Warning: Expect wrong typo and grammatical error ahead.......
***************
NANG tuluyan makatulog ulit ang anak ay hinarap n'ya ang kanyang Mommy at Tito Migz, na nakaupo pareho sa sofa sa bandang kaliwang bahagi ng silid niya. Umupo naman siya paharap sa mga ito.
"Ang anak ko pala ang Ama ni Fiery?" Wika ng kanyang Daddy Migz.
Hindi na siya nagulat ng sinabi iyon ng kanyang Amain dahil inaasahan na niya na ito ang Ama ni Mond kanina pa lamang ng dumating ito kasama ng kapatid na si Fanie. malungkot lang siyang tumingin sa mata nito kasabay ng pagbagsak ng kanyang luha.
Agad lumapit ang kanyang Ina para yakapin siya at aluhin. Tinugon niya ang yakap nito at tahimik na patuloy lang lumuha sa mga balikat nito.
"Iiwan ko na muna kayong mag-ina para makapag-usap kayong mabuti. Sa tingin ko ay kailangan n'yong mapagsolong dalawa." Paalam nito sa kanila.
"I'm sorry honey, Alam ko na ako ang magiging dahilan ng pagkakasira n'yo ng relasyon sa ama ng apo ko." Wika nito sa pagitan ng pagyakap sa kanya.
Kumalas siya sa pagkakayakap ng Ina para magtagpo ang kanilang mga mata. "Huwag n'yo pong sabihin iyan Mommy."
"Kasalanan ko anak."
"No, hindi n'yo po kasalanan. May pagkakamali din po ako mula sa simula nang kung ano ang meron sa relasyon namin dalawa. Kasalanan ko din kung bakit s'ya nagagalit sa akin ngayon."
"Maaaring oo tama ka, Anak. Pero, ang tanging kasalanan mo lang ay ang ginawa mong paglayo kay Fiery sa kanya 'nun mga panahon nagdadalang tao ka. Pero ang galit na mayroon s'ya sa akin ay dala-dala ni Mond hangang ngayon. Ako ang sinisisi n'ya kung bakit tuluyan iniwan ng Mama n'ya ang kaniyang Papa."
"Iyon po ba ang dahilan n'ya kaya sa mahabang panahon na nagsasama kayo ni Daddy Migz ay hindi n'ya hinangad na makilala kayo?" Naguguluhan tanong niya.
Tumango ito kasabay ng pagsagot. "Oo anak, hindi na namin sinabi ang dahilan sa 'yo sapagkat hindi naman na iyon mahalaga para sa akin. Ayos lamang na hindi n'ya ko matanggap para sa kanyang Papa basta maganda pa rin ang relasyon nilang mag-ama at sa iyong kapatid."
Kaya pala ganoon kabilis na lang ito nakapag desisyon na ayaw na nitong lumalim ang kung anong relasyon mayroon sila, dahil pala sa kinamumuhian nito ang kanyang Ina. Sa kanyang naisip ay lalong bumalon ang luha sa kanyang mga mata at mas tumindi ang sakit na kanyang nararamdaman, na tila ba may maliliit na karayom na tumutusok sa kanyang puso.
Muli siyang niyakap ng Ina at patuloy siyang umiyak sa balikat nito. Walang namutawi pa sa bibig nitong mga salita sapagkat kahit di na iyon gawin sa kanya ng Ina ay sapat na sa kanya ang mga nalaman. Hinagod nito ang kanyang likod na tila sa pamamagitan niyon ay nais nitong mabawasan ang bigat na nararamdaman niya ngayon.
Ganito pala ang masaktan dulot ng pag-ibig. Naisip niya, wala man label ang relasyon nila ni Mond pero hindi sapat na dahilan iyon para hindi nila maramdaman na mahal nila ang isat-isa. Hindi ma'n niya maamin dito na mahal din ito ay nadarama niya na batid iyon ng binata sa kanya.
Kung hindi lamang siya natatakot sa kasal ay matagal na siyang pumayag sa nais nito simula pa lang. Pero takot talaga s'ya at si Mond ang klase ng lalaki na hindi gugustuhin ang salitang kasal kung hindi ito seryoso sa kanya. Pero kahit na, ayaw pa rin niya ng kasal.
Hindi na niya namalayan kung ilan minuto na silang magkayakap ng Ina, pero nang sa palagay niya ay ayos na siya kahit paano ay kumalas na siya sa pagkaka-yakap dito.
"Mommy, I'm okay now, huwag mo na kong alalahanin pa. Strong ako diba? so makakaya ko 'to. Iiyak lang ako, pero sooner everything is gonna be okay." Sinamahan niya iyon ng ngiti na alam niyang hindi umabot sa kanyang mga mata.
"Nandito lang ako honey, kami ng Tito MIgz mo, always remember that.
"Yes po, alam ko iyan mula sa simula ay naka suporta kayo sa akin kahit hindi n'yo ko kasama. And I'm happy for you kasi ang kagaya ni Papa Migz ang na kasama ninyo sa muling pagtibok ng inyong puso sa pangalawang pagkakataon." Nakangiti niyang wika sa Ina
"Kung hindi man kami magiging ayos ni Mond at di na n'ya ako kaya pang tanggapin sa buhay n'ya dahil lamang sa anak ninyo ako, ay sapat na sa akin na hindi naman niya tatalikuran si Fierry at magiging Ama pa rin siya dito."
Malungkot ang mga matang nakatingin ang kanyang ina sa kanya.Batid niyang ito ang labis na nasasaktan sa nanyari at kahit sinasabi niya dito na h'wag sisishin ang sarili, ay alam niyang hindi iyon madali para sa Ina na.
"Everything is gonna be alrigth Mommy."
FUCK! Buds, Huwag ka nga magpadala sa galit na nararamdaman mo sa Ina ni Sansky? Wika ni Aidemiel sa kaibigan.
Ang kaibigan si Aidemiel ang pinuntahan nito nang gabing iyon. Dahil alam nito na dito lang naman niya matatagpuan ito sa paborito nitong club. Ang Heavens gate club na pag-aari nga din nito, at naging paborito na rin nilang tambayan.
Na kwento na sa kanya ni Mond ang nangyari kaninang pagdating pa lamang nito. Pero tila wala naman ito sa sarili habang kausap niya.
"Move on Buddy, Ilan beses na ba namin sinasabi sa iyo iyan? Kahit 'nun hindi mo pa kilala si Sansky."
Hindi siya nito pinansin, bagkus ay nakatitig lang sa baso na may lamang alak. Tila wala itong naririnig at nakapokos lang sa baso na kala mo ay may mga mata rin iyon na nilalabanan niya ng titigan.
Sa yamot ni Aidem ay kinuha niya ang basong may lamang alak para kunin ang presensya nito, na tagumpay naman niyang nagawa.
"Hey, give it to me! What the hell is your problem huh?!"
"Aba't gago ka pala eh! Ikaw to'ng may problema kaya ka nandito ngayon, tapos ako tatanungin mo? Kawawa 'to baso sa 'yo kapag nabasag sa katititig mo."
"I can't believe it till now, na s'ya ang ina ni Sansky. Of all people bakit s'ya pa?"
"So, what!? Ikaw lang naman ang nagbibigay ng issue at nagpalaki ng problema eh. Ikaw 'yun nag-alaga ng galit d'yan sa puso mo sa pagiging babaero ng Papa mo noon. Hindi mo ba nakikita, yun buting dulot din ng paghihiwalay ng parent's mo sa mahabang panahon."
Tahimik parin ang kaibigan at hindi parin sumasagot sa kanya, pero nararamdaman naman niya na nakikinig ito sa mga sinsabi niya.
"Masaya sila pareho ngayon sa mga pinili nilang makasama. Nagmove-on na ang lahat tila ikaw na lang ang hindi Buddy?"
Inagaw ni Mond ang baso na kinuha ni Aidem sa kanya kanina at diretsong ininom iyon. Sinalinan ng bago at ininom ulit. Ilang minutong katahimikan ang dumaan bago ito nagsalita.
"Hindi ko naman tatalikuran ang responsibilidad ko sa kanya, sa anak namin."
"Aba'y dapat lang! Walang kinalaman ang anak ninyo ni Sansky para idamay mo. Akala ko ba, mahal mo s'ya? Sinabi mo pa sa amin ni Angel na gagawin mo ang lahat makita lang siya. Anong nangyari at tila ba hinangin 'yan utak mo ng magkita kayo bigla? Gano'n ba kabilis nawala 'yun pagmamahal mo sa kanya?" Sunod-sunod na tanong nito.
"Hindi ko alam." Kasabay ng pag-iling.
Hindi mo man lang ba pinakinggan ang dahilan niya, at kung bakit niya nagawang ilihim sa 'yo ang pagbubuntis niya, sa anak ninyo? At ang dahilan kung bakit ayaw niyang magpakasal sa 'yo?"
"Matagal ko na iyon tinanong sa kanya, basta ayaw lang daw niya ng idea nang kasal."
"Hindi gano'n ang tingin ko. May palagay akong may mabigat na dahilan iyon kung bakit ayaw n'ya magpakasal sa 'yo. Kung ako sa iyo Buds, aalamin ko 'yun. Huwag kang mag-aksaya ng panahon."
"For what? Eh, tinapos ko na ang relasyon namin." Pagak s'yang tumawa, "actually wala nga palang dapat tapusin dahil wala palang kami. Ang anak ko na lang ang mahalaga sa akin. Ayaw n'ya ng kasal? Pwes! magpaka saya na siya dahil hindi ko na 'yun ipipilit pa sa kanya."
"Ewan ko Buds ha, nasasabi mo lang yan dahil galit ka pa. Pero kung ako sa 'yo pag-iisipan ko muna ang lahat bago ako magbitaw ng salita. Baka kainin mo lang lahat yan mga sinasabi mo?"
"Never! It will never happen in me. Kilala n'yo ko alam ninyo iyan. Kapag sinabi ko, sinabi ko."
"Okay sabi mo eh, pero let's have a deal abouth that para masaya?"
"Nangunot ang noo niya sa sinabi ni Aidem. "What deal?"
"Kapag kinain mo iyan mga salita mo, at narealize mo na hindi mo naman talaga kaya, na mawala si Sansky sa 'yo, at handa kang tanggapin siya sa kabila ng walang kasal na mag-uugnay sa inyo ay tutulungan mo ako kay Angel?"
"What do you mean? I mean what help?"
"Tulungan mo ko na makuha ang loob ni Angel."
"Anong makuha? Alam mo naguguluhan ako sa mga sinasabi mo eh. Hindi pa ako lasing Buddy pero hindi ko talaga makuha yan tinutumbok mo. Diretsahin mo pwedi? Dami mo rin pasakalye eh."
"Gusto ko s'ya o mas tamang sabihin na mahal ko na s'ya matagal na."
"Wow ha...! Realy, kailan pa iyan ha?"
"Noong unang makilala natin s'ya. Noong araw na ipakilala siya ni Dylan sa atin. Iba na 'yun naging dating n'ya sa akin. Kaya lang pinigilan ko ang sarili ko sa pag-aakalang si Dylan ang gusto n'ya nang mga panahon na iyon."
"Kaya ba ganu'n mo na lang pala siya asarin kapag magkakasama tayo?"
That's my way, para mapansin n'ya ako."
"So, ano naman ang magagawa ko? Diba dapat kay Dylan ka humingi ng pabor at hindi sa akin. Si Dylan ang mas nakakakilala kay Angel."
"Ikaw ang kausap ko ngayon eh, kaya ikaw na inuna ko at hindi ito pabor noh. Deal ko sa 'yo ito kapag natalo ka, remember? Nakalimutan mo na ba agad?"
"Gago mo! Iyan pa talaga ang naisip mo na ipagawa sa akin. Paano naman kung manalo ako?"
"Name it, and I give you the prize. This time ako naman ang magwawaldas ng pera sa kahit na anong gusto mo."
"Gago ka talaga! Meron din ako n'yan noh. Hindi ko kailangan ng pera mo. Pero sige deal ako d'yan sa idea mo kaya maghanda ka ng matalo."
"Well, let us see. Iniangat nito ang sariling baso at itinaas. Cheers for the deal Buds."
"Cheers!" Sabay untog ng kanyang baso sa baso naman nito na naka angat.
"ANG CUTE talaga ng baby n'yo ni Mond Bestie? Ani Rhaime sa kaibigan. Kamukhang-kamukha ng Ama eh. Karga n'ya ito habang nilalaro naman ni Rhaime. Nasa garden sila sa likod bahay niya.
Dahil hindi pa naman ganon kainit ang sikat ng araw sapagkat alas siyete pa lang ng umaga at sapat ang sikat noon para mapaarawan si Fierry. Mabisang vitamin E iyon para sa balat.
"Bahhh... ! Ang cute naman ng Bebe na 'yan ah bahhh." Sa bawat paglalaro ni Rhaime ay ngumingiti ang kanyang anak kaya naman sayang-saya na laruin ito.
"Ang aga mo napasyal uy, nasaan si Dylan?"
"Nasa Singapore, may meeting sa mga board doon sa isa sa mga branch ng Empire. Kagabi pa iyon umalis. Alam mo namimiss ko na nga siya agad." Nakangiti pa nitong turan sa kaibigan. "Kaya naisip ko pumasyal dito sa 'yo para malibang at malaro itong cute na cute na batang 'to."
"Talagang sobrang mahal na mahal mo si Dylan noh?" Alam mo ba?, sobrang saya ko 'nun maging tagumpay ang plano ni Angel na dapat matuloy pa rin kasal ninyo ni Dylan?"
Natawa si Rhaime. "Kaya nga, at dahil doon sobrang thank you."
"Wala pa bang laman yan t'yan mo pala?"
"Hmm...., wala pa eh, pero magkakaroon din 'to easy ka lang dahil easy lang kaming mag-asawa."
"Aba'y bilisan at di kayo bumabata ha, tsaka may isang taon na rin kayong kasal?"
"Kaya pala ikaw ay binilisan n'yo ni Mond noh?"
"Baliw! Matindi lang talaga semilya 'nun. Hindi ko rin ito inaasahan noh, pero hindi ko ito pinagsisisihan."
"Kumusta pala ang relasyon ninyong dalawa sa nakalipas na tatlong buwan, simula ng malaman niya na may anak na kayo?"
"Malamig pa rin ang pakikitungo niya sa akin eh." Malungkot na turan niya, pero kay Fierry ay ayos naman. Nakikita ko ang saya sa kanya kapag karga niya ito at nilalaro."
"Mainam at hindi naman pala niya idinamay ang cute na ito sa galit n'ya sa 'yo sa ginawa mong paglilihim sa kanya kasi."
"Iyan na nga lang ang pakunswelo ko Bestie, pero nasasaktan ako sa tuwing binabaliwala niya ako kapag nandito s'ya."
"Hindi talaga iyon maiiwasan, pero hayaan mo lang, pasasaan ba't magiging ayos din ang lahat sa inyo."
"Honestly, Bestie, nag-aalala din ako na baka tuluyan na n'ya kong hindi mapatawad sa ginawa ko sa kanya." Namuo ang luha sa gilid ng kanyang mga mata. Hindi pa rin niya maiwasan ang masaktan sa t'wing naaalala niya ang galit sa mga mata ni Mond 'nun araw na magkita silang muli dito sa bahay n'ya mismo.
Ang malamig na pakikitungo nito sa kanya at ang panbabaliwala nito. Deserve n'ya ang lahat ng nanyayari ngayon. Tanging si Fierry na lang ang nag-uugnay sa kanila.
"Alam ba niya na bibinyagan na si Fierry next month?"
"Hindi pa."
"Oh bakit hindi mo sinasabi?"
"Hindi nga n'ya ko kinakausap eh, at isa pa mainam na rin siguro na huwag ko nang sabihin."
"Sigurado ka na naman ba d'yan sa hindi mo na naman pagpapa-alam sa kanya?"
"Oo."
"Ay, naku ka! Hayan ka nanaman eh? Galit pa nga 'yun tao sa 'yo ay plano mo pang dagdagan nanaman."
"Huwag mo sanang sabihin Bestie?"
"Ay, ewan ko sa 'yo talaga! Wag mo kong masise-sise kapag lalo siyang nagalit d'yan sa plano mo?"
"Bruha ka! Bakit naman kita sisisihin? Eh, ako naman ang may desisyon nito at hindi ikaw."
"Aba'y maganda ng nagkakalinawan tayo noh."
"Baliw ka."
"Habang nagkwekwentuhan silang magkaibigan ay nakatulog na si Fierry kaya nagpasya na silang pumasok sa loob ng bahay para dalhin na ito sa silid niya.
"Bestie!, tawag pansin ni Rhaime. "Aalis na din pala ako. Plano ko pumasyal kina Mama at Papa din talaga ngayon, inuna ko lang muna dito. Mag-stay ako doon habang wala pa si Dylan."
"Okay, mag-ingat ka sa byahe at dont worry sa office ako munang bahala sa lahat."
"Thank you bestie." Nagbeso-beso muna sila bago ito tuluyan umalis.
Pagka-alis ng kaibigan ay lumabas siyang nang silid upang tumungo sa kusina para uminom ng tubig. Nadatnan niya ang mag-inang Manang Tess at Marie.
"Good morning Ate Sans. Bati sa kanya ng Dalagang si Marie.
"Good morning din. Ano po iyang iluluto n'yo Manang?"
"Chicken curry ija.
"Wow! Mapaparami nanaman ang kain ko nyan Manang eh?"
"Oh, eh di mainam kung gayon." Natatawa pa ito.
"Ate natutulog ba si Fierry sa silid mo?"
"Oo, iniwan ko lang saglit kasi iinum ako ng tubig."
"Puntahan ko s'ya doon Ate ako na muna mag-babantay sa kanya." Sabay tayo nito sa kinauupuan.
"Ang batang 'yun talaga. Ani Manang Tess. "Gustong-gustong binabantayan si Fierry."
"Oo nga po, natutuwa lang daw po s'ya kasi ngayon lang nagkaroon ng baby dito sa bahay. May maitutulong po ba ko sa inyo at ganyan iniwan na kayo ni Marie? Nakangiti n'yang tanong.
"Ay, huwag mo kong alalahanin at kaya ko na ito."
"Sigurado po kayo Manang ha? Aakyat na po muna ko sa rooftop at gusto ko po magpahangin." Magalang na paalam na niya. Tinalikuran na n'ya ang matanda para tunguhin na ang daan pa akyat sa rooftop.
"Naupo siya sa pinasadya niyang duyan doon at tinanaw ang lawak ng kaligiran, sabay pumikit at para damahin ang katahimikan ng kanyang paligid. Sa ganoon paraan niya mas pinipiling mag-relax kapag may mga isipin na nais alisin sa kanyang isipan pansamantala.
Alam ng Diyos kung gaano na siya nasasabik kay Mond at kung gaano rin siya nasasaktan ngayon. Ganito nga siguro talaga ang umibig, kaakibat ng saya ang lungkot. Sa bawat pagngiti ay may kapalit na pighati.
Ang unti-unting pagsibol ng pag-ibig kay Mond ay pilit niyang nilabanan, pero hindi siya nagtagumpay. Kahit mas pinili niyang lumayo dito at itago ang katotohanan ay hindi niya parin iyon napa nindigan. Nakakalungkot lang isipin na huli na ang lahat dahil hindi na siya mahal ng Binata.
*****rhaime22*****