Chapter 10- A Deal with Her

3711 Words
Chapter 10- A Deal with Her. Split Intentions to Love Conflicts Sa isang malawak na rooftop garden sa Ainsoft Developing Company ay nakaupo sa isang mahabang bench sina Maki at Nastia na may isang dipa ang pagitan sa kanilang dalawa. Wala masiyadong employee sa taas ng rooftop garden dahil abala ang mga ito sa pag-aasikaso ng nagaganap na launching ng bagong app ng kumpanya ni Maki. Tahimik lang silang nakaupo sa bench habang nakikita nila ang kapatid ni Nastia na si Cathy na naglalarong mag-isa. Namamayani sa dalawa ang katahimikan at awkwardness dahil hindi pa naman sila ganun ka clear mag-kaibigan na sila o hindi, usually simula ng magkatagpo ang landas nilang dalawa, hindi naiiwasan na magkapikunan at asaran sila kaya hindi nila alam kung paano ang way na dapat nilang gawing pakikitungo sa isa’t-isa. Ilang minute narin silang tahimik na ikinabuntong hininga ni Nastia at lumingon kay Maki na ikinataas ng kilay niya dahil nakatingin na ito sa kaniya. “Kanina mo pa ba ako tinitingnan? Kung makatingin ka parang gusto mo kong matunaw ah.”kumentong sita ni Nastia na bahagyang ikina-ungos ni Maki dito at ikinaalis ng tingin kay Nastia at sumadal sa bench na kinauupuan niya. “Hindi ko talaga maintindian bakit ikaw.”mahinang sambit ni Maki na ikinakunot ng noo ni Nastia habang nakatingin sa kaniya. “What did you say? Alam mo kung may sasabihin ka huwag mong idaan sa bulong. I know I’m pretty.”pahayag ni Nastia na ikinalingong muli ni Maki sa kaniya. “Wow ha, grabe makabuhat ng sariling bangko. Pasensya na, I’m not murmuring because I find you pretty. Asyumer tayo ng kaunti sa part na ‘yan.”sambit ni Maki na bahagyang ikinatawa ni Nastia sa kaniya na bahagyang ikinasalubong ng kilay niya habang nakatingin kay Nastia. “May nakakatawa ba sa sinabi ko?” “Nah, kanina kasi ang awkward ng atmosphere sa ating dalawa but now, mas okay pala talaga kung hindi mawawala ang pang-iinis natin sa isa’t-isa, mas okay ‘yun.”sambit ni Nastia na ikinatitig ni Maki dito na bahagya niyang ikinatikhim ng marealize niya ang ginawa niya kasabay ng pag-alis niya ng tingin kay Nastia. “So, mukhang naga-gwapuhan sa akin ang kapatid mo.”pag-iiba ng usapan ni Maki na ikinalingon ni Nastia kay Cathy na nag-eenjoy sa paglalaro na ginagawa nito. “Huwag kang masyadong matuwa sa sinabi ng kapatid ko, you know, mahilig lang talaga sa hayop ang kapatid ko kaya nasabi niya na gwa---“ “Dang it! So I’m a f*cking animal to your sister?”putol na sambit ni Maki kay Nastia na hindi napigilang ikatawa ni Nastia sa nakita niyang reaksyon ni Maki na bahagyang napasimangot. “Don’t do over board Ms. nakakasakit ka ng feeling ah.”angal ni Maki na ikinatigil na ni Nastia sa pagkakatawa niya. “I’m sorry, I’m just kidding. I told you, ang pikon laging talo.” “Tss.” “But honestly, marunong naman ang kapatid ko na maka appreciate ng mga gwapong nilalang so yeah, gwapo ka naman talaga, magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi. You should be thankful to your parent’s dahil pinanganak kang gwapo.” Ngiting pahayag ni Nastia na bahagyang ikinatahimik ni Maki na napansin niya. “Did I said something wrong?” tanong ni Nastia na ikinabaling ng tingin ni Maki sa ibang direksyon. “I…I don’t have parents.”maikling sambit ni Maki na ramdam ni Nastia ang pagiging seryoso ng boses ni Maki. “Oh! Sorry for mentioning them. Just focus on the pogi part