The mistress mess 7

1295 Words
CHAPTER 7 - "Anong ginawa niyo? Anong ginawa niyo ng asawa ko, Faye?" mahina pero klarong-klaro kong tanong dito Nanginginig ang mga kalamnan kong hinarap ito. "Tanya, mali ang iniisip mo!" maikling sagot nito. "Mali? Sa tingin mo ano ang iisipin ko, Faye? Magkasama kayo magdamag ni Mico tapos hindi ako mag-iisip ng posible niyong ginawa!" "Tanya, please! Hindi gan'on si Mico." "Oo.. Maaaring hindi gan'on si Mico--- pero ikaw? Ikaw Faye!" "Tanya, hindi ako masamang babae!" Napataas ako ng tingin sa sinabi nito. "Hindi masamang babae? Naririnig mo ba sinasabi mo? Faye, kung matino kang babae hindi ka sasama kay Mico---na alam mo na nandito ako na alam mo na nagsasama na kami na alam mo na mahal ko siya!" Hindi ko napigilan magbagsakan ang luha ko sa harap nito umiwas ako ng tingin muling binaling kay Mico na walang malay sa paghaharap namin ni Faye. "Wala kaming ginawa ni Mico! Maniwala ka man o hindi yon ang totoo." Paninindigan ni Faye pilit akong tumawa ng mahina tumungo sa damit niyang nakatupi sa sofa ng silid. "Lalake si Mico may pangangailangan at babae ka Faye sa tingin mo anong iisipin ko? Na magrorosaryo kayo magdamag? Sa tingin mo ano ang iisipin kong ginawa niyo?" "Tanya, enough magigising si Mico!" Muli kong pinasadahan ang damit nitong suot sinalubong ng nakakadiring tingin ang tingin nitong nakikiusap. "Magsama kayo!" Salitang iniwan ko kay Faye bago tuluyang tumalikod matapos tapunan ng nakakatawang tingin si Mico. FAYE POV Sinundan ko ng tingin si Tanya alam ko sa mga salitang binitiwan nito nasasaktan ko ito knowing Tanya siya ang taong mahirap paniwalain sa kahit na ano mang sasabihin ko napatingin ako kay Mico tama si Tanya. Sino ang matinong babae na sasama sa isang lalaking may isang babae nang nagmamahal dito n nagmamay-ari na ng iba at sino ang maniniwala na walang nangyari sa halos magdamag na magkasama kami. "Faye?!" si Mico bumangon ito lumapit akong nakangiti rito. "Gising ka na..." "Ang sakit ng ulo ko." Umupo ako paharap dito. "Hinintay lang kitang gumising para makauwi na ako." "Nag-almusal ka na ba? Ipapahanda kita." "Mico, I'm fine." "Are you okay, Faye?" "I'm sorry." "Sorry for what?" "Sorry kasi hinayaan kong may mangyari sa atin Mico." "Shhh! Faye ginusto ko 'yon and just like what I said pananagutan ko." "Pero si Tanya, si Tanya ang dapat mong panindigan Mico siya ang girlfriend mo siya ang babaeng nagmamahal sa iyo." Bumuntong-hininga ito. "And you're saying na 'di mo ako mahal?" "Mico..." "Faye, please! Say that you love me." Napatingin ako sa kamay kong hawak nito. "Mico, ayaw ko na may nasasaktan ng dahil sa akin." "Faye, I can let go Tanya--- kaya ko siyang bitiwan sabihin mo lang gagawin ko." Hinila ko ang kamay ko napatayo ako. "Mico, mali 'to..." "Faye, ano ang mali? Naramdaman ko kagabi that you still love me, Feya--- pinaramdam mo sa akin 'yon." "Mico, ayaw ko ng isang relasyon na may maiiwan na may masasaktan Mico hindi tayo magiging masaya dahil kung nagawa mo kay Tanya 'yon I'm pretty sure na kaya mo rin gawin sa akin yon." Tumayo ito hinawakan ako sa dalawang kamay ko. "Iba si Tanya, iba ka hindi ko magagawa sayo 'yon magtiwala ka." "Mico." "I still love you, Feya." Napapikit ako ng muling sinakop nito ang labi ko wala akong nagawa kundi tanggapin at gantihan ng buong puso ang bawat galaw ng nag-aanyayang halik ni Mico. "Say that you love me too. Please, Feya." "Mico." "Please." Napapikit ako sa pakiusap nito nagtama ang mga mata ko sa nangungusap na tingin nito. "I still love you." Buong tamis na ngumiti si Mico kasabay ang muling pagsiil ng halik nito sa labi ko. TANYA POV Kanina pa ako naglalakad at 'di ko alam kong bakit wala man lang akong nararamdamang pagod dinala ako ng paa ko sa Luneta pagkatapos i-park ang kotse ko sa may 'di kalayuan napaupo ako sa damuhan kong saan mula dito tanaw ko ang magkakaparehang nagmamahalan base sa kilos at galaw ng mga ito.  "Tanya..." Dahan-dahan akong napalingon sa boses sa likuran ko si Brian. "Binili kita pagkain paborito mo." Napatingin ako sa inaabot nito shawarma nakangiti kong tinanggap ito. "Are you okay?"  "How can I be okay?" "Tanya.." "Magsisinungaling ako pag sinabi kong okay lang ako. He hurt me, Brian." "I'm sorry!" "May choice siyang hindi ako saktan pero mas pinili niyang saktan ako, may choice siyang maging masaya kami pero mas pinili niya 'to--- mas pinili niyang saktan ako." Umupo ito sa tabi ko hinawakan balikat ko. "Tanya, nakakasama sa anak mo sa anak niyo." Napakagat-labi ako sa muling sakit na nararamdaman dahil sa nangyayari sa amin ni Mico dahil sa biglang pag-eeksena ni Faye sa buhay naming nagsisimula palang na magkasama. "Be strong..." "How can I be strong? Paano ako magigig malakas kung ang isa sa mga taong naging lakas ko nagtulak sa akin maging mahina. How can I be strong kung ang isang taong magiging lakas namin naging mahina sa tukso ng panloloko, Brian?" Niyakap ako nito sa balikat sinandal ang ulo ko sa balikat nito. "I'm here Tanya, tulad ng dati nandito lang ako kahit na kailanman hindi mo nakita ang halaga ko nandito lang ako." Napapikit ako sa sinabi nito kasabay ang pagbagsakan ng huling luhang kumuwala. Tama si Brian I never see his worth dahil mas pinili ko si Mico na naging bahagi ng buhay ko kesa sa taong kasama ko ngayon sa mga sandaling 'yon. "I always here for you, Tanya." "Kung pwedi lang sana, Brian! Kung pwedi lang sana diktahan ang puso kong sino ang pwedi nating mahalin hindi ko pipiliin ng paulit-ulit si Mico, but we can't kasi pag mahal natin mahal natin kahit masaktan pa tayo ng paulit-ulit mamahalin pa rin natin." Naramdaman ko ang pinong halik nito sa nuo ko. "I won't leave you, tama ka maaaring hindi natin mapipili kung sino yong mamahalin natin but I believe, Tanya na matuturuan ang puso kong sino ang worth it mahalin nito but sometimes nagiging bulag tayo sa idea ng inlove, Tanya--- na nagiging bingi tayo sa tunay na tinitibok ng puso natin." Kumuwala ako sa pagkakayakap nito. "Buntis ako at kailangan ng ama ng dinadala ko, Brian! I'm dreaming to have a complete family eversince at gusto ko matupad ang pangarap na 'yon---gusto ko." Muli akong niyakap nito ng mahigpit. "I can give the complete family that you deserve, Tanya. Hindi si Mico ang makakapagbigay n'on sayo sasaktan ka lang niya maniwala ka sa akin." Muli akong kumuwala tumayo ako. "Tanya...% "Brian, tapos na tayo mali 'to masasaktan ko si Mico pag nalaman niyang nakikipagkita pa rin ako sa iyo." tumayo rin ito. "And what?! Siya lang ang may karapatan makipagkita sa ibang babae niya?" "Hindi niya babae si Faye kaibigan niya lang si Faye ako lang nag-iisip ng mali tungkol sa kanila." "Tanya, tama na! Tigilan mo na paniwalain ang sarili mong santo si Mico." Hindi ako nakaimik sa mga sinabi nito. "I have to go baka hinahanap na ako ni Mico." "Tanya, please." Pikit-mata kong tinanggal ang kamay nito sa balikat ko. "Tanya, sasaktan ka lang niya." Napahinto ako sa huling sinabi nito. Muli kong hinarap si Brian nakangiti. "Bahagi ng love 'yon noong tinanggap ko siya sa buhay ko pinangako ko sa sarili ko na ang lahat ng sakit at hirap na mararamdaman ko na siya ang dahilan buong-puso kong tatanggapin Brian na hindi darating ang araw na isusumbat ko sa kanya na nasasaktan na ako. Tinanggap ko siya ng buo at hindi kailanman mababawasan 'yon dahil naniniwala ako na muling babalik sa akin ang Mico na nakilala ko na minahal ko." Muli akong ngumiti sa kanya matapos muling tumalikod mula dito napahinto ako sa lalaking nakatayo sa may 'di kalayuan walang iba kundi si Mico.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD