Dana’s POV
Nasilaw ako sa liwanag na nanggagaling sa bintana ng aking kwarto. Unti unti kong minulat ang mata ko, another day another hard work tutok nanaman ako sa trabaho nito.
Umupo muna ako at hinanap ang aking cellphone, ng makita ko ay agad ko naman itong hinablot. Meron pala akong tatlong message kaya chineck ko agad yun.
Message 1:
From Kyle:
Good morning baby :)
Wake up and grab your breakfast princess.
—-
Medyo kinilig naman ako sa nabasa ko. Lagi niya na akong pinapakilig at talagang pinaparamdam niya sakin na napaka importante ko sa buhay niya. Day by day lalo pa akong nahuhulog sa mga small gestures or kahit message lang.
Message 2:
From Kyle:
Baby howard is inviting me for vacation are you coming?
——
Vacation? Hala! Muntik ko ng makalimutan nagplano pala ang parents namin na magbakasyon muna kaming dalawa. Buti naman at kasama si Kyle hindi naman talaga ako papayag pag kaming dalawa lang ni Howard. Never in my lifetime.
Message 3:
From Howard:
I invited my friends but keep it a secret i’ll pick you up at 10am.
——
Bossy. Buti naman at isasama niya mga kaibigan niya para naman hindi boring ang bakasyon sana walang hindi magandang mangyare. I’m looking forward sa trip namin.
Nilapag ko ang aking phone sa side table at tumayo na dumiretcho ako sa cr para makaligo na.
Sana walang makaalam or makaabot man lang sa parents namin na hindi kaming dalawa lang ang magkasama ni Howard. Pero gusto ko din naman ang idea ni Howard para kahit papano makapag enjoy namin kami kahit dalawang araw lang. Pinagsabihan na din kami na sila muna ang aasikaso sa company kaya napa oo kami pareho. Well, hindi ko naman iniexpect na may plano pala na iba si Howard and i like it.
Natapos na akong maligo na sobrang iniisip kung ano ang mangyayare sa bakasyon namin.
Dumiretcho ako sa walk in closet ko at pumili ng isusuot. Ang sabi nila samin sa isang private resort daw kami kaya naman mag maxi dress nalang ako. Syempre aawra tayo, makikita at makakasama ko si Kyle yun nga lang hindi kami pwedeng magsolo dahil kasama namin ang mga kaibigan nila.
Nagready na din ako ng mga gagamitin ko na good fo two days. Chineck ko ang oras 8am pa naman kaya bababa muna ako.
“So? Is that my problem! Reasons! Do your job right or else i will fire you!”
Bumungad sakin si dad ng nagsisigaw. Bumaba ako at dumiretcho kay dad. Nagulat naman siya na nasa likod niya ako.
“Dad are you okay?” Bungad ko sakanya at niyakap siya.
“Yeah, come on let’s have some breakfast” yaya sakin ni dad kaya tumango lang ako.
Pagkarating namin sa kusina nandun na si mom. Umiinom siya ng tea niya.
“Oh hey princess, are your things ready for your vacation with Howard?” Bungad niya sakin.
Hinalikan ko muna siya sa cheeks at umupo sa tabi niya.
“Yeah, sabi ni Howard susunduin niya ako eh”
Tumango tango naman si mom. Kumuha ako ng sandwich at nagumpisang kainin ito.
Sino kaya yung kausap ni Dad kanina? Galit na galit siya eh. Sana walang problema sa company, kung meron man hindi na ako tutuloy sa bakasyon namin priority ko parin ang company namin dahil dugo’t pawis ang inilaan ni Dad maging successful lang yun.
Biglang nagring yung phone ni Mom. Napatingin ako agad sakanya.
“I’ve been waiting for this call excuse me for a sec”
Sinagot ni mom at tumayo, naiwan kami ni dad sa lamesa. Ilang segundo lang ang nakalipas at nagring din ang phone ni dad.
“Excuse me princess, i’m going to take this”
Tumayo na si dad at lumabas ng bahay. Napabuntong hininga nalang ako. Kailan kaya sila magkaka oras ulit sakin. Namimiss ko na yung dati na masaya lang kami at laging may time sila sakin.
