Chapter 11- The last part of the plan.

3253 Words
Warning: Expect wrong typo and grammatical error ahead.un edited at super savage sa error.... Some scene of this chapter, is happen in series#1 at chapter 21 of the old maid Rhaime. Para may idea na kayo. ************** MAGPAPAHINGA na sana siya at nakahanda na sana sa pagtulog nang dumating ang kaibigan niyang si Rhaime na agad siyang niyakap at tsaka humagulgul ng iyak sa kanyang balikat. Kahit may hinala na siya kung bakit ito nag-kaka ganito ay hinayaan lang muna niya. Inaya niya ito sa rooftop ng kanyang bahay ng sa tingin niya ay medyo okay na ito. Masarap ang simoy nang pangabing hangin at maraming bituin sa langit, mainam ito sa kaibigan na panpa-gaan ng pakiramdam sa pusong sawi nito malamang kaya ito nandito ngayon. Pareho silang nakatayo at nakatanaw sa malayo... Nang magsalita na ito. "Nagpunta ako sa bahay ni Dylan bestie?" Hindi na siya nagulat ng sabihin ng kaibigan iyon sa kanya. "Hindi ko pala kaya talaga na mawala siya sa akin. Kailangan ko pa palang masaksihan at makita siyang may kasama ng ibang babae sa pangalawang pag-kakataon. Ang sakit bestie sobrang sakit." At muli tumulo ang luha nito. "Ay naku; ayan na nga ba ang sinasabi namin sa iyo eh." Sabi niya kay Rhaime. "Hindi ka kasi nakinig sa amin. Kung bakit kasi nag-inarte ka pa nung halos maglumuhod siya sa harap mo para patawarin mo? tapos ano...; iiyak-iyak ka ngayon ulit diyan kaloka ka bestie. Wala Nang magagawa iyang iyak mo. Naka move on na nga ata si Dylan kasi may bago na siyang love." Mahaba niyang lintanya. "Waaahhh..! ang sama mong kaibagan. bakit ka ganyan? Imbes na papaglubagin mo ang loob ko dahil sa nanyari parang lalo mo pang pinapa mukha sa akin na kasalanan ko bestie" Ani Rhaime sa kanya. "Aba't ang bruhang ito, sagot naman niya. Hoy! kasalanan mo talaga noh, kasi nag inarte ka pa; ilang beses ka kayang sinuyo nun tao pero ano?, nag matigas ka kahit alam mo naman talaga na mahal mo pa. Sorry bestie kung matabil ang dila ko ngayon sa iyo pero talagang naka kainis ka kasi sa kaartehan." Nag patuloy lang ito sa pag iyak at lalo pa atang naiyak dahil sa mga sinabi niya. Nang maya-maya ay muli siyang niyakap ng kaibigan. Nagtagal din iyon ng may ilang segundo bago ito kumalas sa kanya sa pagkakayakap. Inaabot niya ang mga kamay nito para hawakan at tumingin sa mga mata nito. "Nagagalit ka ba sa akin dahil sa mga sinabi ko bestie?" Umiling ito sa kanya, at saka nag-wika. "Hindi ako nagagalit sayo bestie, sa mga salita mo. Dahil deserve ko naman talaga. Mag bestfriend tayo kaya normal lang na talagang ganyan ang maging pananalita mo sa akin. "Kung nandito si Ysmiellien malamang na ganyan din maging reaksyon niya.Tatangapin ko na lang talaga ang kapalaran ko na maging the old maid Rhaime kasi siya lang naman talaga ang minahal ko at wala na ko mamahalin iba pa." "Nice title bestie parang gusto ko rin iyan. The old maid, hmmm.... I like that natatawa pa siya. You are the old maid Rhaime and I'm the old maid Sansky isama na din natin si Ysmiellien sa title na iyan kasi isa rin iyon na mas gusto ng tumandang dalaga." At sabay silang nagkatawanan dalawa. "Oh speaking of Ysmiellien," aniya "I miss her na well Waite bestie let me check kung online siya ha just a moment." Sabay kalikot sa sariling cellphone. "Gotcha! Online siya bestie look," ipinakita niya pa ang screen ng cellphone niya sa messenger. Pinindot nito ang bottom ng video call. "Hi, mga bestie.." maaliwalas na mukha ni Ysmiellien ang bumungad sa kanila. "Ano at napa video call bigla?" "Our bestfriend Rhaime is super totally broken now as in wala ng pag-asa kasi ang arte." Sabi niya sa kaibigan si Millien "Hmm...bruha ka talaga eh noh." Ani naman ni Rhaime, sabay hila ng bahagya sa buhok niya. "Hi millien" kaway nito sa harap ng camera. "Anong balita at napa video call bigla ang dalawa kong bestfriend?" Anito sa kanila ni Rhaime. "Wala naman." Aniya. "na miss ka lang namin and we have a title na according to our bestfriend Rhaime. Since sobrang wasak ng puso nito ngayon." Natatawa niyang turan dito. "Talaga ba..., at ano naman yan title na yan sige nga?" Ani Ysmiellien sa kanya. "Since Rhaime is totally broken now siya na daw si Old maid Rhaime. At dahil pare-pareho naman tayo na tangap ang pagtandang dalaga we are now officially The old maid." "Wow ha... Nice title, Gusto ko iyan." Kahit hindi nila ito kasama ngayon ay masaya sila sa mga ganitong pagkakataon kahit sa video call lang. Ito ang pinaka bata sa kanilang tatlo. Ahead sila ng two years ng idad dito kaya kung ituring nila ito ay baby sister. Since naging abala sila sa RhaimeSans Agency at ito naman si Millien ay kailan lang dumating galing Canada dahil nga sa biglang problema ng isla Sealandia na pag aari ng pamilya nito. Matagal-tagal din ang naging bunding nila mag kakaibigan kahit pa video call lang, naging sulit ang usapan nila at tagumpay naman silang malibang si Rhaime. "So paano bestie? Uuwi na rin ako, mag-kita na lang tayo ulit sa offce bukas." Pa alam na sa kanya ng kaibigan si Rhaime. Yumakap ito sa kanya at nag-beso sa kanyang pisngi. "Ayos ka na ba, medyo gumaan na ba iyang pakiramdam mo?" "Oo salamat." Mag-kasabay nilang binagtas ang hagdan pababa ng rooftop. Hinatid niya ito hangang sa may gate at nang tuluyan na ito makaalis ay sabay naman ng pagtunog ng kanyang cellphone. Na kita niya si Angel ang tumatawag kaya agad niya iyon sinagot. "Hello." "Hi Sans, naistorbo ba kita? "Ahm... Hindi naman actually kaaalis lang ni Rhaime dito ngayon." Oh..., I see so diyan pala siya dumiretso pagka-galing niya sa bahay ni Dylan? "Paano mo nalaman na nangaling siya doon?" "Well Dylan call me after Rhaime left. Sinabi nga niya nagpunta doon si Rhaime para mag-confess ng real feelings nito. "Oo nga daw, nabanggit iyan ni Rhaime sa akin. Pero ni reject siya ni Dylan at grabe ang iyak ng loka-loka kong kaibigan alam mo ba? Sobrang paniwalang-paniwala na naka move on na talaga si Dylan at iyon yun nagpasakit ng kalooban niya ng husto." "Naisip ko ng gagawin ni Rhaime talaga na magpunta kay Dylan after ng nakita niya sa amin ni buds doon sa bar. Kaya tinawagan ko si Dylan kaninang umaga. Para paalalahanan na hindi dapat siya mag-padala sa pag confess ni Rhaime if ever magpunta ito sa bahay niya. Kailangan matuloy ang plano kung ano iyon naumpisahan natin. At least sure na talaga tayo sa piling pa ni Rhaime para kay Dylan so walang reject-an manyayari para sa second wedding proposal." Kaya nga, Angel so alam na natin pare-pareho na mag- tatagumpay tayo." Isa sa mga itinawag ko sa iyo pala na, gawan mo nang paraan na makuha kay Rhaime yun mga letters na kasama sa bawat flowers na narericieve niya sa office ganun din yun sa bahay niya. Kailangan natin ang mga iyon para sa video footage ng proposal at wedding day nila. "Okay, ako ng bahala doon." At kumbinsihin mo na din siya sa plano naman natin sa kanya na pag-palit niyang maging modelo kay Millien. "Sige," Aniya dito. Nalaman niya na mag-kapatid pala sa Ina ang dalawa ayon dito na matiyaga naman nito naikwento sa kanya ng minsan mabangit nito ang pangalan ni Ysmiellien sa mga kasabwat. Sa ngayon iyon na muna ang gawin mo Sans na makumbimsi siya dahil heto nan yun pinaka last part natin sa plano para mai-settle ang lahat. "BESTIE..." Tawag pansin niya sa kaibigan si Rhaime. Sinadya niya talaga ito sa sarili nitong opisina para sa pakay niya dito. Presentable siya nakaupo sa single sofa sa pinaka visitors area nito sa loob. Habang pinag mamasdan ang salansan ng rose flower na iba-iba na ang kulay dahil pinagsama-sama na iyon sa isang vase. "Wala ka pa rin bang idea dito sa nagbibigay ng rose flower sayo with matching letter? Everyday ang delivery nito sa iyo ha and take note two times a day matindi rin Itong secret admirer mo ha." Tanong niya sa kaibigan. Nag-kibit balikat ito sa kanya. "Wala pa rin hindi ko na nga mabilang kung ilan beses na akong nakatangap at gaano na katagal, tinapon ko na nga yun iba niyan kasi bulok na." Sagot nito sa tanong niya. "Eh nasaan na iyon mga letter na kasama niyan, Itinapon mo rin ba?" Muling tanong niya. Kailangan na niya makuha ang mga iyon mula sa kaibgan at makumbinsi na ito para sa pabor niya dito na hihingin. "Hindi noh.., nacute-tan ako doon sa mga letters kaya itinago ko, pinag sama-sama ko sa isang Box." Palihim siyang napahinga ng maluwag sa narinig mula dito. "Talaga, patingin nga." "Waite," tumayo ito at lumapit sa table nito mismo at kinuha ang maliit na box na pinaglalagyan nito ng mga letter. Inabot sa kanya iyon ng kaibigan. Na agad naman niyang binuksan at isa-isang tinignan ang bawat letra. "Lakas din ng trip ng secret admirer mo bestie para saan itong mga letter na ito wala naman kakaiba?" Aniya, syempre part yun ng plano para hindi ito makahalata kaya sinabi niya ang ganoon dito. "Oo nga, kaya nga naisip ko na itapon na rin ang mga yan o kaya gusto mo saiyo na lang. Mukhang trip mo kasi titig na titig ka." Natatawa nitong turan sa kanya. Gotcha, nagdiwang ang isip niya sa sinabi nito dahil nag-kusa na ito ibigay iyon sa kanya. "Bakit mo pa inipon at tinago kung itatapon mo rin pala, sana noon mo pa itinapon baliw ka pero sige akin na lang ang mga ito at may gagawin ako dito." Aniya. "At ano naman gagawin mo diyan?" Tanong naman nito sa kanya. "Secret." Nakangiti niyang sagot. Maiba pala ko bestie kamusta na ang puso mo, magaling na ba?" Muli kong tanong. Kumunot naman ang noo nito sa tanong niya. "Wala naman akong sakit sa puso bestie." Dagdag pa nito. Napahagalpak ng tawa si Sansky sa sagot ni Rhaime. "Grabe ka bestie ang slow mo naman. Hindi iyan ang ibig ko sabihin ano ka ba?" Natawa na rin ito. "Ano ka ba? Niloloko lang kita hindi ka mabiro. Alam ko naman kung ano ang tinutukoy mo." "Baliw ka talaga, sumeryoso ito. Ano na nga okay ka na ba talaga? Muli niyang tanong sa kaibigan. "Honestly bestie I'm not okay pa, kasi hindi naman madaling maka move on, pero tangap ko na hindi talaga kami ang nakatadhana ni Dylan sa isat-isa." Malungkot nitong turan sa kanya. "Eh ikaw kamusta naman ang lovelife mo?" Tumaas ang kanang kilay niya sa narinig. "Anong lovelife ang pinag sasabi mo diyan? Hindi uso sa akin ang lovelife noh." "Panindigan mo iyan sinasabi mo na hindi uso sayo ang lovelife ha. Baka kainin mo yan sinasabi mo, ikaw din mahirap kayang mabulunan tapos wala ka palang tubig." Humagalpak pa ito ng tawa. "Mamamatay ka." Pahabol pang salita ng bruha niyang kaibigan sa kanya. "Hindi iyon nakakatawa bestie, dibali palagi ako magdadala na lang ng tubig simula bukas. Aniya naman dito. Anaway, one of may reason kung bakit kita sinadya dito sa opisina mo ay dahil may hihingin ako sana pabor sa iyo." Napatigil ito sa pag-tawa at seryosong tumingin sa kanya ang kaibigan. "Here we go again." "Don't worry bestie last na itong pabor na hihingin ko sa iyo." Sabi ko. "Umayos ka Sans, kinakabahan ako sa pabor na hihilingin mo ngayon. Tignan mo nga at kapapayag ko gumawa ng pabor saiyo, wasak ako ngayon." "Ano bang tinutukoy mong wasak sa iyo?" "Syempre yun puso ko ano ka ba." "Ah...akala ko iyang petchay mo." Agad itong namula sa sinabi niya, kahit ibang salita ang ginamit nito Alam niya kung anong petchay ang tinutukoy niya, sa kaibigan. "Ay namumula ka bruha," Matinis pa nitong tawa, "anaway bestie ano payag ka na ba?" Tanong na ni Sansky. "Anong payag? Hindi mo pa nga sinasabi sa akin kung ano yun pabor payag na agad kaloka ka." "Hindi pa ba...? Ang akala ko nasabi ko na." "Hindi pa nga." "Okay, remember fammy?" Panimula na nito. "Yun sikat na fashion designer na nakilala natin ng minsan manood tayo ng fashion show ni Ysmiellien sa new york." "Oh bakit?" Sagot na patanong naman sa kanya ni Rhaime. "Dahil isa si Millien sa mga models niya at since hindi pwedi ang kaibigan natin ngayon dahil Alam mo, na busy ang Bebe sis natin. Tinawagan ako ni Fammy na kung pwedi na maging model daw ako ng isa sa mga design niya." "Oh that's great good for you, diba gusto mo maging model din aside sa pagiging office girl chancess mo na." "Iyon na nga eh masaya na sana, kaya lang nagka complict sa schedule ko bigla." Natigilan ito sa sinabi niya at mukhang natunugan na nito kung saan papunta ang usapan nila. Pero itinuloy pa rin niya ang pag-sasabi. "So ayun na nga bestie da-" Hindi na niya natapos ang pagsasalita dahil agad na itong pinutol ng kaibigan. "Don't tell me...;" Tumigil muna ito saglit bago ulit mag-salita para irehistro sa isip nito ang hihingin niyang pabor dito. "No.....! Ayoko bestie ng hihingin mo pabor this time, ayoko, ayoko." kung todo iling pa nito talaga. "Why bestie?" bumahid agad ang lungkot sa maganda niyang mukha. "Nakakahiya kay Fammy kasi nasabi ko na ikaw na lang ang papalit sa akin pumayag naman siya." "Kaloka ka talagang babae ka, bakit mo ginawa iyon eh hindi pa nga ako pumapayag diba? Ang sarap mo din talagang kutusan eh." "Eh kasi alam ko naman na hindi mo ako tatangihan. kaya pinangunahan ko na kahit ang totoo hindi ka pa talaga pumapayag. Tsaka gusto ko lang pati na may magawa ka iba para kahit paano malibang ka hindi puro ka work." Sa sobrang lungkot na tono niya iyon sinabi para lumambot ang puso nito., na tagumpay naman. "Pero alam mo naman na ayoko ng mga rampa-rampa na ganyan, mahiyain ako sa maraming tao my god ka." Anito sa kanya. Pero hindi ka rarampa bestie photo shoot iyon ng isa sa design niyang gown. Dapat talaga si Millien iyon model so dahil nga medyo out of the time na, ako yun nirecommend ni Bebe sis natin. Kaya lang hindi nga ako pwedi kaya ikaw na lang. Last naman na talaga itong pabor ko na ito. Sige na bestie pumayag ka na?" "Oo na, pero siguraduhin mo na last na itong pabor na hihingin mo sa akin kasi next time hindi na talaga ako papayag kahit lumuhod ka pa. Palagi kasi ako napapahamak sa huli eh kaya last na talaga ito." Yehey... Sa tuwa niya ay niyakap niya ito. Thank you bestie your the best of friend ever talaga." Nang humiwalay siya sa pag-kakayakap dito ay nakangiti siyang tumingin. "Kailan naman iyan ha," tanong nito sa kanya. "Dont tell me bukas na or sa makalawa?...talagang masasakal na kita kung sakali." "Ano ka ba hindi noh, next week pa ito kaya may panahon pa para makapag beauty rest ka ng bongga para lalo ka maganda sa araw na iyon. May mga kailangan pa kasi asikasuhin sa location ng photo shoot so don't worry. Grabe bestie naeexcite ako sa manyayaring photo shoot na iyan." "Grabe ka ha, hindi ikaw ang model pero grabe ka maexcite, kung ikaw na lang kaya kasi?" "Hindi nga ako pwedi, dibali kapag may next pa ako na talaga ang model." Na may ngiting nakakaloko. " Anyway babalik na ko sa office ko at dadalin ko na itong kahon na ito. Na ang tinitukoy ay ang maliit na kahon pinag-lalagyan ng mga letters. "Mabuti pa nga at nakaka istorbo ka na sa trabaho ko, tsaka baka nandoon na rin si Mond sa opisina mo at hinihintay ka na." "Walang bago doon bestie." Diyan ka na nga sabay tayo at dire-diretsong nang lumabas sa opisina ng kaibgan. Pag-dating niya sa sariling opisina ay wala siyang Mond na nadatnan. Tumingin siya sa wrist watch niya, almost 11AM na pala. Kapag mga ganitong oras na madalas nadadatnan na niya si Mond dito. Nagtanong siya kay Mitch kung tumawag ba ang binata habang nasa opisin siya ng kaibigan naman. Hindi daw ito tumatawag pa. Bumahid ang inis sa kanya, sa kaalamang hindi man lang nito na isipan tawagan siya kung bakit wala pa ito dito. Lately gustong-gusto niya ito nakikita at nakakausap. May mga oras naman na kapag nandyan lang ito ay inaaway naman niya bigla nang walang dahilan basta gusto lang niya ito awayin. Na upo siya sa kanyang swivel chair at hinarap ang dapat harapin na trabaho. Pero maya-maya lang ay nakaradam siya ng antok, kaya naman iyinukyok niya ang kanyang ulo sa office table niya at tsaka pumikit. Iidlip lang siya nang kaunti. Lately sobrang antukin siya talaga at tamad na tamad kumilos. Alam naman niya kung bakit at parte ito ng pagbubuntis niya. Kapag natapos ang pag-aasikaso sa kasal ng kaibigan si Rhaime at matapos itong ikasal, ay kakausapin na niya ito sa plano niyang bakasyon. Sasabihin niya dito ang sitwasyon niya at para mabalaan na din ito na huwag ipaalam kay Mond ang mga plano niya. Alam niya na tututol ito sa gagawin niyang paglilihim nito kay Mond pero desidido na talaga siya. Hindi na niya namalayan kung gaano katagal ang naging pag idlip niya basta naalimpungatan siya sa pakiramdam na parang may nakamasid sa kanya. Dahan-dahan niyang uminulat ang mata at ang nakayukyok na ulo din ni Mond ang nabungaran niya na may matamis na ngiti. Mabilis siyang nag-angat ng ulo at pinunasan ang mga labing pakiramdam niya ay tumulo ang kanyang laway. "Hi sweetie... My lovely sweetie..." "Shit...., Kanina ka pa ba diyan? Bwiset ka bakit hindi mo ako ginising?" "Bakit ko naman gagawin iyon kung gusto kitang panoorin matulog muna? And i really like to watch you while you're sleeping you look like a baby, a lovely baby my sweetie." "Nagugutom ako. Hindi pa ako kumakain ng lunch." Bagkus ay sabi niya dito. "What? It's almost 2PM na hindi ka pa naglulunch. Ang buong akala ko kumain ka na bago ka natulog kaya pinanood lang kita muna... Come, aya niya dito sa labas kana kumain. My god sweetie ilan beses ko bang kailangan ipaalala sa iyo na kumain ka sa tamang oras. Iyan pagiging slim mo tangap ko na, and i really love your body. Pero ibang usapan kapag nag-kasakit ka." "Ahm gusto ko kasi kasabay ka kaya hihintay muna kita eh naka tulog pala ako. Bakit kasi ngayon ka lang? Diba dati naman maaga pa lang nandito ka na. Ayoko kasi ng namimiss ka." "May inasikaso muna ako sa office ko. But wait, you mean you miss me. Talaga ba?" "Halika na gutom na ako," sabay tayo nito at hinawakan si Mond sa kamay para hilahin na ito... Lihim niya pinagalitan ang sarili bakit ba kasi lumabas sa bibig niya ang mga salitang iyon. ***** rhaime22 ***** Author s note: Thank for reading this chapter
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD