Amber Alejandra Episode 13

2087 Words
☯??????? ??????# 3☯ ? AMBER ALEJANDRA? Chapter 13 “ LADIES!” boses ng lalaki ang nagpapalingon sa amin ni Louella. Nagitla kami ng makita namin sina Tj at Zeke nakatayo sa pintuan ng coffee shop. “ A-no ang ginagawa nilang dalawa?” nauutal kung tanong kay Louella. “ Abay, malay ko tumakas nga ako. Magkaibigan sina Zeke at Tj?” balik niyang tanong. “ Malay ko!” Naglakad palapit sa amin ang dalawang lalaki “ W-what are you doing here?” nauutal na tanong ni Louella kay Zeke ng malapitan siya “ Amber, akala ko ba masakit ang ulo mo?” sumbat sa akin ni Tj at umupo sa tabi ko. “ Kanina pa iyon, ngayon wala na” nakasimangot kung tugon sa kanya. Naiinis ako sa kanya kanina lang nadaanan ko siyang kausap si Christine ng papunta ako ng coffee shop. “ Ano ba talaga kami ni Tj?” naguguluhan kung tanong sa aking sarili. Tinapunan ko ng tingin si Louella nakatingin din siya sa akin nag-uusap ang aming mga mata. “ Amber, umuwi na tayo para makapag pahinga ka” pukaw sa akin ni Tj. “ Hindi naman ako pagud bakit mo ako pagpapahingahin?” naiinis kung tanong sa kanya. hindi ko alam basta, galit ako sa kanya. Para akong nag lilihi naiinis makita siya. Lalo na pag naguusap sila ni Christine. “ Hindi ako uuwi pag hindi kita kasama, baka saan naman kayo magpunta” ani Tj sa akin Tumayo ako, “ bahala ka” “ Saan ka pupunta?” kunot-noo niyang tanong “ Mag si-cr baka gusto mo sumama sa loob?” nakairap kung tanong sa kanya. “ Babaeng to, kanina lang umaga ang lambing tas ngayon bigla uminit ang ulo may period siguro” Narinig kung sabi ni Tj. Napangiti akong nagtuloy sa c.r Mayamaya sumunod si Louella. “ Ano sasama kaba kay Zeke?” bungad ko sa kanya “ Hindi ah! gagala pa tayo” tugon niya “ Paano tayo makalabas nandon ang dalawa nag aabang sa atin” ani Louella “ Mag isip tayo ng paraan” lumapit ako sa bintana sakto Jelousy ang gamit.” Ito lang coffee shop nag je-jelousy” natatawa kung sabi at inisa-isa ko iyong tinanggal “ Hoy, Amber ano ang ginagawa mo?” natatakot na tanong ni Louella “ Ano pa sinisira. Para makatakas tayo” pinagpatuloy ko ang aking ginagawa “ Hoy, makukulong tayo niyan” saway niya sa akin “ At least dalawa tayo” tinawanan ko siya “ Ano ba sasama ka sa akin oh hindi?” tanong ko sa kanya ng matanggal ko ang jelousy. at pumatong ako sa bintana naka handang tatalon. “ Panty mo kitang kita ko” puna ni Louella “ Gusto mo hubarin ko ito para hindi muna makikita ang panty ko?” naka bungisngis kung tanong sa kanya “ Ano ba, sasama ka oh hindi?” ulit kung tanong “ Saan ba tayo pupunta?” “ Mag ba-bar nga ako” “ Mag babar ka eh maaga pa!” maktol ni Louella. “ Ako ang mag bubukas ng bar nila, ano problema don. Bahala ka nga diyan, sumama ka kay Zeke” sabi kung tumalon palabas ng c.r “ Hoy, Amber hantayin mo ako” sabi niya saka umakyat narin sa bintana. “ Bilisan mo bago may makikita sa atin kung hindi sa kulungan tayo magpapasko” Tumalon na din siya. Magka akbay kaming naglakad papunta sa sakyan. Ng hindi sadyang mapalingon kami sa loob ng coffee shop ay siyang lingon din sa amin ng dalawang lalaki. “ Takbo!” ani Louella Nagsi takbuhan kami papunta sa sasakyan “ Bilisan mo mahabol pa nila tayo eh” sabi kung nag antay na mabuksan niya. Nakapasok na si Louella sa driver seat at pinaandar niya ang sasakyan palayo. “ Bruha ka, hindi pa ako nakasakay!” sigaw kung hinahabol siya. “ Save your self ata tong babaeng ito” Natatawa siyang hininto ang kotse, mabilis kung binuksan ang pintuan at umupo sa tabi ng driver seat. “ Bruha ka muntikan mo pa akong iwanan” humihingal kung sabi sa kanya “ Bagal mo kasi” natatawa pa siya sa ginagawa niya pinapahabol ako. Saglit nasira ang poise ko doon ah. Kinulikot ko ang cd niya nasa sasakyan. Nakita ko ang cd may naka sulat na “ Girl on fire” sinalang ko iyon. ? She’s just a girl and she’s on fire ?Hotter than fantasy, lonely like a highway? Sumabay na ako sa tugtug ? She’s living in a world and it’s on fire filled with catasrophe, but she knows she can fly away? itinaas ko ang aking kamay, feel na feel ko ang kanta” ohhhhh oh oh oh She got both feet on the ground and she’s burning it down This girl is in fire!!”