Chapter 20- News, Jealousy

3298 Words
Chapter 20- News, Jealousy. Split Intentions to Love Conflicts. “You need some rest of your body Ms. Landerson, nag start na mag swell ang part ng waist niyo, hindi din okay ang back mo and I think dahil diyan baka lagnatin kayo so, I recommend you to have a one week to heal your back and waist totally.” Bilin ng doctor ng kumpanya nina Nastia matapos nitong suriin ang nananakit na balakang at bandang likuran niya matapos ang nangyaring laban nila ni Cain na alam niyang napuruhan siya, nalagyan narin ng ointment ang mga pasa sa may braso niya. “I’ll give you the medicine that you need to drink for one week, excuse me.” Paalam ng doctor bago nagpunta sa isang kwarto kung saan naroon ang mga stocks ng gamot para sa mga employee ng kumpanya nila. Nakaupo si Nastia sa edge ng isang kama sa clinic habang si Maki ay naka cross-arms at nakasandal sa pader malapit sa pintuan habang nakatingin kay Nastia na tinitingnan ang braso nito na may pasa. Nakatitig lang si Maki kay Nastia, naisip niya na ito ang nag-iisang kaibigan niyang babae na mabilis niyang nakapalagayan ng loob dahil sa tingin niya ay nauunawaan nito ang kondisyon niya. Isa si Nastia sa tumanggap sa kalagayan niya at hindi nakaramdam ng takot. Nagkakabangayan man sila minsan at nagkaka-asaran, tingin ni Maki ay dahil mas nakikilala nilang dalawa ang isa’t-isa, masasabi niyang masayang maging kaibigan si Nastia. Hindi niya alam kung bakit tatlong araw itong hindi nagparamdam sa kaniya, may contact na sila sa isa’t-isa bago sila maghiwalay nung huling araw na magkasama silang dalawa. Tinatawagan niya ito pero hindi nito sinasagot mga tawag niya, kahit ang kapatid nitong si Cathy ay hindi napunta sa rooftop garden niya. Akala ni Maki nung unang araw na hindi nagparamdam si Nastia sa kaniya ay naisip niya na abala ito kaya nag focus siya sa trabaho niya sa Iraq, naging successful naman ang pag-uusap nila para sa bago nilang client kahit sya lang mag-isa ang nagpunta doon. Pauwi na siya galing Iraq ay tinawagan niya ito pero ring lang ng ring ang cp nito. Sa ikalawang araw ay ganun pa din, walang Nastia na nagpaparamdam kaya kahit kasama niya ang crush niya na si Devon dahil sinadya siya nito sa kumpanya niya upang magpasalamat sa nakaraang tulong na ginawa niya, pero alam niyang wala siya sa mood dahil pakiramdam niya sinasadya ni Nastia na hindi ito magparamdam sa kaniya. Naging okay naman kahit papaano ang lakad nila ni Devon kahit ingat na ingat itong makita ng mga tao dahil ayaw nitong pagkagguluhan. Sa ikatlong araw ay mas naba-badtrip si Maki dahil tatlong araw na wala paramdam si Nastia sa kaniya kaya hindi siya makapag concentrate ng ayos sa trabaho nila ni Ruhk kaya napagdesisyunan niya na puntahan na si Nastia para tanungin kung bakit tatlong araw itong walang paramdam. Kaibigan niya si Nastia at kahit papaano ay malapit na ‘to sa kaniya simula ng maunawaan nito ang kondisyon niya. Kahit laging may bangayan pag nagkikita sila ay mahalagang kaibigan niya si Nastia, kaya ng maabutan niya ito na nakahandusay sa sahig at nakita niya si Cain na pasugod dito ay uminit agad ang ulo niya kaya sinugod niya na ito dahil sa ginawa nito kay Nastia. “What will you do to that bastard?” tanong ni Maki na ikinalingon ni Nastia sa kaniya. “Kay Cain? I think right now nasa presinto na siya, I’ll file a case against him for what he did.”sagot ni Nastia na bahagyang ikinaingos ni Maki at umalis sa pagkakasandal nito at naglakad palapit kay Nastia. “Ganun lang? Ipakukulong mo lang?” “Yes, nangulo siya sa opisina ko, nanakit siya ng empleyado ko kaya dapat lang naman siyang makulong diba?”kunot noong sambit ni Nastia ikinapamulsa ni Maki sa pants niya. “What if makalaya ang isang ‘yun, he’ll get back for you for sure. Hindi lang dapat siya ikulong, kailangan niya munang matakot para hindi ka niya na ulit guluhin.”pahayag ni Maki na mas ikinakunot ng noo ni Nastia habang nakatingin kay Maki na nakatayo malapit sa harapan niya. “What do you mean na kailangang matakot muna si Cain para hindi na sya mang-gulo ulit? Can you explain what are you trying to say Giel?” “Tss! No need, ako nalang bahala.”pahayag ni Maki na akmang tatanungin pa ni Nastia ng makabalik na ang doctor sa kanila at may dala ng mga gamot na kailangan ni Nastia na inumin. After siyang bilinan ng doctor sa mga oras na iinumin niya ang gamot ay lumabas na sila ni Maki sa clinic, hindi na masyadong nananakit ang balakang ni Nastia dahil nakainom na siya ng pain killer. Naglalakad na sila ni Maki pabalik sa opisina para tingnan si Willie na hindi na nadala sa clinic, kailangan munang magbilin ni Nastia sa secretary niya bago siya makapag-pahinga ng isang linggo. Sabay silang naglalakad ni Maki sa hallway habang pasulyap-sulyap ang mga nakakasalubong nilang mga employee sa kanila na bahagyang ikinabuntong hininga ni Nastia. “I’m sure kung ano-ano na ang naiisip ng mga employee ko dahil sa nangyari.”pahayag ni Nastia na bahagyang ikinangisi ni Maki. “Well, nakita nilang may gwapong bumubuhat sa boss nila papuntnag clinic talagang pagtitinginan nila tayong dalawa.”sambit ni Maki na poker face na ikinalingon ni Nastia sa kaniya. “Hindi ka naman mayabang sa self-proclaim mong ‘yan Giel? Hindi naman ang pagbuhat mo sa akin ang iisipin nila, ‘yung nangyaring gulo sa opisina ko. Assuming.”pahayag ni Nastia na ikinaingos lang ni Maki sa kaniya. “Bakit ba sumugod sa opisina mo ang lalaking ‘yun? The last time I saw him nakikipagbugbugan ka din sa kaniya.” “This was the second one na pumunta siya sa opisina ko, the first one ay dahil tinakot niya akong ipu-pull out niya ang investment ng family nila sa company namin, though ibinigaay ko na sa kanila ang investment nila. Then now, he’s accusing me na sinabihan ko daw ang mga share-holders ng company ng Daddy niya to pull out their stocks, that one of the share-holder said that it’s me who told them about pulling out. Naguguluhan ako sa mga sinabi niya dahil wala talaga akong alam.”pahayag na eksplenasyon ni Nastia na napapaisip talaga siya sa mga sinabi ni Cain na hindi naman niya ginawa. “Kung hindi ikaw, sino ang gagawa nun at pangalan mo ang dinadawit?”tanong ni Maki na buntong hiningang ikinailing ni Nastia. “Hindi ko alam, that’s why kailangan kong dumeretso ng presinto para kausapin si Cain.”pahayag na sagot ni Nastia. “Nah, you go straight home and rest, bilang kaibigan mo, ako nalang ang haharap sa lalaking ‘yun.”pahayag ni Maki na bahagyang ikinatigil ni Nastia sa paglalakad at nilingon si Maki. “Kaibigan?” “Oo, magkaibigan tayo diba? Teka huwag mong sabihin na hindi pa official?” hindi makapaniwalang tanong ni Maki na agad ikinaiwas ni Nastia ng tingin kay Maki. Ngayon na narealize niyang gusto niya na si Maki, hindi niya maiwasang malungkot dahil kung nagkagusto siya kay Maki, kaibigan lang ang tingin nito sa kaniya. Mabigat sa pakiramdam pero pinilit niyang hindi ipahalata kay Maki. “Magkaibigan na tayo okay, I mean, hindi dahil magkaibigan tayo eh kailangan mong problemahin ang problem ako. Cain is my problem to solve not yours.”pahayag na sagot ni Nastia na ikinasimula niya ulit sa paglalakad na ikinasunod ni Maki sa kaniya. “That’s what friends are for, diba? May mga kilala akong magkakaibigan na problema ng isa, pinoproblema nilang lahat at dahil magkaibigan tayo, anumang problema mo handa kitang tulungan.”ngiting pahayag ni Maki. Dahil inamin na ni Nastia ang nararamdaman niya kay Maki sa kaniyang sarili, hindi niya maiwasan na bahagyang masaktan sa nararamdaman ni Maki para sa kaniya, isang kaibigan. “Ang dami mong sinabi Giel, and I’m sure na kung ikaw ang kakausap kay Cain hindi ‘yun magsasalita sayo.”sambit nalang ni Nastia at isinasantabi ang lungkot na nararamdaman niya. “Don’t worry, magsasalita sa akin ‘yun.”ngising sagot ni Maki na ikinabuntong hininga nalang ni Nastia. “Sasama ako para mari---“ “Kaya nga ako nalang ang kakausap sa kumag na ‘yun para makapag pahinga ka eh tapos sasama ka? Oh anong point na ako ‘yung kakausap dun kung sasama ka pala?”bahagyang singhal ni Maki sa kaniya. “Oo na sige na, ikaw na.” pagpayag na ni Nastia na bahagya niyang ikinagulat ng akbayan siya ni Maki na ikinalingon niya dito. “Magpahinga ka lang sa bahay niyo at babalitaan nalang kita sa mapag-uusapan naming dalawa ng kumag na ‘yun. Itabi mo sayo ang cellphone mo para pag tumawag ako eh masagot mo agad.” “Kung makapag dema—“ “And speaking of cellphone Livy, bakit tatlong araw mong hindi sinasagot ang mga tawag ko? Anung meron ha?”putol na tanong ni Maki sa kaniya na bahagya niyang ikinasiko sa tagiliran nito na ngiwing ikinaalis ng braso nito sa pagkaka-akbay sa kaniya. “Mapanakit ka na naman Livy ah.”reklamo ni Maki habang nakahawak sa tagiliran niya na ikinairap lang ni Nastia sa kaniya. “Busy ako ng tatlong araw na ‘yan, may trabaho kasi ako.”pagdadahilan ni Nastia na ikinatitig ni Maki sa kaniya. “Eh bakit nga di mo sinasagot mga tawag ko?” “Bakit ko naman kailangang sagutin mga tawag mo?”balik tanong ni Nastia kay Maki na bahagyang ikinasimangot ni Maki. “Diba magkaibigan tayo? Nagaasaran tayong dalawa pero gusto ko din naman kamustahin ang kaibigan ko. Ikaw ang kauna-unahang babae na naging kaibigan ko maliban kina Verchez kaya gusto kong kamus---Ugggghh—“ ngiwing impit na ungol ni Maki ng makatanggap siya ng paninikmura ni Nastia na bahagya niyang ikinaubo dahil may kalakasan ang paninikmurang binigay nito. “B-bakit na naman?! Nakakadalawa ka na Livy ha?!”reklamong angal ni Maki habang nakahawak sa sikmura niya. “Itikom mo na kasi ‘yang bibig mo, nakakasakit kasi.”angal ni Nastia na ikinaiwan niya kay Maki na napakunot ang noo sa sinabi niya. “Anong masakit sa sinabi ko? Hoy Livy explain mo nga?!” sigaw na tawag ni Maki kay Nastia na tuloy-tuloy lang sa paglalakad nito na agad niyang ikinahabol dito. Nang makarating na si Nastia sa opisina niya ay naabutan niya si Willie na nakaupo sa sofa habang may hawak-hawak na ice bag na nilalagay nito sa taas ng ulo nito na natigil sa ginagawa at napatayo ng makita siya. “Boss, kamusta po kayo?”tanong nito na ngiting ikinalapit ni Nastia ng makarating na rin si Maki sa opisina niya. “Okay lang ako, ikaw kamusta ang pakiramdam mo? Wala bang masakit sayo?” “Lalaki ‘yang secretary mo, Livy hindi mo kailangang mag-ala---“ Hindi natuloy ni Maki ang sasabihin niya ng hagisan siya ni Nastia ng maliit na unan ng sofa na agad naman nitong nasalo at nakasamingot na tiningnan niya si Maki. “Manahimik ka pwede? Umimik ka pa Giel kahit bahagyang nananakit pa ang balakang ko babalian kita ng buto diyan.”sitang singhal ni Nastia na bahagyang ikinaingos ni Maki. “Tss! Sungit, wala naman akong ginagawa.”mahinang angal ni Maki na ikinairap nalang ni Nastia at binalingan ng tingin ang secretary niya. Hindi niya na maiwasang maapektuhan pag lumalabas sa bibig ni Maki ang salitang kaibigan, naiinis at nasasaktan siya kahit papaano kaya hindi niya naiwasan na masikmuraan ito at sungit-sungitan. “Pasensya ka na kung pati ikaw ay idinamay ni Mr. Tan sa panunugod niya sa akin kanina, you can take a rest for today and for tomorrow.”sambit ni Nastia na bahagyang ikinangiti ni Willie sa kaniya. “Don’t worry about me boss, hindi ko naman kailangang magpahinga dahil sa nangyari.” “Are you sure? You can go to the clinic now so Doc. Gia can check you up.”paniniguradong pahayag ni Nastia na ngiting ikinatango nito. “I’m good Boss though, nakakahiya sa inyo dahil hindi ko man lang kayo naipagtanggol kay Mr. Tan, nawalan pa ako ng malay.” “It’s okay, you’re not my body guard but my secretary, so hindi mo kailangang mahiya.”ngiting pahayag ni Nastia na ikinalingon niya kay Maki ng marinig niya itong umingos. “He still a man, hindi ba siya marunong makipag suntukan?”sambit ni Maki na ikinasama ng tingin ni Nasia sa kaniya. “Eh kung ikaw kaya suntukin ko Giel? Manahimik ka nga diyan?! Tsaka kung wala kang magawa, nakikita mo ‘yang vase na binasag mo?”sita niya kay Maki at tinuro ang vase na basag-basag dahil sa ginawang pagpukpok ni Maki dito kay Cain na ikinalingon nito dito. “Nakikita ko.” “Good, linisin mo ‘yan and palitan mo ang binasag mo. Alam mo bang galing paris pa ‘yan at favorite ko tapos babasagin mo lang?”sitang pahayag ni Nastia na ikinalakad palapit ni Maki sa basag na vase. “Favorite mo ‘to?”tanong ni Maki habang nakatingin sa basag na vase na ikina squat niya ng upo at dumampot ng isang piraso ng basag na part ng vase. “Rare ang design niyan, kaya nagustuhan ko.”sagot ni Nastia na hindi na ikinasagot ni Maki nang ibaling muli ni Nastia ang tingin niya sa secretary niya. “Anyway Willie, Doc Gia told me to rest for one week. Okay lang ba if ikaw na muna ang bahala dito? Just send in my email if may kailangan akong basahin na documents, and pipirmahan ko muna ang mga kailangan kong pirmahan for the upcoming construction natin bago ako umuwi.”pagbibigay alam ni Nastia na ikinatango nito. “Okay Boss, magpahinga lang kayo and ako na po ang bahala habang wala kayo.”sagot nito na ikinangiti ni Nastia. “Thank you, anyway tumatawag ba sayo si Daddy? Hindi ko kasi sila makontak?”tanong ni Nastia na ikinailing nito. “Wala po akong balita kay Chairman, pero I’ll contact him boss.”sambit nito na ikinatango nalang ni Nastia. Bumalik na si Nastia sa lamesa niya upang pirmahan na ang mga kailangang niyang pirmahan habang si Maki ay dinadampot isa-isa ang mga piraso ng basag na vase at nilalagay sa basuran na nakuha nito sa gilid ng lamesa ni Nastia. “Marami ka bang pipirmahan?”tanong ni Maki kay Nastia na tutok sa mga documents na pinapasadahan niya muna ng tingin bago pirmahan. “Just for the construction of the new plantation na itatayo namin, other than that ay ipapasend ko nalang kay Willie sa email ko para sa bahay ko nalang tingnan.”sagot ni Nastia na ikinalingon ni Maki sa kaniya. “Ihahatid kita para malaman ko kung saan ang bahay mo.”pahayag ni Maki na ikinabalik niya sa ginagawa niyang pagdampot ng mga basag na piraso ng vase na siya namang ikinalingon ni Nastia sa kaniya. “Bakit mo naman gustong malaman kung saan ang bahay ko?” “Para alam ko, masama bang malaman ang bahay ng kaibigan ko?”sambit na tanong ni Maki na pigil si Nastia sa sariling ibato kay Maki ang hawak niyang ballpen. “Bahala ka sa buhay mo.”sambit nalang ni Nastia na nag pokus nalang siya sa mga pinipirmahan niya. Dalawang oras at kalahati ang lumipas ng matapos na si Nastia sa mga pipirmahan niya ganun din si Maki na nadampot na lahat ang mga piraso ng vase. Nalagpasan na nila ang tanghalian dahil sa mga gawain nila, after nilang maayos lahat at mabilinan ang secretary ni Nastia ay sabay na silang naglakad ni Maki palabas ng opisina niya. Magkasabay silang naglalakad sa hallway hanggang makarating sa ground floor na ikinatitingin ng mga employee niya sa kanilang dalawa na hindi nalang niya napansin nang mapadako ang tingin ni Nastia sa isang malaking t.v monitor na puro balita lang ang palabas mula entertainment, sports at at iba pa. Natigilan siya sa paglalakad na hindi napansin ni Maki dahil tuloy lang ito sa paglalakad habang nakatingin sa cellphone dito. Napakunot ang noo ni Nastia dahil balitang napapanuod niya ngayon, balita tungkol sa kilalang artista na si Devo Dela Torre na nakitaan na may ka date isang araw lang ang nakakalipas. Mas napakunot ang noo ni Nastia dahil malinaw na malinaw ang kuha ng litrato sa nababalitang artista at s aka date nito na kilalang-kilala ni Nastia. Biglang bumigat ang pakiramdam ni Nastia habang nakatingin sa t.v monitor at nakatingin sa litratong pinapakita ng news anchor sa balita, kung saan magkasama sa isang coffee shop ang dalawa at may mga ngiti sa mga labi ng mga ito na agad ikinaiwas ni Nastia ng tingin dito. Hindi niya maiwasang masaktan sa nakita, naisip ni Nastia na sa tatlong araw na hindi siya nagparamdam kay Maki ay nakipag date na ito sa cruh nito na naikwento nito sa kaniya. “Akala ko naman kasunod kita sa paglalakad, bakit ka ba tumigil?” takang tanong ni Maki dahil hindi niya nakita si Nastia sa tabi niya at nakita niya nalang na nakatigil sa paglalakad kaya agad niyang binalikan. “Alam mo bang sumisikat ka ngayon?” seryosong sambit ni Nastia na ikinasalubong ng kilay ni Maki “Eh? Ako? Bakit pinag-uusapan ba ako ng mga empleyado mo kasi may kasama kang gwapo?” ngising pahayag ni Maki na ikinaturo ni Nastia sa t.v monitor na ikinalingon ni Maki na ikinagulat nito ng makita nito ang sarili sa balita. “T-teka? Kami ni Devon niyan ah?” hindi makapaniwalang pahayag ni Maki na pakiramdam ni Nastia ay ikinasikip ng dibdib niya ng sambitin ni Maki ang pangalan ng crush nito. “Now you’re the rumored boyfriend of that actress.”sambit ni Nastia na iniiwasan niyang sarcastic sa mga sinabi niya na nakita niyang ikinangiti ni Maki habang nakatingin sa t.v monitor. “Ang swerte ko naman at napagkamalan pang boyfriend ni Devon, sayang fake news lang.”sambit ni Maki na kagat labing ikinalakad na ni Nastia at iniwan si Maki na napansin naman nito at agad siyang sinundan. “I’m sure problema kay Devon at sa manager niya ang balitang ‘yun, paanong may nakakita sa amin dun?” kunot noong tanong ni Maki sa sarili na mabilis na ikinaharap ni Nastia sa kaniya na ikinatigil nito sa paglalakad. “Huwag mo na akong ihatid, kaya kong mag drive mag-isa pauwi. Kung gusto mo lang naman malaman ang bahay ko isesend ko nalang sayo ang address. Balitaan mo nalang ako sa pagpunta mo sa presinto para kausapin si Cain.”pahayag ni Nastia bago agad na nagalakad palayo kay Maki palabas ng kumpanya niya na naguguluhang ikinakunot ng noo ni Maki. Dere-deretso lang si Nastia hanggang sa makalabas siya ng kumpanya at makarating sa kotse niya, pagkapasok niya doon at pagkaupong-upo niya ay agad siyang napadukmo sa kaniyang manibela. “Damn that man!” mahinang sambit ni Nastia sa sarili Gusto niya si Maki at dahil may nararamdaman siya dito, ang makitang masaya ito sa ibang babae ay hindi niya magustuhan. Alam niyang selos ang nararamdaman niya, she was jealous knowing that Maki was happily dating with the woman whom she thinks that he likes. “Bakit kasi nagustuhan ko ang kinulang sa height na ‘yun? Ang sakit na nga ng balakang ko pati puso ko nakikisabay.”pahayag ni Nastia sa kaniyang sarili bago tumunghay sa pagkadukmo niya sa manibela at pinaandar na ang sasakyan niya at umalis na sa kumpanya niya kung saan nakahabol tingin sa kaniya si Maki. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD