Chapter 19- Unexplained yet confirmed feelings

4177 Words
Chapter 19- Unexplained yet confirmed feelings. Split Intentions to Love Conflicts.  Tatlong araw ang lumipas simula ng iwasan ni Nastia si Maki dahil sa weird na pakiramdan na naramdaman niya nang huling beses niya itong makita at makasama. Naguguluhan siya kung bakit biglang nag-iba ang pagkabog ng dibdib niya sa hindi niya malaman na dahilan, ayaw niyang isipin na nagkakagusto siya kay Maki dahil alam niyang hindi ‘yun mangyayari dahil nakakasiguro siya na kaibigan lang ang tingin niya dito. Sa tatlong araw na lumipas ay hindi talaga siya nagpakita kay Maki kahit tawag nito hindi niya sinasagot. Hindi niya rin muna pinagbibigyan si Cathy sa tuwing gusto nitong pumunta sa rooftop garden ng kumpanya ni Maki at nagpapasalamat siya dahil hindi nito alam ang bahay niya maliban kay Ody noong ito ang nasa katawan ni Maki. Hindi din alam ni Nastia kung bakit niya kailangang umiwas kay Maki, may part lang sa kaniya na ayaw itong makita pansamantala dahil bigla nitong ginulo ang nararamdaman niya. Sa tatlong araw na lumipas ay nagpaka-busy siya sa opisina niya, maraming dumating na documents na dapat niyang i-review, kailangan niya pang i-supervise ang bagong petroleum plantation na itatayo nila sa Manila sa lupang nabili ng kaniyang ama para pagtayuan ng planta. Hinarap niya lahat ng trabaho na dapat niyang gawin para makapag focus siya sa training niya sa susunod na buwan para sa competition na sasalihan niya. May ilan sana siyang katanungan sa kaniyang ama patungkol sa bagong planta na itatayo nila pero hindi niya makontak ang kaniyang ama at ang kaniyang ina, na sa tingin niya ay abala din sa negosyo nila sa Europe kaya hindi niya nalang pinilit na matawagan ang kaniyang mga magulang. Hindi rin niya matawagan si Athena upang kahit papaano ay makausap niya ito at ma clear ang iniisip niya pero sa tingin niya ay abala ito sa ibang bagay kaya hinayaan niya nalang. Kakatapos niya lang mapirmahan at i-review ang ilang documents na kailangan para bukas lalo na sa mga pera na ilalabas para sa planta na ipatatayo nila, buntong hiningang ibinaba niya muna ang signing pen niya at sumandal sa kinauupuan niya. Bahagya siyang nag-unat ng kaniyang leeg dahil nakakaramdam na siya ng ngawit pagdating niya sa opisina kanina ay nagderetso agad siya sa trabaho niya. Napalingon nalang siya sa pintuan ng magbukas ‘yun at pumasok si Willie na may dalang mga bagong documents na ire-review niya na ikinasandal ng ulo niya sa kaniyang kinauupuan. “This are the finance tally and canvas report for the materials for the construction of the plantation, the authorization papers are also here now to sign you up for the start of construction. I already talked Engr. Aquil Creed Faust and he’s team are ready to do the construction once you sign up the authorization.”pagbibigay alam nito bago matapos nitong ilapag ang mga dagdag at kailangang pipirmahan ni Nastia. “Thank you Willie, I’ll review first the finance tally and canvas report of the materials before I sign up the authorization papers for Engr. Faust team.”ngiting pahayag ni Nastia kay Willie na nakatingin sa kaniya. “Do you need anything Boss? After thirty minutes, will be lunch break. Do you want me to order foods for your lunch or you’re going to eat outside?” tanong nito sa kaniya na ikinaalis ni Nastia sa pagkakasandal niya sa kaniyang upuan. “Just order my food Willie, wala na akong time lumabas lalo na at madami akong dapat pirmahan. For now, can you get me a glass of water?”ngiting pahayag ni Nastia na ngiting ikinayuko nito sa kaniya bago naglakad na palabas ng opisina niya. Kinuha ni Nastia ang mga bagong documents na pipirmahan niya na kailangan niyang unahin na i-review ng matigilan siya ng biglang pumasok sa isipan niya ang huling napag-usapan nila ni Maki ng isabay siya nitong kumain ng umagahan tatlong araw ang nakakalipas. *FLASHBACK* “Hindi ka naman siguro heavy eater, Livy. Hindi ikakahirap ng bank account ko kung ililibre kita diba?”ngiting tanong ni Maki sa kaniya ng makarating na sila sa restaurant na kakainan nila for breakfast. Pinili ni Maki na sa second floor sila ng restaurant pumuwesto kung saan may magandang view, at kakaunti lang na tao ang kasama nilang kumain sa lugar na ‘yun. “Alam mo Giel, hindi ko naman ipinilit ang sarili ko na ilibre mo. But if you’re afraid to reduced your precious money in your bank account, wala namang problema kung ako nalang ang magbabayad sa kakainin natin.” poker face na sagot ni Nastia kay Maki na nakatingin lang sa kaniya. “Nagtanong lang naman ako Livy, hindi naman ako nagrereklamo na ako manlilibre ah. Ako ang nag-aya kaya it’s on me.”pahayag ni Maki na ikina cross arms ni Nastia sa harapan niya. “Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina? Hindi ako masyadong kumakain ng umagahan dahil inaalagaan ko ang timbang ko. Kaya don’t worry, safe ang bank account mo.”sarcastic na sambit ni Nastia na ikinangiti ni Maki sa kaniya na hindi niya mapigilang ikatitig sa mukha nito. Hindi maintindihan ni Nastia kung bakit pinagmamasdan niya ang mukha ni Maki, alam naman niyang gwapo ito kahit sinabihan niya itong panget pero ang pagtitig niya sa mukha ni Maki ay may kasamang kabog sa dibdib niya na hindi niya alam kung bakit nangyayari sa puso niya na ikinaiwas niya nalang ng tingin kay Maki. Pakiramdam ni Nastia ay gumising siyang weird ngayong umaga dahil sa biglaang pakiramdam na nararamdaman niya ngayon. Sinasabi ni Nastia sa kaniyang sarili na walang meaning ang biglang pagkabog ng puso niya na nararamdaman niya kanina hanggang ngayon. Pumasok sa isipan ni Nastia na baka dahil sa pag-aalala niya lang kay Maki kaya biglang nakaramdam siya ng ganito at ‘yun nalang ang inisip niya. “Nagbibiro lang naman ako, dapat kumakain ka sa umaga dahil may trabaho ka. Hindi ka pwedeng magpaka gutom kaya order ka lang ng gusto mo, okay lang kung mabawasan ang laman ng bank account ko basta ikaw.”ngiting pahayag ni Maki na napasimangot na ikinabalik ng tingin ni Nastia kay Maki dahil mas naramdaman niya ang pagkabog ng puso niya sa huling sinabi nito na kita niyang dahan-dahang ikinawala ng ngiti ni Maki. “B-bakit nakasimangot ka diyan?”punang tanong ni Maki sa kaniya. “Kung manlilibre ka, manlibre ka nalang ang dami mong sinasabi, Giel.”sitang singhal ni Nastia na ikinatawag ni Maki sa waiter habang naguguluhang nakatingin kay Nastia. “Ang sungit mo ngayong araw ah, teka may dalaw ka ba ngayon? I mean diba pag ganiyan kasungit ang mga babae ibig sabihin may peri---UGGGH! Sh*t Livy, bakit naninipa ka ng binti diyan?! Awww tangna, buto ‘yung sinipa mo!”ngiwing singhal ni Maki sa kaniya matapos siyang makatanggap ng paninipa