that I said.”sambit ni Nastia na ngising ikinalingon na ni Maki sa kaniya. Hindi niya pa masyadong kilala si Maki pero pakiramdam ni Nastia ay may mabigat at malungkot itong dinadala na patungkol sa buhay nito dahil sa naging response nito sa sinabi niya, at ayaw niyang panghimasukan ang pribadong buhay nito dahil parehas pa silang estranghero sa isa’t-isa. “So gwapo talaga ako?”ngising pahayag ni Maki na bahagyang ikinangisi ni Nastia. “Yes, but let’s face the truth that you’re kinulang sa height somehow.”sambit niya na ikinawala ng ngisi ni Maki at bahagya nitong ikinasimangot. “Sinabi ko na sa’yo, laitin mo na ang pagkatao ko pero huwag ang height ko. Psh!”asar na sambit ni Maki na ikinaikot ng tingin ni Nastia sa buong paligid ng rooftop garden ng kumpanya ni Maki. “Alam mo kung titingnan ko sa kung paano tayo unang nagkita, hindi ko akalain na is aka palang C.E.O. You own a successful developing app company na talagang pumapatok lalo na sa mga kabataan. Hindi halata sayo pero ng makita kita kanina, with suit masasabi kong tama ang kasabihan na ‘don’t judge the book by its cover’. Kagalang-galang kang tingnan ngayon, Giel.”pahayag ni Nastia na hindi alam ni Maki kung bakit bigla siyang natigilan ng sambitin ni Nastia ang second name niya. Walang sinoman ang tumatawag sa kaniya sa second name niya maliban sa babaeng katabi niya ngayon, ito lang ang kauna-unahang tumawag sa kaniya sa pangalan na para sa kaniya palamuti lang para sa pirma niya. “You remember my second name?”titig na tanong ni Maki kay Nastia na inosenteng ikinatango nito. “Yeah, hindi naman ako makakalimutin. You introduce yourself to me last night so, I clearly remember that you said your whole name to me.”paliwanag ni Nastia “Then bakit sa second name mo ko tinawag? Feeling close ka kaagad ah.”pabirong pang-aasar ni Maki na bahagyang ikinangiti ni Nastia. “Hindi sa pagiging close ‘yun Mr. I just fond calling people in their second names if they have of course.”pahayag ni Nastia na ikinatango nalang ni Maki dito na ikinadaan na naman ng katahimikan sa pagitan nila. Pumasok bigla sa isipan ni Maki ang napag-usapan nila ni Ruhk, kung iisipin ni Maki maaring si Nastia ang makakatulong sa kaniya para hindi na makalabas si Ody sa kaniya, hindi man niya alam kung bakit nagagawa iyon ni Nastia pero ang katotohanan na nagagawa nitong mapigilan ang paglabas ni Ody ay malaking tulong para sa kaniya. Pero hindi niya alam kung paano niya magagawang laging makikita ang dalaga, ayaw niyang isipin nito na stalker siya, ayaw niyang din namang sabihin sa dalaga ang kalagayan niya dahil alam niyang mawiwirduhan ito sa kaniya o matakot. Ang pagkakaroon ng double personality lalo na at mapanganib ang ikalawang persona mo ay talagang nakakatakot at ayaw I risk ni Maki ang bago niyang kakilala dahil lang sa nagagawa nitong hindi palabasin si Ody. “You can call me in my second name if you want to, did you remember my name?”baling na tanong ni Nastia sa kaniya na ikinatango ni Maki. “Yeah, sabi mo nga kakasabi lang natin sa isa’t-isa ng mga pangalan natin kaya imposible na makalimutan natin. I’ll call you in your second name para patas, Livy.”pahayag na sagot ni Maki ng mapatitig siya kay Nastia ng ngumiti ito sa kaniya. “B-bakit ka ngumingiti diyan?”punang kumento ni Maki dahil aaminin niya nagagandahan siya sa ngiti ng dalaga na maaliwalas. “Oh don’t mind my smile, natutuwa lang ako pag