Warming: Expect wrong typos and grammatical error ahead....
*****************
HABANG lulan na siya ng eroplanong sinasakyan ay hindi naiwasan na maisip niya si Mond. Madaling araw siya umalis ng condo nito at talagang iniwasan niya ang gumawa ng ingay para hindi ito magising.
Ang lahat ng gamit niya na dadalhin ay nakahanda na sa kaniyang sasakyan bago pa man nagpunta sa condo ng binata kagabi. Ang sekretarya niyang si Mitch ang kasama niya pagpunta sa airport at ito na rin ang bahalang mag-uwi ng kaniyang sasakyan.
Sigurado siya na sa mga oras na ito ay alam na ng binata ang kaniyang pag-alis, sapagkat nakatitiyak siya na pupuntahan siya nito sa kaniyang bahay lalo na't sa paggising nito ay hindi siya nakamulatan nito. "I'm sorry Mond kailangan kong gawin talaga ito." Aniya sa kanyang sarili habang nakatanaw sa labas ng bintana ng eroplano.
NAPABALIKWAS ng bangon si Mond ng maramdaman na tila wala na siyang katabi sa kanyang kama. Napailing na lang siya ng mapag-tanto marahil na maagang umalis si Sansky at hindi na lang siya marahil inabalang gisingin pa.
Kinuha niya ang kanyang cellphone na nakalapag sa malapit sa lampshade at saka hinanap ang numero ni Sansky para tawagan. Ngunit hindi niya iyon makontak sa ilang beses na pag-subok niya, na ngayon lamang nangyari. Kaya napag-pasyahan niya na puntahan na lamang ito sa bahay nito.
Naligo lamang siya at ng matapos ay mabilis ng umalis. Nasasabik siyang makita ang dalaga kahit sabihin pang magkasama lang sila kagabi. Isang gabing puno ng ligaya sa kanya.
Bumusina siya sa harapan ng mataas na gate para ipaalam sa tao sa loob ang kanyang presensya. Ngunit nakaka ilang busina na siya ay wala parin nagbubukas sa kanya, kaya napilitan siya na umibis sa kanyang sasakyan para mag-doorbell na lamang.
Nakakailang pindot na siya pero wala parin nagbubukas ng gate. Naiinis na siya, ngayon lang nangyari ulit ito sa kanya. Kanina hindi niya makontak ang cellphone ni Sansky, ngayon naman ay tila siya sadyang ayaw pagbuksan ng mga tao sa loob. "f**k!" Mura niya ng may pagkayamot, "What's happening all of you."
Muli niyang pinindot ang doorbell at talagang hindi tinigilan iyon ng kapipindot, wala na siyang pakialam kung masira niya iyon, "to hell i care! Handa na nga niyang sipain ang gate para kalampagin na rin iyon Nang bigla bumukas ang gate na bakal na sapat na pantao lang ang kasya. Si Marie iyon.
"Kuya Mond."
"Marie what happened bakit ang tagal ninyo akong pagbuksan? Asan ang Ate Sansky mo? Can you tell her that i am here?
"Wala po si Ate Sansky, kagabi pa po siya hindi umuuwi."
"Ano? Saan nagpunta?" Tinanong parin niya ito kahit alam na niya ang sagot dahil magkasama nga sila ng dalaga kagabi. Pero saan pa iyon maaaring pumunta kung maaga nga itong umalis sa condo niya. Imposible din kay Rhaime nasa Batanggas ang mga ito sa resort ni Dylan para sa kanilang honeymoon.
Nagkibit balikat lang ito sa kanya.
"Baka , niloloko mo lang ako Marie?
" Naku, Kuya hindi ah, kahit pumasok ka pa sa loob feel free to look the whole house."
Tinignan niyang mabuti ito sa mata at at sinuri ang katotohanan sa sinasabi nito, at mukhang nagsasabi naman ng totoo. Okay i believe you naman, babalik na lang siguro ako mamayang gabi."
"Ay.., naku huwag na Kuya."
"Ano? At bakit naman?" Kunot noong tanong nito dito.
"Ahm ..., what i mean is huwag na..., nagisip ito ng maidadahilan. Huwag na magbabago isip mo na bumalik mamaya.... Oo tama yun nga." Alanganin ngiti ni Marie sa kanya.