sa binti niya mula sa ilalim ng lamesa na agad niyang ikinahimas doon at masamang tingin ang binigay kay Nastia. “Bakit parang sumobra yata ang pagsusungit mo ngayon? Problema mo?”angal na reklamo ni Maki habang evident parin sa mukha nito ang sakit sa ginawang paninipa ni Nastia sa kaniya. “Kung ano-ano kasing lumalabas diyan sa bigbig mo, manahimik ka nalang kasi diyan.”sita ni Nastia na ikinakunot ng noo ni Maki habang sa kaniya parin nakatingin. “Don’t tell me sa akin mo binubuhos ang inis mo kay Ody dahil sa pagpapasakay niya kay Cathy sa motorbike? Hindi naman ako ‘yun ah?! Bakit sa akin mo pbinubuhos ang inis mo at hindi kay Ody? Siya ang sipain mo hindi ak—I mean katawan ko parin ‘yung masasaktan kaya sermunan mo nalang.”angal ni Maki na ikinatigil ni Nastia sa kinauupuan niya ng marealize niyang wala na sa lugar ang inis niya dahil lang sa weird na feelings na nararamdaman niya kay Maki simula ng makita niya ito ngayong umaga na ikinabuntong hininga niya. “Sorry, atleast nawala na ‘yung inis ko nung sinipa kita.”sambit ni Nastia na hindi makapaniwalang ikinatitig ni Maki sa kaniya. “Seryoso ka Livy? Nakailang p*******t ka na nga sa akin ngayong umaga ngayon lang nawala ang inis mo sa ginawa ni Ody? Aish! Parang di na makatarungan ah!”angal ni Maki na ikinaayos ni Nastia sa pagkaka-upo niya at pilit na kinalma ang sarili at inalis sa isipan ang hindi niya maipaliwanag na pakiramdam na ayaw niyang bigyan ng ibang meaning. “Sorry na nga diba?” “Parang labag pa sa loob moa ng sorr---“ “Tatanggapin mo baa ng sorry ko o hindi?”putol na sita ni Nastia kay Maki na ikinaingos nito bago umayos sa kinauupuan nito ng mawala-wala na ang sakit sa ginawang paninipa ni Nastia sa binti. “Sorry accepted na, baka kabilang binti ko pa ang sipain mo ulit.”pahayag ni Maki ng mapalingon silang parehas sa waiter na nakalapit na sa kanila. Kinuha na nito ang mga order nila at ng magbigay na sila ng gusto nilang kainin ay agad na umalis ang waiter upang asikasuhin ang mga pagkain na order nila. “Teka, sabi mo may ikukwento ka sa akin kaya nag-aya kang kumain ng umagahan. Is it about Ody when he switched in you?” tanong ni Nastia kay Maki na ngiting ikinailing ni Maki sa kaniya. “Nah, wala naman akong ibang makukwento kung ano ang mga nangyari ng siya ang nasa katawan ko dahil wala naman akong maalala. Kung ano lang ang natandaan ko sa mga nangyari ay nasabi ko na naman sayo.” “Eh anong ikukwento mo?”tanong ni Nastia na ikinataas ng isang kilay niya kay Maki. Hindi pa sila ganun katagal na magkaibigan pero sa way ng pag-uusap nilang dalawa parang matagal na silang magkakilala at open na silang magkwento sa isa’t-isa. “I saw my crush this morning.” Malawak na ngiting sambit ni Maki na bahagyang ikinatigil ni Nastia sa kinauupuan niya sa narinig niya kay Maki. “Feeling ko ang swerte ko kanina dahil nagkita kaming dalawa, nakapagpa-picture pa ako sa kaniya.”sambit pa na kwento ni Maki na kitang-kita ni Nastia ang tuwa sa mga mukha ni Maki habang nagkukwento ito sa kaniya na biglang bahagyang ikinabigat ng pakiramdam ni Nastia na ikinakunot ng noo niya dahil sa naramdaman niya. “So marunong ka palang magka crush?”normal na tanong ni Nastia kay Maki kahit pakiramdam niya hirap siyang sabihin ‘yun sa di niya malaman na dahilan. “Ano namang akala mo sa akin tuod na manhid? Syempre marunong akong humanga nuh, tao kaya ako Livy. Sinisira mo mood sa kwento ko.”poker face na sambit ni Maki na ikinasandal ni Nastia sa kinauupuan niya. “Oh? Anong meron sa crush mo at kailangan mo pang i-kwento sa akin?” “Parang pilit ‘yung tanong mong ‘yan ah? Anyway, I’m on the way sa company ko ng nakita ko siya dahil nasiraan siya ng kotse niya. Good citizen naman ako kaya nag-alok ako ng tulong then pag haarap niya sa akin, si Devon Del Torre lang naman ‘yun tinulungan ko, ang nag-iisang artista na sobra kong hinahangaan. Wala pa naman akong interest sa pag-ibig pero kung titibok ang puso ko mukhang kay Devon ako tatamaan.”natutuwang pahayag ni Maki na pakiramdam ni Nastia ay ikinawala ng mood niya sa mga oras na ‘yun. “Oh tapos?”pilit na tanong ni Nastia kay Maki na nag-eenjoy sa kinukwento niya. “Kaya lang dahil sa kondisyon ko mahihirapan ako, baka matakot si Devon pag nalaman niyang na may DID ako.”pahayag ni Maki na bahagyang ikinabagsak ng tuwa ng mukha nito. “Akala ko ba crush mo lang eh bakit parang babagsak na ang mundo mo dahil sa isipin na matatkot siya sa kondisyon mo?”sitang kumento ni Nastia “Malay mo madevelop ‘yung crush ko sa kaniya, binigyan niya ako ng calling card kanina dahil dapat magkakape kami ngayon bilang pasasalamat sa pagtulong ko sa kaniya. Kung wala lang akong lakad bukas edi sana kasama ko siyang nagkakape ngay---Oi? Bakit bigla kang tumayo?” takang tanong ni Maki kay Nastia habang nakatingin siya dito dahil sa biglang pagtayo nito sa kinauupuan nito. “Bakit hindi nalang pala siya ang inaya mo ngayon para kasabay mong mag umagahan kung may calling card ka pala niya? Tawagan mo na ang crush mo, sayang ang opportunity na madevelop ang pagkaka crush mo sa kaniya.”plain na pahayag ni Nastia bago nagsimulang maglakad palayo sa pwesto nila na naguguluhang ikinahawak ni Maki sa kanang braso niya na ikinatigil niya sa paglalakad at ikinalingon niya dito. “Teka, wala naman akong ibig sabihin sa sinabi ko ah? Bakit parang naiinis ka na naman diyan? Pwede ko naman siyang ayain next time, for now, syempre kaibigan ko ang aayain kong samahan akong kumain lalo na at nagsadya ka sa kumpanya ko dahil nag-aalala ka sa akin. Kaya nga dami kong p*******t na natanggap sayo kasi grabe kang mag-alala kaibigan. Balik na tayo sa lamesa natin, dali na.”pahayag ni Maki na hindi nagawang makapagsalita ni Nastia ng hilahin na siya nito pabalik sa lamesa dahil pakiramdam niya ay mas bumigat ang nararamdaman niya dahil sa isang part na sinabi ni Maki. *END OF FLASHBACK* Napailing si Nastia dahil sa pagbabalik tanaw niya sa huling usapan nila ni Maki, hanggang ngayon ay naguguluhan siya kung bakit biglang nakabagsak lalo ng mood niya noong araw na ‘yun ng sabihin ni Maki ang salitang kaibigan. Hidni niya maipaliwanag ang nararamdaman niya nung araw na ‘yun, magkaibigan sila ni Maki kahit lagi silang nagbabangayan minsan at nagkakapikunan, kahit bago palang silang magkakilala ay kaibigan na ang turing ni Nastia kay Maki pero noong araw na ‘yun pakiramdam niya nag-iba sa pandinig niya ang salitang kaibigan ng sambitin ito ni Maki. Isa ‘yun sa dahilan kung bakit naisipan ni Nastia na iwasan si Maki dahil may pakiramdam siya na ayaw niya munang marinig sa bibig nito ang salitang kaibigan na bahagyang ikinatuod ni Nastia sa pagkaka-upo niya at may hindi makapaniwalang ekpresyon ang makikita sa mukha niya dahil sa biglang pumasok sa isipan niya. “H-hindi kaya nararamdaman ko ang mga ito kasi hindi na kaibigan ang tingin ko kay Giel? N-nagbago na ba ang tingin ko sa kaniya? Hindi na ba bilang kaibigan ang nararamdaman ko kundi pa-pagka g-gusto?” sambit ni Nastia sa kaniyang sarili na dahan-dahang ikinalaki ng kaniyang mga mata. “Gusto ko na si Giel?!” hindi makapaniwalang bulaslas ni Nastia na bigla niyang ikinatayo sa pagkaka-upo niya. “Paano? How did I end up liking him? That’s impossible for me to like him because he’s just a friend? But why do I have this feeling that I don’t want to hear him saying about friends? Do I like him na?” sunod-sunod na tanong ni Nastia sa kaniyang sarili ng mapalingon siya sa pintuan ng magbukas iyon at pumasok doon si Cain habang hila-hila nito si Willie at pabalang na tinulak na ikinaluhod nito sa sahig na agad niyang ikinalapait dito at masamang tingin ang ibinigay kay Cain. “What do you think you’re doing, Mr. Tan?!”bulyaw ni Nastia dito na may galit na ekpresyon sa kaniya na ikinalapit nito sa kaniya at agad siyang hinawakan sa braso niya ng mahigpit at itinayo. “Ano bang pinagyayabang mo ha Livy?!”galit na sigaw ni Cain sa kaniya na nilabanan ni Nastia ang galit na pagkakatitig ni Cain sa kaniya. “Get your hand off of me, Mr. Tan. As far as I remember you have no longer connection with our company so coming here and hurt my secretary?”seryosong sita ni Nastia dito na galit na ikinangisi nito sa kaniya. “Acting like you didn’t do anything in our company huh?!”sigaw na bulyaw nito sa kaniya na ikinasalubong ng kilay ni Nastia dahil hindi niya magets ang kung anong ikinagagalit ni Cain sa kaniya. “Ano bang ikinagagalit mo?”tanong ni Nastia ng mapalingon siya sa secretary niya na nasa gilid na nila at nakahawak sa kamay ni Cain na nakahawak sa braso niya. “Bitawan niyo ang boss ko kung hindi tatawagin ko ang security at ipapakaladkad kita palabas ng kumpan---Argggg!” “Willie?!” gulat na tawag ni Nastia sa secretary niya ng namimilipit itong nakahandusay na sa sahig habang nakahawak sa sikmura nito dahil sa malakas na paninipa na tinanggap nito kay Cain na masamang tingin ang ibinigay ni Nastia dito. “Why did you do that to my secretary?!”galit na sigaw ni Nastia na ikinahawak niya sa bandang ilalim ng palapulsuhan ng kamay na nakahawak sa braso niya at may pwersa itong pinilipit na inalis sa pagkakahawak nito sa braso niya at mabilis niyang hinigit palapit sa kaniya si Cain at malakas na tinuhod ang sikmura nito na ikinagiwi nito sa sakit nang ginawa niya. Agad na binitawan ni Nastia ang palapulsuhan ni Cain at bahagyang humakbang palayo dito bago niya ito sinipa sa may dibdib nito na malakas na ikinasalpak ng likuran nito sa pader ng opisina ni Nastia na hindi naiwasang ikaluhod ng isa nitong tuhod sa sahig habang napapaubo sa ginawa niya. Nagpapasalamat si Nastia dahil naka slacks siyang suot ngayon at hindi kataasan ang heels na suot niya. “You’re not in your company to hurt my employee and mess with my office and blame me for something I don’t know about!” galit na singhal ni Nastia kay Cain na ngiwing lumingon sa kaniya habang nakahawak sa dibdib nito na malakas niyang sinipa. “D-damn you Livy?! Alam kong ikaw ang dahilan kung bakit nag pull out lahat ng mga share-holders ni Daddy sa negosyo namin! One of them blurted out your