa akin ni mama ng makalabas ako ng banyo.
Napatingin ako kag mama seryuso ang kanyang mukha" Mama aayusin ko rin ang buhay ko. sa ngayon mama nasa 22 palang ako, I just want to live to the foolist life. Kasi mama pag dating ng panahon.
Mag aasawa na ako, itong ginagawa ko ngayon, ay iiwan kuna kasi may pamilya na akong kailangan atupagin at bigyan ng panahon at oras. Lalo na pag magka anak na ako mawawalan na ako ng oras para sa sarili ko dahil doon na iyon mapupunta ang lahat ng para sa akin" paliwanag ko sa kanya.
"Sabagay may punto karin naman. May iba nga kung, kailan may asawa na sila saka pa sila nag luko. Kun baga mga late blommer sila" saad ni mama na unawaan niya ako.
“ Kaya nga mama habang single pa ako, enjoy ko muna ang sarili ko. Isipin mo mama ha, mula
pagkakaroon ko ng muwang dito sa mundo pagka 6 years old nasa paaralan na ako pagkatapos mag aral ga-graduate pagkatapos ng gradaute hanap ng trabaho.
Diba? wala akong time masyado sa sarili ko? Nakahanap ng trabaho hanap ng jowa, tapos hanap ng jowa nag anak na ako? Saan na ang time para sa sarili ko?” mahaba kong paliwanag sa kanya.
Matagal siyang nag-isip” basta ba Amber, wag mong pabayaan ang sarili mo” sabi na lamang niya
“ Mama promise, kahit nasa labas ako hindi ko naman pinabyaan ang sarili ko. Kahit ano sinasabi ng mga kapit bahay natin mama tungkol sa akin, wala akong pakialam kasi ako lang din namna nakakaalam at nakakilala sa sarili ko” tugon ko sa kanya.
“ Ano bang oras ng kasal ng kabigan mo?” pag iba niya sa paksa namin.
“ Alas 11 mama naku, kailangan kuna magmamadali” Binilisan kuna ang pag bihis nahuhuli na ako.
NABABAAN ko si Tj sa sala bihis na bihis na siya. Nasabihan na pala siya ni mama
Ayaw ko sana siyang isama pero para narin sa ikapanatag ng loob ni mudra pumayag na ako.
“KUMUSTA na ang pakiramdam mo?” malambing niyang tanong ng maka sakay na kami ng kotse
“ Okay lang. Salamat sa pag-uwi mo sa akin ka gabi” nahihiya kung sabi sa kanya
Sumeryuso ang aking mukha tumingin kay Tj. Kailangan klaruhin ko kung ano ba sila ni Christine at ano ako sa kanya para alam ko kung saad ako lulugar sa kanya.
“ Tj ano ba talaga kayo ni Christine? Bakit madalas ko siyang nakikita sa inyo?”
Saglit lang siyang tumingin sa akin muling binaling ang tingin sa daan.
“ Amber, pwedi bang wag natin pag usapan si Christine” naiinis niyang tugon na ikanagulat ko.
“ May secreto ba si Tj tinatago?” hindi ko mapigil maitanong sa sarili
Wala kaming imikan habang nag ba-byahe kami.” Mamaya kapag nakainom ako sa party, lalagot ka sa akin. Tatanggalin ko ang hiya ko at paaaminin kita. Pero kailangan hindi ako malasing para maalala ko” sabi ko sa sarili
Sa kahabaan ng pananahimik namin ay narating namin ang simbahan at malapit ng mag-umpisa.
Nakita ko si Louella naka upo sa unahan na agad ko naman nilapitan.
“ Dumating kapa” bungad niya ng makita ako.
“ Sira, kinausap pa ako ng mama ko, heart to heart kami. Parang gusto na niya ako ipasok sa pag mamadre eh, sa subrang seryuso ng usapan namin” tugon ko kay Louella.
Nakita ko si Tj tumabi ng upo kay Zeke. Hinayaan kuna lamang siya.
Napatayo kami ni Louella ng dumating na si Avvy.
“ Kakaingit naman, si Avvy parang anghel na bumaba sa lupa habang sout ang kanyang gown” bulalas ko
Hindi ko mapigil ang aking sarili na wag umiyak habang nakatingin sa kanya naglalakad sa gitna ng aisle
“ Napansin mo ba, parang matamlay si Avvy? Na para bang nanghihina siya? Ayos lang ba siya?” sabi ko kay Louella ng may napansin akung kakaiba sa kanya
“ Oo nga noh” tugon ni Louella nag punas ng luha.
