DANA’S POV
Hinatid na ako ni Kyle sa office ko may urgent meeting daw siya sa investor niya. Sabi pa niya tatawagan daw ako pagkatapos niya ayusin yung problema sa company nila.
Nakaupo na ako sa upuan ko dito sa office ko habang nagchecheck ng mga emails puro pala restocking ang gagawin ko.
“Erica please send me a copy of the inventory and also remind the marketing department for yesterday’s report”
Mabagal gumawa ng report ang marketing department kaya nababahala ako baka pumalya sa mismong release ang bagong products namin.
Hindi ko namalayan na hapon na pala dahil sa focus ko sa trabaho hindi ko napansin na nakailang missed call na si Kyle.
“You missed me that much huh?” Napailing iling nalang ako.
Nagring ang phone ko at napangiti ako kasi naman si Kyle yung tumatawag hindi talaga siya tumigil kakatawag. Naiwan ko kasi ang phone ko kanina nung pumunta ako sa marketing department. Kasi naman hindi sila nagreresponse kaya ako na mismo ang pumunta. Eh nagkaproblema daw sa system nila ng hindi nila nirereport sakin. Pinagsabihan ko naman agad sila na dapat lahat ng nangyayare kailangan ireport sakin ng hindi ko sila minamadali sa mga trabaho nila.
“Hey, napakabusy mo naman nandito ako sa labas ng building niyo kanina pa” natatawa niyang sambit sa kabilang linya.
“I’m sorry Kyle, you know i’m working hard for our business i don’t want to read an article that the ceo of a corporation is such a failure” natatawa kong sagot ko sakanya
“You’re not Dana, since your company is the top 1 biggest supplier in the industry”
Hinablot ko ang bag ko at dumiretcho na sa elevator. Nagwave lang ako kay Erica nung nagkasalubong kami.
“I know right, anyways i’ll hang up”
“Okay see you” pagpapaalam niya. Pinatay ko na yung tawag at saktong nakababa na ako sa ground floor.
Dumiretcho na agad ako sa labas at nakita ko naman agad si Kyle nagwave pa nga siya sakin. Ang gwapo niyang tignan sa suot niya.
In fairness bagay sakanya ang formal attire. Naka business suit parin siya halatang dumiretcho na siya dito pagkatapos ng work niya.
“Hey i have a surprise for you” bungad niya sakin ng nakangiti
“Ano yun?” Taka kong tanong
“Surprise nga eh” pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan niya.
Oo nga naman para san pa at tinawag na surprise hahaha.
Sumakay ako agad at ganun din naman siya. Pinaandar na niya ang sasakyan at nagmaneho na.
Nagvibrate ang phone ko kaya tinignan ko yun nagtext si Howard. Ano nanaman kailangan nito
Napatingin si Kyle sakin.
“Si Howard”
Tumango lang siya at diretcho na ang tingin niya sa gusali. Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya ng sinabi kong si Howard ang nagtext sakin.
[Family dinner. 7pm]
Tsk. Family dinner.Hindi naman kasi siya nag aaya sakin unless family dinner. For the past 3 months, once a week kami nag fafamily dinner pinaguusapan at chinicheck nila kami kung ano na status namin. Well magaling kami mag acting kaya hindi nila nahahalata na fake relationship kami sa harap nila.
Hindi ko na siya nireplyan at pinatay ang phone ko uunahin ko muna kaligayahan ko bago si Howard. Ngayon na nga lang ulit ako sasaya matapos ang heartbreak ko. Bahala sila jan maghintay aayain ko nalang din si Kyle magdinner.
Tumigil yung sasakyan kaya napatingin ako kay Kyle. Nakangiti na ulit siya tinignan ko kung nasaan kami. Nandito kami sa dagat.
First time ko ang pumunta dito kasi hindi naman ako lumalabas nung bata ako hindi din kasi ako pinapayagan ni mom na lumabas labas baka daw may mangyare pang masama sakin.
Lumabas si Kyle at pinagbuksan niya ako ng pinto, napaka gentleman talaga ng taong to.
“Thank you” nakangiti kong sambit.
Lumabas ako at humawak kay sa kamay ni Kyle. Alam ko wala akong karapatan pero ngayon ko lang to mararanasan at gusto kong iparamdam sakanya na gusto ko siya kahit hindi pa kami.
“Dana, lagi ako dito pag stress ako at may malalim na problema” napatingin ako sa sinabi niya. Malalim ang tingin niya sa dagat habang hinahampas kami ng hangin. Nakaka relax naman talaga dito.
“Why? May problema ka ba?” Nagumpisa na kaming maglakad palapit sa buhangin.
“I want to know more of you Dana sana hayaan mo lang akong kilalanin ka”
Nakikita ang pagka sinseridad ni Kyle pero ang tanging nakikita ko sakanya ay malungkot. Ano kaya ang problema niya? Dahil ba to sakin?
“Hey, smile okay?”
Tumango siya at ngumiti. Ayaw kong nakikita siyang malungkot lalo na pag ako ang dahilan hindi ko hahayaan na malungkot siya sa sitwasyon ko. Alam ko makasarili kami dahil alam namin na ikakasal ako sa kaibigan niya pero pinili pa rin naman sundin ang tinitibok ng puso namin imbes na iwasan ko si Kyle para hindi lumalim ang feelings ko sakanya pero habang magkasama kami lalo itong lumalalim ng hindi ko namamalayan.
“I will always choose you Dana, Sana ako rin laging piliin mo” humarap siya sakin at hinalikan ako sa noo.
“I will always respect your decisions, i know ikakasal kana kay Howard and i hope sa papel lang”
So that is why he’s so sad. Nababahala siya pag dumating na yung time na ikakasal kami ni Howard. Hindi ko alam kung anong mangyayare sa mga susunod na araw pero i will choose you too. Lagi kitang pipiliin, i think I don’t like him anymore. I love him.
“Can you be mine now?”
Nabigla siya sa sinabi ko. Ako din nabigla ako sa lumabas sa bibig ko. Hindi niya inaasahan ang sinabi ko. Tinitigan niya ako sa mga mata ko.
“Dana, I don’t want you to rush things lalo na pag hindi ka sigurado”
“I’m not rushing things, but damn i really miss you” niyakap ko siya ng mahigpit at napaluha. Niyakap niya din ako.
“SANA ALL!!!!!”
Napabitaw ako ng biglang may lumapit saming mga bata. Medyo nahiya ako pero natawa nalang si Kyle. Ilang oras pa kami nagkwentuhan hanggang sa inabot na kami ng gabi.
“It’s already late, baka hinahanap kana”
Napatingin ako sa phone ko sh****t yung family dinner. Masyado akong nag enjoy sa deep talks namin. Masyado kasi nila pinupush yung kasal na yan
“Oo nga pala, let’s go” aya ko kay Kyle kaya namann sumakay na kami agad agad sa sasakyan. Nagstart na siyang magdrive mabagal lang ang pagmaneho niya para daw masulit namin ang gabi.
“I hope you enjoyed Dana” nakangiti niyang sambit.
“Syempre naman, it was nice talking to you after 3 months” natatawa kong sambit kaya napatawa siya.
Pagkarating namin sa company namin. Kiniss ko siya sa pisngi niya bago ako bumaba. Bago ako tuluyang umalis binaba niya yung bintana ng sasakyan niya.
“Take care okay?”
Tumango lang ako at ngumiti hinintay ko muna siya makaalis at dali dali akong sumakay sa sasakyan ko.
Hinablot ko yung phone ko sa bag ko at tinawagan si Howard.
Nag ring lang ng isang beses tsaka niya sinagot.
“Hey are you all still there?” Bungad ko sa tawag.
“Where have you been? I said 7pm not 9pm tsk” pagsusungit niya.
“Ano anjan paba kayo o hindi na para alam kong sumunod!” Inis kong sambit
“Yeah hurry up babe daddy is angry”
Napalunok ako sa huli niyang sinabi. Patay tayo jan galit daw si Dad. Kaya naman dali dali na akong nagmaneho papunta sa french restaurant na lagi naming pinupuntahan.
Ng makarating na ako ay bumungad sakin si Dad na nakabusangot kaya naman hinalikan ko siya sa pisngi.
“Where have you been? I told Howard to pick you up but he said wala ka dun?” Bungad sakin ni Dad well di ko sila masisisi ngayon dahil 2 hours akong late. Ang sarap kasi kausap ni Kyle feeling ko secure na secure ako pag kasama ko.
“I’m sorry dad, something came up urgent hindi ko na siya natawagan” nakangiting loko naman si Howard. Alam niya kaya niya na nagkita kami ni Kyle?
Ding!
Chineck ko yung phone ko at nanlaki ang mata ko.
[Reasons, i knew where you went]
Napailing nalang ako sa nabasa ko.
“We were talking about your marriage dear, and i suggest that Howard will announce that you’re his girlfriend” sambit nilg tatay ni Howard
Natigilan ako sa narinig ko “why? Kailangan paba yun?” Tanong ko pero nagkatinginan lang sila kaya napabuntong hininga nalang ako.
“Yeah, so that everyone will think that your relationship is not a contract”
Kung ano ano naiisip nila hays. Masasaktan ko nanaman si Kyle nito, kailangan kasi na ipakita namin sa public na kami na so hindi na kami pwedeng magkita ni Kyle sa labas.
Sasabihan ko nalang si Kyle mamaya pagkauwi.
“Honestly, i like the idea”
Nakangiting sambit ni Howard. Naglolokohan lang kami dito. Alam niya ang namamagitan samin ni Kyle pero todo suporta siya sa mga decisions ng magulang namin. Lalong naiinis ako sakanya.