Chapter 11- The Deciever, Ody.

3366 Words
Chapter 11- The Deceiver, Ody. Split Intentions to Love Conflicts “So ang sinasabi mo Laochecko, ‘yung babaeng napagkamalan kang magnanakaw ay parang pumipigil kay Ody na lumabas sa katawan mo? How is that possible?” “Wala din akong clue Kuya Paxton, hindi ko alam paano niya nagagawa ‘yun pero kanina lang. ‘Yung inggeterong kakumpetensya ko sa negosyo ay binanggit sa mismong mukha ko ang tungkol sa taong ‘yun pero walang nangyari, hindi nagpumilit lumabas si Ody.” Hindi makapaniwalang kwento ni Maki kay Paxton. Matapos niyang tumawag kay Ruhk ang nangyari sa rooftop ng company niya ay talagang iniwan niya ang nagaganap na launching sa kaniyang secretary at mabilis na pinatakbo ang kotse niya pauwi sa bahay ni Paxton at kinuwento ang tungkol sa kakaibang nangyayari sa kaniya pag kasama niya si Nastia na napipigilan ang paglabas ni Ody sa tuwing may naririnig siya tungkol sa kaniyang ama. “Maybe dahil sa pagkakadanggi niya sayo ng malakas kaya nagka impact kay Odysseus.” Sagot na pahayag ni Ruhk na poker face na ikinalingon ni Maki sa kaniya. “Alam mo minsan Ruhk palaboy wala kang sense kausap, ano namang kinalaman ng pagkakadanggi niya sa akin?! Huwag mo na nga banggitin ‘yan, tangna isipin ko palang na nawalan ako ng malay nun dahil dun kahit hindi ako ang nasa katawan ko ng mga oras na ‘yun parang nakakahiya parin sa mga nakakita.”angal ni Maki na ngising ikinaungos lang ni Ruhk sa kaniya. “Maybe because you’re comfortable with her.” Sambit ni Paxton na ikinalingon nina Maki sa kaniya na ikinakunot ng noo ni Maki. “Comfortable? Anong ibig sabihin nun Kuya Paxton?”naguguluhang tanong ni Maki sa sinabi ni Paxton na bahagyang ikinaingos nito sa kaniya. “Nabobo ka na ba Laochecko? Aish, sabagay wala ka palang experience sa ganiyan. Ang ibig kong sabihin baka nagugustuhan mo na ang babaeng tinutukoy mo kaya kumportable ka pagkasama siya dahilan para maiwasan mong hindi lumabas si Ody dahil kasama mo siya.”paliwanag ni Paxton na nanlalaking matang ikinatayo ni Maki sa pagkaka-upo niya na ikinasunod ng tingin nina Ruhk sa kaniya. “Huwag naman agad ganiyan kalkulasyon mo Kuya Paxton, I’m sure na wala akong gusto o nararamdaman sa kaniya. Isang daang porsyento na nasisiguro ko sa inyo na wala akong gusto sa babaeng ‘yun, maging kaibigan pwede pa. Pero lover? Damn kinikilabutan ako dahil mas matapang pa sa akin ang babaeng ‘yun. Tsaka correction Kuya Paxton, mas okay ng walang esperience kaysa sumakit ulo ko sa pag-iisip sa isang babae..”pahayag na tanggi at sambit ni Maki pagkontra sa mga sinabi ni Paxton sa kaniya. Alam niya sa sarili niya na wala siyang nararamdaman kay Nastia dahil hindi lang niya ito bagong kakilala ay alam niyang hindi niya type ang klaseng character ni Nastia na parehas niyang magaling makipaglaban at matapang. Hindi siya naniniwala sa love at first sight, kaya alam niya sa kaniyang sarili na mali ang nakikita ni Paxton na dahilan kung bakit nagagawa ni Nastia na mapigilan si Ody sa paglabas nito sa katawan niya. Pwede niyang tanggapin na baka nga kumportable siya kay Nastia pero ang sabihin ni Paxton nab aka nagugustuhan niya ito ay hindi tatanggapin. “So defensive Laochecko, ganiyan din si Ignacio noon.”ngising pahayag ni Ruhk na poker face na ikinalingon ni Paxton sa kaniya na ngising ikinibit balikat lang niya dito. “Hindi sa pagiging defensive Verchez, alam kong wala akong gusto sa kaniya. Mas okey pa nga si Dev---“ “Huwag mo ng banggitin ang pangalan ng taong babanggitin mo Laochecko, baka pagka interesan pa ng border mo diyan sa katawan mo.”pigil na sita ni Paxton sa sasabihin ni Maki na agad nitong ikinatikom ng bibig nito. Alam man ni Ody ang buhay ni Maki ay may ilang bagay na naitatago si Maki sa kaniyang ikalawang persona