“ Avvy are you okay?” halos magka sabay namin tanong ni Louella ng matapat siya sa amin
Nginitian niya lang kami bilang pag tugon sa tanong namin sa kanya. Pero hindi ako mapalagay baka may nangyari dito na hindi namin alam. Nababahala na ako sa kanya. Kaibigan namin siya hindi ko maiwasan ang mag alala.
Ng matapat na si Avvy kay Caleb umupo narin kami at tahimik nakikinig sa pari nagkakasal sa kanila. Hindi ko inalis ang tingin ko kay Avvy
“ Louella hindi ako mapalagay para kay Avvy parang may something kasi. Tara lapitan natin” aya ko kay Louella.
Sabay kaming lumapit sa kina roonan ni Avvy.
Naiyakap ko siya at napapitlag ako ng maramdaman mainit siya. “ Omg Avvy ang taas ng lagnat mo lukaret ka, sana sinabi mo kanina” nag alala kung sabi sa kanya at nilapat ko ang palad sa noo niya.
“ Tsk! Ano paba ang aasahan mo sa isang iyan malihim” sabad ni Louella na pinaikot pa ang mata.
“ Louella sarap mo hampasin sa noo” ??
“ Lumayas nga kayong dalawa dito at ng matapos na ang kasal namin” taboy ni Avvy sa amin dalawa ni Louella.
“ Andito lang kami sa tabi niyo Avvy” sabi ko sa kanya na labis ang pag-alala ko para sa kalagayan niya.
Ilang minuto ang lumipas at natapos narin ang kasal.
Sabay kaming lumabas ni Louella ng simbahan para pupunta sa reception ng kasal.
“ Lukring, pagka tapos ng kasal pupunta tayo sa gym ha? may nakita akong hot papa madalas siya nag ge-gym” pabulong kung sabi sa kanya na ikinatuwa niya naman.
“ Mag ge-gym din tayo?” tanong niya sa akin
“Alangan naman mag zu-zumba ka doon, syempre mag gym din tayo.” natatawa kung tugon sa kanya
“ Pag sa gym madami don mga ibat-ibang size makikita natin doon” natatawa kung dagdag
“ Luka ka talaga!” tugon niya sabay umirap ang mata.
“ Pag yang mata mo di na babalik sa normal ewan ko nalang” natatawa kung tukso na tinignan niya pa ako at nagpaduling dulingan.
“Tange!” natatawa kung sabi sa kanya.
“ You girls hurry up!” di mapigil na tawag sa amin ni Zeke
“ Awee tinawag kana ng amo mo” tukso ko kay Louella
“ Mamaya tatakasan naman natin ang mga ingot na iyan” natatawa niyang sabi
“ Tara na hindi na ako makapag hintay makakain ng lechon gutom na ako” maktol ko kay Louella saka mabilis akong lumapit kay Tj nag antay na sasakyan.
“ Nag enjoy kaba?” mahinang tanong ni Tj sa akin.
Tinignan ko siya pilit kung winawaksi ang inis sa kanya kung bakit ayaw niyang sabihin sa akin kung ano ang stadus nila ni Christine.
“ Yeah” maikli kung tugon sa kanya
SABAY kaming naglakad ni Louella palapit sa mesa.
Napangiti ako ng makita ko ang lechon naka dapa. “ Yari ka sa akin, gutom pa naman ako dahil wala akong almusal kanina” sabi ko sa sarili at lumapit roon para kumuha.
Nakasunod naman sa akin si Tj, ako na ang kukuha para sayo” alok niya
“ Naku wag na, ako na madami pa naman akong gustong kainin.
Matapos kung kumuha ang pagkain lumapit ako kina Avvy at Louella at tahimik kung nilantakan ang balat ng lechon na crisping crispy pa.
“ Sherep nemen—-“
“ Kadiri ka Amber alam mo ba iyon? Pupunta ka dito para kumain niyan?” inikutan ko ng mata ang sinabi ni Avvy.
“ sarap mo hampasan sa nguso Avvy” sa isip ko. Nilunok ko muna ang kinain ko saka ko sinagot si Avvy Maria.
“ Alangan naman titignan ko lang ang handa mo. Syempre kakain ako ng kakain, nagutom ako sa pag-alala sayo ha? At least na busog ako” tugon kong sinabayan iyon ng pagtayo para kukuha pa uli ng pagkain.
Pagkabalik ko sa mesa, nagtanggal muna ako ng tinga gamit ang dila ko. Saka inabot ko kay Avvy ang regalo ko napa kunot-noo pa siya na baka ano nanaman ang laman niyon.
“ Iba ang feeling ko sa caleb mo” ani ko kay Avvy.
“ Same iba kasi siyang tumitig lalo na ang pagalala niya sayo nong mahinatay ka kanina sa simbahan” sabad ni Louella
Tumayo ako para kumuha ng inomin ng matanaw ko ang baileys waving at me.
“ Ohhh siya, sige inom na tayo” alok ko sa kanila. Handa na akong makipag tagayan busog na ako eh. Siguraduhin ko hindi ako malasing.
maya maya pa ay tinawag ang bagong kasal ng emcee. Sumunod kaming dalawa ni Louella
Masaya kaming nanuod at nag cheer up sa mga bagong mag asawa sa kanilang pag tanggal ng garter. Kinikilig akong nanood sa kanila” napa sana all nalang ako”
“ Kiss kiss!” pagsisigaw namin naroon. Hindi naman kami na bigo at masuyong hinalikan ang beautiful bride ng groom.
Mayamaya pa ay binuhat na ni Caleb si Avvy.
Napatingin kami kay Avvy at kinawayan niya kami. Sabay turo ng alak at pulutan.
Napangiti ako ng makita buo parin ang ulo ng lechon at nandon parin sa bibig nito ang apple.
“ Louella, chibugan na ito. Bitbitin muna ang alak ako na ang bahala sa pulutan” natatawa kung sabi sa kanya at agad naman siyang kumilos.
Abala ang lahat kaya mabilis kong pinutol ang ulo ng lechon at binitbit ko iyon patakbo sa loob ng kuwarto ni Avvy.
palapit na ako sa pintuan ng bigla akong nadapa” Ano ba Amber, nag swimming ka naman sa walang tubig” natatawang sabi ni Louella
“ Sira, mabigat ang ulo ng lechon pero in ferness diko parin siya nabitawan” natatawa kung sabi
“ Dibali ng madapa basta bitbit ko ang lechon” nakangiti akong bumangon at pumasok sa loob ng kuwarto ni Avvy na ikinangiti niya naman
“ Pwedi naba kaming maging ninja?” natatawa kung tanong
“ Hindi ninja ang nararapat sa iyo Amber, magnanaw pwedi pa” nakairap niyang sabi na ikanatawa ko. “ Pag iyan mata mo dina babalik sa dati ewan kuna lang kay Caleb”nanakangiti kung biro.
“ Siyanga pala, yong Caleb mo inaway ako tungkol sa regalo ko sayo nong engagement party mo” sabi kung binaba ang hawak kong lechon.
Inabot namin sa kanya ang mga regalo namin.
“ Hoy, kasal mo dapat mag saya tayo. Party party!” Sigaw kung kinuha ang aking celphone para hanapin ang gusto kung tugtog. Gusto kung sumayaw.
Pinatugtug ko ang “ Ang dayang dayang ” Nagkatinginan ang dalawa sa pagkarinig sa aking tugtug hindi nila na intindihan.
Masaya naman akong kumikimbot kimbot na sumabay sa tugtug.
?“ Iring gilaygit gipahayang gihimolbulan pa hayang.... hayang?
? akoy may alkansi kung ako ang mo hayang. Mahubo na ini panty ako man ang maulawan. Hala hayang- hayang, hayang....
?Mahiya na ini si pepe ?
?Peperi peperri?
Santa iya ta ini inday, pakpakan mga uwan uwan. Hala hayang.
?Iduso ayaw idoot hala hayang?
?Si toto ginapakpakan?
Napatigil ako sa pag sasayaw ng marinig ko ang boses mula sa labas.
“ Hindi naman bagay sila Avvy at Caleb”
Nag init ang aking taenga sa narinig kaya mabilis akong sumunod kay Avvy lumabas ng kuwarto.
“ Sino nag sabi non?” pagalit kung tanong nang makita ko ang tatlong babae nasa labas.
Kahit naka inom ako natatandaan ko mga mukha nila.
“ Ewwww lasing ba sila?” anang babae dilaw ang buhok.
“ Nakakahiya naman sa tae nato hehhe” natatawa kung sabi.
Natigil ako ng bigla akong sampalin ng naka dilaw na buhok ng walang pasabi sabi.
Nagdilim ang aking paningin at mabilis kung hinablot ang kanyang buhok na parang tae.
“ Gigil mo ako”
At ubod lakas kung hinila ang kanyang buhok pababa para ilampaso sa sahig ng kuminis naman ang kanyang mukha.
“ Ikaw babae ka, gigil mo ako” sabi kung ninudnud ang kanyang mukha.
Para talaga akong sinasaniban pag inunahan ako. “ Ayaw kung mang una kaya wag mo akong kakantiin oh sino man sa mga kaibigan ko dahil kalbo ang aabutin mo sa akin”
Hinila na ako ng mga nandoon hanggang sa dumating na sina Caleb at inawat kami. Maldita kami pero hindi kami ng uuna.
To be continue nalang????