? tili ko “ Ano ba Amber, nag wawally kaba or kumakanta” naiinis na saway sa akin ni Louella Naikinatigil ko. “ Ano ba kumakanta ako isturbo ka naman eh” naiinis kung sabi sa kanya “ Tumahimik ka nga, mababasag eardrum ko, pangit ng boses mo” “ Hala siya! Ganda nang boses ko yong pandinig mo ang pangit eh” natatawa kung sabi “ Sandali, may tanong pala ako”pag iba niya sa paksa namin bago pa kami mag sabunutan sa loob ng kotse dahil sa boses ko. “ Ano na, kayo naba ni Tj?” “ Hindi ko alam, kung ano kami eh.. Complecated muna status namin. Wala akong natandaan eh” sabi ko sa kanya. “ Sabi mo naghahalikan kayo” kinikilig niyang sabi “ hinalikan nga niya ako kanina umaga. Hindi ko alam kung ano kami. Ano nga ba kami Louella Amore?” seryuso kung tanong “Abay, lukaret ka. Buhay mo iyan kayo ang naghahalikan ikaw naka alam kung ano kayo. Syunga syunga ito eh” tugon niyang hindi ako tinignan. “Labo naman ng relation ko” sabi ko sa mahinang boses “ Ikaw nga malabo, iyan relation mo pa ba” natatawa niyang sabi “Abay, ikaw ba ano na kayo ni Zeke?” balik kung tanong sa kanya ng makaganti manlang sa pang aasar niya Bigla sumeryuso ang kanyang mukha” Nagtapat ako sa kanya, pero parang wala lang sa kanya” tugon niya sa malungkot na boses. “ Baka hindi pa nag absorb sa isipan niya ang sinasabi mo. Baka pinag-isipan pa niya” sabi ko na lamang. Pinagalaw niya lang ang dalawa niyang balikat. “ Yaan mo dalawa naman tayo malabo ang status ng relation eh. Pero at least nakatikim ako ng halik niya” natatawa kung sabi. “ Seriously Amber, bakit hanggang ngayon virgin kapa rin?” “ Ano ba naman itong si Louella eh, virginity iyon, mahalagang bagay sa atin mga babae. Magaslaw lang ako gumalaw at maharot at talandi narin. Pero hanggang doon lang ako. Naging leberated lang ako dahil sa mga kaibigan ko nong nasa England pa ako.” mahaba kong paliwanag sa kanya. Naunawaan ko naman bakit siya curious dahil siguro sa nakikita niyang mga kinikilos ko. Ilang sandali ang lumipas narating namin ang bar nag uunahan kaming dalawa sa pagbaba. “ Sandali! bago tayo pumasok. Sout muna natin ang sunglasses natin para maganda ang entrance, tayo ang bida eh” sabi ko sa kanya Na sinunod naman niya sinout namin ang dark sunglasses at humakbang kami papunta sa pintuan ng bar. “ Bruha ka, wala akong makita madilim sira ulo kang Amber ka!” nang gigil siyang tinanggal ang sunglasses niya. “ Sinubukan ko lang naman eh! pero tama ka wala din ako nakita” natatawa kung sang-ayon at kinuha ang sunglasses na ibinalik ko sa bag. Sabay kaming naglakad ni Louella papasok sa loob. “ Ah! Heaven daming papa dito oh, ang hot!” bulalas ko ng makita ko ang nag guwapuhan mga lalaki nasa ibabaw ng entblado. At ang iba nag seserved. Hinila ako ni Louella papunta sa vacante upuan. Tumingin sa amin ang lalaki hawak ang tray “ Pancake please!” sigaw ko “ Gaga nasa bar tayo oorder ka ng pancake?” agad na saway sa akin ni Louella. “ Akala ko kasi nasa pancake house tayo, my syrup kasi” nakangiti kung sabi at hinaplos ang dibdib ng lalaki dumaan sa harapan ko. “ Pawis niya iyon luka ka” ani Louella umupo sa tapat na upuan. “ Ang tatanga, mukhang social pero ignorante” narinig kung sabi sa kabilang table Sinabayan pa iyon ng