Simula nung inarrange nila kami ni Howard nawalan na sila ng time sakin eh kahit man lang makasabay ko sila kumain wala eh.
Hindi ko na inubos yung sandwich ko, tumayo nalang ako at umakyat na sa kwarto ko. Wala naman akong kasabay kumain mas maiging antayin ko nalang yung sundo ko. Alam ko naman na busy sila sa trabaho, alam ko din na para sakin din naman ang ginagawa nila dahil ako ang tagapag mana ng lahat nagiisa lang naman ako na anak nila eh. Pero sana bigyan din nila ako ng time makabonding kahit man lang sa pagsabay sa kainan hays.
Lumipas ang ilang oras biglang pumasok si mom sa kwarto ko.
“Bakit po?”
Nakangiti siya na lumapit sakin “Howard is down stairs, get ready for your vacation princess”
Tumango ako at tumayo kinuha ko ang aking travel bag at naglakad na papuntang hagdan sumunod naman si mom sakin. Bumungad sakin ang nakangiting Howard kausap si Dad.
Ang galing mo naman mag acting, pinaikot ko ang aking mata sa nakita ko. Nakarating na ako sa sala, kinuha ni Howard yung travel bag ko.
“Magiingat kayo jan iho” pagpapaalam ni mom
“No worries po mom i will take good care of your precious daughter” pagpapaalam naman ni Howard.
As if naman, hahayaan mo lang ako jusko ikaw paba tsk.
Hinalikan ko si mom and dad bago pa man ako sumakay sa sasakyan ni Howard. Sumakay na din si Howard at nag umpisa ng magdrive.
Buong byahe namin hindi kami nagusap, ayaw ko din naman siyang kausap noh as long as about sa contract namin. Nakapag isip isip na din ako na pagkatapos namin ikasal eh magdidivorce din kami agad magpapalipas lang siguro kami ng isang taon para makatotohanan naman.
Sa hindi kalayuan nakita na namin ang sasakyan ni Daryl, malapit na siguro kami sa resort. Agad agad naman akong nag ayos ng konti dahil alam kong kasama nila si Kyle. Syempre kailangan maganda ako sa paningin niya.
“Hindi ka naman excited na makita si Kyle noh?” Biglang tanong naman nitong si Howard.
“Bakit selos ka?” Nakangisi kong sambit. Pagtripan ko nga tong si Howard
“Why would i? You’re not my type. You’re so boring” walang gana niyang tugon.
Ako? Boring? Wow ah nahiya naman ako sayo napakaboring mong kasama eh. Buong byahe nga kaming hindi nag iimikan.
Hindi nalang ako umimik at tumingin nalang ako sa bintana.
Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa private resort. Pinagbuksan na ako ni Kyle at kinuha niya ang aking travel bag. Iniwan na din namin si Howard, bahala siya jan alam ko naman na may kasama din siyang pupunta dito hindi na ako magtataka isa siyang womanizer.
“Yow Dana!”
Napalingon ako sa likod ko si Daryl pala kaya nginitian ko siya.
“Hindi kaba binigyan ng sakit ng ulo si Howard?” Natatawa niyang sambit alam kasi nila na hindi kami magkasundong dalawa. Sabihin niyo ng attitude ako pero iba kasi si Howard nakakairita na nakakabwisit.
“Kailangan paba natin siyang hintayin? Gusto ko na magswimming” sambit ng kasama ni Daryl
Atat? Kailangan talaga natin siya dahil magpipicture kaming dalawa na magkasama para maipakita at iintroduce niya ako sa social media. Umpisa na ng aking nightmare hays.
Napukaw ng tingin ko si Howard may kasamang babae, maputi siya na mahaba yung buhok naka pants na fitted at croptop. Isa nanamang naloko ni Howard haha. Kailan kaya to magbabago.
“Sorry guys, hinintay ko pa kasi siya” bungad niya samin. Nabigla silang lahat ako lang hindi. Bakit anong meron? Sino kaya siya?