may tumatawag sa akin sa second name ko.”ngiting paliwanag ni Nastia na bahagyang ikinasalubong ng kilay ni Maki. “Seriously? Ang weird ng kasiyahan mo.” “Because I’m weird sometimes.”sagot ni Nastia na bahagyang ikinaungos ni Maki. “I’m weirder than you, more ways damn weirder.”sambit ni Maki na ikinatango ni Nastia na parang sumasang-ayon ito sa sinabi niya. “I think I shoud agree on that.” “Ate!” Sabay na napalingon si Maki at Nastia kay Cathy na tumatakbong papalapit sa kanila na may malawak at matamis na ngiti sa mga labi nito. “Ate let’s go back here okay, I like this place.”request ni Cathy na ikinahawak ni Nastia sa dalawang kamay ni Cathy. “Don’t request like that Cathy, this place is not a park to play. It’s a place we’re people working, so hindi tayo pwede dito.”paliwanag ni Nastia sa kapatid na bahagyang nalungkot na bahagyang ikinatikhim ni Maki at inagaw ang dalawang kamay ni Cathy sa pagkakahawak ni Nastia at hinila ito papunta sa harapan niya na bahagyang ikinagulat ni Nastia. “You like this place?”magiliw na tanong ni Maki kay Cathy na ikinatango nito kaya bahagyang napangiti si Maki sa kapatid ni Nastia. “Then you can come here anytime you want, just give me a call.”ngiting pahayag ni Maki na agad ikinaaliwalas ng mukha ni Cathy sa sinabi niya. “Really Kuya Pogi?!” “Cathy?!” sitang tawag ni Nastia sa kaniyang kapatid na napalingon sa kaniya na ikinalingon niya naman kay Maki na nakatingin na din sa kaniya. “Huwag mong pagbigyan ang kapatid ko, aka makaistorbo siya sa mga empleyado mo.” “It’s okay, I’m sure naman na hindi makakagulo si Cathy sa mga employee ko. Isa pa, kasama ka naman niya to watch her, right?”sambit ni Maki na bahagyang ikinabuntong hininga ni Nastia sa kaniya. “You know, I’m a working human too, I have also training in taekwondo kaya hindi pwede ang naisip mo. Wala ang parents namin at kami lang ang naiwan ni Cathy, well maliban kay Jacob na nasa baba at hinihintay kami sa parking area. Kaya hindi mo kailangang pagbigyan ang request ng kapatid ko.”paliwanag ni Nastia na ikinalungkot muli ng mukha ni Cathy habang si Maki ay nakakunot ang noo na nakatingin parin sa kaniya. “And who’s that Jacob?” “Our body guard, I mean Cathy’s guard while I’m not around.”sagot ni Nastia sa tanong ni Maki na ikinabaling ng tingin ni Maki kay Cathy. “Then, ako ang titingin sa kaniya while she’s here. Hindi naman masamang mag-enjoy ang mga batang kagaya niya.”pahayag ni Maki na hindi makapaniwalang ikinatitig ni Nastia dito. “Wait? Hindi ka ba busy na tao? You know, you’re the C.E.O of your company so I believe na mas abala ka dito.” “I’m the C.E.O yes, but this company can run without me on my desk. Actually, napunta lang ako dito pag kailangan ako sa mga board meeting or launching if may bagong ilalabas na app ang Ainsoft, but in a regular days, may iba akong ginagawa pero pwede ko namang isingit ang pagdala sa kapatid mo dito, if she likes to go here.”sagot na paliwanag ni Maki kay Nastia “Like what? Kung hindi ka nagiging abala sa kumpanya mo except pag kailangan ka, anong ginagawa mo?”nagtatakang tanong ni Nastia na bahagyang ikinangisi at ikinaalis ng tingin nito sa kaniya. “You don’t have to know, baka mamaya tumawag ka pa ng pulis ipahuli mo ko.” “Why? Are a kidnapper?”sambit ni Nastia na agad hinila si Cathy palapit sa kaniya na bahagyang ikinaasar ni Maki na napalingon sa kaniya. “Wow ha, sa dami ng illegal na gawain na pwede mong ibintang sa akin kidnapper talaga? Sa gwapo ng mukhang ‘to talagang kidnapper ang naisip mo?”asar na singhal ni Maki kay Nastia. “So anong ibang ginagawa mo?” “Bakit ko sasabihin sayo, close ba tayo?”ngising sambit ni Maki na bahagyang ikina poker face ni Nastia sa kaniya. “I thought we’re already friends?” “Oh? Are we?”ngising balik tanong ni Maki na mas ikina poker face ni Nastia sa kaniya. “So asyumera na pala ako dahil akala ko magkaibigan na tayo kahit papaano, fine. Hindi naman ako nangangailangan ng kaibigan kaya okay lang sa akin.”singhal ni Nastia na bahagyang ikinatawa ni Maki sa kaniya na ikinaingos nito sa kaniya. “I’m just kidding, syempre mag-kaibigan na tayo pero seriously, pag sinabi ko sayo kung anong ibang pinagkakaabalahan ko baka mag-iba ang tingin mo sa akin.”sambit ni Maki “Why? Does it matter to you kung mag-iba ang tingin ko sayo?”kunot noong tanong ni Nastia na bahagyang ikinatitig ni Maki sa kaniya. “Maybe, who knows?”sagot ni Maki ng mapalingon sila sa isang babae na humahangos na dumating sa harapan nila na may nag-aalalang ekspresyon sa mukha nito. Sa pagkakatanda ni Nastia ito ang babaeng nagsasalita kanina sa may auditorium at nagpakilala kay Maki sa mga dumating sa lunching ng bagong app ng Ainsoft. “Anong itsura ‘yan Trina? Tapos na ba ang try out ng mga visitors sa bagong app?”tanong ni Maki dito na huminga ng malalim bago umayos ng tayo sa harapan nila. “Hindi pa Boss pero may problema po tayo.”sambit na pagbibigay alam nito na bahagyang ikinakunot ng noo ni Maki habang tahimik si Nastia sa kinauupuan niya at iniupo si Cathy sa tabi niya. Magbabalak na sana siyang magpaalam kay Maki ng makarinig sila ng malakas na sigaw. “Laochecko?!” Sabay-sabay silang napalingon sa isang may kaedaran na lalaking masama ang tingin na naglalakad palapit sa kanila habang may dalawa lalaking naka suit na nakasunod dito na sa tingin ni Nastia ay body guard ng galit na paparating na lalaki. “Ayan ang sinasabi kong problema, Boss.”sambit ng secretary ni Maki “Damn! Buhay pa pala ang isang ‘yan.”rinig ni Nastia na pahayag ni Maki habang nakasunod sila ng tingin sa lalaking galit ang ekpresyon na nakatayo na sa harapan nila na agad ikinatayo ng secretary ni Maki sa may gilid ng bench habang si Nastia ay nakatingin lang sa bagong dating. “Sa pagkakatanda ko Mr. Arguilez hindi ka invited sa launching ng panibagong app ng Ainsoft, why barging yourself here?”pahayag ni Maki dito na bored na tiningnan ang nasa harapan nila na ikinalingon ni Nastia kay Maki dahil nakikita niyang lumalabas ang attitude nito na unang beses na ipinakita nito sa kaniya na lihim niyang ikinangiti. “I don’t f*cking care if I’m not invited or not! The point here ay bakit isinabay mo sa launching ng app ko ang launching ng sayo?! Talaga bang nang-aasar ka Mr. Laochecko?!”galit na bulyaw ng lalaking nasa harapan nila kay Maki na ikinatakip ni Nastia sa tengga ni Cathy dahil sa mga lumalabas sa bibig nito. “Mr. Arguilez, malay ko naman kasi na ngayon din ang launching ng sayo. Hindi mo naman ako ininform, tsaka walang kasalanan ang kumpanya ko kung mukhang mas interesado ang mga tao sa launching ko. Huwag kang bitter Mr. Arguilez, baka madagdagan ang kulubot sa mukha mo. And please, huwag kang gumawa ng eksena sa kumpanya ko, I can sue you, ya know.”ngising pahayag ni Maki na galit na kinuwelyuhan siya ng lalaki na hindi ikina reak