Chapter Three
"This is... Wow. I can't believe this. You are really pregnant. Congratulations, Kyungsoo-ah."
Nakaupo na ako at kaharap si Dr Park habang hawak-hawak niya ang result ng mga tests na ginawa niya sa akin.
"Pero paano po yun nangyari? Lalaki po ako? Paano po ako nabuntis?"
Nginitian ako nito at pagkatapos ay may pinindot sa telepono niya. Wala pang isang minuto ay pumasok na ang assistant niya.
"Mina cancel my other appointments today and close the clinic."
Halatang nagulat si Mina pero tumango naman ito at sinunod ang utos ni Dr Park. Pagkatapos nun ay tumingin na ito sa akin.
"It seems like you have male reproductive organ and a female reproductive system. It's the only explanation I can give you right now. I still have to conduct more tests but as what I can see with your results, you're a normal pregnant-- man."
Ngumiti ito sa akin at tumayo. Lumapit ito sa pinto at binuksan. Nakita ko sila Baekhyun at Chanyeol na nakatayo doon at parehong nag-aalala.
"Come in, you two."
Pumasok agad ang dalawa at lumapit sa akin. Hinawakan ni Baekhyun ang balikat ko at niyugyog ako.
"Kyungsoo, are you okay? Anong sabi ni doc? OMG, false alarm ba? Oh no, paano na si baby!?"
Hinablot ni Chanyeol ang kamay ni Baekhyun na nakahawak sa akin at inirapan ito.
"May kamay naman ako pero kamay pa ng iba ang gusto mong hawakan. Lagot ka sa akin mamaya."
Namula si Baekhyun at hinampas ito sa dibdib.
"Ewan ko sayo! Layo ka nga sa akin."
Itinulak niya ito na ikinatawa ni Dr Park.
"Aigoo, kids these days."
Umiling-iling pa ito at umupo sa working chat niya. Hinarap niya ako at inabot sa akin ang isang puting envelope.
"I've put your schedules of checkups there. Also the vitamins you have to take. Plus the do's and don'ts. I can't see any difference with your pregnancy to other pregnancies so I think you'll be okay. Please don't be shy to call if there's anything wrong, or if you have any question. Also, I'll be asking your permission because I want to consult your condition to one of my colleagues. He's a good friend of mine."
Tumango na lang at ngumiti kay Dr Park. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa nag-sisink in sa akin na buntis nga talaga ako.
"And Kyungsoo, sana sa next checkup kasama mo na ang daddy ng baby mo."
Napakagat-labi na lang ako dahil hindi ko pa alam kung matatanggap ba ni Jongin ang balitang ito. Wala pa akong nakikilalang lalaki na nabuntis - I'm actually a first. Hindi ko din alam kung paano ako kung sakaling hindi ito tanggapin ni Jongin.
"Pa-paano kung malaman ito ng ibang tao? Baka-baka pagtawanan nila ako."
Nakaramdam ako bigla ng takot. Naluluha na din ako. Napahikbi ako at naramdaman ko ang paghawak ni Baekhyun sa braso ko.
"Soo, wag mong isipin ang ibang tao. Why think of them? Eh ano kung malaman nila? Basta, don't stress yourself. You are pregnant so think of happy thoughts. Hay, you're so lucky. Gusto ko din ng baby!"
Dahil sa sinabi niya ay medyo gumaan ang pakiramdam ko. Natawa ako dahil sa sinabi niya. Si Baekkie talaga.
"Gusto mo buntisin kita?"
Bulong na tanong ni Chanyeol. Namula naman si Baekhyun at natawa kami ni Dr Park.
"Baka mabuntis ako! Tsaka, hoy, hindi ko pa nakakalimutan yung sinabi mong lover sa Tita mo."
Tumingin ito kay Dr Park at ngumiti.
"Hindi ko po boyfriend tong pamangkin niyo. Eww lang ha!"
Napangisi si Chanyeol at napatawa naman uli kami.
"Yeol, your boyfriend is cute. You should bring him to our family dinner next week. The family would surely love him."
Mas namula si Baekhyun dahil si sinabi ni Doc. Ngumisi naman uli si Chanyeol at hinapit sa beywang si Baekkie.
"I will Tita."
Sabay kindat.
"Che!"
**
"Oh Soo, tandaan mo ang sinabi ng doctor mo ha. Bawal ang stress. Tsaka inumin ang mga vitamins. Tsaka dapat sabihin mo na din kay Jongin na buntis ka. Magpahinga ka na. Ako na ang bahala na magluto."
Inirapan ko ito. Para naman akong baldado kung pagsabihan. Buntis ako pero hindi naman ibig sabihin nun ay hindi na ako pwedeng gumalaw. Kaya ko namang magluto.
"Baekkie, you don't cook. Baka sunugin mo pa ang kusina ko. Ako na lang tsaka maliit pa ang tyan ko kaya naman hindi siguro ako mahihirapang gumalaw."
Paliwanag ko sa kanya. Tinitigan ako nito at napatango na lang. Alam kong gusto niya akong kontrahin pero alam niyang hindi ko siya hahayaang magluto. The last time I let him cook, he almost burn the whole house. I don't want a repetition of it.
"Fine. Ay, kailangan natin bumili ng maternal clothes. Kapag lumaki na ang tiyan mo for sure hindi na magkakasya yung mga damit mo. Mag-shopping tayo ah."
Masayang sabi nito. Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.
"Soo, alam kong natatakot ka pero nandito lang kami ni Yeollie. Kung sakali man na hindi iyan tanggapin ni Jongin, which I doubt by the way because that guy is whipped, eh kami na lang ni Yeollie ang tutulong sayo."
Takot talaga ako, takot sa reaksyon ni Jongin. Sa mga maaring mangyari. Ayokong mawala siya sa akin dahil siya na lang ang pamilya ko pero kung sakali ngang hindi niya ito tanggapin ay wala na akong magagawa pa.
Lumabas si Baekhyun pagkatapos niyang sabihin ang mga bagay na dapat naming bilhin. Hinawakan ko ang tiyan ko.
"Baby, sana matanggap ka ni daddy mo. Basta kahit anong mangyari, mahal na mahal kita."
Inabot ko ang cellphone ko at dinial ang number ni Jongin. Sinagot niya ito pagkatapos ang tatlong ring.
"Hello? Baby?"
**
"I'm pregnant."
Napayuko ako dahil sa blanko ang ekspresyon sa mukha ni Jongin. Nakatingin lang siya sa akin na para bang tinubuan ako ng sungay at buntot.
"Hah? Pwede bang ulitin mo, Soo? Parang namali ata ako ng dinig."
Sabi nito sabay tawa. Lumapit pa ito sa akin at hinawakan ang dalawang kamay ko.
"Buntis ako."
Nabitiwan nito ang pagkakahawak sa kamay ko at natulala. Naramdaman ko na ang mga nagbabadyang luha na gustong kumawala sa mga mata ko.
"What the f**k are you saying, Soo?"
Eto na nga ba ang kinakatakutan ko. Ang hindi paniniwala ni Jongin sa sinabi ko. Napahikbi ako at nag-iwas ng tingin.
"Bingi ka ba? Ang sabi ko buntis ako!"
Nanlaki ang mga mata nito at napaupo. Hindi ko na napigil pa ang mga luha ko dahil kusa na itong bumagsak.
"Pero paano nangyari yun? Lalaki ka, lalaki tayo pareho?"
Alam ko na mahirap paniwalaan ang nangyari kaya expected ko na na ganito ang maging reaksyon niya.
"Buntis ako Jongin. Buntis ako."
Tumayo ito at lumapit sa akin. Hinawakan ako sa magkabilang balikat at niyugyog. Nakaramdam ako ng takot.
"Damn! You're a man and a man can't be pregnant. This is total bull crap, Soo. Tigilan mo ang biro na ito."
Sabi nito at nakita ko ang pagkainis at takot sa mga mata niya. Nag-iwas muli ako ng tingin. Hindi ko na kayang makita ang magiging reaksyon niya kapag ipinakita ko sa kanya ang pruweba.
Inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin at lumapit sa lamesa kung saan nakapatong ang mga test results na ibinigay sa akin ni Dr Park. Kinuha ko iyon at tsaka lumapit muli kay Jongin. Inabot ko iyon sa kanya. Takang kinuha naman niya iyon.
"Iyan ang mga pruweba. Test results yan. Tita ni Chanyeol ang tumingin sa akin."
Binasa niya ito at kitang-kita ko ang pagkagulat sa mga mata niya. Napatingin siya sa akin at nagbago bigla ang ekspresyon niya.
"La-lalaki ka, at hindi nagbubuntis ang mga lalaki."
Mahinang sabi nito. Halatang hindi makapaniwala sa nabasa niya. Naramdaman ko na naman ang pagtulo ng luha ko.
"I know. But guess what, I'm pregnant and you're the father."
"No. No, this can't happen. This is... Ah, f**k, are you and alien? Oh my god, maybe you're a demon or a monster that's why you became pregnant. s**t, shit."
Lumayo siya sa akin at kinuha ang bag niya na nakalapag sa sahig. Tinalikuran niya na ako at pumunta sa pintuan.
"I can't accept that, Soo. That's a curse. Men shouldn't be pregnant. You're a monster. You and your child. Let's not see each other anymore."
Pagkasabi noon ay lumabas na ito at pabalabag na isinara ang pinto. Doon ako napahagulhol. Hindi niya tinanggap, hindi siya naniwala. Ayaw na niya akong makita. Paano na ako? Anong mangyayari sa akin?
Ang sakit-sakit na yung taong akala kong tutulong at mag-aaruga ay siya pang hindi tumanggap at nangiwan. Ang sakit.
Jongin, bakit?
**
"Soo, why are you crying? Tell us."
Alalang tanong ni Luhan sa akin. Naabutan kasi ako ni Baekhyun na umiiyak kanina kaya naman agad niyang tinawagan sila Luhan at Tao na agad namang nagpunta.
"Iniwan na ako ni Jongin, lulu. Ayaw na niya sa akin."
Paliwanag ko sa kanila. Ni hindi ko na alam kung saan ako nakakuha ng lakas para sabihin pa iyon. Gusto ko na lang matulog at huwag na sanang gumising pa.
"Ano? Bakit? Ano bang nangyari?"
Sabay na tanong nila Luhan at Tao. Si Baekhyun naman ay nakatingin lang sa akin at madilim ang mukha.
"That asshole! I'll f*****g kill him!"
Tumayo si Baekhyun at lumabas ng kwarto kaya naman naiwan kaming tatlo.
"Anong nangyari dun? Alam niya ba ang dahilan?"
Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi bago tumango. Kaibigan ko sila kaya dapat ko ding sabihin sa kanila. Sana lang ay tangapin nila ako.
"Kasi buntis ako."
Halos pabulong na sabi ko pero narinig ko ang pagsinghap nilang dalawa.
"Ano?"
"Ha?"
Nag-iwas ako ng tingin dahil sa mga luhang tumulo na naman.
"Buntis ako. Nabuntis ako ni Jongin. Nabuntis niya ako at iniwanan pagkatapos."