tawa ng mga babaeng mukhang mga ewan. Pero hinayaan kuna lang ang mga iyon. Ayaw ko ng gulo mabait ako ngayon. Dahil sa mga papa nakapaligid sa amin. “ Ano ang gusto mo?” tanong ko kay Louella “ Ikaw na bahala ipag order muna rin ako” “ Okay, gusto ko iyong chardonnay” tinawag ko ang waiter at nag order ng isang bote. “ Siyanga pala, tumawag si Shakera sa akin, may pinadala siyang regalo para kay Avvy sa kasal ng babaeng iyon” sabi kong nilagok ang baso may laman inomin. “ Naku, bukas na pala ang kasal ni Avvy. Malalasing nanaman tayo nito” nakangisi saad ni Louella Mabilis kaming uminom kaya mabilis din naubos ang bote ng Chardonnay, omorder ako ulit ng Baileys Irish drinks. “ Amber, masarap itong baileys” ani Louella “ Oo, ito ang gusto kung inumin. Bukas mag request tayo ni Avvy ito ang ipainom sa atin. Tahimik itong inumin na ito dai, palihim ang tama nito” natatawa kung sabi sa kanya Natigil kaming dalawa sa pag uusap ng may lumapit na dalawang lalaki sa amin. “ Hi! Pwedi bang tumabi sa inyo?” anang isang lalaki na may ka guwapuhan naman ito. Yong kahit kanin lang at siyang kaharap mo busog kana. “ Hey! Hey!” anang babae lumapit sa amin. Sila iyong nagsabi kanina tanga ako. Mabilis akong tumayo at napatayo narin si Louella. “ Ano ang kailangan niyo?” tanong kung tinaasan sila ng kilay. “ Abay, ma attitude ka girl” anang babae sa akin “ Ano ba kailangan niyo bat nandito kayo sa table namin?” ani Louella “ Ayaw lang namin nilalandi niyo ang boyfriend namin” anang isang babae “ Boyfriend niyo ito?” sabay turo ko sa dalawang lalaki nakatayo parin sa harapan namin. “ Hindi namin sila nilalandi sila ang lumapit sa amin, bakit hindi niyo igapos ang mga iyan sa tagiliran niyo ng hindi makalapit sa ibang babae” naiinis kung sabi “ Tigilan niyo na nga iyan” saway ng lalaki sa tatlong babae at hinila ito palayo sa amin. Bumalik kami ng upo ni Louella at pinag pagtuloy ang pag inom namin. Nang bigla tumili si Louella ng tinapunan siya ng inumin mula sa likuran. Narinig kung nagtawanan ang mga walang hiya. “ Pag ti-tripan natin” sabi ng isang babae Napapailing akong tumayo” hindi niyo alam sino binangga niyo ha” sabi kong lumapit sa kanila. At walang pa sabi sabi sinaboy ko sa mukha ng babae ang hawak kung baso may laman inumin. Napatayo ito at bigla akong hinila sa buhok. Mabilis ko naman siyang nasipa sa puson. Kaya nabitawan niya ako. Nakita kong niyakap si Louella mula sa likuran isa sa kasamahan ng babae. Habang ang isa naman ay nakatayo sa harapan ni Louella at sinabunutan siya. Mabilis kung dinampot ang tray nasa ibabaw ng mesa at hinampas ko sa babae sumambunot kay Louella. “ Yuko!” sigaw ko at mabilis naman ini yuko ni Louella ang ulo kaya hinampas ko sa ulo ng babae nakahawak sa kanya mula sa likuran at nabitawan siya nito. Tatakbo sana ang babae sumambunot kay Louella ngunit mabilis ko iyong nahawakan at niyakap ko mula sa kanyang likuran. Hindi ko namalayan ang paglapit ng dalawang babae sa akin at hinawakan nila ako at pinagtutulungan. “ Yuko!” sigaw ni Louella hinampas ang hawak na bag. Huli na ang kanyang sigaw “ Bruha ka! natamaan mo ako” angal ko ng matamaan ako sa ulo. Una pa ang hampas niya bago ang kanyang sigaw hindi ako nakailag. “ Sorry sorry hahhaha” natatawa pa siyang natamaan ako sa pag hampas niya. “ Hampasin mo kasi ang ulo” sabi ko hinila ang isang buhok ng babae. Ganon din ang ginawa ni Louella sa isa saka pinagtulungan namin sabunutan ang isang babae. “ Dali ipasok mo sa ilalim ng skirt ko may bagoong akong inipit sa ilalim” sabi ko kay Louella hawak parin ang buhok ng isang babae. “ Hoy bitawan mo” narinig kung boses ni Tj.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD