Chapter Four
Two weeks later
"Soo, maupo ka na nga. Bakit ba binubuhat mo ang mga kahon na yan? Ano bang laman niyan?"
Takang tanong ni Baekhyun sa akin. Naisipan ko kasi na linisin ang apartment kaya naman yung mga bagay na gusto ko ng itapon ay inilagay ko sa kahon.
"Uh, basura?"
Nagtaas ito ng kilay at binuksan ang kahon na kinuha niya sa akin. Ang kahon na yun ay puno ng gamit ni Jongin. Alam ko na naman na kasi na imposible na magkabalikan pa kami ni Jongin kaya naisip kong itapon na lang ang mga gamit niya na naiwan niya dito.
"So, you finally decided to move on?"
Mataray na tanong nito sabay sara nung box. Nakapamewang ito na para bang teacher na nag-aantay ng sagot sa estudyante niya.
"It's been two weeks, Baekkie. Tama ka, kung talagang mahal niya ako babalik siya. Natural lang na magulat siya pero maiisip pa din niya na balikan ako. Yun ay kung mahal niya nga ako. Tsaka hindi ako pwedeng mastress. Hindi na lang naman ako ang nag-mamayari ng katawan ko. May baby na ako na dapat alalahanin."
Tumango-tango si Baekhyun bilang pagsangayon sa akin. Niyakap pa ako nito dahil sa tuwa.
Siya kasi ang palaging nagsasabi sa akin na hayaan ko na lang si Jongin. Na isipin ko na lang ang baby ko. Tama naman siya, halos dalawang linggo din akong nagmukmok sa kwarto dahil sa nangyari at ngayon ay narealize ko na hindi ko na lang dapat problemahin ang mga taong walang pagpapahalaga sa akin. Meron na akong bagong pamilya na mamahalin at aalagaan.
"Ay, may checkup ka ngayon di ba? Sama ako ah!"
Ngayong araw ang sunod na checkup ko sa tita ni Chanyeol. Sasamahan niya ako at ngayon ay kasama na din si Baekhyun.
"Okay. Kasama si Chanyeol ah."
Nanlaki ang mata nito at biglang namula.
"Hmp! Bat ba kasama pa yun? Sus. Basta sasama ako!"
Natawa na lang ako sa inasal niya. Si Baekhyun talaga.
"Okay."
**
"Wala namang abnormalities sa baby. Normal ang heartbeat. Sa ngayon yun pa lang ang masasabi ko sayo. I need to conduct more tests para maconfirm ang condition ng baby. I can say that your baby is healthy. Basta yung mga reminders ko sayo ah? No stress, no heavy work. Drinks your vitamins also. Since you're on your early stage of pregnancy we still can't know the gender. By the fourth month pwede na siguro."
Nakangiting tumango at nagpasalamat ako kay dr Park. Pinaalalahananpa niya ako hanggang sa pumasok ang assistant niya na si Mina para sabihin na andyan na ang susunod na pasesyente. Tumayo na ako at nagpasalamat. Hinatid ako nito sa waiting room kung saan naroroon sila Chanyeol at Baekhyun na nagtatalo na naman.
"Yeol, Baekhyun."
Bati ni Dr Park. Bumati pabalik ang dalawa na halatang nagulat sa pagdating namin. Lumapit na si Baekhyun sa akin.
"Kayo na ang bahala kay Kyungsoo. We'll see each other on our next checkup. Take care Kyungsoo. Drive safely, Yeol. Bye Baekhyun."
Nagpaalam na kami sa kanya at lumabas na ng clinic. Sumakay kami sa sasakyan ni Chanyeol at inihatid niya kami sa apartment. Pagdating namin doon ay meron kaming nakitang nakaparadang kotse.
May titira na sa katabing apartment?
Bumaba na kami sa kotse ni Chanyeol at papasok na sa loob ng may lumapit sa amin na lalaki. Gwapo ito at may kaliitan. Maputi at mukhang mayaman.
Bakit siya titira sa apartment katabi ng apartment ko kung mayaman siya?
"Hi. I'm Joonmyeon. Kim Joonmyeon. Ako ang bago niyong kapitbahay. Sana maging magkaibigan tayo."
At inilahad nito ang kamay niya.
**
"Kyungsoo-ah! Kyungsoo!"
"Joonmyeon-ssi, nasa kusina ako."
Wala pang isang minuto ay nasa kusina na rin siya. May dala-dala itong mga plastic bag na puno ng grocery.
"Ah, nag-grocery ka na naman para sa akin? Joonmyeon-ssi you don't have to do that. Laking pasasalamat ko na dahil palagi kang nandyan para sa akin. Being a friend is more than enough for me."
Naging magkaibigan kami ni Joonmyeon. Mabait kasi siya kaya walang naging problema sa amin. Palagi niya akong dinadalhan ng pagkain at kung ano-ano pang bagay na kailangan ko sa bahay.
Hindi na rin ako pumapasok sa school. Dahil sa sitwasyon ko ngayon ay mas mabuting manatili na lang ako sa bahay. Iyon din naman ang gusto nila Baekhyun, Luhan at Tao. Baka daw kasi ma-stress ako dahil nga palagi ko lang makikita doon si Jongin.
"I like being a help to you. Gusto ko nga maging dependent ka sa akin, yung tipong hindi mo na kakayaning gawin yung mga bagay na palagi mong ginagawa ng wala ako."
Namula ako sa sinabi niya. Palagi siyang nagsasabi ng mga ganyang bagay. Ramdam ko naman na may gusto siya sa akin at sa totoo lang ay hindi naman siya mahirap magustuhan kaya lang hanggang ngayon ay umasa pa din ako na balikan ako ni Jongin.
"Uh--- thank you."
Sabi ko na lang dahil sa hindi ko na alam kung ano ang dapat sabihin sa kanya. Ngumiti siya akin at ganun na rin ang ginawa ko.
"Wow. Ngiti-ngiti pa kayong nalalaman. Bakit di na lang kayo mag-kiss agad para tapos na ang drama?"
Sabay kaming napalingon kay Baekhyun na nakangisi at nasa likuran niya si Chanyeol. Si Luhan at Tao naman ay nasa magkabilang gilid ni Baekkie. Nakangiti naman silang dalawa habang nakahalukipkip lang si Chanyeol.
"Ka-kanina pa ba kayo dyan?"
Tanong ko sa kanila at sabay-sabay silang tumango.
"Bambiiiii~~~"
Lumapit na sa akin si Tao at niyakap ako. Niyakap ko din siya pabalik. Natutuwa ako dahil tinanggap nila ni Lulu ang sitwasyon ko at hindi ako pinandirihan.
"Yah, Panda! Baka maipit mo si baby!"
Sigaw ni Baekkie na lumapit sa amin at hinatak si Tao palayo sa akin. Kinurot nito ang braso niya kaya naman napa-aray ito.
"Ang sakit!! Nakakainis kang baekla ka! Tss. You are so grumpy. Kulang ka ba sa s*x?"
Pinanlakihan niya ito ng mata kaya naman natawa na lang kami. Si lulu ay lumapit na din sa akin at niyakap na ako.
"Soo, birthday ni Hunnie bukas. May party siya. Punta ka ha! Nandun din kaming lahat."
Sasagot na sana ako pero agad na sumabay si Baekhyun.
"Kim f*****g Jongin will be there. It will be stressful for him. Wag ka na sumama, Soo. Stay here with Joonmyeon and watch some movies. That will be better than being in a party with your asshole ex."
Natahimik kaming lahat. Hindi ko alam kung paano ako mag-rereact. Siguro nga tama siya na mas mabuti kung hindi ako sumama dahil nakakastress lang iyon para sa akin. Hindi ko pa talaga kayang makita si Jongin pagkatapos ng mga nangyari.
"He should be there. He should be in the party to show Kai that he's better with or without him."
Nagulat kami sa sinabi ni Chanyeol. Napatingin kaming lahat sa kanya. Seryoso itong nakatingin sa akin tapos ay tinignan niya din si Joonmyeon na nasa tabi ko na pala.
"And do bring your friend."
**
"Sa tingin mo lulu dapat ba akong pumunta?"
Tanong ko lulu. Nagpaiwan kasi siya dahil dito na daw siya matutulog para masamahan ako. Si Baekhyun kasi ay sumama kay Chanyeol habang si Tao naman ay umuwi dahil ngayon ang dating ng kababata niya na si Kris. Si Joonmyeon naman ay umuwi din sa bahay nila.
"Hmm. Oo, tama kasi si Chanyeol. Dapat ipakita mo kay Kai na okay ka lang kahit na wala na siya. Na kaya mong alagaan ang baby niyo kahit na walang tulong niya."
Sa totoo lang ay gusto ko na din naman na makita si Jongin pero may parte pa rin as utak ko na natatakot sa maaring maging reaksyon kapag nakita niya ako.
Halos dalawang buwan na akong buntis. Medyo maumbok na ang akong tiyan. Hindi naman talaga iyon pansin kaya hindi ako nag-aalala na makita ako ng ibang tao pero alam kong mapapansin iyon ni Jongin. Alam na alam niya kasi ang katawan ko. Alam na alam niya.
"Lulu I miss him. I miss him so much. At kapag naiisip ko siya nasasaktan pa rin ako. Hanggang kailan ba ako masasaktan ng ganito?"
Napatitig ito sa akin. May luhang pumatak mula sa mata ko. Ang sakit pa rin dahil kahit na dapat akong magalit sa mga sinabi ni Jongin ay hindi ko pa ding magawang magalit sa kanya. Masakit dahil hanggang ngayon mahal ko pa din siya.
Lumapit si lulu sa akin at niyakap ako. Umiyak ako dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman ko.
"Don't dwell with the things that hurt you. Think of the things that will make you happy. Ang baby ang mas mahalaga. Don't try to hate him because you can't. You'll only end up loving him more."