Postlude
"Bakit ganun ang nangyari? Akala ko ba ayos na ang anak namin? Bakit ngayon sinasabi niyo na may problema siya sa puso?"
Galit na tanong ko sa doctor. Hindi ko ito matatanggap, ano pa kaya kung si Kyungsoo ang makarinig nito.
"I'm sorry Mr Kim pero dahil sa premature ang bata ay hindi pa fully developed and ilang organs niya. One of his lungs is not functioning well. Kaya hanggang ngayon ay nasa incubator siya ay dahil sa hirap na ang bata sa paghinga. We cannot do anything about it. Ang puso din niya ay mahina. It's a miracle that the child lasts for two weeks now. Madalas ay paglipas lang ng tatlong araw ay namamatay na po ang bata."
Pagalit na sinuntok ko ang lamesa niya. Putangina! Bakit ibibigay pa sa amin ang bata kung kukunin din pala? Paano na si Kyungsoo kapag nalaman niya ito?
"Doktor ka! Tangina, doktor ka kaya gamutin mo ang anak ko! Putangina, magbabayad ako kahit magkano basta pagalingin mo ang anak ko!"
Hindi ako umiiyak pero bakit hindi ko mapigil ang mga luha ko? Bakit gusto ko na lang umiyak maghapon?
"I'm sorry, sir. I cannot do anything. As I can see the baby is only waiting for Mr Do to wake up. Maybe he's sensing that the one who gave birth to him still haven't seen him."
Ang sakit isipin na ang tagal naming inintay ang pagdating niya para lang pala mawala siya.
"Diyos ka ba para sabihin yan? Putangina, Diyos ka ba?"
Padabog akong tumayo at lumabas. Naglakad ako papunta sa kinaroroonan ng aming anak. Nasa loob siya ng incubator.
"Kyung In, I love you. I love you so much."
Tumulo ang luha mula sa aking mata.
**
"Hindi iyan totoo! Hindi patay ang anak ko! Hindi! Nakita ko pa siya kahapon! Nakita ko pa! Sinungaling kayong lahat! Sinungaling!"
Napapikit na lang ako habang nakikita ang paghagulhol ni Kyungsoo. Ang makita siya na masaktan ay mas masakit para sa akin. Alam kong hindi niya matanggap, alam kong hindi siya naniniwala pero wala na talaga ang anak namin. Wala na si Kyung In.
"Hindi ito pwede! Kyung In, baby, wake up! Nandito na kami ni daddy mo! Hindi mo kami pwedeng iwan! Baby, nandito na uli ako!"
Nakita kong sinaksakan na ng pampatulog si Kyungsoo dahil sa walang tigil nitong pagwawala. Ang kaninang mga luha na pinipigilan ko ay kusa ng kumawala.
**
Lumipas ang isang buwan simula ng mawala ang aming baby na si Kyung In. Hanggang ngayon ay hindi pa rin iyon matanggap ni Kyungsoo. Nagkukulong pa din ito sa aming kwarto at umiiyak.
"Baby, kumain ka na. Please. Nahihirapan na ako na ganito ka."
Umiling ito at bumalik as kanyang pagkakahiga. Nagtalukbong pa ito ng kumot. Narinig ko ang kanyang paghikbi.
"Ayoko. Hindi ako kakain. Ibalik mo ang anak ko. Ibalik mo si Kyung In."
Napabuntong hininga ako at hinilamos ang aking kamay sa mukha.
"Soo, kung kaya ko ay gagawin ko yun. Pero hindi ko yun magagawa. Alam kong masakit para sayo pero kailangan mong tanggapin. Wala si Kyung In."
Tumingin siya sa akin at nakita ko ang mga luha na muling bumagsak mula sa kanyang mga mata.
"Pero hindi ko pa siya nakakasama ng matagal. Bakit kailangan niyang mawala?"
Hinila ko siya palapit sa akin at niyakap. Hinalikan ko ang kanyang ulo.
"Dahil mas magiging masaya siya sa langit. Soo, mas okay na ang mapunta siya doon dahil wala siyang sakit na magpapahirap sa kanya. At kung nasaan man siya sigurado ako na babantayan niya tayo."
Naramdaman ko ang pagkalma niya at pagyakap din sa akin.
"Wala na tayong anak."
Napangiti ako.
"Pwede namang gumawa tayo ulit, di ba? Siguradong magiging masaya si Kyung In kapag maramin siyang kapatid."
"Siguro nga."
**
9 years and 7 months later
"Soo, thank you for giving me 4 lovable kids."
Ngumiti ito sa akin at hinalikan ang noo ni Kyungie na hawak-hawak niya. Kapapanganak niya lang sa aming ika-limang anak. At halos sampung taon na din simula ng mawala si Kyung In. Naging maayos ang relasyon namin ni Kyungsoo at nabibiyayaan kami ng mga munting anghel.
"Thank you, too. Sabay natin silang ginawa eh. I love you, Jongin."
Yumuko ako para halikan siya sa noo.
"I love you too. So much."
"Daddy you are eating dada's face again."
Sabay kaming napalingon as aming four years-old na anak. Hawak-hawak siya nila Jongsoo at Dyongin - ang aming kambal.
Nilapitan ko sila at binuhat si Soo In.
"I'm not baby. I'm just loving your dada."
Napahagikhik ito at hinalikan ako sa pisngi.
"Then I'm loving you too, daddy."
End.