Georgia’s pov Nagtatakang sumunod siya kay Fhaye sa silid nito dahil may importante daw itong sasabihin sa kanya. “Bakit kailangan dito pa tayo mag-usap?” tanong niya sa babae. “Baka kasi may makarinig sa atin sa baba,’ wika pa ni Fhaye. Agad na ni-lock ni Fhaye ang pintuan. Umupo siya sa kama nito. “Ano ba ‘yon?” hindi niya mapigilang tanong sa babae. “May alam akong paraan upang malaman natin kung nasaan si Marvin,” wika sa kanya ni Fhaye. “Paano?” tanong niya. Huminga ng malalim si Fhaye. “Kay Tita Carmen,” sagot ni Fhaye. Napakunot-noo siya sa sinabi ni Fhaye. “Anong kinalaman ni Tita Carmen kay Marvin?” tanong niya sa babae. “Siya ang tunay na nanay ni Marvin,” wika ni Fhaye kaya natigilan siya. Hindi siya kaagad nakipagsalita. Naa