name!”galit na bintang nito sa kaniya na ikinasalubong ng kilay ni Nastia. “Wala akong alam sa binibintang mo, wala akong kinalaman sa pag pull out ng mga share-holders niyo kaya huwag kang manggulo sa kumpanya ko!”pahayag ni Nastia na tinalikuran si Cain upang puntahan si Willie at alalayan ito nang hindi niya nakita ang mabilis na pagtayo ni Cain sa pagkakaluhod nito at mabilis na lumapit sa kaniya at agad siyang hinawakan sa braso at leeg niya mula sa likuran at dinala siya sa lamesa niya at itinuon ang kalahati ng katawan niya dito na agad naman na ikinasiko ni Nastia sa mukha nito kaya nabitawan siya nito at bahagyang napaatras na mabilis na ikinatayo ni Nastia at akamng sisipain ito ng mahawakan nito ang binti niya at malakas siyang hinagis na ikinatilapon niya sa likuran ng sofa ng opisina niya. “B-boss…”sambit ng secretary niya na nilapitan ni Cain at malakas na sinipa ang mukha nito na ikinawalan nito ng malay dahilan upang hindi nito matulungan si Nastia. Dahan-dahan na napahawak si Nastia sa sofa at tumayo dahil may kalakasan ang pagkakabagsak niya sa likuran ng sofa ng hindi niya napaghadaan ang mabilis na paglapit ni Cain sa kaniya malakas syang isinandal sa pader. Hawak nito ang kaliwang kamay niya na ipininid nito sa pader habang nakapinid sa leeg niya ang isa kanang braso nito na ikinahawak ng kanang kamay niya dito para alisin ang braso nito pero mas diniin nito ang pagpinid ng kanang braso nito sa leeg niya na ikinasimulang mahirapan si Nastia na makahinga. Hindi naman niya magamit ang mga paa niya dahil iniipit ni Cain ang hita niya gamit ang tuhod nito habang gigil na nakatingin sa kaniya. “I really liked you to be my wife, Livy pero ayoko ng ugali mo na masyadong palaban. And as I told you, you use karate but I know Aikido, Livy.”pahayag nito na pilit na nilalabanan ni Nastia ang pagiipit na ginagawa ni Cain sa kaniya kahit nahihirapan siyang makawala kaya idinako nalang niya ang libre niyang kamay sa ulunan ni Cain at malakas itong sinabunutan na ikinangiwi ni Cain na mas lalo nitong ikinagalit kaya binitawan nito ang pagkakahawak sa kaliwang kamay niya at malakas siyang sinikmuraan at muling hinagis na ikinagulong niya sa sahig habang nakahawak sa sikmura niya at sunod-sunod na napaubo. “F*ck you Livy!”galit na sigaw ni Cain mabilis ang lakad na ginagawa palapit sa kaniya at dahil bahagya siyang nanghina dahil sa paninikmura ni Cain sa kaniya ay hindi niya magawang ikatayo. Malapit na ito sa kaniya ng may dumating na mabilis na nakalapit kay Cain at malakas na suntok sa mukha ang natanggap nito kasunod ang malakas na sipa dibdib nito na ikinadapa nito sa sahig, umuubong nakatingin si Nastia sa bagong dating na tumulong sa kaniya na kinuha ang isang kalakihang vase na nakalagay sa maliit na table katabi ng dalawang sofa at malakas itong pinukpok sa ulo ni Cain na nagbabalak na tumayo na ikinawalan nito ng malay na humandusay sa sahig. Hindi makapaniwala si Nastia sa nakita niya ng mapalingon sa kaniya ang tumulong sa kaniya na agad nitong ikinalapit sa kaniya at inalalayan siyang umupo sa sahig na ikinatitig niya dito. “G-Giel? A-anong ginagawa mo dito?” sambit na tanong ni Nastia na ikinatitig ni Maki sa kaniya na bahagyang sumimangot. “Tell me Livy? Ano sa tingin mo ang dahilan at kailangan pa kitang sadyain sa kumpanya mo? Really? Three days?” bahagyang sermon ni Maki na siya namang ikinatitig ni Nastia dito. “Okay ka lang? Did that bastard hurt you a lot? Tell me ibabalik ko sa kaniya lahat ng p*******t na ginawa niya sayo.”seryosong pahayag ni Maki kay Nastia na nakatitig sa kaniya na biglang napangiti at dahan-dahan na tumayo na inalalayan ni Maki. “Anong nginingiti-ngiti mo diyan? Tinatanong kaya kita?”bahagyang sermon ni Maki sa kaniya na bahagya niyang ikinalayo dito. “Pinukpok mo nga ng vase oh, wala ng mala yang isang ‘yan bakit sasaktan mo pa?”sambit na puna ni Nastia na dahan-dahan na naglakad papunta sa lamesa niya na ikinaalalay ni Maki sa kaniya. “Mukhang hindi umubra ang galing mo sa pakikipagbugbugan ah, napuruhan ka yata.”kumento ni Maki ng mapahawak ito sa braso niya. “Tss! May pasa na ang braso mo, aish!”pahayag na sita ni Maki na masamang tingin na ikinabalik nito ng tingin sa walang malay na si Cain na ikinailing nalang ni Nastia bago tinawagan sa intercom ang guardiya sa baba upang kunin si Cain at ideretso sa presinto dahil sa panggugulo nito. Bahagyang napangiwi si Nastia na ikinahawak niya sa balakang niya dahil sa malakas na pagkakabagsak niya kanina sa likuran ng sofa na napansin ni Maki. “May clinic ba ang kumpanya niyo? I’m sure meron.” Tanong at sagot ni Maki na bahagyang ikinagulat ni Nastia ng buhatin sya ni Maki ng pa bridal style na hindi niya naiwasang ikahawak sa may leeg nito. “A-anong ginagawa mo, Giel? Ibaba mo nga ako?!” gulat na angal ni Nastia na ikinasimulang ikalakad ni Maki palabas ng opisina niya. “T-teka ‘yung secretary ko, kailangan din siyang madala sa clinic Giel!”sambit ni Nastia habang papalayo sila sa opisina niya. “Mag-utos nalang tayo ng magdadala sa kaniya, isa lang ang kaya kong buhatin.”pahayag ni Maki na ikinalingon ni Nastia sa kaniya. Diresto lang si Maki sa paglalakad nito habang hinahanap nito ang clinic sa kumpanya ni Nastia na binigyan na ng direksyon nito habang napapatingin an ilang employee na nakikita sila na ikinabuntong hininga ni Nastia habang buhat-buhat siya ni Maki bago niya ikinuyom ang kaliwang kamao niya at pasuntok na inilapat iyon sa dibdib ni Maki na kunot noong napalingon sa kaniya. “Ano ‘yan?” takang tanong ni Maki na ngiting ikinatap ni Nastia sa ulunan ni Maki. “Wala, bilisan mong pumunta sa clinic ang sakit na ng balakang ko.”pahayag ni Nastia na bahagyang ikinaungos ni Maki sa kaniya. “Tss! Para akong aso sa ginawa mo ah.”sambit ni Maki na napailing nalang ikinangiti lang ni Nastia. Hindi ko ma-explained kung paano, pero sa tingin ko, gusto ko na nga ang kinulang sa height na ‘to. Sambit ni Nastia sa kaniyang sarili. “May ipapaliwanag ka pa sa akin, baka nakakalimutan mo.”sambit ni Maki “Oo na, bilisan mo lang mag lakad, masakit na talaga ang balakang ko.” “Bakit kasi nagpabugbog ka sa kumag na ‘yun?”bahagyang sermon ni Maki sa kaniya “He knows how to fight too, Giel at hindi ako nakalaban ng husay dahil iniisip ko ang secretary ko.” “Kahit na!” “Wait? Bakit ka nanenermon diyan? Kung binibilisan mo nalang kaya ang paglalakad mo!”singhal ni Nastia. “Ikaw na nga ang binubuhat demanding ka pa?” “Sinabi ko bang buhatin mo ako? Kung umaangal ka ibaba mo na lang ako?!” inis na singhal ni Nastia na ikinasimula nang muli ng sagutan nilang dalawa habang tinatahak nila ang hallway papuntang clinic.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD