Warning: Expect wrong typo and grammatical error ahead.
********************
KABABALIK lang niya ng Pilipinas at kasama niya ang kapatid na si Fanie. Isa sa dahilan nito ng pagsama sa kanya ay dahil daw sa Ate nito. Halos mag-iisang buwan rin pala na nanatili siya ng Canada.
Habang abala sa pagmamaneho papunta sa isang mall sa Makati, kung saan niya dadaanan ang kapatid dahil nagpapasama nga ito sa bahay ng Ate nito na pasyalan, may mga bibilin lamang daw muna ito. Hindi naman niya ito kayang tanggihan kaya pumayag na siya.
Ipinarada niya ang sasakyan sa parking lot ng mall na iyon at tsaka nag-text sa kapatid na dito na lamang siya maghihintay. Sumagot naman ito ng isang maikling "okay".
Inabot niya ang kaha ng sigarilyo maging ang ligther na nakapatong lang sa dashboard at tsaka kumuha ng isang stick at sinindihan.
Binuksan niya ang bintana ng kotse para makalabas ang usok na nagmumula sa kanyang sigarilyo. Sa pagitan ng kanyang paghiti't buga ay sumagi sa isipan niya si Sansky. Matagal-tagal na din pala ng huli siyang pumasyal sa bahay nito. "Kumusta na kaya ito" tanong niya sa sarili.
Ilang minuto pa ang kanyang pinaghintay bago niya natanawan ang kapatid na may mga bitbit na paper bag na marahil ay pinamili nito. Agad siyang umibis ng sasakyan upang ito ay salubungin para tulungan sa mga dalahin nito.
"Bakit parang ang dami mo naman mga pinamili?" Mabilis niyang sinipat ang ngayon ay hawak na mga paper bag na kinuha sa kapatid at nakita niyang mga damit iyon na pambata at mga laruan.
"Pasalubong ko 'yan kay Ate tsaka sa anak niya. Excited na akong makita ang pamankin ko Kuya alam mo ba?" Mababakas talaga ang saya at pagkasabik sa mukha ng kapatid.
"Oh, tara na, nang maihatid na kita doon." Inilagay nila ang lahat ng pinamili ng kapatid sa back seat. Agad niyang minani obra ang sasakyan palabas ng parking lot.
Sinabi lang nito ang lugar at subdivision kung saan niya ito ihahatid. Napakunot ang noo niya ng marinig na ang subdivision na sinabi nito ay kapareho ng subdivision kung saan nakatira si Sansky at Rhaime. Sinong mag-aakala na ang kapatid pala nito sa ina ay doon din nakatira. Habang abala sa pagmamaneho ay bigla si()yang tinawag ng kapatid.
"Kuya, pagdating natin doo'n h'wag ka munang aalis agad ha para makilala mo na rin si Ate. Alam mo gusto ko talagang magkakilala kayo."
"Naku, Hindi na kailangan ihahatid lang kita sa bahay ng Ate mo tapos aalis na rin ako dahil may iba pa akong pupuntahan."
"Ay, ang daya naman." Nalungkot ito. "Akala ko pa naman maipapakilala na kita."
Ngumiti lang ito. "Don't worry, next time na lang at isa pa moment nin'yo ng Ate mo 'yun. May dapat lang talaga ako'ng puntahan pagkahatid ko sa 'yo."
Kinabig niya pakaliwa ang manibela ng makita na ang entrada ng subdivision. Ibinaba niya ang salamin ng kanyang bintana upang makita siya ng nakatokang g'wardya. Dahil kilala naman na siya ay tumango lamang ito sa kanya at sumenyas na dumiretso ng pumasok.
"Wow, Kuya, parang kilala ka na dito? Kasi ang directions sa akin ni Ate ay sabihin daw sa guard na ako ay kapatid para maipaalam nga rin ang akin pagdating."
"May pinupuntahan din kasi ako dito ng madalas kaya gano'n. Anyway sabihin mo sa akin kung saan banda dito ang bahay ng Ate mo." Tumango ito sa kanya.
"Diyan, Kuya sa may mataas na gate na kulay gray ang bahay ni Ate."
"Sigurado ka ba na diyan?"
"Yes Kuya."
Humigpit ang kapit niya sa manibela at kumabog bigla ang kanyang dibdib sa hindi niya malamang dahilan. Nasa harapan sila ngayon ng gate ng bahay ni Sansky.
"Kuya," tawag pansin nito sa tulalang kapatid. "Ayos ka lang? Bababa na ako para pumasok sa loob." Inabot nito ang lahat ng mga pinamili na nasa back seat at tsaka humalik na sa pisngi nito. "Salamat sa paghatid ulit."
Nakailang kurap ang ginawa niya bago nabawi ang sarili sa pagka tulala. Halos hindi na nga niya namalayan na wala na pala si Fanie sa kanyang tabi. kung anu-ano na ang tumatakbo sa isipan niya ngayon.
Sino ang kapatid na tinutukoy nito? Ilan buwan na rin pala siyang hindi nagpupunta dito bago siya nagpunta ng Canada. Hindi kaya may bago na palang nakatira at hindi na nga niya iyon nalaman pa dahil naging abala siya masyado sa trabaho. Pero bakit wala man lang nababangit sa kanya si Rhaime na lumipat na pala si Sansky ng bahay.
Huminga siya nang malalim bago napag pasyahang bumaba at tunguhin ang gate. kailangan na masagot ang mga tanong niya ngayon. Akmang pipindutin na niya ang doorbell ng tumunog ang kanyang cellphone.
"Hello."
"Kuya, nakaalis ka na ba?
"Bakit mo tinatanong?"
"May naiwan pa pala ako d'yan na mga pinamili ko. Paki tago mo na lang muna at kukunin ko na lang sa 'yo kapag nagkita tayo ulit."
"No need, dadalhin ko na sa 'yo ngayon dahil hindi pa naman ako nakaka alis dito."
"Ay talaga ba, okay sige hintayin kita."
Pagkatapos nilang mag-usap ng kapatid ay bumalik si'ya sa sasakyan para balikan ang nasabing naiwan nito. Binuksan niya ang back seat at kinuha pa ang dalawang paper bag na natitira doon.
Nagdoorbell siya at hindi rin naman nagtagal ay may nagbukas na ng gate. Isang matandang lalaki na sa wari niya'y nasa singkwenta'y anyos na ang edad nito.
Ang inaasahan niyang magbubukas sa kanya ay si Manang Tess o di kaya'y si Marie pero bakit iba ito. "s**t!" Hindi kaya totoo ang hinala niya na iba na ang nakatira dito.
"Ser, pasok na po kayo sa loob sabi ni ma'am."
Pakiramdam niya ay tila napaka bagal nang kanyang paglakad bago niya narating ang pinto ng bahay. Akmang pipihitin na niya ang doorknob ng pinto nang bigla na iyon bumukas.
"Kuya!," masayang bungad sa kanya ni Fanie. May karga itong sanggol na sa kanyang tingin ay nasa isang buwan pa lamang o wala pa nga ata siguro. "Halika, pumasok ka na, buti't naisipan mong ikaw na ang magdala dito n'yan?"
"Kaninong anak 'yan?" Na ang mata ay nasa karga nitong bata nakatingin.
"Anak 'to ni Ate. This is Fierry, ang pogi noh? Ang pogi rin siguro ng tatay nito?"
"Bakit, nasaan ang tatay n'ya?"
Nagkibit balikat lang ito sa kanya. "Halika na sa loob para maipakilala na din kita kay Ate tutal nandirito ka naman na."
Sumunod siya sa kapatid na ang tinutumbok ay ang papunta sa sala. natanawan niya ang isang babae na naka upo patalikod sa kanila. Dahil nauuna ang kapatid sa paglakad at siya ay nasa likuran nito. Huminto siya sa paglakad nang tuluyan makalapit ang kapatid sa babae.
"Ate, nandito na si Kuya. Siya na 'yun nagdala 'nun mga naiwan ko na pinamili para sa 'yo. halika Kuya," tawag sa kanya ng kapatid.
Kasabay ng pagtawag sa kanya ni Fanie ay ang paglingon din ng Ate nito sa kanya namang kinatatayuan. Pareho pa silang nagulat sa tagpong iyon at makikita iyon pareho sa reaksyon ng mga mukha nila.
"Mond!, wika ni Sansky. Ang kaninang pagkagulat nito ay napalitan ng pagkasabik sa Binata. Kaya agad itong lumapit dito para yakapin ito ng mahigpit. Agad nangilid ang luha sa kanyang mga mata habang yakap niya ang Lalaking pinanabikan niyang makita sa loob ng ilang buwan na hindi ito kasama.
Samantalang si Mond ay halo-halo na ang emosyong nararamdaman habang yakap na din niya si Sansky. Oo, masaya siya sa muli nilang pagkikita na may halong pagkadismaya, dahil ang babaeng minahal pala niya ay malaki ang konekta sa babaeng simula't-simula ay hindi niya hinangad na gustuhin para sa Ama.
Ang kargang sanggol ni Fanie ngayon ay hindi pa man niya naririnig mula sa bibig ni Sansky kung sino ito ay nakakatiyak na siyang malaki ang kaugnayan niya sa batang 'yun. Kaya pala kaninang makita niya ang bata ay iba ang kanyang pakiramdam para dito.
"Mayroon ba kong hindi alam sa nangyayari ngayon Ate Sans at Kuya Mond?" Tanong parin ng hindi na nakatiis na si Fanie na kanina pa pala sila pinapanood kahit may hinala na siya.
Kumalas sa pagkakayakap si Sansky sa Binata at hinarap ang kapatid. "Dalhin mo muna si Fierry sa kwarto, doon mo na siya bantayan saglit. May mahalaga lang kaming pag-uusapan ng Kuya mo."
Pinagmasdan ni Mond ang kabuuan ni Sansky. Ngayon lang niya napag tuunan ng pansin ang itsura nito. Naka suot ito ng pajama pa at naka kulay dilaw na maluwang na shirt. Naka medya's din ito at naka pony taill ang mahabang buhok. Bahagya din itong tumaba at higit lalong gumanda kahit sabihin pang kapapanganak pa lamang nito.
Naupo sila pareho sa sofang pahaba at diretso siyang tiningnan ni Sansky sa mga mata. "Mond" may pagsusumamong tingin niya dito.
"Why did you do that? Bakit hindi mo ipinaalam sa akin ang lahat? Bakit mo 'ko nagawang iwanan ng basta na lang? Bakit?" Halos pigilan niyang gumaralgal ang boses dahil sa tinitimping galit para dito.
"I-I'm sorry, natakot kasi ako na ipa alam sa 'yo ang kalagayan ko 'nun malaman ko na nagdadalang tao na ako." Nangilid ang luha sa mga mata niya.
"Ano," tiim bagang na tanong niya dito. "At bakit naman? Alam mo, hindi kita maintindihan eh. Samantalang alam mo kung gaano ko ka gusto na pakasalan ka dahil sa nangyari sa atin."
"Iyon na nga ang problema Mond, ayoko ng kasal. Ayokong matali sa isang sitwasyon na alam kong pagsisihan natin pagdating ng araw. Kaya naisip ko na umalis at ilihim na lang sa 'yo ang lahat, dahil kung malalaman mo na buntis ako mas lalo mo'ng gugustuhin na pakasalan ako."
"I can't believe it Sansky! Na nagawa mong ilihim sa akin na magkakaroon na tayo ng anak ng dahil lang sa pansarili mong dahilan. Ni hindi mo man lang ba ako naisip huh! 'Yun mararamdan ko."
"Hindi mo kasi ako naiintidhan eh." Tuluyang bumagsak ang luha niyang pinipigilan dahil sa nakikitang galit sa mga mata ng Binata ngayon. Natatakot siya sa pweding mangyari.
"My God Sansky! Ako pa ba ang hindi makaintindi sa 'yo huh? Paano ko nga maiintindihan kung hindi mo nga sinabi sa akin ang dahilan mo. f**k! Are you playing with me huh, tell me!?"
"No, I'm not playing with you Mond. Plano ko na talaga itong sabihin sa 'yo ng mag pasya akong bumalik dito pero ikaw naman 'yun wala. Kung alam ko lang na ikaw ang kapatid na tinutukoy ni Fanie 'nun nasa Canada pa ako I swear kahit nandoo'n pa ako ay ipapaalam ko na sa 'yo dahil doon ko talaga plinanong manganak." Hinawakan niya ang mga kamay ni Mond na hinila naman nito. Na lalong nagpasakit sa kanyang puso.
"You know Sansky, I really don't know what I am feeling right now. Kung nagawa mo sa akin itago ang lahat noon, mas lalo mong gugustuhin na itago ng tuluyan sa akin ang anak natin ngayon at hindi ako papayag na gawin mo iyon ng dahil lang sa ayaw mo ng kasal."
"Mond, please, listened to me first. Nagawa ko lang naman iyon dahil sa nata___." Hindi na niya nagawang ituloy ang sa sabihin dahil sa biglang pagtayo nito sa kinauupuan.
"Okay, you don't need to explain. Kalimutan mo ng inalok kita ng kasal dahil hindi ko na gugustuhin na pakasalan pa ang babaeng malaki ang kaugnayan sa taong ni minsan ay hindi ko hinangad na makilala. Kung ganyan pala ang klase ng pag-iisip na meron ka, mas mabuti pa nga na wala tayong mas malalim na relasyon.
"H-hindi naman iyan ang ibig kong sabihin."
"Do what ever you want to do. Pero huwag mong tangkain na alisan ako ng karapatan sa anak natin."