ni Maki habang si Nastia ay tahimik lang sa pwesto nito at tinakpan narin niya ang mga mata ni Cathy na hindi naman ikinaangal ng kapatid niya. “Nang-iinsulto ka ba talaga Mr. Laocheko? Hindi ko alam kung bakit buhay na buhay parin ang kumpanya mo gayong lagi kang wala at hinahayaan sa mga employee mo ang dapat na trabaho mo.”singhal nito na ikinangisi ni Maki dito. “Aba teka lang Mr. Arguilez, don’t tell you stalker kita at alam mong lagi akong wala dito sa Ainsoft? Don’t tell me, your spying my company para mapabagsak mo ko.” “Why should I do that?! Hindi ako maduming makipag kumpetensya dahil alam ko ang kakahayahan ko?! Eh ikaw? Your son of a f*cking corrupt and evil ex-governor kaya for sure ang anak ganun din!”singhal na pahayag nito na biglang ikinaseryoso ng ekspresyon ng mukha ni Maki. “Speak whatever you f*cking say but don’t mention to me that man, how dare you come at my company and nag at me the loss of your launching.”malamig na pahayag ni Maki na ikinalingon ni Nastia sa kanila ng alisin ni Maki ang pagkakahawak ng lalaki sa kwelyo niya na bahagyang ikinangiwi nito dahil sa pagkakahawak ni Maki sa kamay niya. “Mention any person’s name in my f*cking face but not that asshole father of mine.”malamig pa na sambit ni Maki na akmang susugod sa kaniya ang dalawang bodyguard ni Mr. Arguilez ng mabilis niyang sipain ang sikmura ng isa sa mga ito na paatras na ikinabagsak nito sa sahig na impit na ikinasigaw ng secretary ni Maki. Mas hinigpitan ni Maki ang pagkakahawak niya sa kamay ni Mr. Arguilez na dahan-dahan ikinaluhod ng isang tuhod nito na akmang susugurin ng isa pa nitong tauhan si Maki ng may lumipad na takong sa mukha nito na bahagya nitong ikinatras at ikinahawak sa mya ilong nito dahil ang takong sa may ilong nito na ikinalingon ni Maki kay Nastia na tumayo sa pagkaka-upo nito at iniwan si Cathy sa bench na nakatakip ang tenga gamit ang dalawa nitong kamay at nakapikit dahil narin sa bilin ni Nastia dito. “Kung sino pa ang trespasser sila pa ang malakas ang loob na gumawa ng gulo, ang sakit niyo sa mata.”kumentong pahayag ni Nastia ng siya na ang sinugod ng isang tauhan ni Mr. Arguilez na mukhang napikon sa pagkakabato niya ng isa niyang heels dito na akmang susuntukin siya ng mabilis siyang nakaiwas na agad niyang ikinahawak sa braso nito at ikinatalikod niya dito bago niya ito malakas na inihagis pabagsak sa sahig na ngiwing ikinahawak nito sa balikat nito. “How dare you hurt my people?!”ngiwing sigaw ni Mr. Arguilez na ikinalingon ni Nastia dito at tinaasan ng isang kilay habang si Maki ay nakatitig sa kaniya. “Well, ayaw ko kasi sa mga taong ayaw tumanggap ng pagkatalo. I think Giel has fair enough to launch his app and if your lauching is flop then work harder than coming here and blame him.”sagot na pahayag ni Nastia na ikinalapit niya kay Maki at tinapik ito sa balikat. “Bitawan mo na siya, I think that kind of people is not worth of the time.”sambit ni Nastia na walang pag-iisip na ginawa ni Maki ang sinabi niya na agad ikinahawak ni Mr. Arguilez sa kamay na mahigpit na hinawakan ni Maki bago tumayo at lumayo sa kanilang dalawa. “I’m not done yet! I’ll make sure na mapapabagsak ko ang Ainsoft!”singhal na banta nito na mabilis nitong ikinaalis sa rooftop garden na kahit hindi pa nakakabawi ang dalawang guard nito sa ginawa nila ni Nastia ay agad silang tumayo sa pagkakasalampak nila at sinundan ang boss