Nagtataka man sa mga kinikilos at sinasabi nito ay hindi na niya pinansin. "I'll go ahead." Tinalikuran na niya ito para tunguhin ang sasakyan. Muli niyang sinubukan tawagan ito pero hindi parin niya makontak.
Naisip niya na pumunta ng Rhaimesans at baka pumasok lang rin ito ngunit wala din ito doon ayon kay Mitch at hindi pa dumadating. Tinanong niya ito kung may idea ba ito kung saan maaaring magpunta pa ang dalaga, ngunit wala daw itong alam.
"ANAK, babalik din kami agad ng Tito Migz mo ,hindi na sasama ang kapatid mo para may kasama ka raw dito. Kailangan lang talaga ng Tito mo na umuwi ng Pilipinas para sa ilang negosyo sa kompanya niya doon."
"Ayos lang Mama, mag-enjoy po kayo doon ha." Niyakap niya ito ng mahigpit. Nasa airport sila para ihatid naman ang Mama niya. Isang linggo pa lang ang nakakalipas ng siya naman ang dumating sa airport na ito. Halos hindi niya namalayan na isang linggo na pala siya dito.
Alam na ng mga ito ang kalagayan niya at iginalang naman ng kanyang Mama ang desisyon niya. Pero hindi siya napilit ng mga ito na magsalita kung sino ang ama ng ipinag- bubuntis niya. Mananatili siya dito hangang sa makapanganak siya at saka na lamang babalik ng pilipinas kapag ayos na ang lahat, siguro naman sa mga panahon na iyon ay limot na siya ni Mond at kung sakali man na magkita sila ay hindi nito maiisip na may anak sila.
"Ate, gusto mo bang mamasyal muna tayo bago tayo umuwi?"
"Sige, tara."
"Ate, pwedi bang magtanong sa iyo?" Tanong ng kapatid niyang si Fannie sa kanya habang naglalakad sila palabas ng airport.
"Oo naman, Ano ba iyon?"
"Bakit ayaw mo ipaalaam sa ama ng dinadala mo ang pagbubuntis mo?" Tanong nito sa kanya. Nabangit na kasi niya dito ng minsan magkwentuhan silang magkapatid na hindi alam ng magiging tatay ng anak niya ang kalagayan niya, pero wala naman siya sinabing dahilan sa mga ito kung bakit.
"May mabigat akong dahilan kung bakit ayoko sabihin eh, at isa pa, kaya ko naman na palakihin ito ng mag-isa kahit wala siyang ama."
"Pero iba pa rin ang may kilalanin siyang Ama Ate. Natatandaan mo ba ang kwento ni Mommy kung bakit siya ang pinili ni Daddy na makasama, kahit alam ni Mommy na may masisira siyang relasyon ng mga panahon na iyon?"
"Oo, maaari ko bang makalimutan iyon? Pinili ni Tito Migz si Mommy ng malaman nito na buntis siya sa iyo. Dahil nga ayaw nito na lumaki ka na walang kilalanin Ama sa paglitaw mo sa mundo, kahit pa ang kapalit noon ay ang pagkawasak naman ng totoo nitong pamilya."
"Ginawa ni Daddy iyon dahil talagang minahal niya daw si Mommy kahit ang kapalit noon ay ang pagkagalit ng nag-iisa nitong anak sa desisyon niya. Pareho rin natin alam Ate na galit ang anak nito kay Mommy kaya nga ni minsan ay hindi nito ginustong makita si Mommy para makilala. Pasalamat na lang ako kasi hindi ako dinamay ni Kuya sa galit nito kay Mommy."
"Kung ginawa man niya iyon sa iyo ay ako ang makakalaban niya, wala siyang karapatan na idamay ka sa naging desisyon ng tatay niya."
"Thats my point Ate, dont you see that?"
Natigilan siya sa ipinupunto ng kapatid niya sa kanya. Oo nga naman walang kasalanan ang bata sa kanyang sinapupunan para idamay niya at hindi ipaalam sa ama nito na magkakaroon na ito ng anak. Hihintayin pa ba niya na ang mismong anak niya ang magalit sa kanya pagdating ng panahon kung ang karapatan nito na kahit malaman man lang ni Mond na may anak sila ay inalis niya dito.
Pero iba kasi ang sitwasyon niya sa sitwasyon ng mama niya noon at hindi naman niya pweding sabihin sa kapatid ang kanyang dahilan kung bakit ginawa niya ang ganitong klase ng desisyon.
"Alam mo Fannie, hindi mo kasi alam kung ano ang pinagdaanan ko noong mga panahon na wala ka pa. Kaya madali lang para sa iyo sabihin ang ganyan."
"Im sorry Ate, hindi ko man alam ang lalim ng dahilan mo kung bakit, ay umaasa ako na magbabago pa rin ang isip mo. Ang sa akin lang naman eh sana magbago ang isip mo habang hindi pa lumalabas ang pamankin ko." Hinimas pa nito ang umbok na niyang tiyan. "Ilan buwan na nga ba ulit iyan?"
"Palimang buwan na siya."
"Bakit parang ang liit ng tiyan mo Ate para kang busog lang alam mo yun?" nakangiti pa nitong turan.
"Oo nga, siguro dahil una ko iyan pagbubuntis ganoon daw iyon."
"Paano mo nasabi at anong kinalaman naman ng ganoon."
"Naririnig ko lang ayon sa sabi-sabi ng matatanda doon sa atin."
Tumango-tango lang ang kanyang kapatid sa sinabi niya. Excited na ako sa paglabas ni baby Ate sana babae iyan noh?"
"Bakit gusto mo babae?"
"Para may tuturuan ako ng kalandian." Natatawa pa nitong turan kaya kinurot niya ito sa baywang pero imbes na masaktan ay lalo lang ito tumawa.
"May kiliti ako dyan ate ano ba. Biro lang Ate, para lang may aayusan akong buhok o kaya may mamake-apan."
"Nakatitiyak ka ba na dito siya lalaki para masabi mo iyan?"
"Eh, diba nga wala ka naman plano na ipaalam sa Daddy niya iyan so, dito siya lalaki kung gusto mo na itago siya."
May punto ulit ang kapatid niya, pero hindi naman niya plano na dito lumaki ang anak niya. Sa pilipinas parin niya ito planong palakihin. Dito lamang niya ito isisilang at babalik sila ng Pilipinas.
"Oo, gusto ko syang itago pero magagawa ko naman iyo kahit nasa pilipinas na ako so, ikaw na lang ang pupunta doon.
"Ay, Ate gusto ko iyan, kapag nagkataon may dahilan na para manatili sa pinas ng matagal or better for good, mas gusto ko talaga doon. Gusto ko rin makasama si Kuya pati i miss him so much.
Nakarating sila sa kanilang sasakyan at sabay na silang pumasok sa loob nun, sinabi lang ng kapatid niya kung saan nila plano pumunta sa family driver ng mga ito.
"Bakit kasi hindi ka na lang sumama sa kanila kung ganyan namimiss mo na pala talaga ang Kuya mo?"
"Namiss din naman kasi kita at gusto rin kita makasama. Sinabihan ko na lang si Daddy na kombinsihin si Kuya na siya na lang ang pumasyal dito kapag naayos na ang problema sa kompanya para sa investor.
"Naku, malabo yan sinasabi mo eh ayaw nga nun na makita si Mommy diba?, kaya nga kahit isang beses hindi nito nagawang pumunta dito para dalawin man lang kayo ng Daddy mo.
"Kaya nga, ewan ko ba doon kay Kuya. Ilang beses ko na rin kinumbinsi iyon pero hindi tumatalab yun paawa ko." Sabay tawa nito. Sana maisip niya na pumunta dito habang nandito ka para makilala mo siya noh, tutal wala naman ang Mommy dito."
"Ipagdasal mo malay mo naman diba."
Alam mo Ate, binata pa rin yun si Kuya, Kaya lang parang wala ata iyon hilig sa babae kasi wala naman siya nababangit na nagkaroon na siya ng girlfriend."
"Paano mo naman nasabi eh hindi mo naman siya nakakasama."
"Basta pakiramdam ko lang."
"Ikaw talaga."
"May picture ka ba ng Boyfriend mo ate, patingin naman?"
"Wala maikli niya ng sagot sa kapatid."
