DANA’S POV
Tatlong buwan na ang nakalipas pero hindi parin ako tinitigilan ni Kyle. Busy din si Howard sa kanilang business pero wala akong pakialam sakanya. Naibigay ko na din yung contract namin na walang expiration. I am now experiencing my private life in peace. Ayaw kong makasakit ng damdamin kahit gustong gusto ko si Kyle ayaw kong saktan siya dahil lang sa arrange marriage na yan.
Lagi akong inaaya ni Daryl sa bar niya pero sabi ko busy ako. Gusto kong paghigantian ang mga taong nanakit sakin pero hindi ako gagamit ng ibang tao para lang maghiganti. Ayaw kong mandamay pa ng ibang tao gusto ko lang ng peace of mind.
Papunta ako ngayon sa opisina ko, dahil kulit ng kulit si Dad na pasukin ko ang business world sa family business namin. Tatlong buwan na akong CEO dito at puri ng puri sakin si Dad dahil parang alam na alam ko na daw gagawin ko.
A corporation. Kami ang supplier ng mga bigating mall at iba pang businesses dito sa bansa. Nagiimport din kami ng mga produkto namin sa ibang bansa pero iilan palang ang binabagsakan namin.
Nakarating na ako sa opisina ko tambak ang trabaho ko ngayon ang daming aasikasuhin at ang daming pipirmahan. Isa ito sa ayaw kong gawin pero kailangan dahil utos yun ni Dad hanggat maaari ayaw ko siyang madis appoint.
“Erica what’s today’s schedule?” Tanong ko sa aking secretary, hands on siya sakanyang trabaho at masasabi ko sa tatlong buwan namin magkasama eh hindi siya pumapalpak sa lahat ng appointments namin.
“May meeting po tayo sa conference room around 10:00am para sa business proposal ng La perez Mall” pagpapaliwanag niya kaya nahinto ako.
Perez? I hope iba pagkakadinig ko. Hindi pa ako handang harapin si Kyle sana hindi siya ang pumunta dito. La perez Mall pagmamay ari ng mga perez at isa lang ang kilala kong perez na may mall dito sa bansa.
Sinilip ko ang oras may isang oras pa bago ang meeting. Nagumpisa na akong maglakad papunta sa office ko.
Nagabot si erica ng papel kaya tinignan ko yun pipirmahan nanaman.
“Kailangan po ng pirma niyo ma’am para sa mga supplies na kakailanganin sa ilalabas nating produkto sa susunod na linggo. Ito naman po para sa mga products na ready for release”
Papasok na kami sa office ko dahil busy kaming lahat dito wala dapat masayang na oras.
“Tatawagan nalang kita pag natapos ko ng pirmahan to. Kuhanan mo muna ako ng coffee bago tayo dumiretcho sa conference room ichecheck ko lang muna mga ready to release na products”
“Yes po” tumango lang ako at umupo na sa upuan ko at nagumpisa ng magcheck ng mga mails. Tambak ang trabaho kakacheck ko lang to kagabi madami agad.
“Princess don’t overwork yourself” hindi ko pala napansin pumasok si Dad sa office ko.
“Dad gusto ko kasi walang pumalya lalo na nalalapit na ang release ng bagong products natin” sambit ko ng hindi siya nililingon. Halos bahay ko na kasi tong office ko. Pumapasok ako ng maaga tapos umuuwi ako ng madaling araw. Kunti lang talaga ang tulog ko simula nung ako ang naging CEO dito.
“I know but you must enjoy yourself take a day off instead and go meet Howard” sa tatlong buwan na puro ako trabaho lagi niyang sinasabi na lumabas kami ni Howard pero ayaw ko sayang lang oras ko sakanya.
Nagvibrate ang aking phone kaya napatingin ako doon kaso hindi ko nalang pinansin nung nakita ko ang pangalan ni Kyle.
Nagtext din siya pagkatapos ng tawag kaya tinignan ko muna yun.
“Don’t do this Dana i really miss you please can we talk just 5minutes”
Hindi ko nalang pinansin yung text niya kaya nilapag ko na ulit ang phone ko at bumalik sa trabaho.
“Please princess? I don’t want you to get stressed just because i appoint you as the new CEO” pagpupumilit ni Dad kaya tinigil ko ang aking ginagawa.
“You arrange me to him don’t expect me to accept and love him just because you like him. Dad i get that we’re getting married in the future but that doesn’t mean i’ll go out with him he’s still a stranger to me don’t pressure me. So please excuse me i have a meeting in the conference room”
Kinuha ko ang aking bag at ibang mga papeles about sa meeting at lumabas na. Hindi na siya nagpumilit sana naman last na to na ipagpilitan niya. Nakiusap ako sakanila na i’m goods sa marriage but don’t expect too much in fact i don’t love him and know him in the first place.
Tinawagan ko si Erica.
“Erica forget the coffee let’s go to the conference room” bungad ko nung pagkasagot niya sa tawag ko
“Okay ma’am i’m on my way to conference room”
Pinatay ko na yung tawag at dirediretcho na sa conference room.
Pagkabukas ko ng pinto bumungad sakin si Kyle.
Sabi na eh hindi ako nagkamali si Kyle nga.
“Dana” niyakap niya ako “please Dana 5 minutes”
Wala na akong magagawa nagkita na kami of all people siya pa kameeting ko ngayon. Sumenyas ako sa ibang nasa conference room na lumabas muna sumunod naman sila agad at nagsilabasan.
Kumalas ako sa yakap “okay 5 minutes just please after this be professional we are here for your business proposal” Tumango naman siya kaya umupo muna kaming dalawa
“Dana i miss you so much i don’t know what to do and why are you ignoring me it’s been 3 months since that incident happened” pagpapaliwanag niya.
Iniiwasan ko talaga siya kasi ayaw kong mas lalo akong mahulog sakanya. I already liked him and i don’t want to go further. Ayokong dumating kami sa punto na mahal na mahal na namin ang isa’t isa dahil doon din naman ang punta.
“I’m sorry okay? It’s just that i don’t want you to get hurt you know how much i like you ayokong masaktan ka dahil lang sa business marriage” nagaalala kong sagot sakanya.
Kitang kita ko talaga sa mga mata niya na hinintay niya talaga ang pagkakataon na ito para makausap ako para maayos namin ang samin.
“I’m starting to love you Dana, everyday ikaw ang nasa isip ko hindi ako nakakapagfocus sa work” bumuntong hininga siya
“Tanggap ko ang mangyayare Dana please give us a chance” hinawakan niya ang kamay ko pero binitawan ko yun
“This is not right Kyle. I’m getting married to your f****ng friend ang yet you want us to give a chance?” Hindi makapaniwalang tugon ko
“I don’t f****ng care if he’s my friend. Ngayon lang ako nagmahal ng ganito kahit saglit lang tayo magkakilala at alam kong sa relasyon niyo there is no feelings involved”
Inaamin ko namiss ko siya kausap at makasama yung panandalian naming magkakilala. Hindi ko alam kung anong nangyare sakin bakit ako nagkaroon ng feelings sakanya ng ganun ganun nalang.
“Let me court you” umiling siya “I’ll court you”
Hindi ko alam pero dahan dahan akong tumango sa sinabi niya. I guess i’ll give him a chance alam kong mali ito pero may contract kami ni Howard at yun ang panghahawakan ko.
Niyakap niya ako ng mahigpit “Thank you Dana” hinalikan niya ako sa noo niya.
There’s no need for him to court me pero dahil yun ang gusto niya pagbibigyan ko siya this time. Well Dana it’s about time na ikaw din ang sumaya hindi ang mga nang api sayo.
“So we are good right?” Tanong niya pa.
“Of course Kyle so can we proceed to the meeting? Medyo gutom na ako eh” natatawa kong sambit. Ngumiti lang siya.
“I’ll treat you later after this” Pinapasok niya na ang mga naghihintay sa labas at nagumpisa na siya magpresent ng business proposal niya for our company.
Matapos niyang magpresent, okay naman ang presentation. Gusto nilang makipagdeal sa bagong irerelease namin na product. It’s only a suggestion pero dapat daw sila ang unang babagsakan ng products.
“So we are prioritizing mellinials as our main buyers for this products”
Magaling siyang magpresent ng business proposal nag focus siya sa trend nowadays. Alam niya din ang consequences kaya mas maayos ang layout ng product compared to other presentations.
“They will even more attracted when the look of the said product is aesthetic. You know nowadays millenials only attracted at color white, black and nude color. Just change the color instead of pastel colors let’s try nude colors” suggest ko kay Kyle kaya nalinawagan siya.
Napatango tango naman ang mga kasama namin dito.
“What a brilliant idea” sambit pa ni Kyle
“let's also try the white background in the photoshoot to match the color of the product. Instead of black let’s consider a light photoshoot this will attract mellinials” tumayo ako at kinuha ang sample layout ng product
“Send me the final layout later and i’ll promise to review it as soon as posible and oh by the way i like your idea and will sign the agreement once we finalize the layout meeting ajourned”
Nakipagshake hands ako kay Kyle. Nagsilabasan na din ang mga tao at tanging kaming dalawa nalang ni Kyle ang natira.
“Another job well done expert kana pagdating sa mga ganito ah” nginitian ko siya
“Kailangan eh dito talaga ako nagfocus eh kaya busy ako tara lunch na tayo gutom na talaga ako”
Kaya naman lumabas na kami at dumiretcho sa cafeteria dito sa office. Since wala na akong oras pag lalabas pa kami tambak parin ang trabaho ko.
“Anong gusto mo Dana?” Tanong niya sakin habang nagtitingin sa menu.
“Ikaw” nabigla ako sa sinabi ko kaya napatingin siya sakin ng nakakaloko. What? Sinabi ko yun.
“I mean pasta” tinakpan ko ang mukha ko ng menu. Jusko nakakahiya bakit kasi nasabi ko yun waahhhh!
“Silly” nakangisi niyang sambit at umorder na.
Sana lang talaga hindi panandalihang saya ang nararamdaman ko ngayon sana hindi dumating sa punto na magkakaroon ulit ako ng heartbreak na mas grabe pa sa past.
I think it’s about time na bigyan ko ang sarili ko ng happiness na matagal ko ng gustong maramdaman despite all the heartbreak that Anton and Sheena caused me.
I’ll take this risk for my happiness.