nila. “Bakit mo ko tinulungan?”tanong ni Maki na ngiting ikinahawak ni Nastia sa kanang balikat niya. “We’re friends right? Besides, narinig mo naman ang sinabi ko kanina diba? I hate people like him who can’t accept defeat.”paliwang na sagot ni Nastia na ikinadampot ni Maki sa isang heels ni Nastia na pinambato nito at buntong humingang lumuhod sa harapan ni Nasti at inilapag sa harapan nito ang heels nito at tingalang nilingon itong nakatingin sa kaniya. “I’m hoping na pag nagkapikunan tayong dalawa eh hindi mo ibato sa akin ang heels mo.”sambit ni Maki na ngiting ikinasuot ni Nastia sa kaniyang heels. “We’ll see, hindi naman pikunin pero malay mo naman.”pahayag ni Nastia na bahagyang ngising ikinatayo ni Maki sa pagkakaluhod niya. “Fine, pumapayag na ako na dumalaw si Cathy dito pag nagustuhan niya basta ba, ikaw ang magbabantay sa kapatid ko ten after my work ko siya dadaanan sayo.”pahayag ni Nastia na ikinamulat ni Cathy at may ngiting tumayo at lumapit sa kaniya. “Talaga Ate?” “Yes, basta behave ka lang dito sa company ni Kuya Pogi okay?”ngiting sambit ni Nastia na ngiting ikinatango ni Cathy. Sa pagpayag ni Nastia ay bahagyang nakaramdam ng tuwa si Maki dahil may chance na magkita sila hindi man araw-araw ni Nastia na nakikita niyang pangontra sa paglabas ni Ody. Hindi na siya masyadong mamroblema sakaling may mangyari na pwedeng ma trigger siya, hindi man araw-araw pero pag nalaman niya na paano niya na maalis si Ody sa kaniya ay hindi niya na aasahan na lumapit pa kay Nastia. “Deal, mukhang hindi naman mahirap bantayan ang kapatid kung sakali.”pahayag ni Maki na ngiting ikinalingon ni Cathy sa kaniya ng bahagya siyang matigilan ng bumalik tanaw sa kaniya ang nangyari kanina kung saan hindi niya naramdaman ang pagbabalak na paglabas ni Ody dahil sa pagkakabanggit ni Mr. Arguilez sa kaniyang ama. Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito at nagbago sandali ang mood niya pero walang sign na paglabas ni Ody ang nangyari sa kaniya. “I think we need to go, congrats sa launching mo new friend.”ngiting paalam ni Nastia na ikinahawak niya na sa braso ni Cathy at nagsimula ng maglakad paalis ng roof top Garden. “Bye Kuya Pogi!” paalam ni Cathy na wala sa sariling ikinakaway lang ni Maki sa dalawa at ng mawala na sa paningin niya ang dalawa ay nagmamadali niyang kinuha ang cp niya sa bulsa ng slacks niya habang naguguluhan na nakatingin sa kaniya ang kaniyang secretary. (What the f*ck did you cal---) “Damn Verchez! He mentioned him but I can’t feel any sign of Ody coming out in me.”di makapaniwalang balita ni Maki kay Ruhk sa kabilang linya. (Huh? Can you f*cking elaborate what you were saying Laochecko.) “She really can stop Ody to appear in me, and I need to get used to it. Damn Ruhk Palaboy, you’re f*cking right!”hindi makapaniwala at may natutuwang ekspresyon na pahayag niya kay Ruhk. (Damn you! Just come here to Ignacio’s house so you can f*cking explain that more clearly.) Agad na pinatay ni Maki ang cellphone niya at agad nilingon ang kaniyang secretary na nakatingin sa kaniya. “Ikaw na ang bahala sa lauching, Trina. Make sure na mag-eenjoy ang mga bisita natin and i-ban mo na si Mr. Arguilez sa papasok sa Ainsoft.”pahayag ni Maki na nagmamadali ng umalis ng rooftop garden na hindi na nagawang mapigilan ng kaniyang secretary na naiiling na napabuntong hininga nalang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD