Warning: Expect wrong typo and grammatical error ahead
*********************
KATATAPOS lang nilang kausapin ng kaniyang Papa ang tatlong bagong kliyente ng kanilang kompanya. Napapayag na nila ang mga ito na sila na ang mag-susuply ng mga materyales para sa mga gusali na ipatatayo ng mga ito dito sa pilipinas.
Sila kasi ang may pinaka malaking may-ari ng construction firm dito sa bansa. Ang M&M construction firm na hango sa first letter ng kaniyang Mama at Papa "Good job son." Wika ng kaniyang Papa. "Mabuti at nagbago ang isip ng mga iyon. Talagang nag-alala ako na baka mawala sa atin ang katulad nila."
"Sinabi ko naman sayo Papa na I can handle this. Wala ka lang tiwala sa akin."
Nakapagtapos siya sa kursong engineering at dahil nga sa may sarili naman silang negosyo ay dito na lang niya in-apply ang kursong tinapos.
"Hindi, sa wala akong tiwala sa iyo anak, nag-iingat lang ako maulit ang pangyayari na naglagay sa atin sa kahihiyan noon.
"But everything is okay now, nothing to worry. Nasa atin na ang mga bigatin investor at buo na ulet ang tiwala nila sa atin, nakuha natin ang pinaka malaking deal ngayon. So, ano pa ang puwedi mong problemahin?
"Napailing na lang ang matandang Candellaria sa sinabi ng anak nito. Magdi-dinner kami ng Tita Mariell mo tonight will you join us?" Anito na lang sa anak.
"No, may lakad ako. May aasikasuhin pa akong iba at mas importante kaysa sa dinner na 'yan."
"Anak, dalawang buwan na kami dito ng Tita Mariel mo pero kahit na minsan ay hindi mo pa rin ako pinagbigyan na makilala mo na siya. Bakit anak?, dahil ba hangang ngayon ay siya pa rin ang sinisisi mo kung bakit ko hiniwalayan ang Mama mo?"
"Ayokong pag-usapan iyan."
"Kailan pa natin ito dapat pag-usapan, kung palagi mo na lang iniiwasan anak?"
"I dont know, basta ayoko. Ang mahalaga naman ay ayos tayo, kaya huwag na ninyong ipilit pa ang isang bagay na pagsisimulan natin ng pagtatalo." Sabay paalam na sa ama. "Mauuna na po ako sa inyong umalis."
Iniwanan na niya ang kaniyang Papa sa opisina nito. Muli niyang pupuntahan si Rhaime. Naniniwala siya at malakas talaga ang kutob niya na may alam ito talaga kung nasaan si Sansky.
Nang makarating sa bahay ng mag-asawang Rhaime at Dylan, si Nay Flor ang nagpapasok sa kaniya sa loob ng mansiyon. "Salamat po Nay."
"Tatawagin ko lamang si Rhaime Ijo hane, dito ka na muna sa sala."
"Sige po." Hindi rin nagtagal at nakita na niya si Rhaime na papalapit sa kaniya.
"Mond, kumusta, itatanong mo ba ulit kung alam ko kung nasaan si Sansky?" Umupo siya sa katapat na sofa kung saan nakaharap ito sa binata.
"Rhaime please, sabihin mo na kasi kung saan ko siya maaaring puntahan. Malapit na akong mabaliw, kung kinakailangan ko lumuhod talaga sayo para sabihin mo na kung nasaan siya gagawin ko."
"Hangang ngayon ba ay hindi ka pa rin sumusuko?"
"Ayokong sumuko, at hindi iyon ganoon kadali." Mababakas ang lungkot sa mga mata nito.
"Maraming dumaan na babae sa buhay ko noong mga panahon na hindi ko pa nakikilala si Sansky. Mga panahon na ang tingin ko sa babae ay isang kasangkapan, na puwedi kong gamitin kapag gusto ko lang at kapag ayoko na ay puwedi ko ng pabayaan na lang.
"Noong araw na makilala ko si Sansky sa mall ay normal lang sa akin iyon dahil sanay rin ako sa pakikipag blind date, oo aaminin ko, na-challenge lang ako sa kaniya noong una, kaya hindi ko siya nilubayan, not until one day I realize when I woke up, mahal ko na pala siya. Pero masakit pala ang pakiramdam na ma-reject ka ng taong mahal mo, kahit alam ko, at ramdam ko na mahal din niya ako.
"Alam mo 'yun pakiramdam na, gustong-gusto ko siyang mapasa-akin Rhaime, pero siya mismo ang naglalayo ng sarili niya. Iyon ang hindi ko maintindihan, eh. Alam mo iyon pakiramdam na may itinatago siya sa akin na hindi niya masabi-sabi. Isa ito sa nag-papabaliw sa akin sa pag-iisip eh, sa totoo lang."
Nakadama ng awa si Rhaime para dito, at hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagpahid nito ng pasimple sa mga luha nitong bumagsak. Bilang isang taong totoong nagmamahal alam niya kung gaano kasakit ang masaktan, lalo na kung ang taong minamahal mo ay basta ka na lang iniwan sa hindi mo malamang dahilan. Ganoon kasi ang ginawa niya kay Dylan noon. Sa totoo lang gustong-gusto na niyang sabihin dito kung nasaan ang kaibigan pero mas nangingibabaw ang pangako niyang binitiwan kay Sansky. Umaasa na lamang siya na sana ay maka-isip ito ng ibang paraan.
"Mond listene to me. May dahilan si Sansky kung bakit niya iyon ginawa. Sa ngayon, ang tanging masasabi ko lang sayo ay hayaan mo muna siyang makapag-isip sa naging desisyon niya. Darating din ang araw na magkikita kayo ulit, huwag kang mag-alala." Tanging nasabi na lang niya dito.
"But when and how long?"
"I dont know," Kasabay ng pagkibit ng sariling balikat. "Si Sansky lang ang tanging makapagsasabi niyan.
"I want to see her, I realy miss her so much."
"Im realy sorry. Malungkot nitong turan."
"Please Rhaime, kapag nakausap mo siya tell her that I miss her so much and I realy love her."
"I will."
"My Vien!" parehas pa silang napabaling ang atensiyon ng lumapit si Dylan sa asawa nito at humalik sa pisngi.
"Buds, mukhang seryoso nanaman ang usapan ninyo ni misis ha?" Hindi siya sinagot nito.
"Maiwan ko muna kayong dalawa diyan at tutulungan ko muna si Nay Flor doon. Bahala ka na muna sa kaniya." Tumayo si Rhaime para iwan na ang dalawa.
"Buds, ayos ka lang ba?" Tanong ni Dylan kay Mond. Umiling lang ito sa kaniya.
"I feel you buds. Alam ko iyang ganiyang pakiramdam, sobrang hirap ngang dalahin niyan?"
"Hindi ko talaga siya makumbinse na sabihin sa akin, ikaw ba talaga hindi mo rin alam? O ayaw mo lang din sabihin sa akin dahil sa asawa mo si Rhaime?"
"How can I tell you if I dont know too? Ayaw rin niya sabihin sa akin, dahil alam niya kasi na sasabihin ko 'yun sayo."
"Ang hirap pala Buds ng pinagdaanan mo 'nun panahon na iniwan ka ni Rhaime ng hindi mo alam ang dahilan. Nakakabaliw palang mag-isip." Tumawa ito ng mapakla.
"Ayos lang iyan, huwag mong masiyadong problemahin. Ang mabuti pa, ituon mo muna sa sa ibang pagkaka-abalahan ang panahon mo. Darating din iyan sa tamang panahon."
"Kailan pa iyon?, kapag uugod-ugod na ako. Fifteen years bago kayo nagkita ulit ni Rhaime, pasalamat na lang kayo at hindi pa huli sa inyo ang lahat. Eh, kung ganoon rin kami, putcha buds parang hindi ko ma-imagine."
Natawa ito sa tinuran ng kaibigan. "Gago ka buds hindi naman siguro aabot ng ganoon katagal sa inyo ni Sansky, tsaka alam ko naman na hindi mo hahayaan umabot pa ng ganoon katagal."
"Mabuti alam mo, kaya nga pinipilit ko talaga 'yan asawa mo na sabihin na sa akin, pero wala pa rin epekto talaga ang paawa effect ko. Mukhang kailangan ko ng gumawa ng ibang paraan para makita siya. Ayoko sana sa ganoong paraan pero wala na akong magagawa pa."
"Well, goodluck buds sana magtagumpay ka na diyan and make sure na ang kukunin mo ay iyong pinaka magaling para walang aberya."
"Eh, kung sinasabi mo na lang kasi sa akin, eh, di tapos ang problema ko."
"Eh, wala nga akong dapat sabihin sayo dahil wala rin akong alam."
"Kalokohan mo, ayaw mo lang talaga sabihin."
"Bahala ka sa iniisip mo. Halika na nga at doon na tayo sa mini bar at ng makapagpainit man lang tayo. Alak lang katapat niyang problema mo ngayon."
Sabay silang tumayo para tunguhin na ang mini bar nito.
"KAUNTI na lang talaga at maaakit na ko sabihin sa kanya Bestie kung nasaan ka, sobrang naaawa na ako sa kanya."
Nakatangap siya ng tawag mula sa kaibigan si Rhaime para ipaalam nga ang muling pagpunta ni Mond sa bahay ng mga ito.
"No, Bestie dont you ever try to do that. Itatakwil talaga kitang kaibgan."
"Hala, grabe ka ha! Sobrang nakakaawa na kaya yun tao. Sasabihin ko na talaga sa kanya sa susunod na punta niya talaga dito kung nasaan ka."
"Sabihin mo na, nagbibiro ka lang diyan sa sinasabi mo." Anito kay Rhaime.
"No, I'm not joking, seryoso kaya ako. Handa na akong itakwil mong kaibigan ngayon."
"Hindi magandang biro iyan Rhaime ha?"
"Eh hindi naman ako nagbibiro this time. Kaya huwag ka ng magulat kung isang araw makita mo na siya diyan. kaya get ready girl."
"Nakakainis ka naman eh, nangako ka sa akin na hindi mo sasabihin kahit anong mangyari pero bakit biglang may ganiyan na?"
"Walang mangyayari sa pagtatago mo at walang magandang dulot yan kaya tigilan mo na."
"Pero hindi pa nga ako handa best."
"At kailan ka pa magiging handa? Ay naku ka!, bahala ka sa buhay mo naiinis lang ako sa desisyon mo na iyan sa buhay. Isipin mo naman iyan nasa tiyan mo. Sabihin mo na kay Mond ang tungkol diyan at kung ano ang mga dahilan mo kung bakit ayaw mo na panagutan ka niya. Sigurado naman ako na maiintindihan ka niya, hindi nga lang iyon madali pero malay mo parin."
"Okay fine, ako na lang ang tatawag sa kanya ako na lang ang magsasabi, mas magandang ako na magsabi kaysa ikaw."
"Siguraduhin mo lang Sansky na magsasabi ka dahil malalaman ko naman iyan kung sinabi mo o hinde."
"Pinapagalitan mo ba ako bestie?" Himig sa nagtatampong boses nito.
"Bruha ka, hindi kita pinapagalitan sinasabi ko lang sa'yo ang tama mong gawin para parepareho kaming matahimik na dito. Kahit si Mitch kinukulit nun pati sila Nay Tess at Marie malapit na din daw talaga silang bumigay, nakahanda na nga daw silang mawalan ng trabaho bruha ka." Natatawa na nitong turan sa kaibigan.
"Hindi ko naman iyon magagawa sa kanila kung magsasalita na rin sila, pero hindi ko na hahayaan na sa kanila pa manggaling, ako na nga ang magsasabi kay Mond."
"Very good bestie, sana lang huwag mo na patagalin at lumalaki na iyang tiyan mo. Ilan buwan na nga ba yan?
"Seven month na."
"See, ilang buwan na lang pala at manganganak ka na. Kamusta naman ang pagbubuntis mo hindi ka ba nahihirapan?"
"Ayos lang naman pero lately kasi medyo nadadalas ang pagsakit ng tiyan ko. Normal lang naman daw ito na maramdaman ko sabi ng O. B ko.
"Mag-iingat ka palagi diyan ha"
"Kayo ba ni Dylan wala pa?"
"Wala pa rin, pero hindi naman kami nawawalan ng pag-asa."
"I'm so sorry bestie kung wala ako ngayon diyan para mag-manage sa Rhaimesan's personally."
"It's okay bestie, wala man ang presence mo dito but still your working."
"I miss you bestie, and thank you for everything."
"You're welcome, and I miss you too. Ingat kayo ni baby ha."
"I will."
Napabuntonh hininga siya ng matapos silang mag-usap ng kaibigan. Ilang buwan na lang at manganganak na siya. Nasasabik na siyang mailuwal ang unang anak nila ni Mond. Hangang ngayon ay hindi niya alam ang kasarian ng dinadala niya dahil gusto niya na surprise sa kanya iyon. Tanging ang OB lang niya ang nakaka alam niyon at ang mahalaga ay malusog ang kanyang baby sa sinapupunan niya.
Kahit wala siya sa Pilipinas ay abala pa rin siya sa pagtratrabaho. Pa-online ang trabaho niya sa Rhaimesan's kaya monitor pa rin n'ya ang takbo ng negosyo nila ni Rhaime. Unti-unti na nilang na ipapadala ang mga empleyado na kailangan ng hotel na itinayo sa quatar ng Stepdad ni Mond. Ilang buwan na lang din at matatapos na nila ang mga iyon.
Napa-isip din siya ng malalim kung tama ba na ipaalam na niya talaga kay Mond kung nasaan siya. Panahon na ba na malaman nito ang totoo sa anak nila at naka handa na ba siya sa maaaring kahinatnan ng lahat-lahat ng pagtatapat niya dito.
HINDI inaasahan ni Mond na magiging abala siya sa mga nakalipas na araw. Halos hindi nga n'ya namalayan na apat na buwan na pala na magkatuwang sila ng kanyang Papa sa negosyo ng kanilang pamilya. Ang Candelaria Industrial and construction firm. Pansamantala niyang nakalimutan si Sansky pero gano'n pa man ay hindi dahilan iyon para tumigil na siya na hanapin ito.
Nasa site sila ng kanyang papa at binisita ang isa sa mga building na ipinapatayo nila under ng kanilang kompanya.
"Mond anak," tawag ng kanyang Papa sa kanyang atensyon. Liningon lamang niya ito.
*Tumawag ang kapatid mo at tinatanong kung nakapag-desisyon ka na daw ba na pumasyal doon. Hindi mo raw sinasagot ang tawag n'ya kasi."
"Oh, masyado akong naging abala sa mga nakalipas na buwan kaya hindi ko na naalala pa na tawagan s'ya. After our work I call her."
"Anak, since nandito naman ako. Bakit hindi mo na muna pagbigyan ang request ng kapatid mo na pasyalan siya doon, dahil hindi nga siya nakasama dito dahil nga sa un- expected happen."
"Bakit kasi kailangan na magpa-iwan siya doon dahil lang sa pagdating ng anak doon ni Tita Mariell? Who the hell is she? Gano'n rin ba kaimportante sa kanya yun?"
"Narinig mo ba iyan sinabi mo ha? Baka nakakalimutan mo na kapatid rin iyon ng kapatid mo. Kung paano ka n'ya na-mimiss ay gano'n din s'ya sa anak ng Tita Mariell mo. Kaya pagbigyan mo na si'ya at para na rin makilala mo na ang anak ng Tita Mariell mo."
"Okay fine, I call her after our work. Pagbibigyan ko na s'ya tutal sabi n'yo nga ay nandito naman kayo."
"Siguradong matutuwa s'ya kapag nalaman n'ya iyan desisyon mo." Tumango na lang siya sa kanyang Papa tanda ng pagsangayon sa sinabi nito.
Naisip n'ya na mabuti na rin siguro na pagbigyan na nga niya ang kapatid sa Ama tutal ay matagal na rin nga ni'ya itong hindi nakikita. Napakabihira kasi niyang pumasyal sa mga ito doon dahil nga sa ayaw niyang nakikita ang kanyang madrasta. Mas madalas ang pagpunta n'ya sa Quatar sa kanyang Mama kapag may libre siyang oras.
Mainam na rin na nandito ang kanyang Papa na hahalili muna sa kanya sa kanilang negosyo. Heto na yung pagkakataon na hinihintay n'ya para maasikaso din ang paghahanap kay Sansky. Sapagkat hangang ngayon ay wala parin balita sa kaniya si Angel at Aidem. Hindi naman niya makastigo ang mga ito dahil nitong mga nakalipas na araw ay may napapansin din siya sa mga ito na kakaiba ang mga kilos kapag magkasama.
Malakas ang kutob n'ya bilang kaibigan ng mga ito na may nararamdaman ito pareho sa isat-isa. Ang hindi lang niya maintindihan ay kung bakit tila ayaw mag-aminan. Dahil sa may sarili din siyang suliranin pangpuso ay bahala na sila sa mga nararamdaman ng mga ito. Suliranin muna niya ang iintindihin n'ya.
Nang matapos ang maghapong pagtratrabaho ay agad siyang dumiretso sa kanyang condo. Tinawagan n'ya na lang ang kanyang personal secretary kanina para ipagpa-book siya ng flight pa- Canada. Sosorpresahin na lamang niya ang kapatid sa kanyang pagdating.
Alam n'ya na malaki na din ang tampo nito sa kanya dahil nga sa hindi siya pumupunta doon para dalawin ito. Kahit naman milya-milya ang pagitan nila ay masasabi pa rin na close silang magkapatid. Dahil palagi naman sila magkausap via video call or minsan magka-chat sila sa mga libreng oras nila pareho.
Minsan nabangit nga din nito sa kanya kung bakit hindi nga ito sumama dahil nga sa pagdating ng Ate nga daw nito. Nang makapag pahinga ay napagpasyahan niya na mag-shower. Inalis niya ang lahat ng saplot sa kanyang katawan at tsaka binuksan ang shower. Kasabay ng pagdaloy ng malamig na tubig sa kanyang katawan ay ang pagdaloy din ng mga ala-ala ni Sansky sa kanyang isipan. Masasayang sandali nilang magkasama, mga panahong kung paano niya ito asarin at kung paano din lambingin.God knows how much he miss her. Her sweetie Sansky.
****** rhaime22 ******
Authors note:
Sobrang sorry rhaime-ians sa super slow update ko. Hope you will understand po
Slow man mag-update ang inyong author ay ipinapangako ko naman na tatapusin ko ang lahat ng aking nasimulan.
Maraming salamat sa sa paglaan ng kaunting minuto sa pagbasa higit lalo ang inyong komento.
Keep safe always Rhaime-ian's. (Hug and kisses from me)