na ayaw niyang malaman nito, dahil alam nila na sa oras na malaman nito ay mas magpupumilit itong lumabas sa kaniya at sirain at kunin lahat sa kaniya. “Kung nagagawa ng babaeng tinutukoy mo na mapigilan ang paglabas ni Ody kahit wala tayong ideya kung bakit at paano ‘yun nangyari, it’s better if you get closed to her or maybe tell her your situation para matulungan ka niya. And once we now how we can rid that second persona of yours tsaka tayo kumilos.”pahayag ni Paxton na ikinatango ni Ruhk sa kinauupuan niya. “I already told him that, ayaw niya lang gawin.”sambit nito na nakasimangot na ikinalingon ni Maki sa kaniya. “Tangna huli ka na sa balita, kahit hindi ko alam kung talagang mapipigilan ni Livy ang paglabas ni Ody gumawa na ako ng paraan para mapalapit sa kaniya. Nagawa ko pang I offer ang rooftop garden ng kumpanya ko at ang maging tagpag-alaga ng kapatid niya para may rason na makita siya. Tangna! Bakit parang ibang meaning ang paliwanag ko?”pahayag ni Maki na ikinangisi ni Ruhk sa kaniya. “Baka ma fall ka Laochecko, remember what you said before, wala kang interest sa salitang love.” Ngising pang-aasar ni Ruhk na pinakitaan lang ng middle finger ni Maki bago umupo sa upuan niya. “Just get close to her and watch yourself while you’re with her, if accidentally you encounter someone who will mention about him or heard some news about him and she’s with you, try to know what was the reason why she can stop Ody to go out in your body.”pahayag ni Paxton na ikinakunot ng noo ni Maki sa sinabi nito. “It’s better if you will tell her your situation para aware siya, and maybe she helps you find out how to control your other self.”pahayag naman ni Ruhk na bahagyang ikinaungos ni Maki. “Hindi ganun kadali ‘yun Verchez, baka sa oras na sabihin ko sa kaniya ‘yun matakot ‘yun.” “And why was that? Bakit siya matatakot kung hindi naman nakakatakot ang kalagayan mo, you just have a Dissociative Identity Disorder at walang nakakatakot doon. If telling her situation and trusting her can be the reason para hindi na tuluyang makalabas si Ody sa’yo then do it. Masakit sa ulo pag nakaharap ko pa ulit ang ikalawan persona mo.”pahayag ni Paxton na hindi ikinaimik ni Maki. Hindi niya alam kung tama bang sabihin sa bagong kakakilala pa lang niya ang sakit na meron siya, hindi birong sakit ang pinagdadaanan niya dahil meron siyang isang persona na mapanganib at hindi basta-basta. Siguro nga ay napipigilan ni Nastia ang paglabas ng ikalawang persona niya pero napapaisip siya kung hanggang kailan, pumapasok sa isipan niya nab aka pinaglalaruan lang siya ni Ody. “Anyway, name basis na agad kayo ng new savior friend mo?”ngising tanong ni Ruhk na kunot noong ikinalingon nito sa kaniya. “Wow naman Ruhk palaboy talagang hindi nakalagpas sa tenga moa ng pagbanggit ko sa pangalan niya. Anong masama dun? Gago ang green ng utak mo, linisin mo nga.”sitang singhal ni Maki ng mapalingon si Paxton kay Irish na pababa sa hagdanan habang buhat-buhat nito ang anak nila. “My wife still doesn’t know your situation Laochecko, better not telling her. Mas okay ng hindi niya alam na ikalawa kang persona.”sambit na bilin ni Paxton na ikinatango ni Maki sa kaniya. “Andito ka na pala Maki, kamusta an gang launching ng bago app ng company niyo.”ngiting tanong ni Irish na agad ikinalapit ni Paxton sa kaniya upang kunin sa bisig nito ang kanilang anak. “Naging maayos naman Ate Tanya maliban sa may kaunting aberya na nangyari pero over all, success naman.”ngiting sagot ni Maki kay Irish “Wala pala ngayon si Bliss dahil kasama niya ang asawa ni Devil ngayon para makipagkita sa kaibigan nila. Bukas na ang flight nila para sa honeymoon nila, hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na talagang magiging masaya na si Trace.” Masayang pahayag ni Irish kina Maki dahil sa nakikita nitong nagiging masaya na si Trace sa piling ni Bliss. “De Leon deserved to be happy and I hope mahanap na nila ang gustong makita ng asawa niya, Now that I offered Ringfer to help them I’m sure in no time makikita na nila ang hinahanap nila.”pahayag ni Paxton na ibinaling ang tingin sa anak niya at natutuwang tinititigan ang cute na mukha ng kaniyang anak. “Wala ka bang lakad ngayon kasama ang Phantoms Kuya Paxton? Parang pansin ko hindi ka nalabas ng bahay mo ah.”punang kumento ni Maki na ikinalingon ni Paxton sa kaniya. “May ganap ang Phantoms ngayon pero hiwalay na trabaho ang gagawin ng grupo, magkaiba ang ibinigyan na misyon ni Westaria, ang single ay papunta sa Persia ngayon to investigate the killing of one of Underground Society Sponsor, Ardeshir Eliades. Kami namang mga married Phantoms miya-miya ay aalis na din para sa pagpunta naman sa isang bidding para mabawi ang crest seal na nakuha sa bound namin. Kaya tangna Verchez, maiwan muna kayo ni Laochecko sa pamamahay ko para bantayan ang mag-ina ko. Ayusin niyo, bawal kargahin si Spade naiintidihan niyo?”paliwanag at bilin ni Paxton na bahagyang ikinanguso ni Maki sa kaniya na bahagyang ikinatawa ni Irish.   “Grabe ka naman Kuya Paxton, parang may germs kami ni Verchez para hindi mo kami pahawakin kay Spade, naliligo naman kami araw-araw.”   “Mukhang hindi ‘yun sapat Laochecko, mukhang oras oras dapat kang maligo.”ngising pang-aasar ni Ruhk na ikinasama ng tingin ni Maki sa kaniya.   “Sipain kaya kitang palaboy ka? Gusto mo ba akong mamatay sa sobrang pagkalinis ah? Pesteng torpeng palaboy na ‘to.”asar na singhal ni Maki na sinita na sila ni Paxton dahil natutulog na ang anak nito at hindi na sila pwedeng mag-ingay.   Nagpaalam naman si Irish na pupunta ng kusina para makapag luto na sila ng kakainin nila bago umalis si Paxton at gawin na ang misyon nito bilang Phantoms. Nasa sala lang sila habang hinihintay na matapos si Irish sa pagluluto nito.   “Oo nga pala Kuya Paxton, sa susunod na araw ay gustong makipag kita ni Pareng Kwon sayo, mukhang mag a-upgrade na siya ng service natin.”pagbibigay alam ni Maki kay Paxton habang dahan-dahang ibinababa ni Paxton ang anak nitong mahimbing na natutulog.   “We also have a transaction from the authority of Iraq, they wanted us to be their solely source of guns and firearms that will use of their military illegally.”pagbibigay balita pa ni Ruhk sa mga tumatambak nilang trabaho sa negosyo nila na ikinabuntong hininga ni Paxton.   “Kayo munang bahala ang umasikaso niyan, I’ll send an email to Mr. Kwon na ikaw muna Verchez ang makakaharap niya. Then, si Laochecko na ang bahala sa pakikipag usap sa mataas na otoridad ng Iraq para sa request transaction na gusto nila. Kayong dalawa na muna ang bahala, pag nagka problema sabihan niyo agad ako.”bilin na pahayag ni Paxton habang sa mahimbing niyang anak nakatutok ang paningin niya.   “Wala naman kayong importanteng gagawin sa mga negosyo niyo, right?”tanong pa ni Paxton na agad ikinailing ni Maki.   “After ng launching namin ngayon na sa tingin ko sa mga oras na ‘to ay patapos na, maliban dun pipirma nalang ako ng ilang mga financial report and tally report na pwede ko naman pirmahan by email. So, I can handle tha Iraq new buddies.”pahayag ni Maki   “The four idiots can handle the company, so yeah kami ng bahala sa negosyon natin.”sambit naman ni Ruhk na ikinalingon ni Maki sa kaniya.   “Grabe ka namang maka four idiots kina Vidalgo, eh habang nagpapaka palaboy ka para sa pag-ibig mo kay Liana eh sila naman ang nagtatrabaho sa kumpanya ng boss nilang kakaiba ang trip sa buhay.”sitang singhal ni Maki na poker face na ikinalingon ni Ruhk sa kaniya.   “Gusto mong dumagdag sa mga idiots sa listahan ko, Laochecko? But on second thought, your far more stupid that those four idiots.”pahayag ni Ruhk na ikinasama naman ng tingin ni Maki sa kaniya.   “Aba’t----“   “Ituloy niyo lang ‘yang pagtatalo niyo at ipapahabol ko kayo sa bala ng baril ko, once na magising si Spade dahil sa inyong dalawa mag goodbye world na kayo.”sitang singhal ni Paxton sa kanila na parehas na ikinaingos ni Ruhk at Maki sa isa’t-isa.   Nanahimik nalang sina Maki at Ruhk sa kinauupan nila kahit di sila sanay na hindi nagsasalita, ayaw din naman nilang masira ang tulog ng inaanak nila kaya nagtiyaga nalang silang dalawa sa asarang titigan at pang-aasaran na gesture hanggang sa tawagin na sila ni Irish para kumain. Kinuha naman ni Irish ang anak nila para ilagay sa kuna nito sa kwarto nila, dumeretso naman na sina Maki sa kusina ng tapikin siya ni Ruhk sa balikat niya.   “Ano? Problema mo Verchez?”sitang singhal ni Maki na hindi pinansin ni Ruhk ang pagsinghal niya dito at tinuro siya nito na ikinakunot ng noo niya.   “Sure kang kakain ka ng naka suit, Laochecko? Para ka pa namang batang kumain, sayang ang ganda ng suot mo.”kumento ni Ruhk na ikinalingon ni Maki sa kaniyang sarili dahil naka suit siyang dumeretso sa bahay ni Ignacio.   “So anong gusto mong sabihin Verchez sa sinabi mo ha? Tangna deretsuhin mo akong palaboy ka.”singhal ni Maki na ikinangisi ni Ruhk sa kaniya.   “Analize yourself in what I mean, Laochecko. Hindi ako teacher para magpaliwanag sayo.”pahayag ni Ruhk na sinamaan ng tingin ni Maki na akmang sasagot siya dito ng maunahan siya ni Paxton.   “Tangna naman! Ang ibig sabihin ni Verchez magpalit ka ng damit mo Laochecko! Hanggang kusina hindi kayo tumitigil sa bardagulan niyong dalawa, magtino na nga kayo. Aish, kaunti nalang ie-evict ko na kayo sa pamamahay ko eh.”inis na sita ni Paxton sa kanila na ngising ikinaupo na ni Ruhk.   “Wala na kasi akong natitirang pamalit Kuya Paxton eh, uuwi pa ako sa bahay ko para kumuh---“   “Problema ko pa ba ‘yan?” sitang putol ni Paxton kay Maki na naiiling na ikinabuntong hininga ni Paxton.   “Mas malala pa kayo sa mga gagong Phantoms na isip bata paring mag-iisip, hiramin mo muna damit ko. Nakikitira na nga lang kayo sa pamamahay ko, isipin ko pa kayo. Kumuha ka nalang sa pamamahay mo ng mga gamit mo at kung wala ka ng balak umuwi sa bahay ibenta mon a at ideresto mo sa bank account ko bayad sa pagtuloy niyo dito, magbenta ka din ng sayo Verchez ng mabayaran niyo ako.”pahayag pa ni Paxton na mabilis na ikinatakbo ni Maki paakyat sa ikalawang palapag upang kumuha ng damit ni Paxton na susuotin niya para makapag palit na siya ng damit.   Si Irish ang nagbigay sa kaniya sa ng damit ni Paxton na susuotin niya at pagkabigay nito ay agad siyang dumeretso sa kwartong parehas nilang tinutulugan ni Ruhk, nagpasya muna siyang maligo para makaramdam siya ng kapreskuhan sa katawan. Ilang minuto siyang naglinis ng dumeretso siya sa may lababo ng cr na may malaking salamin sa harapan niya, kumuha siya ng gargle at nagmumog gamit iyon, at ng mapatitig siya sa bintana ay natigilan siya makita niyang naka ngisi ang sarili niyang repleksyon sa kaniya na ikinailang kurap pa niya dito.   “Sa tingin mo ba namamalikmata ka Maki?”   Hindi makapaniwala si Maki sa nakikita niya na ilang beses niyang ikinasampal sa kaniyang pisngi dahil sap ag-iisip na nananaginip lang siya dahil si Ody ang nasa repleksyon niya sa salamin na rinig niyang ikinatawa nito na nanlalaking matang ikinalingon niya sa salamin.   “Can believe that you will see the other persona of you in a mirror? It’s my way of connecting to you, surprise?” ngising pahayag ni Ody na bahagyang ikinalayo ni Maki sa may salamin.   “P-paanong…tangna nakatulog ba ako?” hindi makapaniwalang pahayag ni Maki sa kaniyang sarili habang nakatitig siya sa salamin kung saan nakangisi sa kaniya ang kaniyang sarili which is ang kaniyang other persona na si Ody.   “You’re not dreaming Maki, it’s a sign na malapit ko ng makuha ang katawan mo at pumalit sayo habang buhay.”   “Tangna hindi totoo to! Shet!” mura ni Maki na sunod-sunod na beses niyang ikinailing sa kaniyang ulunan ng magsalitang muli si Ody.   “Bakit hindi tayo magkasundo, Maki. You know, I’ll find your sister para naman makita mo siyang muli. I know how I will find her.” Sambit ni Ody na ikinatigil ni Maki sa pag-iiling niya sa kaniyang ulunan at lumingon sa salamin kung saan mapaglarong nakangisi si Ody sa kaniya.   “A-alam mo kung paano makikita ang ate ko?”tanong ni Maki na ngising ikinatango ni Ody sa kaniya na dahan-dahan niyang ikinalapit sa may lababo kung nasaan ang malaking salamin na ginagamit ni Ody para magkaroon ng komunikasyon sa kaniya.   “Of course, marami akong alam na hindi mo alam. Hahanapin ko siya para sayo para makita mo siya, bibigyan ko pa kayo ng time but you need to surrender yourself and give your body and life to me.” Pahayag ni Ody na ikinatitig ni Maki sa kaniyang repleksyon dahil nakuha ang atensyon niya ang sinabi nito tungkol sa hinahanap niyang nakatatandang kapatid.   “Huwag ka na kasing mag matigas sa akin, wala din namang magagawa ang babaeng ‘yun. Maybe she can give you at ease feeling para hindi ako makalabas pero hanggang kailan niya magagawa ‘yun? Don’t rely on those weak people, ako lang ang pagkatiwalaan mo dahil ako lang naman dahilan kung bait nabubuhay ka pa hanggang ngayon.”   “K-kaya kong hanapin ang ate ko ng walang tulong mo, Kuya Paxton and Verchez can help me and I’m s-sure na matutulungan ako ni Livy para hindi ka na makalabas sa akin.” Pahayag ni Maki kahit nate-tempt siya sa inaalok ni Ody sa kaniya na bahagyang tinawanan siya.   “Bakit hindi naman ‘yan ang nakikita ko sa’yo, Maki? We’re one remember so ramdam ko ang nararamdaman mo, your tempting on my offer right? Just accept it alre----“   “Hindi! Sabihin nating natetempt ako sa sinabi mo dahil ate ko ang pinag-uusapan natin dito, pero hindi ko hahayaan na makuha mo ang gusto mo. Iisip ako ng paraan maalis ka lang sa buhay ko Ody.” Seryosong pahayag ni Maki na nakakalokong ikinangisi ni Ody sa kaniya.   “How will you do that? Hangga’t hindi mo kayang patawarin ang ginawa ng iyong ama sa iyo, sa ina mo at sa ate mo hindi mo ko maalis sa buhay mo. Tell me, Maki, Can you forgive that evil person who almost killed you and ruin your fami----“     “Damn it! Stop it! Don’t f*cking talk anymore?! Get f*cking lost!” sigaw na Maki na hindi niya napigilang malakas na suntukin ang salamin sa harapan niya na ikinabasag nito dahilan upang magdugo ang kaniyang kamao dahil sa ginawa niya.   Hinihingal si Maki habang hindi niya makontrol ang paghinga niya habang naririnig niya sa isipan niya ang pagtawa ni Ody habang hindi pinapansin ang pagdaloy ng dugo ng kaniyang kamao sa basag na salamin na parang ikinamahid ng kaniyang kamao ng magbukas ang pintuan ng cr at gulat na nakita siya ni Irish ang dugo sa salamin habang nakalapat parin dito ang kamao ni Maki.   “Oh my gosh Maki, anong ginawa mo? Bakit mo sinuntok ang salamin? Your fist is already bleeding.” gulat at nag-aalang pahayag ni Irish na patakbong ikinalabas niya sa kwarto upang tawagin sina Paxton dahil pansin niya ang galit sa mata ni Maki at panginginig nito.   Dahan-dahang inalis ni Maki ang pagkakasuntok niya sa salamin na ikinatulo ng dugo nito sa lababo at walang emosyon niyang tinitigan ang basag na salamin na pakiramdam niya nakikita niya parin doon ang nakangising si Ody sa kaniya.   “I w-won’t let you have my body neither my life…you c-can’t… damn it!”    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD