Warning: Expect wrong typo and grammatical error ahead...
*************
NASA GATE OF HEAVEN sila ngayon ni Mond at hinihintay nila ang pagdating ng kaibigang si Rhaime dahil niyaya niya itong mag night life sila dito nga sa club ng kaibigan naman ni Mond. Isa pa rin ito sa Plano ni Angel na pagtapuin si Dylan at Rhaime dito upang mapatunayan ang nararamdaman talaga ng kaibigan niya.
Natawag ang pansin niya sa biglang pag-upo ng kaibigan niya na hindi niya man lang namalayan ang pagdating dahil nakatutok ang atensyon niya kay Mond.
"Hi Bestie," Bati ng kaibigan si Rhaime sa kanya.
"Kaya pala ayaw mo ako sabayan may iba ka palang kasabay eh." Malakas na pagkakasabi nito.
"Hindi mo naman kailangan ng kasabay kasi malaki ka na," pasigaw naman na sagot din niya sa kaibigan na natatawa pa.
"Kanina pa kayo dito?" Muling tanong nito. Inabot nito ang bote ng beer na inaabot ni Mond. "Thank you" anito na agad din tinunga ng kaibigan.
Umiinum naman talaga si Rhaime pero kaunti lang dahil kilala niya itong ayaw sa pakiramdam ng lasing.
"You smoke? Puna nito kay Mond. You know smoke is dangerous to your health kaya tigilan mo na iyan kung ako sa iyo." Sita nito sa natigilan si Mond.
"Hay naku bestie kung sa akin nga ayaw makinig sa iyo pa kaya?" Sayang lang laway mo diyan. Pare-pareho silang nag-katawanan. Sa ganoon tagpo sila inabutan ng isang lalaki lumapit sa kanila.
"Hey, buddy" bati ni Mond dito.
"How's all of you here?"
"It's good, anyway buds I want you to meet this two beautiful and lovely lady." Pakilala sa kanila ni Rhaime ni Mond.
"This is Sansky sabay turo sa kanya nito and this is Rhaime."
"Oh, hi lady's I'm Aidemiell Villacorta but call me Aidem for short nice to meet you."
"Nice to meet you too," nag kasabay pa silang mag bestfriend sa pagsasalita kaya na tawa sila pareho.
"By the way girls this Bar is mine, so feel free to drink all you want and enjoy the night."
"Oh yeah... Let's have a tose, cheers!" Malakas na sabi ni Mond.
"Hey buds, where's Dylan?" Tanong ni Aidem kay Mond.
"I don't know, pero baka parating na din iyon."
"Teka..., anong sabi ninyo tama ba iyon narinig ko darating si Dylan dito?" Tanong ng nagulat na si Rhaime. Nagpalipat-lipat pa ang tingin nito sa dalawang lalaki na nasa harapan lang nila dahil sa nasa tabi lang siya nito.
"Oh, speaking of f*****g devil..., heto na pala siya eh." Sabi ni Aidem na agad na kapag palingon sa likuran.
"Buds bakit ngayon lang kayo?" Tanong ni Aidem.
"Dinaanan ko pa ito eh." Na ang tinutukoy ay ang kasama nitong babae at si Angel nga na kasama nang dumating ni Dylan.
"Hi," matamis nitong ngiti sa kanila, "I'm Angelzy, you can call me Angel and I'm Dylan's personal secretary." Inilahad nito ang palad para sa pakikipag kamay.
Mabilis naman tinangap iyon ni Sansky. At umaktong hindi pa sila nagkaka-kilala.
"Hello, I'm Sansky."
Pero ang kaibigan si Rhaime ay tila natuka ng ahas sa pagkakatitig sa nagpakilalang si Angel.
"Hoy," kinalabit niya sa baywang ang kaibigan na nakapag-papitlag dito. Anong nanyayari sa iyo bestie?" Bulong sa tenga nito. "Baka gusto mo makipag kamay muna at mamaya kana tumitig sa kanya nakakahiya uy.... ,"
"Hello, im Rhaime." Sabay abot ng palad nito para kamayan at bahayang ngumiti.
"Nice to meet you Rhaime and Sansky." Anito sa kanila.
"Okay tutal kumpleto na tayo let's enjoy the night." Ani Aidem. "But for now maiwan ko muna kayo dito at may gagawin lang ako."
Nag kanya-kanya na sila ng inom ng alak pero siya ay hindi umiinum kasi makakasama iyon sa baby niya sa tiyan. Habang sila ni Mond tila na rin may sariling mundo maging si Angel at Dylan na malamang na kasama sa plano ang pagiging sweetness sa harap ni Rhaime.
Napapansin niya ang hindi maipintang mukha ng kaibigan habang nakatingin sa dalawa at dahil narin sa bugnot kaya ang alak ang pinag-didiskitahan nitong laklakin lalo na at unlimited ang hatid ng waiter sa kanila. Hindi na nga niya mabilang kung nakaka ilan bote na ng beer ito basta inom lang ito ng inom.
"Hey bestie, Kalma. Mukhang nakakarami ka na ng naiinum." Hindi na siya nakatiis na punahin ito.
"Heh,...! Huwag mo ako paki alaman, dahil hindi ko naman pinapakialaman ang paglalampungan ninyo sa harapan ko," habang winawasiwas pa ang mga kamay pero ang paningin nito nakina Dylan nakatuon.
"Sige lang gawin ninyo ang gusto ninyo wala akong pakialam, walang epekto sa akin yan kaya just go., "ohhh yeah..!" tili pa nito na sinabayan pa ng sayaw habang nakaupo.
"Are you sure bestie, Kaya mo pa ba? Mukhang lasing ka na eh. "
"Sino lasing ako ba hik? Hindi pa ako lashing Noh.., lets go to the dance floor sayaw tayo doon come." Aya nito sa kanila na hindi na hinintay ang pag-sagot nila. Basta tumayo na ito at gegewang gewang na naglakad.
"Woooh... That'snot good buddy." Ani Mond sa kanila.
"Mukhang tinablan na si bestie." Ani naman niya na sinabayan pa ng pag-tawa. "Gosh I can't believe this... Hindi iyon umiinum ng marami ever.., kasi ayaw niya ng pakiramdam ng nalalasing, pero ngayon wooh I'm sure lasing na siya."
"Hoy Dylan baka gusto mo na siyang sundan doon sa dance floor," ani Angel dito.
"Oo nga buds baka mabingwit ng iba iyon ikaw din.."
"Mukhang tagumpay ang plano mo buds? Ani Mond kay Angel ng makaalis si Dylan para sundan si Rhaime." Sabay inom ng sariling beer.
"Well what do you think guy's?" Tanong naman nito sa kanila.
"Alam ninyo sa totoo lang, sa tagal na namin magka-ibigan ni Rhaime kilala ko na iyan, kaya hindi ako naniniwala sa sinasabi niyang naka move on na siya. Isa iyon malaking kalokohan sa totoo lang talaga." Sinabayan niya iyon ng pag-tawa.
"Isa pa halatado naman siya sa ikinilos niya ngayon. Kung nakamamatay nga lang ang tingin kanina pa kayo bumulagta ni Dylan diyan. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit nagpapakipot pa ang bruhang iyon nang suyuin ni Dylan."
Well let's Waite kung ano ang next move ni Rhaime dahil sa panyayari na ito. Ani Angel.
Ilang oras na rin ang lumipas ng mapag-pasyahan nila na maghiwa-hiwalay na tutal mukhang hindi na rin babalik si Dylan dahil siguradong inihatid na nito ang kaibigan si Rhaime sa bahay nito.
"So paano mukhang kailangan na namin mauna sa inyo. Ani Sansky kay angel at Aidem na mag-katabi sa upuan. At itong si Mond mukhang hindi na kakayanin mag-drive." Halatado na kasi ang pagkalasing nito sa kilos at pananalita.
Kaya ko pa shwetie, maipag-mamaneho pa shita hik. Sinabi iyon ni Mond na nakatungo at humahapay pa ang ulo.
"Putik ka Mond mahal ko pa ang buhay ko kaya manahimik ka diyan. Aidem pakitulungan naman ako na maihatid si Mond sa sasakyan."
"Sure. Bumaling ito kay Angel. "Hintayin mo ako dito uling para maihatid din kita."
"No it's okay palaka kaya ko ang sarili ko."
"Huwag mong subukan umalis Angelzy hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa iyo, kaya kung ako sa iyo hihintayin mo ako diyan hangang sa makabalik ako. Naiintindihan mo?"
Lihim na napataas ang kilay niya sa klase ng naging palitan ng salita ng dalawa. May something. Usal niya sa sarili habang nakatingin sa mga ito.
Inirapan lang ito ni Angel na ikinangiti niya ng lihim.
Isinukbit nito ang mga braso ng kaibigan si Mond sa balikat nito at tsaka inakay palabas ng bar. Sumunod lang si Sansky sa nauunang si Aidem. Maayos naman nitong naipasok si Mond sa back seat ng sasakyan nitong dala nun sinundo siya nito. Matapos niyang pagbuksan ito ng pinto ng sasakyan.
"Thank you." Pasalamat niya kay Aidem.
"Gusto mo ba na samahan na kita kasi baka mahirapan ka sa kanya mamaya sa pag akay sa kanya."
No, thank's. I can manage na. Balikan mo na agad si Angel doon baka maisipan na din umalis hindi mo abutan."
"Kaya nga, matigas ang ulo ng babae na iyon hindi napipigilan basta gustong gawin. Anyway ingat sa pag-drive."
"Sige, salamat ulit."
Habang nagmamaneho ay iniisip niya kung saan niya ba ito ihahatid, kung sa bahay niya ba o sa condo nito. Kung sa condo naman nito mahihirapan siyang akayin ito dahil nasa ikalimang palapag pa ang unit nito. At ayaw niya ang idea na kailangan nilang gumamit ng elevator.
Ayaw din niya ang idea na sa bahay na lang niya ito patulugin, dahil tiyak na kapag nagising na ito bukas ay umaatikabong kantyaw ang gagawin nito sa kanya at iyon ang ayaw niyang manyari. Kaya na isip niya munang mag-roadtrip. Maganda ang panahon ngayon at gusto niyang makalanghap ng sariwang hangin sa isang malawak na lugar na may magandang view.
Binagtas niya ang hi-way na patungo sa antipolo. Maraming magagandang view doon na Over looking pwedi pag-lipasan ng oras at isa na dito ang cloud-9 sa antipolo. Humanap siya ng magandang pwesto nang makarating sa lugar at ng makakita ay maayos niyang ipinarada ang sasakyan. Mayroon naman na mangilan-ngilan na tao. Ang iba ay grupo at ang iba naman ay mga pareha.
Lumabas siya ng sasakyan at umupo ng maayos sa hood nito at pinagmasdan ang nagkikislapan mga ilaw na abot ng kanyang tanaw. Maliwanag ang sinag ng buwan, maraming bituin ang kalangitan at malamig ang simoy ng hangin na dumadampi sa kanyang balat at nagdudulot sa kanya ng kaka ibang kapreskuhan.
Habang nakatanaw sa malayo ay na isip niya ang batang nasa sinapupunan niya ngayon. Ang anak nila ni Mond na nabuo ng walang kaakibat na pag-mamahal. Hindi nga ba niya Mahal si Mond o niloloko lang niya ang sarili sa pagsasabing hindi niya ito mahal. Sa ilang buwan na lumipas at dalas ng pag-sasama nila ay patuloy siyang nakikipag-digmaan sa puso niya. At aamininin niyang unti-unti nang sinasakop ni Mond ang malaking parte ng puso niya na ayaw naman tangapin ng kanyang isip.
Marahil tama ang kaibigan si Rhaime na gusto naman niya talaga si Mond pero ang idea ng pakikipag-relasyon bilang mag-kasintahan ang ayaw niyang tanggapin. Ayaw niya ng relasyon oo at mas lalong ayaw niya ang idea ng pag-aasawa. Kaya nga kahit ilang beses binabanggit ni Mond sa kanya na handa siya nitong panagutan dahil sa nanyari sa kanila ay pilit niyang tinatangihan. Bakit nga ba? Sapat ba na dahilan na istorbo lang ang lalaki sa buhay niya bilang babae o ayaw lang niyang tangapin na may mas malalim pa siyang dahilan.
Takot siya sa idea ng pag-aasawa dahil ayaw niyang mauwi sa hiwalayan din ang lahat kahit binigkis pa ng kasal ang kanilang pag-sasama. Katulad na lang ng nanyari sa sarili niyang mga magulang. Saksi siya sa sa pag-mamahalan ng mga magulang, mga araw na walang kasing saya ng bawat isa, isang pag-mamahalan na perpekto sa paningin niya. Pero ang lahat ng iyon ay nag bago ng iwan ng kanyang papa ang kanyang mama dahil sa isang babae dahil din sa isang panyayari.
Hinding-hindii niya makakalimutan ang isang panyayari ng kanyang musmos na kabataan. Habang nakaupo sa waiting shed ng pinapasukan eskwelahan at hinihintay niya ang kanyang Ina na susundo sa kanya ay may isang babae na lumapit sa kanya at sinabing ito ang pinadala ng mama niya na susundo sa kanya sapagkat may mahalagang gawain ang kanyang mama na hindi nito maiwan.
Agad siyang nagtiwala kahit hindi niya ito kilala sapagkat may ipinakita itong mga larawan ng kanyang mama at papa dahil nga atubili siyang sumama. Habang nasa byahe sila ay bumili ito sa isang drive thru fassfood chain at ibinigay sa kanya. Kainin daw niya, dahil bata pa siya noon at pitong taong gulang lang ay madali siyang naakit sa pagkain iyon, spagetty, chicken, Fries, burgers at soft drink.
Hindi na niya alam ang sumunod na nanyari, basta nagising siya na nasa isang maliit at makipot na silid. Nang inilibot niya ang kanyang paningin ay napag-tanto niya na nasa elevator siya. Alam niya ang ganoon uri ng lugar dahil madalas silang gumamit ng elevator kapag namamasyal silang mag-anak sa mga mall o kung saan pa man lugar na may elevator na pinupuntahan nila.
Siya lamang mag-isa ang naroon at unti-unti na siyang nakaka-ramdam ng takot lalo na't hindi niya alam kung ano ang nanyari at bakit siya nandirito, basta ang natatandaan niya lamang ay may sinamahan siyang babae. Nagdilim ang paligid sa kabuuan ng elevator at wala na siyang maaninag na kaunting liwanag. Dahil sa takot ay umiyak na lang siya ng umiyak at muling pinanghinaan ng katawan upang kainin muli ng antok.
Hindi niya alam kung gaano siya katagal nakulong doon basta nang magising siya ay nasa hospital na siya at ang kanyang mama ang nabungaran niya sa pag-dilat ng kanyang mata. Sa murang isip niya ay ipinaliwanag ng kanyang mama ang nanyari sa kanya.
Kinidnap daw siya ng kumuha sa kanya at sa isang abandonadong gusali nga daw siya dinala at sa elevator siya ikinulong. Sinabi din ng mama niya na kabit ng papa niya ang gumawa nun sa kanya. Simula noon ay nagtanim siya ng galit sa ama dahil sa nanyari sa kanya. Kung hindi ito nagloko at naging tapat sa kanyang mama ay hindi iyon manyayari sa kanya dahil sa isang desperadang kabit ng kanyang papa.
Pagkatapos manyari ang insedenteng iyon ay hiniwalayan ng mama niya ang kanyang papa. Dahil mas pipiliin daw nito ang kapakanan niya kaysa patuloy na mang gulo ang kabit ng kanyang papa. Sampong taong na siya ng tuluyan maghiwalay ang kanyang mga magulang.
Sinuportahan naman nito ang kanyang mga pangangailangan pinansyal naging Ama pa rin naman ito sa kanya. Pero ang lahat ng iyon nagbago ng mamatay ang kanyang ama dahil binaril ng taong humoldap dito sapagkat daw nanlaban ito siguro ayon sa mga Pulis
Mahirap at masakit tangapin ang nanyaring pagka matay ng ama lalo na at hindi na bigyan ng hustisya sapagkat walang naging matibay na ebedensya para sa mga gumawa nito sa ama. Iniraos siya ng kanyang Ina sa pag aaral kaya nang maka tapos siya ng kolehiyo ay nagtrabaho siya sa canada. Tapos ang kanyang mama naman ay muling nag-asawa at dahil sa may sinasabi sa buhay ang na pangasawa ng kanyang mama ay nagawa nito na madala doon ang kanyang mama sa Canada at doon itira kasama ng kapatid niya dito na noo'y bata pa.
Ang lahat ng naging ipon niya sa pagtratrabaho ay ginamit niyang capital sa binuksan nilang Agency ng kaibigang si Rhaime. At ang bahay na tinutuluyan niya ay binili iyon sa kanya ng kanyang Papa Migz na asawa ng mommy niya ngayon. Naging napaka mabuting pangalawang Ama nito sa kanya ganun din ang napaka mabuting asawa din nito sa mommy niya.
Nalaman din niya sa mommy niya mismo na may asawa na din ito ng makilala ito ng kanyang mommy pero tuluyan nakipag hiwalay sa dating asawa para ang mommy niya ang piliin pakisamahan. Pero ganoon pa man ay hindi nagbago ang pananaw niya sa buhay na hindi siya papasok sa isang relasyon na sa umpisa lang masaya at alam niyang sa bandang huli ay mag hahanap pa rin ng iba.
Kaya nga, mas gugustuhin niya na palakihin na lang nang mag-isa ang ipinag bubuntis niya kaysa ipaalam ito kay Mond. Aanhin niya ang buong pamilya para sa kanyang anak kung sa bandang huli ay dadanasin lang din nito ang karanasan na pinag daanan niya. Kaya mas mabuting nang wala itong kalakihan Ama.
Hinimas niya ang impis pa na tiyan at tsaka kinausap ito. Pasensiya ka na anak kung pipiliin ko ang ganitong sitwasyon para sa iyo. Huwag ka mag-alala papalakihin kita ng maayos, aalagaan at paka mamahalin ng husto. Wala ka man kalakihan Ama ay sisikapin ko na mapunan ang pagiging magulang ng isang Ina at Ama sa iyo anak ko. At sana maintindihan mo ito pagdating ng tamang panahon kapag nag kaisip ka na.
Isang jacket ang lumapat sa kanya mula sa kanyang likuran at ng kanya itong lingunin kung sino ang may gawa ay si Mond ang kanyang nalingunan mula sa likuran.
"Masyado nang malamig dito sweetie, ayos ka lang ba?" Tumabi si Mond sa kanyang tabi na nanatiling naka tayo habang siya ay nakaupo pa rin sa hood ng sasakyan.
"I'm Okay don't worry," Hindi niya ito tinignan Bagkus ay diretso lang ang paningin nito sa malayo naka tanaw sa mga ilaw na nagkikislapan mula sa malayo. Ganoon din ang ginawa ni Mond.
"Mahilig ka pala sa over looking?"
"Oo, pakiramdam ko narerelaxt ako kapag naka tanaw ako sa over looking lalo na kapag nasa mataas akong parte. I like nature, mahilig akong mag trecking at mag mautain climing, noong hindi pa ako ganoon kaabala sa trabaho before or maybe a year ago. Anyway kamusta ang pakiramdam mo at hindi ka na ba lasing?"
"Hindi naman ako nalasing medyo tinamaan lang siguro ako agad dahil pagod din ako the whole day. May inasikaso kasi akong importante at puro byahe ang ginawa ko. Kung hindi lang kasama sa plano ni Angel pagtapuin si Dylan at Rhaime sa heaven's gate mas gugustuhin ko mag-pahinga kasama ka."
Nilingon niya saglit si Mond at nakatanaw din ito sa mga ilaw sa kanilang harapan mula sa malayo. Inihilig niya ang kanyang ulo sa mga balikat nito.
Hinagod niya ang ng palad ang ulo ni Sansky na naka hilig sa kanyang balikat. Sa totoo lang ay aamininin niyang natutuwa na siya sa ikinikilos ni Sansky sa kanya dahil nagiging extra sweet na ito sa kanya na dati'y hindi naman. Nararamdaman na rin niya na nagkakapuwang na siya sa puso ng dalaga at malapit na niya mapasok ang puso nito. Na tanging gusto niyang manyari sapagkat mahal naman na niya ito talaga.
Hindi niya alam kung kailan nag-simula na mahal na niya ito basta naramdaman niya na pag-gising niya ay seryoso na siya sa intensyon niyang panagutan ito kaya nga kahit anong manyari ay dapat maging asawa niya ito. Tatapusin lamang niya ang plano nila sa kasal ni Rhaime at Dylan at mahaharap na niya ang plano naman niya kay Sansky. Dalawang linggo na lamang at nakatakda na ang plano nilang kasal sa dalawa. Sana lamang ay mag tagumpay na iyon para hindi na manyari ang plan B. Nang sa gayon ay ang sa kanila naman ni Sansky ang maharap niya.
***** rhaime22 *****
Author's note: Thank you sa pagbasa.