bc

The Newly Hired Bodyguard

book_age16+
6.2K
FOLLOW
47.1K
READ
killer
love-triangle
family
dominant
goodgirl
badgirl
boss
heir/heiress
drama
tragedy
like
intro-logo
Blurb

Bilang bagong bodyguard ng isang mayamang don, naatasan si Rael na protektahan ang nag-iisang anak na dalaga ni Don Devid—si Dahlia. Unang kita pa lamang sa babae ay nahumaling na siya rito. Ngunit paano kung sa unang araw niya bilang bodyguard nito, muling magbalik sa buhay niya ang dating nobya na hiniwalayan siya nang walang sapat na rason. At napag-alaman din niyang magkapatid pala ang dalawa sa ama.

Magagawa ba niyang protektahan ang dalagang amo kung sa bawat minutong dumaraan, ang kapatid nito ang hinahanap-hanap niya?

chap-preview
Free preview
Chapter One
BAGSAK ang mga balikat ni Rael nang bitiwan niya ang hawak na duffle bag at hayaan itong bumagsak sa sahig ng pribadong silid ng may-ari ng restaurant na pinagtatrabahuhan niya bilang isang security guard. Nakatingin siya sa lalaking nasa upuan nito at abala sa kakalikot sa sarili nitong selpon. "Mister Atienza, maawa naman kayo. Namatay ang buong pamilya ko—" "Wala akong pakialam," putol ng lalaki sa sinasabi niya. Agad kumuyom ang magkabilang kamao niya sa narinig mula rito. Ibinaling niya ang paningin sa kaliwanang bahagi ng pribadong kuwarto at nakita ang malaking salaming bintana. Tanaw niya mula roon ang mga punong tinatangay ng hangin ang mga dahon. Nasa ikalawang palapag ang silid nito at sa ibaba naman ang kainan. Noon pa mang bago siya nag-apply sa restaurant ni Mister Atienza, alam na niya kung anong klaseng boss ito. Mahigpit sa trabaho, malupit sa mga pinapasuweldo. Ngunit hindi niya akalaing ganito ito kawalang puso. "Nawalan ako ng pamilya, sir! Hindi ako basta umalis lang sa walang kuwentang dahilan!" "Huwag kang magtataas ng boses sa akin, Esrellas. Tandaan mo, kasalanan mo ito." Nag-angat ito ng paningin at tinitigan siya nang mataman. Bakas ang galit sa mga mata nito na para bang napakalaki ng kaniyang kasalanan. Nailing siya dahil sa galit. Gusto na niyang magwala ngunit pinipigilan niya ang sarili dahil sa natitirang respeto sa lalaki. Limampu't anim na taong gulang na ito, mas matanda sa kaniya kaya iniiwasan niya pa rin ang maging bastos dito. "Ang tanging kasalanan ko lang, hindi ako nakapagpaalam sa inyo nang personal! Ano'ng magagawa ko? Nakatanggap ako ng balitang patay na ang pamilya ko dahil sa sunog! Maiisip ko pa bang puntahan kayo upang humingi ng permiso!" Nanginginig ang mga kamay niya sa tindi ng emosiyong kaniyang nararamdaman. Ngumisi si Mister Atienza. Inayos nito ang suot na salamin at ibinaba ang selpon sa ibabaw ng mesa. "Nagtatrabaho ka sa akin. Responsibilidad mong magpaalam dahil nasa oras ka pa rin ng pagtatrabaho. Hindi mo kayang gawin? Puwes, hindi rin kita kailangan dito!" Binuksan nito ang drawer ng sariling mesa at may kinuhang puting envelope roon. Hinagis nito sa paanan niya ang envelope at nginitian siya. Hindi man nito sinabi kung ano iyon, may hula na siya sa nilalaman nito. Mas lalong kumuyom ang mga kamay niya. Masakit man ay pinili niyang pulutin ang puting sobre at muling dinampot ang bag niya. Napapalunok siyang humakbang hanggang sa maabot ang nakabukas na pintuan ng silid at diretsong umalis. Sinalubong siya ng lamig ng malakas na hangin sa labas ng restaurant. Nag-umpisa siyang lumakad hawak ang duffle bag sa isang kamay at ang puting sobre na naglalaman ng huling suweldo niya. Hindi niya lubos akalain na ito ang naghihintay sa kaniya sa pagbabalik niya sa Maynila. Hindi pa man siya nakalalayo sa restaurant ay narinig na niya ang pagtunog ng kaniyang keypad na selpon. Dinukot niya iyon mula sa bulsa ng pantalon niya at nakita ang pangalan ng nobya. Pinuno niya ng hangin ang dibdib bago sinagot ang tawag. "Baby?" Narinig niyang nagpakawala ng malalim na buntong-hininga ang dalaga. "Nasaan ka? Puwede ba tayong magkita?" Pilit siyang ngumiti at tumango sa tanong nito. Nagpatuloy siyang humakbang matapos ibaba ang tawag. Ayon sa babae ay magkita sila sa madalas nilang tagpuan. Binilisan niya ang paglalakad dahil may kalayuan ang lugar na pagkikitaan nila. Hindi na siya umuwi sa apartment na pagmamay-ari ng kaibigan niya at siyang tinutuluyan din niya. Dumiretso siya sa coffee shop na madalas nilang tambayan ng babae, ang coffee shop kung saan niya ito unang nakilala. Sumakay siya sa taxi at nagpahatid sa kapihan. Matapos ng halos dalawampung minuto ay narating na niya ito. Pumasok siya sa loob ng salaming pinto at agad na kinawayan ang kaibigan niyang may-ari ng coffee shop—si Atticus Figueroa. Nature friendly ang kapihan nito at brown at black ang theme ng kulay. Doon madalas magkape ang nobya niya dahil mahilig ito sa mga halaman. Nakita niya sa dulo ng mesa malapit sa counter ang babae. Tahimik itong nakaupo at nakatitig sa kawalan na tila malalim ang iniisip. May isang tasa ng kape sa mesa nito na bahagya pang umuusok sa init. Lumapit siya sa babae at hinalikan ito sa pisngi. Doon nabaling sa kaniya ang atensiyon nito. Umupo siya sa silyang kaharap ng nobya at pilit na ngumiti. "Kanina ka pa ba naghihintay?" Mariin na lumunok ang babae bago nag-iwas ng tingin. Humalukipkip ang mga kamay nito at naging mailap ang mga mata. Nagbuga siya ng hangin saka ibinaba ang dalang bag at ipinasok sa bulsa ang hawak na sobre. Itinaas niya ang kamay upang tawagin ang isang waiter. "Ano'ng gusto mong order-in?" Muli siyang ngumiti nang makalapit ang lalaking kukuha ng order nila. Alanganing ngumiti si Paislee at itinago sa likod ng tainga ang ilang hibla ng buhok na tumatabon sa mukha nito. "Okay lang ako, Rael," mahina nitong wika saka kinuha ang tasa at humigop ng kape. Napalunok siya bago muling binalingan ng tingin ang waiter. "Dalawang pumpkin pie at isang kape, pare." Matapos umalis ng lalaki ay itinuon niya ang paningin sa nobyo. Nakabaling sa labas ng salaming pinto ang mga mata nito at wala pa ring imik. Bumaba ang paningin niya sa kabuuan nito. Nakasuot ang dalaga ng puting crop top at high waisted trousers na kulay brown. Naka-heavy makeup ito kagaya ng nakagawian ng babae. Suot din nito ang bigay niyang mumurahing pulsera. Kinuha niya ang kamay nito at maingat na hinawakan. "Baby, may problema ba?" Natigilan ang dalaga, tila nagbalik ito sa reyalidad dahil sa tanong niya. Lumunok ito at ibinuka ang bibig tanda na may sasabihin ito, ngunit muli rin iyong tumikom nang hindi nito kayaning isatinig ang nasa isip. Nagbuga siya ng malalim na paghinga. Pakiramdam niya ay napakabigat ng dibdib niya. Para may malaking bato ang nakadagan dito na alam niyang ang babae lamang ang makakapagpawala. "M-may sasabihin ako, Rael." Bahagya siyang natigilan na pumiyok ang tinig ng babae. Pakiramdam niya ay may iniinda itong problema at ayaw lamang sabihin sa kaniya. Kahit na ganoon na ang pinagdaraanan niya ay hindi niya kayang hindi ito unahin. "Ano iyon? Sabihin mo sa akin." Ngumiti siya rito saka pinisil ang kamay nitong hawak pa rin niya. Bahagya siyang natigilan nang mapansin ang namumula nitong mga mata. Tila ba anumang oras ay maluluha na ito. Agad na nabuhay ang kaba sa dibdib niya. Humigpit lalo ang hawak niya sa kamay nito. "Paislee? Bakit?" Matagal siyang tinitigan ng dalaga. Nangingislap ang mga mata nito ngunit makikita roon ang lungkot na nadarama. Hindi nito nakayanang tumitig sa mga mata niya kaya agad rin itong nag-iwas ng tingin. Natakpan ng may pagkamahaba nitong bangs ang maganda nitong mukha. "M-maghiwalay na tayo... "

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.6K
bc

Scandalous Affair (Tagalog/Filipino)

read
1.5M
bc

Love Donor

read
86.9K
bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
889.6K
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.2K
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
562.8K
bc

Stubborn Love

read
98.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook