☯??????? ??????# 3☯
? AMBER ALEJANDRA?
Chapter 12
HINDI ako nakapaniwala hinatid ako ni Tj. Pinikit pikit ko ang aking mga mata dahil masakit pa talaga ang ulo ko.
Napaigtad ako ng mag ring ang celphone ko. Inabot ko iyon at tinignan sino ang tumawag. Napangiti ako ng makita ang number ni Louella
“ Hey! napatawag ka?” anas kong pinikit ang aking mga mata
“ Ano na ang nangyari sa inyo ka gabi? ano masarap ba ang halik ni Tj” ani Louella kinikilig pa siya habang nag ku-kwento.
Napa kunot noo ako sa kanyang sinasabi” W-what did you say? hinahalikan ako ni Tj?” ulit kung tanong sa kanya.
“ Ano!? hindi mo alam?” napapikit ako sa pagtaas ng kanyang boses.
“ Ano ba iyang pinagsasabi mo? Hindi kita maintindihan. Wala akong matandaan sa nangyari ka gabi” naguguluhan kung sabi sa kanya.
“ Hala siya! Naka tikim lang ng halik hindi na niya natandaan. Tumawag ka sa akin lukaret ka. Sabi mo inamin muna ang naramdaman mo para sa kanya, at naghahalikan kayo”pagpapaalala niya sa akin natutup ko ang aking noo. Hindi ako makapaniwala inamin ko kay Tj iyon.
“ Magkita tayo mamaya, I need to clarify it. Sabihin mo ano sinabi ko sa iyo. Meet me at the coffee shop” mabilis kung pinutol ang linya ng celphone.
“ Dios ko! inamin kubang talaga? Bakit wala akong matandaan. At bakit hindi ko natatandaan naghahalikan kami ni Tj.” bulalas ko sa aking sarili
Napatayo ako sa sinabi ni Louella tila umurong ang sakit ng ulo ko. Mabilis akong bumangon para kitain siya at tanungin kung ano ang nasabi ko sa kanya ka gabi.
Sumilip muna ako sa bintana bago ko tinungo ang banyo. Natanaw ko si Tj naglakad papunta dito sa bahay namin.
“ Ang guwapo bagong ligo pa masamasa ang buhok.
Alam kung pupunta iyan dito sa bahay. Nagmadali akong naglagay ng lipstick.
“ Shoota na sandali! hindi pa pala ako nakapag tootbrush” nagmamadali akong pumasok sa banyo at nag tootbrush saka nag hilamos. Muli ako naglagay ng lipstick saka humiga sa kama.
“ Pansamantala muna akong si Slepping beauty, Tapos darating si Prince charming at hahalikan niya ako para magising” kinikilig kong sabi.
Mayamaya pa narinig ko ang boses ni Tj kausap si mama.
“ Akyatin mo nalang Tj, gising na iyon kanina, nag rereklamo masakit ang ulo. At hindi ma tandaan kung paano siya naka akyat sa kanyang kuwarto.” narinig kong sabi ni mama kay Tj
Bigla akong nahihiya inamin ko sa kanya, ang naramdaman ko. Ano kaya ang sinagot sa akin noon ni Tj?
Kumakabog ang aking dibdib ng maramdaman kung may pumihit sa seradura. At bumukas ang pinto mariin kung pinikit ang aking mga mata. Para isipin niyang tulog ako. Ayaw kupa siyang kausapin nahihiya ako.
Naramdaman ko ang paglapit niya”kung kailan ako nagpanggap na tulog saka naman ako nakaramdam ng pangangati sa binti.
“ Tj, umalis kana” sigaw ng aking isipan. Nangangawit na talaga ako. Gusto kunang gumalaw
Naramdaman kong umupo siya sa gilid ng kama alam kung tinitigan niya ako.
“ Your so beautiful, kahit natutulog ka ang ganda mo parin” sabi niya
Nilapat niya ang kanyang hintuturo sa labi ko. “ Wake up like this lang huh?” biro niya tinanggal ang lipstick na sumubra sa linya ng labi ko. Gusto kung matawa sa sinabi niya. Pero pigil na pigil ako, hindi ko siya kayang harapin.
“ Amber kakahiya ka, baka nagmukha kanang clown hindi mo nilagay ng maayos ang lipstick mo” ani ko sa sarili habang pinunasan ni Tj ang ibabang labi ko.
Mayamaya pa naramdaman ko ang pagdukwang niya kasunod niyon ang paglapat ng labi niya sa labi ko.
“ OMG! Hinalikan niya ako” pagtitili ng kalooban ko. Gusto kong idilat ang aking mga mata at gantihan ang halik na iyon. Pero pinanindigan ko ang pagtulog tulugan ko. Ano ang sasabihin ko sa kanya? naguguluhan ako nahihiya.
Ilang saglit ang lumipas naramdaman kung tumayo siya kasunod niyon ang pagsara ng pinto. Napadilat ako ng mata ng marinig ko ang pagsara nito.
“ I got you” natatawa sabi ni Tj nakatayo sa tabi ng pintuan.
Hindi siya lumabas na kuwarto na isahan niya ako. “ T-Tj? andito ka pala” patay mali kung sabi at sinapo ko ang aking noo.
“ Ang sakit ng ulo ko” pagdadahilan ko.
Mabilis siyang nakalapit sa akin. “ Kanina pa kita pinag-masdan alam kung gising ka” natatawa niyang sabi sa akin na ikinapamula naman ng pisngi ko.
“ ano ang ginagawa mo dito?”
“ Ano pa, tinignan ka, lasing na lasing ka kaya kagabi” sabi nito
“ Kaya nga eh, nagkakahang over ako” sabi kong tumagilid patalikod sa kanya.” Nahihiya ako” pagtitili ng kalooban ko.
Pinatong niya ang kanyang baba sa balikat ko. Amoy na amoy ko ang kanyang hininga” Tj parang awa muna lubayan muna ako” ani ko sa sarili.
Nalilito na ako kung ano na kaming dalawa. “ Ano ba ang nangyari ka gabi?” gusto kung itanong pero na unahan ako ng hiya.
“ Lalabas tayo ngayon” aya niya sa akin na hindi parin inalis ang kanyang baba sa balikat ko.
“ Masakit ang ulo ko, kinakailangan ko magpapahinga” pagdahilan ko sa kanya. Kailangan ko makausap si Louella ngayon” sa isip ko
“ Wala kabang pasok sa gasolinahan niyo ngayon?” tanong kong nanatiling nakatalikod sa kanya.
“ Hindi muna ako papasok” tugon niyang humiga sa tabi ko at pinatong niya ang kamay sa baywang ko.
Ngalingali na akong yakapin siya ng mahigpit” Tj, wag mo akong tuksuhin dahil mahina ako sa tukso” ani ko sa sarili
“ Kumain kana?” tanong niya
“ Hindi pa masakit ang ulo ko eh” tugon kung hindi gumalaw
“ Bibilhan kita ng nilagang baka, diba paborito mo iyon?”
“ Hindi mo pa pala iyan nakakalimutan Tj” nakangiti kung sabi sa kanya.
“ Syempre mga mahalagang bagay sayo, hindi ko kakalimutan.” tumayo siya para umalis.
“ Hindi ako magtatagal” sabi niyang lumabas na ng kuwarto.
Saka pa ako nakahinga ng maluwag ng makalabas na siya.
“ Ang aga aga pinakilig ako ni Tj eh, nahihiya tuloy ang hang-over nagsi alisan na sa ulo ko” bumangon na ako para makapag ligo at ng mapuntahan si Louella sa napag usapan namin sa coffee shop.
NAABUTAN ko si Louella sa loob ng coffee shop naka upo mag isa.
“ Ang tagal mo, halos luluwa na ang mga mata ko sa kakahintay sayo” naiinis niyang bungad sa akin.
“Eh, kasi si Tj eh, hinaharot niya ako kanina” sabi ko sa kanya na kinikilig parin.
Umupo ako sa katapat niya” nag order kana?” tanong ko sa kanya
“ Hindi pa, inantay kita”
“ Mamaya aalis tayo”
“ Saan mo naman ako dadalhin?” kunot noo niyang tanong
“ Saan pa, maghahanap tayo ng 10 packs ng abs” natatawa kung sabi
“ Gusto ko yarn” excited niyang tugon
Narinig ko nag ring ang aking celphone mula sa bag. Binuksan ko iyon at bigla akong napahalakhak ng makita ko ang binigay kung regalo na tinanggihan ni Louella ka gabi.
“ Luka ka bakit ka biglang tumawa?”
Naalala kuna bakit iyon nasa bag ko. Pinasok ko pala iyon sa bag ng tinanggihan niya.
“ Itapon muna ang bola” natatawa kung sabi na agad naman niyang sinabayan.
kunwari nag tapon siya ng bola at hinampas ko iyon gamit ang hawak kung kulay violet.
“ Ano na dapat iyan?” natatawa niyang tanong.
“ Base ball bat”
Napahalakhak si Louella sa sinabi ko.
“ Sandali! Ngumiti ka show me your teeth”
“Ano naman iyan?” natatawa niyang tanong.
“ Ano pa tootpick” tugon ko kunwari tinanggalan ko siya ng tinga gamit ang hawak ko.
Sabay kaming napahalakhak habang pinaglaruan namin ang hawak kong kulay violet na may nakadikit na dalawang itlog. Pakiramdam namin kami lang dalawang tao ang nandoon sa loob.
“ Sira ulo ka talaga Amber!” ani Louella
Bigla sumeryuso ang kanyang mukha.
“ Amber may tanong ako, wag mo mamasamain ha?” sabi niya sa seryuso mukha.
“ Ano iyan? mukha seryuso ata ang tanong mo eh” napaseryuso narin ako
“ Birhen kapa ba?” ani Louella
Hinampas ko sa ulo niya ang hawak ko” luka! Liberated lang ako ha, pero never been touch pa ere” natatawa kung sabi tinuro ang ibaba kung bahagi.
“ Ladies!”
Nalalingon kami pareho sa pinanggalingan ng boses.