"Ay, joke yan Ate?"
"Hindi ah, bakit naman ako mag-bibiro."
"Wala ba kahit isa man lang."
"Wala nga kahit tingnan mo pa sa phone ko sabay abot dito ng kanyang cellphone."
"Actually marami silang kuhang picture ni Mond ng magkasama sa cellphone niya, dahil pinapasa ng binata ang bawat kuha nila sa kanya, pero iyon ay sa isa niyang cellphone na iniwan niya kay Mitch bago sila naghiwalay sa airport. Ang cellphone na iniabot niya sa kapatid ay dito na niya iyon binili.
"Grabe ka ate eh mukhang hindi naman ito yun cellphone mo talaga. Bago lang ito eh."
"Bagong cellphone, bagong buhay, you know what I mean little sis?" Nakangiti pa siya dito.
"Yah, I know what you mean Ate." Sabay balik ng cellphone niya.
Lihim siya ng nagpasalamat ng tumigil na ito sa pagkausap sa kanya dahil may tumawag dito at naging abala na sa kung sino man ang kausap nito.
Sumandal siya ng maayos at ipinaling ang paningin sa labas ng bintana. Naisip niya si Mond kung kamusta na kaya ito ngayon. Nalaman niya kay Manang Tess ng minsan tumawag siya doon para kamustahin ang mga ito. Hindi raw pumapalya ng pabalik-balik ng punta doon simula ng umalis siya. Malapit na nga daw silang maubusan ng dahilan eh. At sa tingin daw ng mga ito na mukhang nahahalata na sila ng binata na alam talaga nila kung nasaan siya.
Sinabi na lang niya sa mga ito na panindigan ang pagsisinungaling at magsasawa din si Mond sa paghahanap sa kanya. Ganun din ang sabi ni Mitch sa kanya. Hindi rin ito pumapalya ng punta sa opisina para hanapin siya.
Pasalamat na lang siya at tapat sa kanya ang mga tauhan niya. Ang kaibigan si Rhaime naman ay hindi pa naman daw siya tinatawagan ni Mond para itanong siya dito. Marahil Alam kasi nito na nasa honeymoon stage pa ang dalawa at ayaw Abalahin ang mga ito. Si Ysmiellien naman ay wala pang alam dito dahil hindi niya sinabi sapagkat alam niyang tiyak na magtatanung si Mond kay Angel. Isa pa iyon sa dahilan kung bakit hindi ang sealandia ang naisip niyang puntahan gaya ng ginawa ng kaibigan si Rhaime ng kahit pansamantala lang sapagkat madali siyang matutunton ni Mond doon sa pamamagitan ni Angel na kaibigan naman ni Mond.
ONE WEEK ng bugnot at yamot si Mond dahil hindi niya alam hangang ngayon kung nasaan lupalop na nagpunta si Sansky. Isang linggo na din siyang nagpabalik-balik sa bahay nito maging sa opisina sa Rhaimesans ngunit wala talaga ang dalaga doon. Nakakailang sigarilyo na ang nauubos niya.
Buds, take it easy. Ani Aidem sa kanya. Magkakasama ang mga ito ngayon sa isa sa club na pag-aari ni Aidem.
"Pakiramdam ko, ako ang unang magkakasakit sa iyo sa dami na ng nahitit mong sigarilyo ngayon gabi." Ani naman ni Angel.
"f**k!, what the hell is her problem? Na ang tinitukoy ay si Sansky. "Tell me Angel na nagsisinungaling ka lang sa akin na wala si Sansky sa sealandia!"
"Buds, wala talaga si Sansky doon. Tinawagan ko si Ysmiellien at pilit pinapaamin kung nandoon si Sansky pero wala nga daw talaga. Kung ayaw mo daw maniwala pwedi ka naman daw pumunta doon at halughugin ang isla kung gusto mo. Kahit siya ay nagulat din ng malaman na isang linggo ng wala si Sansky."
Fuck both of you! Sigaw na nito sa kanila. Hindi naman siya pinatulan ng dalawang kaibigan dahil naiintindihan ng mga ito ang pinagdadaanan niya. "I need to find her, i need Sansky, all i want is Sansky, so please Angel and Aidem help me to find her."
"Tutulungan ka namin syempre. Ani Aidem kay Mond. "Pero maghintay parin tayo ng kaunti pang panahon. Baka naman may pinuntahan lang si Sansky."
"Aidem is right Mond. Ani Angel, diba sabi mo na malakas ang kutob mo na ayaw lang sabihin sa iyo ng mga kasambahay ni Sansky kung nasaan ito, ganoon din si Mitch. Kung tama ang hinala mo talaga magsasalita at magsasalita ang mga iyon, kapag nakulitan sayo."
"Sana nga magsalita na sila, dahil kaunti na lang at malapit na akong magwala sa harapan nila i swear. Ngayon lang ako nagmahal ng ganito sa isang babae kaya hindi ako papayag na hindi ko siya makita. Ayokong gayahin si Dylan na hindi niya hinanap si Rhaime sa loob ng napakahabang taon. I want to know what her reason, nakahanda akong intindihin siya kung bakit kailangan niyang gawin sa akin ito. Kung bakit kasi hindi ko natunugan ang plano niya nang gabing magkasama kami at puntahan niya ako sa condo. Kaya pala ganoon na lang siya kalambing sa akin may plano na pala siyang iwan ako, at napaka tanga ko dahil hindi ko man lang iyon natunugan."
"Huwag mong sisihin ang sarili mo ano ka ba. Alam mo, ipaubaya mo sa amin ni Aidem ang paghahanap sa kanya, relax bud iyan muna ang mabuti mong gawin sa ngayon."
"Angel is right, kalma ka lang at maaayos din natin ito. Magpokus ka sa kompanya mo muna, diba parating si Tito once of this day to visit the company?"
"Isa pa yan sa ikinakainis ko kasama niyang darating ang asawa nito. Kung bakit kailangan pa isama?"
"Hangang ngayon ba ay galit ka parin sa stepmom mo, move on buds hindi ka na bata para umakto pa ng ganyan." Wika ni Aidem.
"Basta i don't like her."
"Ang childish mo pa nga at ang unfair mo rin sa part ng Papa mo kasi bakit nman ang step Dad mo ay tangap mo, pero ang step Mom mo hindi." Wika naman ni Angel sa kanya.
"Basta hindi ko lang gusto ang babaeng napili ni Papa na kapalit ni Mama. Hindi ko pwedeng kalimutan na dahil sa babae na iyon tuluyan nasira ang pamilya namin dahil mas pinili nito iyon kaysa sa amin ni Mama."
"Hindi ba pwedi na maging masaya ka na lang para din sa Papa mo? Napakahabang taon na din ang lumipas buds kaya mag-move on ka na rin, dahil naka move on na sila at pareho naman na silang masaya sa mga pinili nilang buhay ngayon." Wika ni Angel ulit.
"Ayoko isipin iyan ngayon, mas gusto ko isipin kung paano ko makikita si Sansky sobrang namimiss ko na kasi siya. Isa pa sa nagpapagulo ng isip ko ay ang kalagayan niya."
"What do you mean?" Wika ng mga ito.
"May mga napapansin akong kakaiba sa kilos niya sa mga nakalipas na buwan at nito nga huling magkasama kami ay malaki ang ipinagbago niya. Sobra siyang naging malambing sa akin na ni minsan hindi niya ginawa. Ito pa nga ang mismong nagpunta sa condo ng gabing iyon pagkatapos natin mag-inuman."
"Dont worry, we will help you, just calm your self and relax. Sa ngayon asikasuhin mo ang lahat ng dapat mo asikasuhin muna at kapag natapos na ang lahat saka mo tutukan si Sansky. Ipaubaya mo muna sa amin ni Aidem ang pag-hahanap okay."
"May tiwala naman ako sa inyo kaya wala kayo dapat alalahanin sa akin."
"That's good buddy, so siguro naman pwedi mo ng tigilan muna iyan pagsisigarilyo mo. Just give a break your kidney at baka minumura ka na niyan hindi mo lang naririnig. Wika ni Angel.
"I don't care." This is my kidney so wala siyang magagawa kung ano ang gusto kong gawin sa kanya."
"Praning ka na atang talaga?" Pareho pa silang tumawa ni Aidem samantalang si Mond ay sinimanguta lang sila.
***** rhaime22 *****