Tinalikuran niya si Sansky para iwan na ito. Tinungo niya ang kwarto ni Sansky kung saan alam niya na nandoo'n ang kapatid maging ang kanyang anak.
Agad niyang nilapitan ang anak at pinagmasdan ang napakaliit nitong mukha na natutulog sa kama. Hinawakan rin niya ang napakaliit na mga kamay nito. Nangilid ang kanyang luha at pinigilan iyon bumagsak sa pag-aalalang makita iyon ng kapatid. Walang katulad na saya ang ngayo'y kanyang nadarama. Isa na siyang ganap na Ama.
"Kuya, ikaw pala ang Daddy ni Fierry? Nakakatuwa naman na malaman 'yan."
"Hindi ka dapat matuwa, dahil ang babaeng iyon ay ang anak ng taong ni minsan ay hindi ko ginustong makilala. Papaano ko ipagpapatuloy pa na mahalin siya kung alam ko naman na malaki ang kaugnayan niya sa galit ko sa kanyang Ina."
"Pero may anak na kayo ni Ate? Ngayon mo pa ba siya isusuko ng dahil lang sa pansarili mong dahilan. Ang nakalipas ay nakalipas kaya move on kuya. Bakit hindi ka na lang maging masaya para kay Papa.
Hindi na ko sigurado sa nararamdaman ko ngayon pagkatapos kong malaman ang lahat. Ang mahalaga na lang sa akin ay ang karapatan sa anak ko."
Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo. Alam kong hindi gano'n kadaling mawawala ang pag-ibig mo kay Ate Sansky. Hindi ganyan ang nakita ko 'nun panahong mag kasama tayo sa Canada. Ramdam ko kung gaano mo s'ya kamahal, kahit pa sabihin na lagi kayong mag kasama ni Krizzy.
"How can you say that!" Malakas na sigaw nito sa kapatid bugso na din ng sama ng loob na kimkim niya ngayon. "Wala ka sa sitwasyon ko ngayon mas lalong noo'n Kaya wala ka'ng alam Fanie."
Dahil sa lakas ng boses nito ay nagising ang walang muang na sanggol at umiyak ito. Nataranta itong bigla at hindi malaman kung paano patatahanin. Hindi naman niya tinangkang kargahin dahil bukod sa hindi siya marunong kumarga ng gano'n pa kaliit ay natatakot din siya na subukan buhatin.
"Tatawagin ko lang si Ate," sabi ng kanyang kapatid na mabilis lumabas nang k'warto. Hindi rin naman nagtagal ay pumasok na si Sansky ngunit hindi na nito kasunod si Fanie.
Agad nitong binuhat ang umiiyak pa rin na si Fierry at tsaka umupo sa gilid ng kama at walang ano-ano na itinaas ang damit para pasusuhin ang anak. Hindi naman nakaligtas sa kanyang paningin ang masilayan ang dibdib nito na ngayo'y abala ng dinidede ng kanilang anak.
Fuck! Don't even try to do that again if you know I'm still here in front of you."
"Pasensya na. Nagugutom na kasi si Fierry kaya siguro nagising at umiyak."
Hindi pala sinabi ni Fanie dito kung bakit ito nagising at umiyak. Nasabi niya sa kanyang isipan. "I'll go ahead. Babalik na lang ako sa ibang araw. Huwag mong subukan ilayo sa akin ang anak ko dahil kapag ginawa mo iyo'n kahit saan lupalop ka pa magtago ay hahanapin kita. Kung noon nga ay hinanap kita ngayon pa ba na alam kong may anak ako sa 'yo."
"Alam ko'ng hinanap mo 'ko at hindi mo na kailangan pang sabihin sakin yan at h'wag kang mag-alala hindi ko naman gagawin na ilayo sa 'yo si Fierry."
"Mabuti ng nagkakalinawan tayo."
Tinalikuran na niya ito para lisanin ang kwarto nito. Dire-diretso itong bumaba at tinahak ang pintuan para lisanin na ang bahay. Pero nakasalubong niya ang kanyang Papa na may kasamang isang babae na hindi nalalayo ang edad sa Ama. Kahit hindi pa nito ipakilala sa kanya ay alam na niya na ito ang Mama ni Sansky. Kamukha nito ang anak at nakatititak siyang kamukha nito si Sansky 'nun kabataan nito.
"Ijo!, What are you doing here? Ani ng kanyang Papa.
"Hinatid ko lang si Fanie, Paalis na rin ako." At walang lingon-lingon na nilagpasan na niya ang mga ito.
Nagkatinginan ang dalawang matanda at kahit walang lumabas na mga salita sa bibig ng bawat isa ay nahihinuha na nilang may nangyari ngayon araw na dapat nilang malaman.
***Rhaime22***